Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago tumambay sa sala nila para makapagkuwentuhan muna. Ang dami nga naming napag-usapan. Sobrang dami kong nalaman tungkol sa kanila.
Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ko ang mainit nilang pagtanggap sa akin bilang kaibigan ng mga anak nila. Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses kong sinabi pero sobrang suwerte nina Drake at Dmitri at sila ang pamilyang nakapili sa kanila.
Pagkatapos naman ng ilang minutong pakikipagkuwentuhan kasama sila ay nagpasya sila na magpahinga na dahil maaga pa raw silang aalis bukas. Kaya naman iniwan na nila kami ni Dmitri sa sala.
“Do you want to see my room?” nakangiting tanong ni Dim sa akin matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Okay lang ba?” tanong ko naman kaya mabilis siyang tumango.
“Of course, Ali,” nakangiti pa rin na sagot niya. “Let’s go,” anyaya pa niya at tumayo na mula sa sofa.
Hindi naman ako nagdalawang isip na tumayo na rin at sundan siya sa paglalakad. Medyo nalula pa nga ako nang nasa hagdan na kami, masyado kasing mataas ito.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng isang malaking pinto. Binuksan niya iyon at agad ulit akong namangha nang makita ang loob ng silid.
“Grabe, ang laki ng kuwarto mo! Eh, parang iyong buong convention hall na sa bahay ampunan,” hindi pa rin makapaniwalang saad ko.
Napangiti pa ako nang makita kung ano ang nasa bedside table niya. Iyon ang picture naming tatlo nina Drake noong birthday ko. Iyon ang kauna unahang picture na kuha mula sa cellphone na regalo nila sa akin. Naalala ko na pinapasa nga pala niya iyon sa akin bago sila umalis no’ng araw na iyon.
“Dito sa veranda, maganda ang view kapag gabi,” saad niya tapos ay agad na naglakad papunta sa isang sliding door.
Binuksan niya iyon kaya sumunod ulit ako sa kanya. Napangiti ako nang makita na matatanaw mula doon ang malaki at malawak nilang swimming pool.
Bukod pa ro’n ay kita rin ang labas, tanaw ang ilang bahay sa subdivision nila at ang maraming ilaw sa daan. Para ring mas naging malapit kami sa langit kasi parang mas tanaw ang maraming bituin sa kalangitan.
“Hindi ba’t matatapos na kayo sa apat na taong kurso ngayong taon?” tanong ko habang pareho kaming nakaduwang sa railings ng balkonahe.
“Oo,” sagot naman niya.
“Mabuti pa kayo,” saad ko ulit. “Ako kasi dalawang taon pa,” dagdag ko pa.
“Mabilis lang naman ang panahon. Atsaka i-enjoy mo lang. Darating ang araw na trabaho naman ang iisipin mo. Iyon ang totoong buhay, hindi ang pag-aaral,” sagot naman niya kaya bahagya akong tumango.
Totoo naman ang sinabi niya. Hindi natatapos ang buhay sa pagtatapos sa pag-aaral. Pagkatapos kasi no’n ay kailangan pang humanap ng trabaho para mabuhay. At doon pa lang nagsisimula ang totoong buhay ng isang tao.
Kapag kasi dumating ang oras na iyon, kahit na gaano natin maisip at maramdaman ang pagod ay alam natin na kailangan nating magpatuloy.
“Malapit lang din pala ang bahay niyo sa university na pinapasukan ko. Sa tingin mo okay lang ba na pasyalan ko kayo rito minsan o ang mga magulang mo kahit na wala kayo?” tanong ko pa.
“Oo naman,” sagot ulit niya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mom? Welcome ka rito kahit na anong oras,” dagdag pa niya.
Napalingon naman ako sa kanya at napansin ko na nakatitig pala siya sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin.
“Thank you, Dim,” saad ko.
“Para saan?” tanong naman niya.
“Thank you kasi sinama mo ako rito. Alam mo ba, sobrang saya ko na makilala ang dalawang tao na nagbigay sa inyo ng isang buong pamilya. Tapos ang sarap sa feeling na makasama at makasabay silang kumain. Pakiramdam ko may buong pamilya rin ako,” mahabang sagot ko naman.
“Eh, kung dito ka na muna kaya pansamantala?” tanong niya na siyang ikinagulat ko.
“Ha? Bakit naman?” tanong ko.
“Kasi malayo ang bahay ampunan sa university. Hindi ba nasa forty to fifty minutes ang biyahe pauwi? Sobrang delikado kapag alas diez ka umuuwi galing sa trabaho,” sagot naman niya.
Kung tutuusin ay may punto siya. Nahihiya na nga rin ako kay Mother Myrna na laging napupuyat kahihintay sa akin kapag pauwi na ako. Hindi naman kasi nila puwedeng ikandado ang gate ng ampunan na wala pa ako ro’n.
Ayaw ko nang maging abala pa sa kanya lalo na’t may edad na rin siya. Ayaw ko rin naman na maging abala kina Drake at Dmitri, lalo na sa mga magulang nila.
Sa totoo lang ay naisip ko na kumuha na lang ng maliit na apartment malapit sa university, siya rin naman na halos katapat lang din ng university ang coffee shop na pinagtatrabauhan ko.
Kapag nangyari iyon ay sa tingin ko ko ay mas makakatipid ako ng konti at hindi pa ako makakaramdam ng araw araw na pagod mula sa biyahe. May kamahalan ang pamasahe mula sa ampunan papunta sa university, kung pagsasama samahin ay puwede nang pambayad sa isang maliit lang na apartment. Sobra pa nga sa tantiya ko.
“Hindi na, Dim. Sobrang abala na iyon sa inyo. Okay na ako na nakakapasyal ako rito paminsan minsan. Atsaka nakausap ko na rin naman si Nanay na hahanap ako ng isang maliit na apartment,” sagot ko naman.
“Pumayag ba siya?” tanong niya.
“Noong una ay hindi, lalo na’t nag-aalala siya. Pero sinabi ko naman sa kanya na siya ang nagpalaki sa akin kaya sanay ako sa mga gawaing bahay. Medyo matagal nga bago ko siya napilit. Naisip din niya na siguro ay okas din iyon lalo na’t minsan alas dose na ako nakakauwi. Delikado raw para sa akin. Nahihiya na rin kasi ako sa kanya, kasi nga lagi rin siyang napupuyat dahil sa akin,” mahabang pahayag ko naman.
“Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko sanang dito ka na lang para mabantayan ka namin ni Drake. Pero ayaw ko namang pilitin ka sa isang bagay na ayaw mo. Basta kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami para sa ’yo,” sagot naman niya kaya napangiti ako.
“Alam ko naman iyon, Dim. Kaya sobrang thankful ako kasi naging kaibigan ko kayo. Salamat din kasi kahit nagkaroon na kayo ng pamilya at maraming bagong kaibigan ay hindi niyo pa rin ako nakalimutan,” medyo may halong pagka-emosyonal na saad ko naman.
“Bakit mo naman nasabi ’yan?” nakakunot ang noong tanong niya kaya nagkibit na lang ako ng balikat.
“Ilang kaibigan ba ang mayroon tayo sa ampunan noon? Ni isa ba sa kanila may pumasyal pa sa atin noong inampon na sila?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya.
“Iba sila at iba kami ni Drake, Ali,” sagot niya kaya ngumiti ako at marahang tumango.
“Alam ko, kaya nga nagpapasalamat ako sa inyo,” saad ko naman.
Napatingin ako sa screen ng cellphone ko at napansin ko na alas diez na pala ng gabi. Napahaba ang kuwentuhan namin at hindi ko namalayan ang oras.
“Dim, kailangan ko nang umuwi. Maaga pa kasi ang pasok ko bukas,” saad ko.
“Tara, ihahatid na kita,” saad naman niya.
Nagsimula na siyang maglakad palabas ng silid niya, gano’n din naman ang ginawa ko. Ganito na ang naging routine ko simula noong magtrabaho ako. Matatapos ang shift ko ng alas diez, tapos ay mga 10:30 na ako makakaalis sa shop dahil kailangan pang linisin ang mga pinagkalatan.
Mga 11:30 naman na ng gabi ako makakauwi sa ampunan, depende pa iyon kung may bus akong masasakyan agad. Minsan ay alas dose na ako nakakauwi, pagkatapos ay gigising ako ng alas tres o alas kuwatro ng madaling araw para gumayak kasi alas seis ng umaga ang pasok ko sa unibersidad.
Bago kami bumaba ni Dim ay sumilip muna kami sa kuwarto ng mga magulang niya para sana makapagpaalam. Pero napansin namin na masarap na ang tulog nila kaya naman nagpasya kami na hayaan na lang sila.
“Saan po tayo, sir?” tanong nung isang driver nila pagkalabas namin ng bahay.
“Ako na maghahatid sa kanya, Kuya. Magpahinga ka na. Maaga pa kayo ni Dad bukas,” nakangiting sagot naman ni Dim.
“Pero, sir…”
“Okay lang talaga, Kuya,” pamimilit ni Dim.
Sa huli ay ngumiti na lang ang driver at tumango. Siguro ay dahil alam niya na wala na rin naman siyang magagawa. Nang makasakay na kami sa sasakyan ay agad iyong pinaandar ni Dmitri.
Binuksan naman ng guard ang malaki nilang gate. At habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. Hindi ko pa rin kasi maiwasang isipin, paano kaya kung may isang magandang loob na pamilya na inampon din ako? Ano kaya ang feeling?
Hindi ko talaga alam. At sa tingin ko ay hindi ko na malalaman ang sagot kasi imposible na na ampunin ako dahil sa edad ko.
“May problema ba?” tanong ni Dmitri sa akin, nilingon ko naman siya at binigyan ng isang tipid na ngiti.
“Wala, medyo inaantok lang,” ang pagsisinungaling ko.
Kahit pa na matalik ko silang kaibigan ay hindi ko gusting sabihin sa kanila ang ganitong mga bagay na naiisip ko. Alam ko kasi na maaawa at mag-aalala lang sila sa akin, at ayaw ko iyong mangyari.
“Matulog ka na muna, gigisingin na lang kita kapag nasa bahay ampunan na tayo,” saad naman niya.
Hindi na ako sumagot. Tahimik na lang ako na tumingin sa labas ng bintana habang nakasandal ang likod ng ulo sa upuan ng sasakyan. Ilang sandali lang ay napalingon ako kay Dmitri na tahimik pa ring nagmamaneho.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ang guwapo niyang mukha. Kung tutuusin ay magkamukhang magkamukha lang naman sila ni Drake, halos wala ngang pagkakaiba maliban sa isang maliit na nunal sa kaliwang parte ng labi ni Drake. Bukod doon, marami pa rin ang nalilito kung sino ang si Drake at Dmitri sa kanilang dalawa.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit may dating si Dmitri para sa akin na hindi ko makita kay Drake. Madalas din ay napapakaba niya ako, lalo na kapag sobrang lapit niya sa akin.
Tapos kapag ang ideya na may girlfriend na si Drake ay naglaro sa isip ko ay okay lang naman sa akin, nae-excite pa nga ako para sa kanya. Pero noong makita ko si Dim na may kasamang ibang babae, hindi ko alam pero bahagyang may kirot sa puso ko.
May gusto na ba ako kay Dmitri? Hindi ko alam…
Mabilis na lumipas ang oras, oras na naging araw, araw na naging linggo, linggo na naging buwan at buwan na naging taon. Right now, I’m already on my fourth year college. Two years ago, iyong gabi na hinatid ako ni Dmitri pauwi sa bahay ampunan ay naramdaman ko na parang nahuhulog na ako sa kanya. At hindi nga ako nagkamali. Nangyari iyon. Lalo na’t simula noong nakakuha na ako ng sarili kong maliit na apartment ay madalas ko na ulit silang makasama ni Drake. Halos araw araw nga kung pasyalan nila ako sa coffee shop. Araw araw din na tumatambay silang dalawa sa apartment ko. Pinilit ko namang iwasan, pero ang hirap pala na pigilan ang sariling nararamdaman. Hindi ko alam at hindi ko na rin matandaan kung saan nagsimula. Basta ang alam ko lang ay may gusto ako sa kanya. May mga nanliligaw naman sa akin, sinusubukan ko rin na bigyan sila ng chance para lang maibaling sa iba ang atensiyon ko. At hindi ko maintindihan kung bakit si Dim pa rin ang naaala
Kinuha ko ang isang baso na may lamang alak na nasa harap ko tapos ay agad ko iyong ininom. Medyo napangiwi pa ako nang maramdaman ang pait ng beer. Hindi talaga ako mahilig uminom, madalas nga kapag lumalabas kami nina Ate Gigi at Roy ay hinahayaan ko lang silang dalawa na maglasing. Pero pagkatapos ng mga nangyari kanina, pagkatapos ng mga narinig kong sinabi nina Drake at Dmitri, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto kong maglasing ngayon. “Girl, hindi ka mauubusan ng alak. Relax!” natatawang saad ni Ate. Kalalabas lang namin halos mula sa shop, pagkatapos namin iyong maisara ay dumiretso kami rito sa Dreamers, ang isa sa pinakakilalang night club sa lugar. “Ano ba ang nangyari? Mukhang ang bigat ng problema mo, ah?” tanong naman ni Roy, mabilis akong umiling dahil doon. “Wala, ’no! Hindi ba’t kayo naman ang nag-aayang uminom ngayon? So ano ang problema? Kapag hindi ako umiinom pinipilit niyo ako, kapag umiinom na
Napangiwi ako nang maramdaman ang pait ng whiskey na gumuhit sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung gaano na karami ang naiinom kong alak ngayon, pero hindi na bale. “Uhm, excuse me, please. Kailangan kong magpunta sa washroom,” mababa ang boses na saad ko kay Drake. Hindi naman puwede na kay Dim pa ako makidaan dahil magkatabi sila ni Love. Dalawa pa silang tatayo kung sakali. Kaya kay Drake na ako nagsabi kasi siya naman ang nasa kabilang dulo. “Sasamahan na kita,” saad ni Drake at tumayo na. Hinayaan ko naman siya na sundan ako nang naglalakad na ako papunta sa washroom. “Dito na lang kita hihintayin,” mababa ang boses na saad ni Drake bago ako makapasok sa banyo, nagkibit naman ako ng balikat at hinayaan ko na lang siya. Pagkapasok ay ginagawa ko na agad ang kailangan kong gawin, tapos ay naghugas ako ng kamay sa lababo at bahagya na ring naghilamos ng mukha para kahit na papaano ay mahimasmasan ako. Nang medyo makaramd
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nanatili ni Dmitri sa gano’ng posisyon. Pero pagkatapos ng ilang sandali ay siya na rin mismo ang kumawala sa yakap at ngumiti pa siya sa akin. “Pasensiya ka na, Ali…” mababa ang boses na saad pa niya kaya mabilis akong umiling. “Hindi, Dim. Okay lang. Nag-aalala ako sa ’yo,” sagot ko naman. Tipid siyang ngumiti bago naglakad papunta sa papag, tapos ay umupo siya roon. Marahan pa niyang tinapik ang puwesto sa tabi niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya at umupo rin sa tabi niya. “I wasn’t hurt, Ali. I was disappointed,” marahang saad niya. “Hindi ako naniniwala na hindi ka nasaktan, Dim. Kahit na hindi mo aminin ay alam kong nasaktan at nasasaktan ka pa rin,” sagot ko naman kaya mahina siyang natawa. “Pagod na akong mag-isip,” seryosong sagot naman niya pagkatapos. “After more than two years, I tried to court her again hoping that I’ll be able to
Napangiwi ako nang imulat ko ang mga mata ko. Nagising kasi ako nang naramdaman ko na may matigas na brasong nakayapos sa akin, tapos ay nakaramdam din ako ng mainit na hangin na bumubuga sa may bandang leeg ko. Napasinghap ako nang makita si Dmitri na nakayakap sa akin, sa sobrang lapit nga ng mukha niya ay amoy na amoy ko ang hininga niya habang mahimbing pa rin na natutulog. Teka, bakit ang bango pa rin ng hininga niya? It smells like mint. Ang unfair naman ng mundo. Mabuti na lang at nauna akong magising sa kanya, kung nagkataon na nauna siya ay baka maamoy niya na bad breath ako. Napangiwi ako sa kung ano ang naiisip ko. Bakit ko pa pinoproblema iyon? Hindi ba dapat ay isipin ko kung paano ako makakawala sa yakap niya na hindi siya nagigising? Huminga ako ng malalim tapos ay marahan kong inalis ang braso niya sa akin. Natigilan pa nga ako nang bahagya siyang gumalaw. Ang akala ko ay magigising siya pero mabuti na lang at hindi n
“Ang akala ko ay nakalimutan niyo na ako,” ma-dramang saad ni Nanay habang kaharap kaming tatlo nina Dmitri at Drake. Magkakasama kasi kaming pumasyal ngayon sa bahay ampunan. Nagpasya ring bumili ang kambal ng tatlong malalaking bilao ng pancit, mga tinapay at softdrinks para sa mga bata. “Puwede po ba iyon?” malambing na sagot ni Drake at yumakap pa kay Nanay, napangiti naman ako kasi ang lambing niya. “Naku, ang pinakaloko-lokong bata naglalambing na ngayon,” natatawang saad naman ni Nanay Myrna. “Ano, hindi ka ba pinipingot ng mga magulang mo lalo na kapag naliligo ka sa ulan?” tanong pa niya kaya natawa kaming lahat. “Nay, matanda na po ako,” natatawang sagot din naman ni Drake. “Puro ka kalokohan noong nandito ka pa. Ito namang kapatid mo pinagtatakpan ka lagi. Kayong dalawa ang sakit sa ulo ko noon,” bulalas pa ni nanay kaya malakas akong natawa. “Silang dalawa din po iyong mahilig tumakas kapag tangh
Days turned real fast. Sa awa ng Diyos, sa wakas ay nakapagtapos na ako sa kolehiyo. Hindi rin natuloy ang kambal sa Palawan at nagpasya sila na ipagpaliban na muna iyon, na siya ring nakakatuwa kasi kung sakaling natuloy sila ay hindi sila makakadalo sa graduation ko. Last month, pumayag ako na maging girlfriend na ni Drake. Hindi ko alam kung ano at paano nangyari. Basta ang alam ko lang ay nagseselos ako nang makita si Dmitri na may kasamang babae, hindi iyon si Love, pero isinama niya sa night out na dapat ay para sa aming tatlo lang. Kaya sa harap nila mismo, sinabi ko na sinasagot ko na si Drake. Halata ang gulat sa kanilang lahat nang sabihin ko iyon, pero hindi ko na magawang bawiin pa. “Ano ang plano mo niyan?” tanong ni Drake sa akin. Kasalukuyan kaming nasa rooftop sa harap mismo ng apartment ko. Kasama rin namin si Dmitri at ang bago nitong girlfriend. Napansin ko na simula nung gabing sinagot ko si Drake ay halos paiba i
Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami ni Dmitri. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Ramdam ko na parang naiinis siya sa akin, suguro ay dahil ayaw kong magpahatid sa kanya. Naiintindihan ko naman kung galit siya. Lalo na’t kaibigan niya ako. Marahil ang iniisip niya ay magiging kargo niya ako kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa akin. Gusto kong mag-sorry sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit napakabigat bitawan ng salitang ‘sorry’. Nahihiya ako. Hanggang sa makarating na kami sa apartment ko ay tahimik pa rin kami. Nang bumaba ako sa sasakyan ay gano’n din ang ginawa niya. Kumunot pa nga ang noo ko nang mapansin na hanggang paakyat sa hagdan ay nakasunod pa rin siya sa akin. “Okay na ako rito, Dim. Balikan mo na ang girlfriend mo,” mahinang saad ko. “Salamat ulit sa paghatid,” dagdag ko pa. “I already told you that she’s not my girlfriend, Alison,” madiing saad niya.