Flashback…
Napabuntong hininga ako bago bumaling ng tingin sa mga bata na masayang naglalaro sa playground ng bahay ampunan kung saan ako kasalukuyang nakatira.
Naka-upo ako sa isang swing at tahimik na nag-iisip. Ang bahay ampunan ay ang kinalakihan kong tahanan, si Mother Myrna na at ang iba pang mga madre na ang tumayong magulang sa akin, sa amin…
Today is my 18th birthday but why do I feel like I am not happy? Pakiramdam ko ay hindi ako buo. Pakiramdam ko ay may kulang. Mapait naman akong napangiti nang mapagtanto na ang kulang na tinutukoy ko ay ang dalawang matalik kong kaibigan.
Sina Drake at Dmitri.
Kasama ko sila dito noon. Silang dalawa ang lagi kong kalaro at kasama. Noong twelve years old sila ay masuwerte silang napili ng mayamang mag-asawa para ampunin. Naging masaya ako para sa kanila, iyon ang totoo. Pero may parte sa akin ang nalulungkot dahil nga alam ko na sa pag-alis nila rito, ay magbabago na ang lahat.
At hindi nga ako nagkamali. Kahit pa nangako sila na lagi nila akong pupuntahan at papasyalan ay iba pa rin iyong alam ko na kasama ko sila sa isang lugar lang.
Kahit nga si Mother Myrna ay nahalata kong nalungkot siya dahil sa nangyari. Pero ayaw naman niyang ipagkait sa dalawa na mabigyan ang mga ito ng matatawag nilang pamilya. Dahil sa edad namin, ang akala ko ay wala nang aampon sa aming tatlo.
Madalas kasi ay mga baby, o kung hindi kaya ay bata pa ang hinahanap ng mga gustong mag-ampon dito. Kaya sadyang masuwerte talaga ang dalawa kong kaibigan.
Totoo naman ang sinabi nila na papasyalan nila ako, iyon nga lang ay hindi iyon kasing dalas ng inasahan ko. Pero hindi ko naman sila masisisi kasi alam ko na may sarili na silang buhay. Alam ko rin na may mga bago na silang kaibigan. Kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hindi na sa akin iikot ang mundo nila.
Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak mula sa kaliwang mata ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal na naman ako. Siguro ay hindi lang talaga para sa akin ang salitang pamilya. Sa totoo lang noong in-ampon na sina Drake at Dmitri, nagkaroon ako ng pag-asa na may mabuting pamilya rin ang aampon sa akin. Pero hindi naman nangyari.
I’ve waited for years, but up until today, nothing happened. Dalawang taon na lang din at matatapos na ako sa kolehiyo. Nakakahiya nga kay Mother Myrna kasi siya na rin ang tumutulong sa akin sa pag-aaral ko. Pero ngayong nasa tamang edad na ako ay balak ko na ring humanap ng part time job. Hindi ko alam kung paano masusuklian ang lahat ng kabutihan na ginawa niya para sa akin.
“Happy birthday to you, happy birthday to you…”
Nagulat ako at mabilis na napalingon sa likod ko nang marinig ang boses ng dalawang matalik kong kaibigan na kumakanta. Nalaglag pa ang panga ko nang makita silang dalawa na may buhat na tig-isang cake.
Kasama nila si Mother Myrna at ang iba pang madre, maging ang iba sa mga bata na nakatira sa bahay ampunan ay nasa likod nila at kumakanta rin kasabay nila.
Gamit ang magkabilang kamay ko ay tinakpan ko ang bibig ko, kasabay no’n ay ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko. Ang akala ko ay nakalimutan nila. Ang akala ko ay hindi nila ako pupuntahan.
Nang matapos ang kanta ay sabay silang naglakad palapit sa akin habang buhat pa rin ang mga cake.
“Make a wish, crybaby,” may halong pang-aasar na saad ni Drake kaya natawa naman si Dmitri.
Kahit pa umiiyak ay marahan kong ipinikit ang mga mata ko, tapos ay humiling ako sa isip ko.
Sana ay makapag-celebrate pa ako ng maraming birthday na kasama silang dalawa…
Nang matapos ay agad kong iminulat ang mga mata ko at hinipan ang mga kandila na nasa cakes. Pumalakpak naman ang lahat dahil doon. Pakiramdam ko ay wala nang paglalagyan ang saya na nararamdaman ko ngayon.
Alam ko na masyado na akong mababaw pakinggan, pero kahit pa walang magarbong handaan, kahit wala ring cake, basta kasama ko sina Drake at Dmitri ay okay na okay na ako.
Mayamaya lang ay ibinaba na nina Drake at Dmitri ang hawak nilang cake sa pinakamalapit na mesa, ang ibang staffs naman ng bahay ampunan ay inilagay na rin doon ang ilang bilao ng pancit at softdrinks.
Hindi ko na napigilan na lumapit ulit sa dalawa kong kaibigan at sabay ko silang niyakap, kasabay no’n ay ang pagbuhos ng mga luha ko.
“Akala ko kinalimutan niyo na ako,” ang umiiyak na saad ko kaya sabay silang natawa.
“Puwede ba naman iyon? Eh, ikaw kaya ang prinsesa namin,” ang malambing naman na sagot ni Drake.
Humiwalay ako sa pagkakayakap at bahagyang tumingala para mas matignan ko ang guwapo nilang mukha.
“Dalawang linggo na kasi buhat noong pasyalan niyo ako. Eh dati tuwing sabado nandito kayo. Tapos hindi pa kayo nagte-text, ni hindi niyo nga ako nire-reply-an,” ang pagsusumbong ko pa.
Medyo nagulat ako nang ipatong ni Dmitri ang kanang kamay niya sa ulo ko tapos ay marahang ginulo ang buhok ko.
“Sorry na,” saad niya. “Hindi ka namin t-in-ext kasi baka hindi namin mapigilan at masabi namin agad sa ‘yo itong surprise,” dagdag pa niya kaya napangiti ako.
“Kumain na muna tayo,” malawak ang ngiting saad naman ni Mother Myrna.
“Unahin niyo na po ang mga bata, Nay. Medyo busog pa naman po ako,” ang nakangiti at masayang sagot ko.
“Sige, basta kumain kayo mamaya, ha?” pagpapaalala niya kaya agad akong tumango.
“Opo, Nay,” sagot ko ulit.
“May gift kami sa ‘yo, Alison,” ang masayang saad naman ni Drake. “Let’s go!” dagdag pa niya at agad akong hinila palayo sa mga tao.
Napatingin naman ako kay Dmitri ay napansin ko ang tingin niya sa kamay ni Drake na nakahawak sa akin, pero agad siyang nag-angat ng tingin at ngumiti tapos ay sumunod na rin sa amin.
Sabay sabay kaming naglakad palabas ng bahay ampunan, tapos ay dumiretso kami sa sasakyan nila.
“Wow, sa inyo ang sasakyan na ito?” namamanghang tanong ko.
“Oo, regalo ni Dad. Sa ngayon sa aming dalawa ito ni Dmitri, pero pagka-graduate daw namin sa college at tinulungan siya sa business, ibibili na kami ng tig-isa,” sagot naman ni Drake.
“Grabe, big time na talaga kayo,” nakangiting sagot ko naman.
Aaminin ko na may konting selos sa akin noong inampon na sila. Hindi dahil alam ko na hindi na sila mahihirapan sa buhay, kung hindi dahil gusto ko ring magkapamilya. Sabi ko nga noon, kung may aampon man sa akin ay okay lang kahit na mahirap lang din. Basta ba ituring nila ako na parang parte talaga ng pamilya ay okay na.
Ang sarap siguro sa feeling na may natatawag akong Mama at Papa.
Binuksan ni Drake ang pinto ng sasakyan tapos ay may hinila siya na isang paper bag doon. Nakangiti pa niyang inabot iyon sa akin pagkatapos. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang smartphone.
“Uy, masyadong mahal ‘yan. Sorry pero hindi ko matatanggap,” ang nahihiyang saad ko.
“Grabe naman, pinag-ipunan pa namin ni Dmitri ito galing sa allowance namin tapos tatanggihan mo lang?” tanong naman ni Drake. “Sige na, tanggapin mo na. Para na rin hindi ka nagta-tiyaga sa cellphone mo na ang hirap pindutin ng mga keypad. Galing pa ata ni Mother Myrna ‘yan sa Lola niya, eh,” dagdag pa niya kaya napangiwi ako.
“Grabe ka rin makalait, ano? Mas matibay naman ito kesa diyan. Isang bagsak lang niyan sira na agad. Eh, itong cellphone ko nagawa ko nang ipambato sa piko pero gumagana pa rin,” sagot ko kaya sabay silang natawa ni Dmitri.
“Tanggapin mo na,” nakangiting saad naman ni Dmitri. “Tapos i-d******d natin iyong app na puwede tayong mag-video call. Ayaw mo no’n? Hindi na lang basta tawag kapag nami-miss mo kami. Makikita mo na rin kami,” dagdag pa niya.
Para namang nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Kaya kahit pa nag-aalangan ay mabilis kong hinila kay Drake ang paper bag.
“Basta huwag mong ibibigay sa mga classmate mong lalaki ang number mo, ah? Huwag ka ring papayag na mag-video call kasama sila,” saad naman ni Drake kaya mabilis akong tumango.
“Oo!” masayang sagot ko. “Kayo lang ni Dim ang ivi-video call ko,” dagdag ko pa.
Nanatili pa kami ng ilang minuto sa labas ng sasakyan nila. Tinulungan nila ako na buksan ang phone, i-set up ito at mag-d******d ng mga apps. Mabuti na nga lang at may wifi naman sa bahay ampunan. Pagkatapos naman ay pumasok na kami ulit sa loob at dumiretso sa playground kung nasaan si Mother Myrna.
“Anak, pasensiya ka na kung hindi magarbo ang selebrasyon ng kaarawan mo, ha? Hindi rin naman kasi sapat ang ipon ko. Kung ako ang papipiliin, gusto ko sanang maranasan mo iyong isasayaw ka ng mga kaibigan mong lalaki,” pabulong na saad ni Mother Myrna nang lapitan ako.
“Nay, wala po iyon. Masaya na po ako na kasama ko kayo, atsaka sina Drake at Dmitri. Hindi naman po kailangan na may handaan pa,” nakangiting sagot ko naman. Tapos ay masaya kong ipinakita sa kanya ang bago kong cellphone. “Regalo po nina Drake at Dmitri sa akin, Nay! Ang ganda po, ano?” ang masayang saad ko pa.
“Naku, hindi ba mahal ‘yan? Baka wala na kayong pera?” may halong pag-aalala na saad naman ni Mother Myrna.
“Hindi naman po, Nay. Pinag-ipunan po talaga namin ni Drake ‘yan,” nakangiting sagot naman ni Dmitri.
“Nay, puwede niyo po ba kaming picture-an tatlo?” nakangiting tanong ko naman at inabot pa sa kanya ang bago kong cellphone.
“Aba’y hindi ko alam gamitin ‘yan,” saad niya. “Susan!” tawag naman niya kay Ate Susam, ang isa sa mga staff dito.
“Po?” tanong naman niya
“Picture-an mo nga raw ang mga bata, hindi ko kasi alam gamitin ’yang tatskrin,” saad niya.
“Opo,” sagot naman ni Ate Susan, ngumiti naman ako sa kanya at agad na inabot sa kanya ang cellphone.
Tapos ay agad kong hinila sina Drake at Dmitri para medyo lumayo sa kanila. Nang nakaharap na kami sa camera ay pareho silang umakbay sa akin, ako naman ay kumapit sa magkabilang bewang nilang dalawa, tapos ay sabay sabay kaming ngumiti sa harap ng camera.
The following days after my birthday just went fine. Kagaya nang dati ay sa tuwing sabado at linggo na ako pinapasyalan nina Drake at Dmitri. Minsan naman kahit pa weekdays ay pinapasyalan ako ni Dmitri bago siya umuwi sa kanila na siya namang nakakatuwa. Sa tuwing hindi naman siya makakapunta ay nagvi-video call kami tuwing gabi. Iyon ang naging takbo ng buhay ko. Pagkalipas din ng ilang araw ay nagpaalam ako ng maayos kay Mother Myrna na maghahanap ako ng part time job para pantulong na rin sa pag-aaral ko. Noong una ay nagdadalawang isip siya kung papayagan niya ako, baka raw kasi maapektuhan lang ang pag-aaral ko at mawala sa focus, pero sinabi ko na hindi naman ako papaya na mangyari iyon kaya pumayag na rin siya sa huli. Pinaalalahanan pa niya ako na kapag sa tingin ko raw ay nahihirapan na ako ay mag-resign na ako agad. Hindi rin naman na ako nag-aksaya pa ng panahon na maghanap nga ng trabaho, at nakakatuwa na natanggap ako sa isang coffee s
Umupo ako sa isang mono block chair na nasa loob ng counter bar tapos ay napabuntong hininga. Ang daming naging customer kaninang pagka-alis ni Ate Gigi. Hindi nakakapagtaka na pagod na ako ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ito, sa mga nakalipas kasi na araw ay kasama ko si Roy. Isa rin iyon na sobrang sipag. Tapos ang saya pa niya kasama kaya hindi namin namamalayan ang oras sa trabaho. Hindi rin namin nararamdaman ang pagod. Mabilis akong napatayo nang marinig ang pagbukas ng pinto, ngumiti pa ako at umambang babatiin ang customer. “Good eveni—” natigilan naman ako agad nang makita si Dmitri na pumasok sa loob. “Dim,” banggit ko sa pangalan niya. “Are you not done yet?” nakangiting tanong niya. Napanguso ako at agad na tumingin sa wall clock. 7:30 na pala ng gabi. “May thirty minutes pa, Dim. May bibili pa niyan,” sagot ko naman. Pagkasabi ko no’n ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone
Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago tumambay sa sala nila para makapagkuwentuhan muna. Ang dami nga naming napag-usapan. Sobrang dami kong nalaman tungkol sa kanila. Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ko ang mainit nilang pagtanggap sa akin bilang kaibigan ng mga anak nila. Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses kong sinabi pero sobrang suwerte nina Drake at Dmitri at sila ang pamilyang nakapili sa kanila. Pagkatapos naman ng ilang minutong pakikipagkuwentuhan kasama sila ay nagpasya sila na magpahinga na dahil maaga pa raw silang aalis bukas. Kaya naman iniwan na nila kami ni Dmitri sa sala. “Do you want to see my room?” nakangiting tanong ni Dim sa akin matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Okay lang ba?” tanong ko naman kaya mabilis siyang tumango. “Of course, Ali,” nakangiti pa rin na sagot niya. “Let’s go,” anyaya pa niya at tumayo na mula sa sofa. Hindi naman
Mabilis na lumipas ang oras, oras na naging araw, araw na naging linggo, linggo na naging buwan at buwan na naging taon. Right now, I’m already on my fourth year college. Two years ago, iyong gabi na hinatid ako ni Dmitri pauwi sa bahay ampunan ay naramdaman ko na parang nahuhulog na ako sa kanya. At hindi nga ako nagkamali. Nangyari iyon. Lalo na’t simula noong nakakuha na ako ng sarili kong maliit na apartment ay madalas ko na ulit silang makasama ni Drake. Halos araw araw nga kung pasyalan nila ako sa coffee shop. Araw araw din na tumatambay silang dalawa sa apartment ko. Pinilit ko namang iwasan, pero ang hirap pala na pigilan ang sariling nararamdaman. Hindi ko alam at hindi ko na rin matandaan kung saan nagsimula. Basta ang alam ko lang ay may gusto ako sa kanya. May mga nanliligaw naman sa akin, sinusubukan ko rin na bigyan sila ng chance para lang maibaling sa iba ang atensiyon ko. At hindi ko maintindihan kung bakit si Dim pa rin ang naaala
Kinuha ko ang isang baso na may lamang alak na nasa harap ko tapos ay agad ko iyong ininom. Medyo napangiwi pa ako nang maramdaman ang pait ng beer. Hindi talaga ako mahilig uminom, madalas nga kapag lumalabas kami nina Ate Gigi at Roy ay hinahayaan ko lang silang dalawa na maglasing. Pero pagkatapos ng mga nangyari kanina, pagkatapos ng mga narinig kong sinabi nina Drake at Dmitri, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto kong maglasing ngayon. “Girl, hindi ka mauubusan ng alak. Relax!” natatawang saad ni Ate. Kalalabas lang namin halos mula sa shop, pagkatapos namin iyong maisara ay dumiretso kami rito sa Dreamers, ang isa sa pinakakilalang night club sa lugar. “Ano ba ang nangyari? Mukhang ang bigat ng problema mo, ah?” tanong naman ni Roy, mabilis akong umiling dahil doon. “Wala, ’no! Hindi ba’t kayo naman ang nag-aayang uminom ngayon? So ano ang problema? Kapag hindi ako umiinom pinipilit niyo ako, kapag umiinom na
Napangiwi ako nang maramdaman ang pait ng whiskey na gumuhit sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung gaano na karami ang naiinom kong alak ngayon, pero hindi na bale. “Uhm, excuse me, please. Kailangan kong magpunta sa washroom,” mababa ang boses na saad ko kay Drake. Hindi naman puwede na kay Dim pa ako makidaan dahil magkatabi sila ni Love. Dalawa pa silang tatayo kung sakali. Kaya kay Drake na ako nagsabi kasi siya naman ang nasa kabilang dulo. “Sasamahan na kita,” saad ni Drake at tumayo na. Hinayaan ko naman siya na sundan ako nang naglalakad na ako papunta sa washroom. “Dito na lang kita hihintayin,” mababa ang boses na saad ni Drake bago ako makapasok sa banyo, nagkibit naman ako ng balikat at hinayaan ko na lang siya. Pagkapasok ay ginagawa ko na agad ang kailangan kong gawin, tapos ay naghugas ako ng kamay sa lababo at bahagya na ring naghilamos ng mukha para kahit na papaano ay mahimasmasan ako. Nang medyo makaramd
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nanatili ni Dmitri sa gano’ng posisyon. Pero pagkatapos ng ilang sandali ay siya na rin mismo ang kumawala sa yakap at ngumiti pa siya sa akin. “Pasensiya ka na, Ali…” mababa ang boses na saad pa niya kaya mabilis akong umiling. “Hindi, Dim. Okay lang. Nag-aalala ako sa ’yo,” sagot ko naman. Tipid siyang ngumiti bago naglakad papunta sa papag, tapos ay umupo siya roon. Marahan pa niyang tinapik ang puwesto sa tabi niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya at umupo rin sa tabi niya. “I wasn’t hurt, Ali. I was disappointed,” marahang saad niya. “Hindi ako naniniwala na hindi ka nasaktan, Dim. Kahit na hindi mo aminin ay alam kong nasaktan at nasasaktan ka pa rin,” sagot ko naman kaya mahina siyang natawa. “Pagod na akong mag-isip,” seryosong sagot naman niya pagkatapos. “After more than two years, I tried to court her again hoping that I’ll be able to
Napangiwi ako nang imulat ko ang mga mata ko. Nagising kasi ako nang naramdaman ko na may matigas na brasong nakayapos sa akin, tapos ay nakaramdam din ako ng mainit na hangin na bumubuga sa may bandang leeg ko. Napasinghap ako nang makita si Dmitri na nakayakap sa akin, sa sobrang lapit nga ng mukha niya ay amoy na amoy ko ang hininga niya habang mahimbing pa rin na natutulog. Teka, bakit ang bango pa rin ng hininga niya? It smells like mint. Ang unfair naman ng mundo. Mabuti na lang at nauna akong magising sa kanya, kung nagkataon na nauna siya ay baka maamoy niya na bad breath ako. Napangiwi ako sa kung ano ang naiisip ko. Bakit ko pa pinoproblema iyon? Hindi ba dapat ay isipin ko kung paano ako makakawala sa yakap niya na hindi siya nagigising? Huminga ako ng malalim tapos ay marahan kong inalis ang braso niya sa akin. Natigilan pa nga ako nang bahagya siyang gumalaw. Ang akala ko ay magigising siya pero mabuti na lang at hindi n