Share

BAKAS NANG KAHAPON
BAKAS NANG KAHAPON
Author: Ms.aries@17

PROLOGUE

         " Rina?"

          " Joan?"

          " Glenn?"

           " Karla?"

           Umalingawngaw ang tawag na iyon ng isang babae sa gitna ng dilim ng gabi. Patuloy nitong tinatawag ang kaniyang mga kaklase, na dati kanina ay kasama lamang niya.

           " Ano ba naman kayo? Wala naman biruan ng ganyan! Hindi nakakatuwa!" Kinakabahang sabi nito. Hindi na alam ang gagawin. Kinikilabutan na s'ya sa takot. Bukod sa madilim ang bahaging iyon, ay mayroon ding isang bar na nasa bandang dulo ng eskinita na iyon. Hindi malayong may maligaw na lasing doon, at baka kung ano pa ang gawin sa kaniya.

          " Ano ba? Nasaan na ba kayo? Wag n'yo naman ako biruin ng ganito." Mangiyak ngiyak na sigaw nito. Hindi na rin n'ya alam ang gagawin. Nabuhay ang takot sa kaniyang dibdib. Samut saring isipin na rin ang pumapasok sa kaniyang utak. Nag iisa siya ngayon sa madilim na lugar na ito. Kahit saan parte s'ya lumingon, wala s'yang makitang tao o wala man lang dumadaan kahit sasakyan. Nanginginig at nangangalog ang kaniyang mga tuhod na napaupo. Pinag-salikop ang mga tuhod at niyapos ito. Napayukyok ang kaniyang ulo sa pagitan ng kaniyang mga tuhod, at doon impit na umiyak, habang yapos- yapos ang sarili. Hindi n'ya alam ang gagawin. 

Nanatili lang s'ya sa ganoong posisyon, nang hindi niya alam kung gaano katagal. Nagsisisi tuloy s'ya na sumama pa kina Karla, na ngayon ay hindi na niya alam kung mga nasaan na. Hindi napawi ang impit niyang mga d***g, at taimtim pa rin na nanalangin, na sana may makita man lang siyang tao, na mahihingan n'ya ng tulong.

        Madilim ang bahaging iyon ng lugar. Mayroon ding matataas na puno, at madamo ang paligid. May kadiliman din, sapagkat walang anumang ilaw na inilagay, upang magsilbing liwanag ng mga dumaraan. Halos abandonado na nga ito. Wala namang bahay na malapit sa paligid. Medyo may kalayuan ang ibang establisyemento.

         Dahan- dahan  s'yang tumayo at unti unting humakbang, upang makaalis sa lugar na iyon, nang masulyapan n'ya ang isang pigura ng tao na papalapit sa kinaroroonan niya. Biglang bumundol ang kaba sa kaniyang dibdib. Paano kung masamang tao ito? Lalong hindi niya alam ang gagawin at tila na blangko na rin ang utak niya para makapag isip pa ng mabilis.

         Dahil tuliro at di alam ang gagawin, hindi nito namalayan na nakalapit na pala ang bultong 'yon sa kaniyang harapan. Napaangat s'ya ng ulo rito sapagkat may kataasan ito, kumpara sa kaniyang halos hanggang dibdib lang yata siya sa taas. 

       Pinilit n'yang aninagin ang mukha nito, subalit dahil madilim sa parteng iyon, 'ni kahit bakas ng mukha nito hindi n'ya makilala. Sabay pa ang pakiramdam n'yang halos lumabas na yata ang kanyang puso sa lakas ng pagkabog nito.

         Patuloy pa itong lumapit sa kaniya, hanggang sa naramdaman  na lamang n'ya, na nakahawak na ang mga kamay nito sa kaniyang  magkabilang balikat.

          Pakiramdam n'ya namanhid yata ang kaniyang buong katawan. Hindi s'ya nakakilos agad sa kaniyang pagkakatayo. Nanlamig ang pakiramdam n'ya, pinagpapawisan na s'ya ng malapot at namumutla. Nag butil-butil ang pawis sa kaniyang noo, at maging ang kaniyang mga palad at talampakan. Malaki ang bulto ng katawan nito, at alam niyang kung gawan sya nito ng hindi kanais nais, tiyak na wala siyang kalaban laban.

          Sa hubog ng pangangatawan ng lalaki ,alam n'yang alaga ito. At dahil malapit itong masyado sa kaniya, ay amoy rin n'ya ang hininga nito. Medyo amoy alak din ito, pero hindi naman gaano. Marahil uminom lang ng kaunti. Nanunuot din sa ilong n'ya ang amoy ng gamit nitong perfume. At pakiramdam niya lalo s'yang nawalan ng lakas upang makalayo sa lalaking ito na nasa kaniyang harapan. Hindi rin n'ya mawari ang sariling nararamdaman. Pero mas lamang pa rin ang naghu-humiyaw na takot sa kaniyang pagkatao.

          Tila muling nanumbalik sa kasalukuyan ang babae, nang marinig muli ang tinig ng lalaki. 

          "T -tulungan mo ako." sambit nito. Hindi tuloy n'ya maintindihan ang ibig nitong sabihin. S'ya nga itong nangangailangan ng tulong dito. Then, maririnigan n'ya itong humihingi sa kaniya ngayon ng tulong. Para tuloy gusto pa n'yang matawa kahit nasa ganito s'yang sitwasyon.  Lalo tuloy s'yang nalito ng muli itong magsalita.

        "T- tulungan mo ako, p- please?" anas nito na isinubsob pa sa kaniyang leeg ang mukha. Nagulat s'ya ng husto at hindi nakahuma sa ginawa nito. Lalo na nang bigla s'ya nitong kabigin pahapit, at mas lalong niyakap pa ng mahigpit. Dama n'ya ang sobrang init nitong katawan at halos nakakapaso. 

         "P- patawad! P-Promise, I'll settle this. " anito.

         "I-I'm r- really sorry."

         Pagkatapos nito, halos mayanig s'ya sa takot. Hindi n'ya inaasahan ang sumunod nitong mga kinilos. Agad na hinalikan s'ya nito. Hindi s'ya agad nakakilos sa sobrang gulat at takot. Nanlaban s'ya ng matanto kung ano ang nangyayari. Halos kalmutin at suntukin na n'ya ito, pero hindi pa rin s'ya nito binitiwan at nagpatuloy sa ginagawa nito sa kanyang paghalik. Hanggang sa bumagsak sila sa damuhan, na hindi pa rin s'ya nito nabitawan.

         Halos mawalan s'ya ng ulirat sa nangyayari. Pinanghinaan na s'ya nang lakas at alam n'yang talo siya. Wala s'yang nagawa ng tuluyan siyang naangkin nito. Tuliro s'ya at walang tigil sa pag iyak. Kahit anong panlalaban ang kaniyang gawin, wala ring nangyari. Hindi n'ya kinaya ang lakas nito. Bukod sa babae lang s'ya .

        Nagawa pa rin nitong maisakatuparan ang nais sa kaniya. Matapos nito nanghihina itong bumagsak sa tabi n'ya. 

        Nanlalabo sa luha ang mga matang pinilit n'yang bumangon, at inot-inot na tumayo. Ang sakit naman na sa ganitong paraan lang mawawala ang puring pinaka -iingatan n'ya.

       Hindi matapos- tapos ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata, matapos noon. Walang humpay ang kaniyang pag iyak, habang papalayo sa lugar na iyon, baon ang sakit na hindi n'ya inakalang mangyayari sa kanya. Ang sakit- sakit ng nararamdaman n'ya. Parang panaginip lang sa bilis ng pangyayari.

        Hindi n'ya alam ang gagawin. Ang tanging nais lang ay makalayo roon. Gustuhin 'man  n'yang tatagan ang loob, hindi naman n'ya alam kung paanong magsisimula muli, pag katapos nang mga pangyayaring ito sa kanya.

      Hindi na n'ya namalayan pa, kung paano pa s'yang naka uwi ng mga sandaling iyon. Painot inot s'yang lumayo kahit na paika- ika s'ya sa paglalakad. 

        

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status