Share

Chapter 10

Napangiwi ako nang imulat ko ang mga mata ko. Nagising kasi ako nang naramdaman ko na may matigas na brasong nakayapos sa akin, tapos ay nakaramdam din ako ng mainit na hangin na bumubuga sa may bandang leeg ko.

Napasinghap ako nang makita si Dmitri na nakayakap sa akin, sa sobrang lapit nga ng mukha niya ay amoy na amoy ko ang hininga niya habang mahimbing pa rin na natutulog.

Teka, bakit ang bango pa rin ng hininga niya? It smells like mint. Ang unfair naman ng mundo. Mabuti na lang at nauna akong magising sa kanya, kung nagkataon na nauna siya ay baka maamoy niya na bad breath ako.

Napangiwi ako sa kung ano ang naiisip ko. Bakit ko pa pinoproblema iyon? Hindi ba dapat ay isipin ko kung paano ako makakawala sa yakap niya na hindi siya nagigising?

Huminga ako ng malalim tapos ay marahan kong inalis ang braso niya sa akin. Natigilan pa nga ako nang bahagya siyang gumalaw. Ang akala ko ay magigising siya pero mabuti na lang at hindi n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status