"Mama!" sigaw ng batang lalaki habang tumatakbo , papalapit ito kay Angela. Malawak ang pagkakangiti nito, habang nakadipa ito, tanda ng sabik na pagyakap sa bagong dating. Para bang sadya talagang inaabangan ang pagdating n'ya, dahil paghinto pa lang ng sinasakyang tricycle, ay sabik na sabik na itong lumapit doon kasunod si lola Ading.
Kadarating lang nya galing sa pinapasukang trabaho sa kabayanan. Nagtatrabaho s'ya bilang isang cashier sa isang bagong bukas na mall doon. At sa tulong na rin ng kanyang matalik na kaibigan, kung kaya s'ya madaling nakakuha ng trabaho.
Nagsisimula rin s'yang mag - ipon upang magamit na pang bayad ng matutuluyan na malapit lang sa pinapasukang mall, gayundin sa kanyang eskwelahan. Medyo nahihirapan din kasi s'ya sa halos araw araw na pag uwi sa kanila, pagkatapos ng kanyang klase at trabaho.
Kailangan n'yang lumipat sa kabayanan, upang higit na makapag concentrate sa kanyang mga subject, lalo na at nalalapit na ang kanilang finals. Nagtatrabaho s'ya sa umaga hanggang ala una ng hapon. At pumapasok sa klase, sa ikatlo ng hapon hanggang ika walo ng gabi. Hindi naman n'ya problema ang pag uwi sa gabi, dahil nand'yan naman si mang Mario na kapitbahay lang naman nila, na isa ring tricycle driver. Ito na ang nagsisilbing taga hatid sundo sa kanya. At tiwala naman na s'ya dito.
Pumapasok s'ya sa isang pribadong unibersidad sa kanilang bayan. Sa kasalukuyan, nasa ikatlong antas na s'ya sa kursong Bussiness Administration, major in management. At dahil likas na rin naman sa kanya ang pagiging matalino, hindi s'ya nahirapan na makakuha ng scholarship, na s'yang malaking katulungan na rin sa kanya. Mas pinagbutihan pa n'ya lalo, dahil sa mga mahal n'yang patuloy na nagsisilbing lakas n'ya, at walang sawang nagmamahal sa kanya.
Hindi s'ya nawalan ng pag - asa, at nanatiling positibo sa lahat ng bagay. Sa dami man ng pagsubok na dumating sa buhay n'ya, nanatili s'yang nananalig sa diyos , na lahat ng iyon ay matatapos rin.
Nagtatrabaho at nag aaral, kasabay din ang tungkulin n'ya bilang ulirang ina at apo. Maaga man niyang naranasan ang hirap ng pagiging single mom. Hindi naman n'ya iyon inalintana. Para sa kanya, walang makakapantay sa sayang nararamdaman n'ya ngayon bilang isang batang ina. Mapait man ang naging karanasan, mas naging daan naman iyon, upang mas lalo s'yang maging matibay.
Si Vince ang kanyang anak, na naging bunga ng isang masalimuot niyang kahapon. Malambing ito at bibo. Sa murang isipan nito, halos aware na ito sa mga nakapaligid sa kanya. Tatlong taon na ang kanyang anak sa susunod na buwan. Kaya naman doble ang ginagawa n'yang pagtitipid, upang mabigyan n'ya ng kahit kaunting kasiyahan ang pinakamamahal n'yang kayamanan.
Gusto niyang maranasan nito, ang mga bagay na hindi n'ya naranasan sa buhay n'ya. Wala man itong matatawag na ama, hindi naman sila nagkulang ng kanyang lola Ading sa pagpapalaki dito bilang isang ulirang bata. Masaya man s'ya ngayon, ngunit sa kaibuturan nang kanyang puso, parang palagi pa ring may kulang.
Marahil, dahil na rin sa masakit isipin, na wala s'yang nakagisnang mga magulang, at tanging si lola Ading lang ang siyang bumuhay, at nagtaguyod sa kanya hanggang sa ngayon. Hindi rin naman s'ya nito tunay na kadugo, pero ni minsan hindi iyon ipinaramdam sa kanya ng matanda. Para dito, higit pa s'ya sa tunay na kadugo . Itinuring siyang tunay na anak at apo, at inaruga ng may buong pagmamahal. Napalaki s'ya nitong may takot sa diyos, at respeto sa iba.
Ngayon, para sa kanya resposibilidad n'yang gantihan ang lahat ng mga bagay na ginawa nito para sa kanya, at sa anak niya. Mga bagay na dala- dala na niya hanggang sa huli.
" Mama!"
"Mama!"
Tuwang sambit nito at mabilis na kumunyapit sa kanya, ibinaba n'ya ang mga dala- dalang pinamili na nasa isang plastik, na para sa pagsasaluhan nila sa pananghalian. Lumuhod s'ya upang magpantay ang mga mukha nila ng kanyang munting anghel. Agad nitong pinulupot ang maliliit na bisig sa leeg ng ina, at masuyong kinintalan ng matunog na halik sa pisngi si Angela.
Sabik na sabik namang ikinulong sa kanyang mga bisig ang munting bata. Kahit na nga araw -araw naman silang nagkikita sa bahay. Nand'on pa rin ang pananabik sa isa't isa.
"Kumusta ang baby ko, hindi ba naman naging pasaway sa lola, today?" malambing kong tugon, sabay pupog ng nanggigigil na halik dito, na ikinahagikgik ng bata dahil sa kiliting -kiliti na ito.
" Naku naman apo, napakabait ngang iwanan iyang anak mong 'yan." tuwang sambit naman ng sumusunod na abwela. " Hindi nga makulit, pero ang gusto maki- adaday sa lahat ng makitang ginagawa sa bahay. Ang hilig makitulad sa ginagawa apo. Manang mana talaga sa iyo, malambing na , mabait pa. " nakatawang saad ng lola. Lumapit na rin ito sa mag- ina, na nasa may tarangkahan pa. Akmang dadamputin na nito ang supot na ibinaba n'ya kanina upang ipasok sa silid, pero pinigil naman ni Angela.
" Ako na 'ho d'yan, lola. Medyo may kabigatan din po iyan. " awat na saad ng babae. At tumayo na rin, hinawakan ang maliit na braso ng bata at tumayo. Dinampot n'ya ang mga pinamiling pagkain at ibinaba, saka iginiya papasok ang bata.
"Mama... ano pong pasalubong ko?" nakangiting tanong ng bata. Nag pa puppy eyes pa ito sa harap n'ya, na nakahalukipkip ang maliliit na mga braso. Sanay na sanay na s'ya dito, kaya hindi p'wedeng walang dala na para sa kanya. Dahil siguradong maghahanap pa rin ito. Mabait naman ang anak n'ya. Madaling masabihan kung wala. Pero s'yempre, hindi naman p'wede, 'di ba? Pinangako ko na nga na lahat ibibigay n'ya dito, hangga't kaya. Ipararanas n'ya dito ang mga bagay na hindi n'ya noon nagawa .
"Hmmnnn..." kunwari nag iisip na sabi n'ya.
"Si mama naman, 'eh." medyo nanulis ang nguso ng bata, at sinabayan pa ng papadyak.
Natatawa namang nilingon n'ya ito, habang papasok sila ng bahay. Inilapag n'ya ang mga dala dalahan sa isang maliit na lamesita na nasa salas. pagkababa ng mga dala n'ya muli niya itong nilingon at ngumiti.
" Pu- pwede ba naman na wala para sa maliit na batang 'yan?" marahan siyang yumukod dito, at marahan n'yang pinisil ang maliit nitong baba. Binuksan niya ang plastik, at inilabas ang isa pang supot doon, na may lamang tila masarap na pagkain sa loob. Nanlaki ang mga mata ng bata at saka napatalon- talon na sumisigaw, habang ang isang maliit na braso ay tila sumusuntok pa sa ere.
"Wow!" bulalas nito. Sabay lapit nang mabilis sa ina. Takam na takam ang mga matang nakatingin sa pagkaing inilabas n'ya. Fried chicken at cheese burger ang dala n'ya, with matching orange juice . Para iyon sa maglola. Sadyang in take out n'ya iyon sa jollibee kanina. Paborito kasi ito ng bata.
Linggo ngayon, at kapag ganitong araw walang pasok sa trabaho at sa school si Angela.. Ginugugol n'ya ang buong araw sa bahay, kasama ang anak. Lagi silang lumalabas upang mamasyal pag ganitong araw, at dinadala sa bayan ang anak at lola. Pero may gagawin s'yang review para sa nalalapit na final's, kaya pinili muna niyang sa bahay muna manatili. Saglit lang s'yang namili kanina ng ihahanda nila, para sa kanilang pananghalian. Maya- maya naman, mga bandang ten o'clock, aatend sila ng sama sama sa sunday mass. Maaga sila magsimba tuwing lumalabas ng linggo. Kaya lang inagahan n'ya nagtungo sa bayan kanina upang bumili. Since hindi naman sila naka schedule mamasyal ngayon, kaya late na lang silang aatend ng misa sa kanilang baryo. Tatlong beses naman sila magmisa. Umaga, tanghali at hapon.
" Kainin n'yo na muna ito, ha?" ani Angela habang inilalagay sa plato ang mga pagkain. Para naman talaga ito sa maglola. "Ihahanda ko lang at lulutuin ang para sa pananghalian natin, para bago tayo mamaya um- attend ng misa, tapos na ang pagkain." dagdag pa n'ya, at nilingon ang bata at ang lola na parehong naka upo at nakatingin sa kanya, habang nagsasalin ng biniling pagkain sa plato.
" Opo." mabilis namang tugon ng bata sabay tayo, at nagtungo sa kusina upang maghugas ng kamay.
" Hay naku! apo. Ibigay mo na lang yan sa bata. Panigurado, busog abot n'yan mamaya. Baka hindi na rin makakain ng pananghalian 'yan mamaya." natatawang saad pa ng lola.
" Para talaga sa inyong dalawa iyan, lola. Kaya sabay na po kayo kumain nito." wika n'ya, habang inilalabas ang sauce.
Ng matapos at akmang tumayo s'ya. Siya namang pagbalik ng bata, galing sa paghuhugas ng kamay.
" Mama, salo na po tayo nila lola".
" Sige na 'nak, kayo na muna ni lola ang kumain n'yan. Para naman sa inyo 'yan, 'wag ninyo ako alalahanin. Busog pa naman ako. Tatapusin ko lang lutuin itong pinamili kong pagkain natin, para sa pananghalian mamaya." aniya.
Tumayo na ito at iniwan ang mag- apo sa salas, at tinungo ang kusina. Mabilis n'yang inihanda ang mga lulutuin. Sumulyap s'ya sa orasang nakasabit sa dingding, at alas nueve beinte pa lamang naman. May oras pa s'ya makapagluto, bago maghanda sa pagdalo sa pananghaliang misa.
Mabilis ang mga kilos niya na inihanda lahat ng sangkap. Bumili s'ya kanina ng isang kilo ng karne ng baboy, at tocino, para naman sa anak, dahil isa ito sa mga gustong pagkain ng anak niya. Hahatiin na lamang n'ya ang karne, para may mai- adobo s'ya, at ang iba naman ay gagawin niyang pansahog sa pinakbet. Nakita kasi n'ya sa ibabaw ng mesa ang sari -saring gulay, na marahil inani ng lola kanina sa likod bahay, habang wala s'ya. Iyon ang isa sa pinagkukunan nila ng pandagdag sa kanilang gastusin, bukod pa sa nakatitipid sila sa gastos ng ulam sa pang araw- araw nila.
Dahil busy sa ginagawang pagluluto, hindi tuloy n'ya napansin na tapos na ang maglola sa pagkain. Pumasok ang mga ito sa kusina, at tutulong sana sa kanya sa paghuhugas ng mga pinagkainan.
" H'wag na po 'la. Iwan n'yo na lamang po muna d'yan, at mamaya na pag dating natin. Maghanda na lamang po kayo, at patapos naman na rin po ako dito." wika niya, at ilang saglit pa nga natapos rin ang kanyang niluluto. Itinabi na muna n'ya ang mga ginamit sa lababo, at kinuha ang bata upang mapaliguan at bihisan. Matapos s'ya naman ang nagbihis.
K'warenta 'y singko minuto bago mag alas onse ,ng lisanin nila ang bahay at masayang nagtungo sa simbahan. Nakaugalian na nila ito simula pa man ng bata s'ya. Kahit ano pa man ang kanilang ginagawa, naglalaan pa rin sila ng oras para gawin ito. At higit na nararamdaman ang presens'ya ng diyos, sa mga bagay na kanilang ginagawa sa araw - araw. Alam n'yang kasama nila ito palagi. At ito ang isa sa nais n'yang ipamulat sa kanyang anak. Ang maging malapit sa ating maykapal.
Isang oras din ang itinagal ng misa bago natapos. Agad na tumayo ang kanyang anak, at lumapit sa mga nakatatanda na naroon, upang magmano, tanda ng paggalang, gayundin sa paring naghanda ng ganap.
"God bless you, anak." nakangiting sabi ng pari. " Napakabait mo namang bata, nawa'y gabayan ka ng ating poon hanggang matupad mo lahat ng yong minimithi sa buhay. At tunay na mapalad ang iyong mga magulang, na biniyayaan ng isang tulad mo, na mabait at magalang." dagdag pa ng pari.
Nakangiti ang maglola ng lumapit sa dalawa. Narinig din nila ang sinabi nito sa bata. Siya man ay nagmano din dito.
" Napakaswerte mo, Angel. Mabait at bibo ang anak mo." wika nito na hindi nawawala ang ngiti, at bahagyang tumango sa kanila tanda ng pagbati .
"Salamat po, padre." nakangiting tugon naman n'ya. At kinalong na ang anak. Nakangiti naman ang kanyang lola na nakamasid rin sa kanila. Kilala rin sila nito, sapagkat ito ang madalas ma assign sa kanilang lugar. Matapos iyon nagpaalam na rin sila.
"Tutuloy na po kami, padre." pamamaalam n'ya.
"Sige, ingat kayo." ani padre.
*******
Nang maka uwi, nananghalian ang tatlo habang masayang naku- kwentuhan. Sa ganitong mga araw lang nila ito nagagawa, dahil buong isang linggo s'ya pumapasok sa trabaho at eskwelahan.
Nang mapagod yata ang kanyang anak, nakatulog din ito. Sinamantala naman n'ya ang pagkakataon, upang buklatin ang kanyang mga ire- review. Isang linggo nalang, finals na nila. At isang taon na lang ang kanyang bubunuin at matatapos na rin s'ya.
Taimtim siyang umusal ng pasasalamat, at ipinag patuloy ang ginagawang pag re- review.
LUNES, maagang bumangon si Angela upang maghanda sa kanyang pagpasok sa trabaho. Alas kwatro pa lang ng umaga at madilim pa sa labas ng bahay. Tanging ang mga tilaok lang ng mga manok ang maririnig mo. Maaga syang naghanda at nagluto ng babaunin nyang pagkain. Ito ang lagi nyang ginagawa upang makatipid. Mahal din kasi kung bibilhin pa nya. Sa hapon naman sa kantina ng unibersidad na sya kumakain. Halos katatapos lang nyang mag ayos ng mga dadalahin nya ng maramdaman nyang lumabas ang kanyang lola. Hindi na nya ito ginigising tuwing maaga syang bumabangon. Intindi naman nya na matanda na ito at kelangan talaga ng sapat na pahinga at hindi na dapat pang napapagod. "Tapos ka na ba?" bungad nito "Opo 'la. Paalis na rin po ako.para hindi ako masyado matanghalian." sabi nya. "Kayo na po muna ang bahala kay Vince lola ha. Pagpasensyahan nyo na po kung makulit man." natatawa nyang s
KINABUKASAN, talaga ngang seryoso ang kaibigan nya na sasama talagang matutulog sa kanila. Bitbit nito ang mga dalang pasalubong para kina Vince at lola. Bumili pa ito ng pagkarami- raming pagkain. Maaga naman silang nakauwi, alas singko pa lang at maliwanag pa. Wala ang ilang propesor nila at may dinaluhang seminar kung kaya mas maagang naka uwi sina Angela. Nang dumating ang sundong tricycle ni Angela. Walang arteng mas nauna pang sumakay ang kaibigan, kung tutuusin hindi ito sanay na sumasakay sa ganito. De kotse ito at may driver pa, hindi naman nito kailangang magtiis na sumakay sa ganito, pero hindi ito pinansin ng babae. Sa tuwing sasama ito sa kanila. Sumasabay ito sa sinasakyan nya. " Ayaw mo bang kotse nyo ang maghatid sa iyo?" minsang tanong nya dito. Naalangan kasi sya na hindi naman nito sanay sa ganitong sasakyan. " Hindi na kailangan. At saka maganda namang sumakay dito, mahangin, maingay nga la
MÀAGA pa rin naman kinabukasan na bumangon ang magkaibigan kahit pa nga late na silang natulog sa tagal ng pagkukwentuhan. May liwanag na rin nang lisanin nila ang baryo. "Kelan po ulit ang balik mo dito, tita ninang?" tanong ng bata. "Promise baby, sa linggo buong araw tayong magkasama, ipapasyal namin kayo ni mama at lola. Ok?" sabi nito at hinalikan ang bata. "Sige po. Hihintayin po ulit namin kayo." sabi nito. Niyakap at hinalikan nya ang anak, gayundin ang lola nya at tinungo na nila ang sasakyan. 7:48 ng huminto sila sa harap ng gusaling pinapasukan. Pagkababa tumayo nalang sila sa tabi habang hinihintay ito magbukas, habang abala naman ang kaibigan na kinuha ang phone at dinayal ang numero ng kanilang driver para magpasundo. Nang magbukas ang gusali nagpa alam si Angela sa kaibigan, tama namang pagdating
ANGELA'S POV LINGGO, busy ang araw na ito para sa kanila. Ngayon kasi sila nakatakdang maglipat ng bahay sa bayan. Inalok sya ng kaibigan na tutulong ito sa kanila sa gagawing paglilipat, kaya hindi na rin sya nakatanggi rito ng sabihin nitong sa sasakyan nalang nila isasakay ang mga gamit. Kaunti lang naman ang mga gamit nilang dadalhin kasya naman sana sa tricycle ni mang mario, kaya lang mapilit pa rin ito para hindi raw gipit. Hindi na rin sya nakatanggi. Maaga silang dumalo ng misa para hindi rin sila hapunin sa paglilipat- bahay. Ibinilin na muna nila ang ilang mga alagang hayop kina manang maring at mang mario. Ito ang pinakamalapit nilang kapit- bahay. Siguro dadalaw- dalaw nalang sila pag may libreng oras sila. Mainam na rin naman ito dahil mas malapit sa kanyang pinapasukan. Magtatanghali na ng matapos sila sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin. Matapos nito nagpasya na muna silang mananghalian b
HABANG naglalakad sila pasunod kay Karen sa loob, hindi maiwasan ni Angela na iikot ang tingin sa paligid. Malawak ang space ng bakuran ng mansyon. Sa bandang kanan nito, may isang malawak na oval shape na swimming pool. Sa palibot nito landscpe naman na puno ng Bermuda grass na halatang alaga sa trim. Palibot din ng ornamental plants and orchids na kasalukuyan palang namumukadkad sa mga bulaklak na naka- dagdag sa pagiging presko ng paligid. Sa bandang dulo ng pool ay may swing at bench na malapit sa isang malaking puno na nagsisilbing pinaka lilim nito. Marami ng tao sa paligid, at ang iba busy sa pagkukwentuhan, ang iba naman ay kumakain at ang mga batang maliliit naman ay naglalaro sa malawak na garden nito. Buffet style ang handaan. Nakahilera sa isang lugar ang iba't- ibang uri ng pagkain at inumin, ikaw na ang syang bahalang kumuha ng gusto mo. Meron naman mga umiikot sa mga bisita na may dalang kopita ng alak para sa mga gustong uminom.
PASADO alas nueve na nang gabi ng makarating sina Angela sa bahay. Nakatulog na rin si Vince habang nasa byahe, marahil sa sobrang pagod nito sa paglalaro kanina. Binuhat na lamang nya ang bata paakyat sa taas at hinatid naman sila ni Karen hanggang sa kwarto. Matapos mai- ayos ng higa si Vince muli nyang hinarap kanyang kaibigan. "Salamat, ha.!" "Wala 'yon, salamat rin na pinag bigyan mo ako na makadalo kayo." Anito. "Nga pala may pagkain na nakabalot dyan para kay lola." Sabay turo sa plastik na dala. "O pano aalis na rin ako para makapag pahinga ka na rin." Yumakap at humalik pa ito sa kanya bago muling umalis. Nag ayos sya at itinabi ang pagkaing dala at naghanda ng matulog. Hindi na nya inabala pa ang iba sa pagdating nila. Binigyan rin naman sya ng sariling duplicate ng susi ni Aling Sally, sakali mang nalelate sya ng uwi. Naramdaman naman ng lola
ABALANG - abala si Norman sa pag che- check ng mga files sa harapan. Subalit palagi rin sumasagi sa isipan nya ang imahe ng batang nakita nya sa bahay nina Alex. Hindi nya alam kung anong nangyayari sa sarili. Noong una, ang paulit ulit na bangungot nya, at ngayon naman ang batang iyon. Hanggang ngayon, ramdam pa rin nya ang mabilis na pintig ng kanyang dibdibsa tuwing sasagi ito sa kanyang ala ala. Kahit na nga isang linggo na mula ng bumalik sya rito. Sa tuwing maalala nya ang mga mata nitong malungkot na nakatingin sa kanya. Parang dinudurog ang puso nya. Tila may bahagi ng puso nya na dala dala ng batang iyon. Pakiramdam na nya hindi na yata sya ang kilala nyang Norman ngayon. Ibang iba na ang nararamdaman nya sa sarili nitong mga nakalipas na araw. Gusto man nyang magtanong kay Alex ng tungkol sa bata ngunit naisip na baka kantyawan na naman sya nito. "Sir, you have a meeting with
ANGELA'S POV PAKIRAMDAM ni angela may nagmamasid sa kanila kaya inilibot nya ang tingin sa paligid. Wala naman syang nakikitang kakaiba sa mga nasa paligid nya. Normal lang ang mga taong nasa loob at wala namang kahina- hinala ang kilos. 'Napapraning na ata ako.' bulong nya sa sarili. Napansin pala ni Karen ang ginawa nya at nagtanong. "May problema ba, bess?" tila nababahalang sabi nito. "Wala naman" "Bakit uneasy ka yata dyan. Kanina ayos lang naman tayo ah." "Sino ba hinahanap mo?" "Wala naman." at ibinalik na nya ang atensyon sa pagkaing nasa harapan. "Gusto mo pa, baby?" baling nya sa bata. "Okey na po ako, busog na po.