Two Years Ago
I just destroyed something beautiful, and the feeling was a lot worse than I could ever imagine. I killed him. I killed the only person who always sees the best in me. I killed my brother. I killed my best friend.
Pakiramdam ko ay isa akong duwag na nakatayo sa labas ng kotse ko, nakatanaw sa maraming taong nagmamahal sa kanya na ngayon ay nag-iiyakan habang inililibing siya.
Ni hindi ko man lang nagawang lumapit sa kabaong niya noong nakaburol siya, hindi ko rin magawang lumapit sa kanya ngayong inililibing na siya. Lagi lang akong nakatanaw mula sa malayo. Natatakot akong lumapit dahil alam kong galit sa akin ang lahat, maging siya.
If only I could exchange our fate, I’ll definitely put myself inside that coffin. Would these people be here too to mourn for me if I was the one who died? I don’t know…
The scene was heartbreaking, and hearing their sobs makes me want to just kill myself for putting my brother in that situation, but death would be too easy for me. If there is something worse than death and hell fire, then I think that’s what I deserve.
My brother is gone forever. Kahit na kailan ay hinding hindi ko na siya makikita ulit, hindi ko na maririnig ang tawa at halakhak niya. Wala na siya para kulitin at asarin ako. Wala na siya at kasalanan ko. Wala na…
Mariin akong pumikit habang ang mga luha sa mga mata ko ay walang hinto sa pagbuhos. Ramdam ko ang bigat ng mga mata ko dahil sa ilang araw na pag-iyak at kawalan ng tulog.
I badly want to punish myself but I don’t have any idea what to do and how to start doing it. I know that no amount of apologies could ever forgive me, and I don’t think I can even forgive myself.
Sobra akong nanghihina. Ni hindi ko magawang tumayo ng maayos dahil pakiramdam ko ay matutumba ako ano mang oras. Mariin akong kumapit sa pinto ng sasakyan ko habang nahihirapang huminga dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
I didn’t know how long I was cowardly standing behind the shadow of my car, moments later people are starting to leave the place one by one until there’s only one left.
Alison…
Kahit na medyo malayo ako sa kanya ay rinig ko pa rin ang mahihinang hikbi niya habang nakaluhod sa harap ng puntod ng kakambal ko at marahang hinahaplos ito.
Nakakalungkot isipin na ipinangako ko sa sarili kong hinding hindi ko siya sasaktan kahit na hindi maging kami, basta lagi lang siyang masaya pero heto siya ngayon, nasasaktan dahil sa katangahang ginawa ko. Sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko.
She loved my twin brother so much that she even thought of building her own family with him, that’s one of her dreams, a simple dream that I took away from her in just a snap of finger.
Nawalan ako ng kapatid at isang matalik na kaibigan, at hindi ko alam kung paano lalapitan si Alison ngayon para damayan siya dahil alam kong nawala ang lahat sa kanya dahil sa akin.
The heaven should hate me. How I wish for it to let out a lightning to strike me and lash me into millions of pieces. But somehow, I felt like it’s mocking me because it’s sunny even though I’m feeling gray.
“Wala kang karapatang umiyak dahil ikaw ang may kasalanan. Sana ikaw na lang ang nasa kabaong at hindi siya, sana ikaw na lang ang nawala!”
Sariwa pa sa alaala ko ang mga huling salitang binitawan niya sa akin ilang araw lang ang nakakalipas. Hearing those words from the one you sincerely love hurts so much but I deserve it. I deserve all these pain. I deserve her wrath and hate towards me.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa paghagulgol dahil sa sobrang sakit. Napaluhod na rin ako dala ng panghihina. Bakit kailangang siya pa ang mawala? Bakit hindi na lang ako? Kung ako na lang sana ang namatay, siguro ay mas madaling tanggapin iyon para sa kanilang lahat.
I slowly looked up as I saw someone stopped in front of me. I didn’t know how to react as I saw Alison’s eyes that’s full of rage. She even curled around her fists while her face was contorted with obvious hate and anger.
“I… I’m sorry…” nanghihinang saad ko.
“Hindi ka makalapit dahil alam mong kasalanan mo, tama?” mariin akong pumikit sa sinabi niya, “You are a coward, Dmitri. You should be ashamed of yourself. Pagkatapos ng ginawa mo hindi mo man lang nagawang lapitan ang kakambal mo kahit na isang beses? Nakakahiya ka!” dagdag pa niya na mas lalong nakapagpabigat sa nararamdaman ko.
Tama siya. Masakit pero alam kong tama siya.
“I’m sorry,” mahinang saad ko ulit. Wala akong ibang alam sabihin kung hindi ang sorry, kahit na alam kong hindi naman niya ako mapapatawad.
“I don’t need your sorry!” sigaw niya, “Sa tingin mo ba maibabalik ng sorry mo si Drake, ha? Sa tingin mo ba mapapatawad ka ng lahat sa pagpatay mo sa kanya dahil lang sa sorry? Kahit na ilang bilyong sorry pa ang sabihin mo hindi mo na mababago ang katotohanang wala na siya dahil sa ‘yo! You are worse than a criminal!”
I can feel her pain on every word she’s throwing at me, and I want to embrace her tight to lessen it but I know for a fact that it won’t do any good. At kahit na hilingin ko na saktan niya ako ngayon ay alam kong hindi rin mababawasan ang sakit na nararamdaman niya.
“I don’t want to see you again, Dmitri. Kalimutan mo na na naging magkaibigan tayo. You should live your whole life alone, without any friends or family, that’s what you deserve for killing your own brother,” saad niya at nagsimula nang maglakad palayo sa akin, samantalang ako ay nakaluhod pa rin at hirap na hirap sa paghinga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.
“Drake… ang daya mo. Ang daya-daya mo. Sana ako na lang… pakiusap, kunin mo na ako,” mahinang bulong at pakiusap ko habang patuloy sa paghagulgol.
“Death would be too easy, Dmitri,” napalingon ulit ako kay Alison nang sabihin iyon, “I hope that Drake’s ghost will forever haunt you until you lose your sanity.” Pagkatapos ay tuluyan na niya akong iniwan.
She’s right. I should live my whole life without anyone but my brother’s ghost. I should keep it inside my head until I die as a way to punish myself.
I don’t deserve to be happy.
Present DayMariin kong ipinikit ang mga mata ko bago nagpakawala ng isang buntong hininga at ibaba ang hawak na telepono. Halos dalawang taon na simula nang magtrabaho ako sa Corcuera Constructions bilang sekretarya ni Tito Rick pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ako sanay. I opened my small notebook to take down note that one of the clients rescheduled their meeting with Tito Rick first thing in the morning tomorrow. Naaawa ako sa kanya, may edad na siya pero patong-patong pa rin ang trabaho niya sa kompanya nila. If only Dmitri is here to help him then it would be a lot easier. Dmitri… Mapait akong napangiti nang maalala ang mapait na nakaraan. Kung sanang nandito sina Drake at Dmitri ay hindi kailangang mahirapan ni Tito ng ganito. Drake is long gone, and even if we wished for him to come back a million times, it’s impossible. I have moved on from that tragedy but he will always stay inside my heart. Dmitri, on the other hand, I don’
Flashback…Napabuntong hininga ako bago bumaling ng tingin sa mga bata na masayang naglalaro sa playground ng bahay ampunan kung saan ako kasalukuyang nakatira. Naka-upo ako sa isang swing at tahimik na nag-iisip. Ang bahay ampunan ay ang kinalakihan kong tahanan, si Mother Myrna na at ang iba pang mga madre na ang tumayong magulang sa akin, sa amin… Today is my 18th birthday but why do I feel like I am not happy? Pakiramdam ko ay hindi ako buo. Pakiramdam ko ay may kulang. Mapait naman akong napangiti nang mapagtanto na ang kulang na tinutukoy ko ay ang dalawang matalik kong kaibigan. Sina Drake at Dmitri. Kasama ko sila dito noon. Silang dalawa ang lagi kong kalaro at kasama. Noong twelve years old sila ay masuwerte silang napili ng mayamang mag-asawa para ampunin. Naging masaya ako para sa kanila, iyon ang totoo. Pero may parte sa akin ang nalulungkot dahil nga alam ko na sa pag-alis nila rito, ay magbabago na ang lahat. A
The following days after my birthday just went fine. Kagaya nang dati ay sa tuwing sabado at linggo na ako pinapasyalan nina Drake at Dmitri. Minsan naman kahit pa weekdays ay pinapasyalan ako ni Dmitri bago siya umuwi sa kanila na siya namang nakakatuwa. Sa tuwing hindi naman siya makakapunta ay nagvi-video call kami tuwing gabi. Iyon ang naging takbo ng buhay ko. Pagkalipas din ng ilang araw ay nagpaalam ako ng maayos kay Mother Myrna na maghahanap ako ng part time job para pantulong na rin sa pag-aaral ko. Noong una ay nagdadalawang isip siya kung papayagan niya ako, baka raw kasi maapektuhan lang ang pag-aaral ko at mawala sa focus, pero sinabi ko na hindi naman ako papaya na mangyari iyon kaya pumayag na rin siya sa huli. Pinaalalahanan pa niya ako na kapag sa tingin ko raw ay nahihirapan na ako ay mag-resign na ako agad. Hindi rin naman na ako nag-aksaya pa ng panahon na maghanap nga ng trabaho, at nakakatuwa na natanggap ako sa isang coffee s
Umupo ako sa isang mono block chair na nasa loob ng counter bar tapos ay napabuntong hininga. Ang daming naging customer kaninang pagka-alis ni Ate Gigi. Hindi nakakapagtaka na pagod na ako ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ito, sa mga nakalipas kasi na araw ay kasama ko si Roy. Isa rin iyon na sobrang sipag. Tapos ang saya pa niya kasama kaya hindi namin namamalayan ang oras sa trabaho. Hindi rin namin nararamdaman ang pagod. Mabilis akong napatayo nang marinig ang pagbukas ng pinto, ngumiti pa ako at umambang babatiin ang customer. “Good eveni—” natigilan naman ako agad nang makita si Dmitri na pumasok sa loob. “Dim,” banggit ko sa pangalan niya. “Are you not done yet?” nakangiting tanong niya. Napanguso ako at agad na tumingin sa wall clock. 7:30 na pala ng gabi. “May thirty minutes pa, Dim. May bibili pa niyan,” sagot ko naman. Pagkasabi ko no’n ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone
Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago tumambay sa sala nila para makapagkuwentuhan muna. Ang dami nga naming napag-usapan. Sobrang dami kong nalaman tungkol sa kanila. Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ko ang mainit nilang pagtanggap sa akin bilang kaibigan ng mga anak nila. Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses kong sinabi pero sobrang suwerte nina Drake at Dmitri at sila ang pamilyang nakapili sa kanila. Pagkatapos naman ng ilang minutong pakikipagkuwentuhan kasama sila ay nagpasya sila na magpahinga na dahil maaga pa raw silang aalis bukas. Kaya naman iniwan na nila kami ni Dmitri sa sala. “Do you want to see my room?” nakangiting tanong ni Dim sa akin matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Okay lang ba?” tanong ko naman kaya mabilis siyang tumango. “Of course, Ali,” nakangiti pa rin na sagot niya. “Let’s go,” anyaya pa niya at tumayo na mula sa sofa. Hindi naman
Mabilis na lumipas ang oras, oras na naging araw, araw na naging linggo, linggo na naging buwan at buwan na naging taon. Right now, I’m already on my fourth year college. Two years ago, iyong gabi na hinatid ako ni Dmitri pauwi sa bahay ampunan ay naramdaman ko na parang nahuhulog na ako sa kanya. At hindi nga ako nagkamali. Nangyari iyon. Lalo na’t simula noong nakakuha na ako ng sarili kong maliit na apartment ay madalas ko na ulit silang makasama ni Drake. Halos araw araw nga kung pasyalan nila ako sa coffee shop. Araw araw din na tumatambay silang dalawa sa apartment ko. Pinilit ko namang iwasan, pero ang hirap pala na pigilan ang sariling nararamdaman. Hindi ko alam at hindi ko na rin matandaan kung saan nagsimula. Basta ang alam ko lang ay may gusto ako sa kanya. May mga nanliligaw naman sa akin, sinusubukan ko rin na bigyan sila ng chance para lang maibaling sa iba ang atensiyon ko. At hindi ko maintindihan kung bakit si Dim pa rin ang naaala
Kinuha ko ang isang baso na may lamang alak na nasa harap ko tapos ay agad ko iyong ininom. Medyo napangiwi pa ako nang maramdaman ang pait ng beer. Hindi talaga ako mahilig uminom, madalas nga kapag lumalabas kami nina Ate Gigi at Roy ay hinahayaan ko lang silang dalawa na maglasing. Pero pagkatapos ng mga nangyari kanina, pagkatapos ng mga narinig kong sinabi nina Drake at Dmitri, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto kong maglasing ngayon. “Girl, hindi ka mauubusan ng alak. Relax!” natatawang saad ni Ate. Kalalabas lang namin halos mula sa shop, pagkatapos namin iyong maisara ay dumiretso kami rito sa Dreamers, ang isa sa pinakakilalang night club sa lugar. “Ano ba ang nangyari? Mukhang ang bigat ng problema mo, ah?” tanong naman ni Roy, mabilis akong umiling dahil doon. “Wala, ’no! Hindi ba’t kayo naman ang nag-aayang uminom ngayon? So ano ang problema? Kapag hindi ako umiinom pinipilit niyo ako, kapag umiinom na
Napangiwi ako nang maramdaman ang pait ng whiskey na gumuhit sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung gaano na karami ang naiinom kong alak ngayon, pero hindi na bale. “Uhm, excuse me, please. Kailangan kong magpunta sa washroom,” mababa ang boses na saad ko kay Drake. Hindi naman puwede na kay Dim pa ako makidaan dahil magkatabi sila ni Love. Dalawa pa silang tatayo kung sakali. Kaya kay Drake na ako nagsabi kasi siya naman ang nasa kabilang dulo. “Sasamahan na kita,” saad ni Drake at tumayo na. Hinayaan ko naman siya na sundan ako nang naglalakad na ako papunta sa washroom. “Dito na lang kita hihintayin,” mababa ang boses na saad ni Drake bago ako makapasok sa banyo, nagkibit naman ako ng balikat at hinayaan ko na lang siya. Pagkapasok ay ginagawa ko na agad ang kailangan kong gawin, tapos ay naghugas ako ng kamay sa lababo at bahagya na ring naghilamos ng mukha para kahit na papaano ay mahimasmasan ako. Nang medyo makaramd