"Si Norman!" mahina lang ang pag kaka- bigkas nya sa mga salitang iyon ngunit malinaw pa ring umabot sa pandinig ng kanyang kaibigang si Karen na nasa kabilang linya.
"Ano?" gulat na bulalas nito na hindi maka paniwala. Ilang saglit pa muna itong na- tahimik sa kabilang linya na tila hindi siguro alam ang tamang nais na sabihin, o marahil ay nagulat rin ng husto at hindi rin ma proses ng isip nitong isipin ng ganoon lang kadali ang kanyang mga sinabi.
"T- totoo ba iyan? Sigurado ka ba na talagang sya nga ang ang..." hindi niyo magawang ituloy- tuloy ang nais sabihin dahil alam nyang masakit iyon para sa kanyang kaibigan.
"Oo, sya nga, at talagang nagulat rin ako. Hindi ko tuloy ngayon alam kung paano ko sya haharapin ngayon matapos nito. Parang hindi pa kaya ng puso ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko, na si
Nasa bungad pa lang ng hospital building sina Angela ay hindi na mapigil ang malakas at mabilis na pag kabog ng kanyang dibdib. Hindi nya magawa na mapigil ang kanyang damdamin sa kanyang bagong pakiramdam. Bakit ba tila may nara- ramdaman syang concern ngayon para sa binatang si Norman? Na kung tu- tuusin ay ang tao ring kanyang lubos na pilit ibina- baon na sa limot. Bakit mas nangingibabaw yata ngayon ang pag nanais nya na makita rin ito at alamin kung ano na nga ba ang kalagayan nito. Hindi nga ba at ang kanya lang naman na anak na si Vince ang tanging may gusto na makita ito at madalaw?, ngunit bakit maging sya ay may ganoon na rin yatang pakiramdam para rito?, kasabay naman nito ay ang puso nya na may lihim na yatang pag- tangi sa binata, na pilit pa rin nyang itina- tanggi sa kanyang sarili. Tila unti- unti ng nahu- hulog ang loob nya rito.
Nagulat naman si Angela sa ginawang pag amin sa kanya ng ginang matapos nitong malaman ang ginawa ng anak nito sa kanya. Hindi nya tuloy maiwasan ang mapa luha sa ipina kita nitong concern sa kanya at sa kanyang anak. Ngayon rin nya nalaman na maging sa binata ay labag rin sa loob nito ang nagawang pag kaka- mali na iyon. Parang muling may humiwa sa puso nya sa mga mapapait na ala- alang iyon. Takot, pangamba, pagka- wasak at kawalang pag- asa ang mga tanging naramdaman nya noon na sa tuwing maa- alala iyon ay agad na nag hahatid lang sa kanya ng sakit. Ngayon na nasa harapan na nya ang taong gumawa noon sa kanya at kasalukuyan ring nakaratay matapos na magawang iligtas ang anak nya, tila hindi na nya kayang sumbatan pa ito. Naramdaman na lang nya ang muling pag- patak ng luha sa kanyang mga mata at wala sa loob na napa- yakap sa ginang na n
Dahil sa mga nalaman ni Angela ay tila unti- unting nag bago ang pananaw nya sa kung bakit nagawa iyon sa kanya ng binata. Kaya naman mas pinili nyang unawain ng husto ang mga nangyari noon at maging sa kanilang kasalukuyan. Hindi rin naman siguro masama kung mag papatuloy na lang sya sa kung ano ang nasa sa kanila ngayon kesa ang patuloy na mabuhay sa kanyang naka raan. Mahal nya ang kanyang anak, kaya naman nais pa rin nyang maging masaya ito. At alam nyang lubos ang magiging kasiyahan nito kung malalaman nito kung sino ang kanyang ama na pina niwalaan na nitong nasa heaven na. Hini- hintay na lang nila ang muling magising ang binata upang personal nya na maipa kilala sa kanyang munting si Vince. Alam nyang hindi na sya mahihirapan pang pag paliwanagan ang kanyang anak dahil malapit na rin naman ito sa binata matapos n
Matapos ang ilang buwan ng pag papagaling ng binata na si Norman ay higit pang nag karoon ng mahabang pag kakataon ang mag- ama upang mag ka- kilala at magka bonding sila. Agad itong humingi ng patawad sa dalaga sa mga maling nagawa nito na tanggap naman na nya. Nang masigurong magaling at muling malakas na ang kanyang katawan ay pormal na hiningi nito ang kamay ng dalaga sa kanyang mga magulang. Masaya naman ang lahat para sa kanila. Natagpuan rin nila ang isa't isa at muling nai- tama ang mga bawat pag- kakamali. Isa sa unang naging pinaka- masaya ay ang anak nyang si Vince, ng pormal nilang sabihin sa bata na si Norman ang tunay nitong ama. At alam nyang hindi sya nag kamali sa kanyang naging desisyon. Hindi mag kamayaw sa sobrang saya ang kanyang anak. At naisip nyang hindi nga sya
" Rina?" " Joan?" " Glenn?" " Karla?" Umalingawngaw ang tawag na iyon ng isang babae sa gitna ng dilim ng gabi. Patuloy nitong tinatawag ang kaniyang mga kaklase, na dati kanina ay kasama lamang niya. " Ano ba naman kayo? Wala naman biruan ng ganyan! Hindi nakakatuwa!" Kinakabahang sabi nito. Hindi na alam ang gagawin. Kinikilabutan na s'ya sa takot. Bukod sa madilim ang bahaging iyon, ay mayroon ding isang bar na nasa bandang dulo ng eskinita na iyon. Hindi malayong may maligaw na lasing doon, at baka kung ano pa ang gawin sa kaniya. " Ano ba? Nasaan na ba kayo? Wag n'yo naman ako biruin ng ganito." Mangiyak ngiyak na sigaw nito. Hindi na rin n'ya alam ang gagawin. Nabuhay ang
"Mama!" sigaw ng batang lalaki habang tumatakbo , papalapit ito kay Angela. Malawak ang pagkakangiti nito, habang nakadipa ito, tanda ng sabik na pagyakap sa bagong dating. Para bang sadya talagang inaabangan ang pagdating n'ya, dahil paghinto pa lang ng sinasakyang tricycle, ay sabik na sabik na itong lumapit doon kasunod si lola Ading. Kadarating lang nya galing sa pinapasukang trabaho sa kabayanan. Nagtatrabaho s'ya bilang isang cashier sa isang bagong bukas na mall doon. At sa tulong na rin ng kanyang matalik na kaibigan, kung kaya s'ya madaling nakakuha ng trabaho. Nagsisimula rin s'yang mag - ipon upang magamit na pang bayad ng matutuluyan na malapit lang sa pinapasukang mall, gayundin sa kanyang eskwelahan. Medyo nahihirapan din kasi s'ya sa halos araw araw na pag uwi sa kanila, pagkatapos ng kanyang klase at trabaho. Kailangan n'yang
LUNES, maagang bumangon si Angela upang maghanda sa kanyang pagpasok sa trabaho. Alas kwatro pa lang ng umaga at madilim pa sa labas ng bahay. Tanging ang mga tilaok lang ng mga manok ang maririnig mo. Maaga syang naghanda at nagluto ng babaunin nyang pagkain. Ito ang lagi nyang ginagawa upang makatipid. Mahal din kasi kung bibilhin pa nya. Sa hapon naman sa kantina ng unibersidad na sya kumakain. Halos katatapos lang nyang mag ayos ng mga dadalahin nya ng maramdaman nyang lumabas ang kanyang lola. Hindi na nya ito ginigising tuwing maaga syang bumabangon. Intindi naman nya na matanda na ito at kelangan talaga ng sapat na pahinga at hindi na dapat pang napapagod. "Tapos ka na ba?" bungad nito "Opo 'la. Paalis na rin po ako.para hindi ako masyado matanghalian." sabi nya. "Kayo na po muna ang bahala kay Vince lola ha. Pagpasensyahan nyo na po kung makulit man." natatawa nyang s
KINABUKASAN, talaga ngang seryoso ang kaibigan nya na sasama talagang matutulog sa kanila. Bitbit nito ang mga dalang pasalubong para kina Vince at lola. Bumili pa ito ng pagkarami- raming pagkain. Maaga naman silang nakauwi, alas singko pa lang at maliwanag pa. Wala ang ilang propesor nila at may dinaluhang seminar kung kaya mas maagang naka uwi sina Angela. Nang dumating ang sundong tricycle ni Angela. Walang arteng mas nauna pang sumakay ang kaibigan, kung tutuusin hindi ito sanay na sumasakay sa ganito. De kotse ito at may driver pa, hindi naman nito kailangang magtiis na sumakay sa ganito, pero hindi ito pinansin ng babae. Sa tuwing sasama ito sa kanila. Sumasabay ito sa sinasakyan nya. " Ayaw mo bang kotse nyo ang maghatid sa iyo?" minsang tanong nya dito. Naalangan kasi sya na hindi naman nito sanay sa ganitong sasakyan. " Hindi na kailangan. At saka maganda namang sumakay dito, mahangin, maingay nga la