LUNES, maagang bumangon si Angela upang maghanda sa kanyang pagpasok sa trabaho. Alas kwatro pa lang ng umaga at madilim pa sa labas ng bahay. Tanging ang mga tilaok lang ng mga manok ang maririnig mo. Maaga syang naghanda at nagluto ng babaunin nyang pagkain. Ito ang lagi nyang ginagawa upang makatipid. Mahal din kasi kung bibilhin pa nya. Sa hapon naman sa kantina ng unibersidad na sya kumakain.
Halos katatapos lang nyang mag ayos ng mga dadalahin nya ng maramdaman nyang lumabas ang kanyang lola. Hindi na nya ito ginigising tuwing maaga syang bumabangon. Intindi naman nya na matanda na ito at kelangan talaga ng sapat na pahinga at hindi na dapat pang napapagod.
"Tapos ka na ba?" bungad nito
"Opo 'la. Paalis na rin po ako.para hindi ako masyado matanghalian." sabi nya. "Kayo na po muna ang bahala kay Vince lola ha. Pagpasensyahan nyo na po kung makulit man." natatawa nyang sabi.
"Sus batang to. Mabait naman anak mo ah. Nakakatuwa nga ai. o sya. Lumakad kana at maliwanag na din. Nandyan na din ang sasakyan mo sa labas. " sabi ng lola.
Mabilis muna syang nagtungo sa silid at mabilis na dinantayan ng magaang halik sa noo ang batang mahimbing na natutulog. Dahan- dahan syang lumabas upang hindi magising ang bata. Mabilis nyang kinuha ang bag at ang supot na naglalaman na baon nya sa pananghalian. Lumapit sya sa matanda at yumakap dito.
"'La, hindi ko po sigurado kung anong oras po ako makauuwi mamaya kasi po may group project pa po kaming kailangang tapusin. " paliwanag nya dito.
"O sige apo. Wag mo isipin anak mo. Pagbutihin mo lang ginagawa mo. At saka yong mga bilin ko ha.? Ingat ka lagi." saad nito.
"Opo, 'la tatandaan ko po." sabi nya.
Lumabas sya at lumapit sa naghihintay na tricycle sa labas ng tarangkahan. Maliwanag na rin at kulang isang oras pa ang babaybayin nila para makarating sa bayan.
"Wala ka na bang nalimutan?" sabi nito.
Saglit nyang sinipat ang dala mga kapagkuwa'y umiling. Wala na ho manong. Tayo na rin po ng hindi tayo tanghaliin." aniya at sumakay sa rin sa loob. Pinaandar naman na rin nito ang sasakyan.
Habang nasa daan. Inilabas nya ang kanyang aklat na nire-review at itinuloy ito. Kesa naman mabagot sya habang nasa byahe. Ilang sandali pa ang ginugol nila sa byahe ng huminto ang tricycle at nagsalita si mang mario.
"Nandito na tayo." saad nito
Agad kong ibinaba sa kandungan ko ang aking aklat at bahagyang yumuko at idinungaw ang ulo sa labas. Nandito na nga sila. Tiningnan ko ang oras sa aking de keypad na cellphone alas sais singkwenta'y tres pa lang. Maaga pa pero maliwanag na ang paligid at medyo sumisikat na rin si haring araw.
Mabilis nyang ibinalik sa bag ang aklat na nire- review kanina at kinuha ang mga iba pang gamit na dala- dala at bumaba ng sasakyan.
"Salamat po manong." wika nya. at humarap dito.
"Susunduin na lamang ulit kita mamaya. Mamamasada muna ako." sabi nito sa kanya.
"Sige po, manong." at umalis na rin ito. Hindi na sya nag abala pang magbigay ng bayad dito dahil kada isang buwan sya nagbibigay ng pamasahe rito bilang bayad sa paghahatid- sundo sa kanya. Mabait ito at tiwala na rin sya dito bukod pa sa kapit- bahay lang nila ito. Matiyaga siya nitong hinihintay kahit na minsan ginagabi na sya ng uwi. Hanggang alas otso kasi ang klase n'ya. Maaga lang sya nakakauwi kung wala ang propesor nila.
Nilingon muna nya ang gusaling nakasara. Maaga pa naman at mamaya pa alas otso ang bukas nito. Doon muna sya magpapalipas ng oras sa katapat nitong parke. Dahan dahan syang humakbang patungo roon at naghanap ng bakanteng mauupuan. Maaga pa at may mangilan ngilang tao duon na nag jojogging. Naupo sya sa isang bakanteng upuan doon at marahang inilapag ang mga dala sa tabi nya. Pumuwesto sa lugar na nakapaharap sa gusali para madali nyang makita pag open na ito. Isinandal nya ang likod at inilabas ang kanina'y nirereview nyang aklat. Minsan pa nyang sinulyapan ang cellphone at napa iling. Hindi man lang sya naalala nang kaibigan na itext. Si Karen ang bestfriend nya simula pa nuong mga highschool pa lamang sila. Mabait ito. Maboka at palabiro. Dagdag pang nag iisang babaeng anak ng mga Del Carmen. Kilala at nirerespetong pamilya sa lugar nila. May kapatid itong tatlong lalaki na may mga sari- sarili na ring trabaho at ang dalawa ay may pamilya na.
Hindi nya inaasahan na magiging magkasundo sila nito hanggang sa naging mag bestfriend pa. Wala itong arte sa katawan kahit anak mayaman. Isa sa ugaling siguro nagustuhan nya dito. Ang pamilya rin nito ang tumulong sa kanya upang makapasok at makapag trabaho sa mall. Naging hingahan nya ito ng lahat ng hinaing nya at taga payo na rin. Wala syang itinagong sikreto rito. Bukas ang kaalaman nito ukol sa buhay nya at sa naging mga karanasan nya. Best friend nya ito mula highschool pa lang sila. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Huminto sya ng isang taon kaya ahead pa rin ito sa kanya ngayon. Graduating na ito sa pareho nilang kurso samantalang sya. Nasa ikatlong taon pa lang. Pero hindi yon naging hadlang sa kanila sa patuloy na pagiging magkaibigan. Pareho sila ng school ng pinapasukan. Dahil naman sa pagiging scholar nya kaya nakaya nyang pumasok dito. At iyon ang iniingatan nyang wag mawala sa kanya. Konting panahon na lang at matatapos na rin naman sya. May konti rin naman na syang ipon. At gagamitin nya yon para may maipambayad ng bahay na pansamantalang tutuluyan nila. May nakita naman na sya kailangan nga lang ng pandagdag sa ibabayad nyang renta. Sa makalawa na ang sahod nya. At masaya syang isipin na babayaran na nya ang isang kwarto na pwede nyang paglipatan sa kanyang anak at lola dito sa kabayanan. Mahirap at pagod din kasi ang mag uwian sa gabi. Buti rito malapit sa pinapasukang trabaho at isang kanto lang pagitan sa pinapasukan nyang unibersidad. Mas magiging convinient para sa kanila.
Nang mapagod ang mga mata nyang nakatutok sa binabasa sandali nya itong itinaas at bahagyang ipinilig ang ulo upang maalis ang pangangalay. Sinipat nya ang oras sa kanyang cellphone. 7:50am. Ilang minuto pa at magbubukas na ang gusali. Itinabi nya ang kanyang mga gamit at uminat ng kaunti. Tumayo sya at kinuha ang mga dala at humakbang palapit sa gusaling pinapasukan.
Hustong makarating sya sa harapan nito nang buksan naman iyon. Agad na binati sya ng guard.
"Good morning miss Angela. Ang aga mo ah." nakangiting bati nito sa dalaga. Tango at ngiti lang naging tugon dito ng dalaga. At tuloy tuloy na pumasok sa loob. Inayos muna nya ang mga dalang gamit sa kanyang locker na sadyang pansamantalang pinaglalagyan ng mga empleyado ng gusali ng kani- kanilang mga gamit, at tinungo na ang kanyang sariling pwesto sa counter.
Nagsisimula ng dumami ang mga taong naglalabas masok dito at unti- unti na rin siyang maging abala sa ginagawa. Dahil tutok sa pag eestima sa mga nag babayad sa counter. Hindi niya alintana ang babaeng nakapila upang magbayad din ng kanyang mga pinamili. Malawak itong nakangiti habang nakatingin sa kanya.
Nang bumungad na ang babae sa harapan nya. Nagulat pa sya ng bigla itong mgwave ng kamay sa harapan niya habang nakayuko sya. Gulat tuloy syang napaangat ng tingin.
"Hi bess!" masayang bati nito. At talagang sinadya pa talagang ilakas ang tinig na akala mo hindi sya narinig. "Kumusta naman ang bff kong sobrang sipag at bait?" dagdag pa nito na hindi nya alam kung biro ba o totoo. Sabagay , bestfriend nya 'to. At ganito na rin ito dati pa. Isa sa ugaling gustong- gusto nya.
Agad syang umingos dito na kunwa'y nagtatampo. "Nambola ka pa, talang yong kilala ko d'yan di man lang nakaalala, ni kahit paramdam wala." saad nya habang abala sa pag- e- estima sa mga pinamili nito. May himig din sya ng pagtatampo.
Lalo naman itong ngumiti ng malaki. "Yaan mo bess, babawi ako sayo, sorry na talaga. Labas tayo maya ha." masayang sabi nito. " Na miss kita talaga bess, saka marami tayo pagkukwentuhan." masayang sabi nito.
"Sige," sabi ko. "Basta ba ikaw ang taya." natatawa kong sagot.
"Oo naman, bess, ikaw pa. Lakas mo ata sa 'kin." sabi nito ng may pakindat pa. Sabay Inabot ang mga dala nyang pinamili.
Bago pa man ito umalis sa harapan nya. Nagpahabol pa ito ng sinabi.
" Wait kita bess, ha. ?" sabi nito at diretsong nagtungo sa waiting area dala ang mga pinamili nito. Naiiling na nangingiti naman syang sumulyap sa malaking orasan na nasa may gilid lang ng counter. 12:26 noon na. Halos kalahating oras pa ito maghihintay, ala una pa ang off nya. Sinulyapan nya ito at nakita nya itong busy sa pagdutdot sa cellphone. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga ngiti nito na kanina pa nakapaskil sa labi habang nakatuon sa cellphone.
'Anong meron?' piping usal nya. Sabay kibit balikat at muling hinarap ang ginagawa.
Nang sumapit ang ala una. Inayos na nya ang sarili at kinuha ang kanyang mga gamit at nilapitan ang kaibigan na agad namang tumayo ng masulyapan syang papalapit na.
" Let's go?" sabi nito, malapad ang pagkakangiti na para bang kinikilig pa na hindi mo mawari. Di tuloy nya maiwasang mag isip kung anong nangyari sa pagbabakasyon nito at tila nagbago yata ang mood nito. Sabagay, dati pa naman na ganito na ito, masayahin at kikay.
"Hmnn.." tugon nya sabay ng pagtango. " San ba tayo?" tanong nya.
" Sa jollibee nalang tayo. Mamaya pa naman ang pasok mo di ba? Mahaba pa oras natin." litanya nito. At naglakad na sila upang magtungo duon. Malapit lang naman ito sa mall na inalisan nila. Hinintay nilang ang hudyat ng ilaw trapiko bago tumawid ng kalsada.
" Ikaw ha, ang daya mo." panimula nya habang naglalakad sila. Halos may patakbo na nga siya pasunod dito sa bilis ba naman nito maglakad. 'At bakit ba naman kasi masyado naman nagmamadali ang babaeng ito.' bulong nya sa sarili. Ni hindi nga nito alintana ang mga dala nitong pinamili kanina sa sobrang bilis maglakad.
" Hindi mo man lang ako intext kahit hanggang ng makauwi kayo?" may himig tampo nyang sabi. Ng may biglang naalala. " Kelan pa nga pala kayo dumating?" tanong nya at bahagyang lumingon dito.
" Kaya nga nagsosori na di ba? Kanina lang, dito lang ako dumeretso." saad naman nito na bahagya pang lumingon sa kanya bago muling binalik ang atensyon sa kalsada. " Ikukwento ko sayo mamaya lahat, kaya bilisan mo d'yan baka mamaya hindi ka pa makapasok sa klase mo sa dami kong ikukwento." natatawa nitong sabi sa kanya. Pero suntok pa sa buwan kung magawa nga iyon ng kaibigan. Kilala nya si Angela, ni minsan man hindi ito lumiliban sa klase kung hindi naman talaga sobrang importante.
Nakarating sila sa harapan ng jollibee at pumasok dito. Dumiretso si Karen sa counter at um order ng kakainin nila habang sya naman naghanap ng bakanteng mauupuan nila. Nakakita naman sya sa may bandang dulo. Puno ng customer ng mga oras iyon. Matapos maka order ng kakainin. Hinanap ng mata ni Karen ang kaibigan. Inikot ang tingin sa paligid at mabilis namang nakita si Angela sa may bandang dulo ng agad na itinaas ni Angela ang kamay at pumayapay kay Karen ng mapansin nitong umikot ang mga mata at hinanap sya.
Agad na lumapit ito sa kanya at hinila ang bangko'ng nasa tapat nya at umupo agad ng makalapit sa kanya.
Habang naghihintay ng kanilang in order. Mabilis na nilabas ni Angela ang kanyang dalang pagkain. Nakita ito ni Karen at agad sya'ng pinigilan at sinabing marami itong in order.
"Itabi mo na muna kaya iyan, ang dami ko in order para sa atin." sabi nya.
Mabilis namang tumanggi ang dalaga. " Sayang 'tong pagkain, bess. Masisira din naman ito kung hindi makakain. " saad nya.
Tumango nalang ito bilang pagsang- ayon sa sinabi nya.
" Sige, itake out nalang natin pag hindi naubos." saad naman nito "Kumusta naman pala ang inaanak ko? Na miss ko ng sobra ang batang 'yon, ah. May pasalubong ako para sa kanya kaya lang baka bukas ko na rin maibigay, nandun kasi 'yon sa kotse ni papa. " sabi nito.
" Sasama ako sayo bukas pag uwi mo para personal ko maibigay yung pasalubong ko" sabi nito. " sobra miss ko na talaga inaanak ko na yon." dagdag pa nya.
Hindi pa naman napabibinyagan si Vince pero sya na ang kusang nagsabi nuon na gusto nya itong maging inaanak. Kaya hinahayaan na lang din nya ito hindi naman masama.
Lumipas ang oras nila ng puro kwentuhan tungkol sa nangyaring bakasyon ng kaibigan. Ipinaliwag nito na nawala ang cp nito. Dahilan upang hindi sya nito ma itext at matawagan. Wala rin naman syang kahit anong social media account.
Mabilis na lumipas ang oras. Sa dami ng kwento ng dalawa kulang ang oras nila.
"Sa ibang araw nalang ulit tayo magkwentuhan." sabi nito at tumayo. 2:43 na ng hapon. Kaya mabilis nyang sininop ang mga gamit. Baka mahuli pa sya sa klase. Ipinabalot naman ni Karen ang mga pagkaing hindi nila naubos. At ibinigay sa dalaga .
" Iuwi mo nalang iyan sa inyo para hindi masira." sabi nito.
Sabay silang tumayo at lumabas. Ipinagpatuloy naman nila ang paglalakad. Lumapit ako sa kanya at yumakap ng makatapat kami sa gate ng eskwelahan. Nakakamiss din naman kaya ang babaeng ito.
" Na miss talaga kita, bess." sabi nya. "Kaya lang may klase pa talaga tayo eh." dagdag pa nya. Ngumiti lang ito sa kanya sabay ganti ng yakap at humalik sa kanya. " Hindi ka pa ba papasok ngayon?" tanong nya dito.
" Hindi pa muna, bess. Baka bukas nalang siguro, pagod pa rin ako. Dumeretso nga lang ako kanina sayo kasi talagang miss na kita, bess." mahabang sabi nito.
"Bukas sama ako sa inyo, dun na rin ako matutulog para naman makapag -kwentuhan tayo ng mas mahaba." dagdag pa nito at saka sya tinulak papasok. " sige na, pasok na at baka malate ka pa. See you tommorow." sabi nito.
" Sige, bye, ingat ha." sabi nya at ipinagpatuloy na ang paglalakad patungo sa klasroom nya. Panigurado hindi na naman sila makakatulog ng maayos nito bukas sa pagkukwentuhan. Sabagay, dati na nila itong ginagawa. Malaya namang nakakapunta ito sa kanila at madalas rin na duon na ito natutulog lalo na pag inabutan ito ng dilim sa kanila. Kahit pa anak mayaman ito hindi mo iyon makikita sa kanya. Itinuring na rin nya kaming kapamilya. Hindi ito nakitaan ng pangingilag sa kanya kahit na sabihin pang mahirap lang ang dalaga. Mas aliw na aliw pa nga ito kapag sumasama sa kanila kesa raw nabuburo sa malaking mansyon na wala man lang maka usap kundi mga maid nila.
ā
KINABUKASAN, talaga ngang seryoso ang kaibigan nya na sasama talagang matutulog sa kanila. Bitbit nito ang mga dalang pasalubong para kina Vince at lola. Bumili pa ito ng pagkarami- raming pagkain. Maaga naman silang nakauwi, alas singko pa lang at maliwanag pa. Wala ang ilang propesor nila at may dinaluhang seminar kung kaya mas maagang naka uwi sina Angela. Nang dumating ang sundong tricycle ni Angela. Walang arteng mas nauna pang sumakay ang kaibigan, kung tutuusin hindi ito sanay na sumasakay sa ganito. De kotse ito at may driver pa, hindi naman nito kailangang magtiis na sumakay sa ganito, pero hindi ito pinansin ng babae. Sa tuwing sasama ito sa kanila. Sumasabay ito sa sinasakyan nya. " Ayaw mo bang kotse nyo ang maghatid sa iyo?" minsang tanong nya dito. Naalangan kasi sya na hindi naman nito sanay sa ganitong sasakyan. " Hindi na kailangan. At saka maganda namang sumakay dito, mahangin, maingay nga la
MÀAGA pa rin naman kinabukasan na bumangon ang magkaibigan kahit pa nga late na silang natulog sa tagal ng pagkukwentuhan. May liwanag na rin nang lisanin nila ang baryo. "Kelan po ulit ang balik mo dito, tita ninang?" tanong ng bata. "Promise baby, sa linggo buong araw tayong magkasama, ipapasyal namin kayo ni mama at lola. Ok?" sabi nito at hinalikan ang bata. "Sige po. Hihintayin po ulit namin kayo." sabi nito. Niyakap at hinalikan nya ang anak, gayundin ang lola nya at tinungo na nila ang sasakyan. 7:48 ng huminto sila sa harap ng gusaling pinapasukan. Pagkababa tumayo nalang sila sa tabi habang hinihintay ito magbukas, habang abala naman ang kaibigan na kinuha ang phone at dinayal ang numero ng kanilang driver para magpasundo. Nang magbukas ang gusali nagpa alam si Angela sa kaibigan, tama namang pagdating
ANGELA'S POV LINGGO, busy ang araw na ito para sa kanila. Ngayon kasi sila nakatakdang maglipat ng bahay sa bayan. Inalok sya ng kaibigan na tutulong ito sa kanila sa gagawing paglilipat, kaya hindi na rin sya nakatanggi rito ng sabihin nitong sa sasakyan nalang nila isasakay ang mga gamit. Kaunti lang naman ang mga gamit nilang dadalhin kasya naman sana sa tricycle ni mang mario, kaya lang mapilit pa rin ito para hindi raw gipit. Hindi na rin sya nakatanggi. Maaga silang dumalo ng misa para hindi rin sila hapunin sa paglilipat- bahay. Ibinilin na muna nila ang ilang mga alagang hayop kina manang maring at mang mario. Ito ang pinakamalapit nilang kapit- bahay. Siguro dadalaw- dalaw nalang sila pag may libreng oras sila. Mainam na rin naman ito dahil mas malapit sa kanyang pinapasukan. Magtatanghali na ng matapos sila sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin. Matapos nito nagpasya na muna silang mananghalian b
HABANG naglalakad sila pasunod kay Karen sa loob, hindi maiwasan ni Angela na iikot ang tingin sa paligid. Malawak ang space ng bakuran ng mansyon. Sa bandang kanan nito, may isang malawak na oval shape na swimming pool. Sa palibot nito landscpe naman na puno ng Bermuda grass na halatang alaga sa trim. Palibot din ng ornamental plants and orchids na kasalukuyan palang namumukadkad sa mga bulaklak na naka- dagdag sa pagiging presko ng paligid. Sa bandang dulo ng pool ay may swing at bench na malapit sa isang malaking puno na nagsisilbing pinaka lilim nito. Marami ng tao sa paligid, at ang iba busy sa pagkukwentuhan, ang iba naman ay kumakain at ang mga batang maliliit naman ay naglalaro sa malawak na garden nito. Buffet style ang handaan. Nakahilera sa isang lugar ang iba't- ibang uri ng pagkain at inumin, ikaw na ang syang bahalang kumuha ng gusto mo. Meron naman mga umiikot sa mga bisita na may dalang kopita ng alak para sa mga gustong uminom.
PASADO alas nueve na nang gabi ng makarating sina Angela sa bahay. Nakatulog na rin si Vince habang nasa byahe, marahil sa sobrang pagod nito sa paglalaro kanina. Binuhat na lamang nya ang bata paakyat sa taas at hinatid naman sila ni Karen hanggang sa kwarto. Matapos mai- ayos ng higa si Vince muli nyang hinarap kanyang kaibigan. "Salamat, ha.!" "Wala 'yon, salamat rin na pinag bigyan mo ako na makadalo kayo." Anito. "Nga pala may pagkain na nakabalot dyan para kay lola." Sabay turo sa plastik na dala. "O pano aalis na rin ako para makapag pahinga ka na rin." Yumakap at humalik pa ito sa kanya bago muling umalis. Nag ayos sya at itinabi ang pagkaing dala at naghanda ng matulog. Hindi na nya inabala pa ang iba sa pagdating nila. Binigyan rin naman sya ng sariling duplicate ng susi ni Aling Sally, sakali mang nalelate sya ng uwi. Naramdaman naman ng lola
ABALANG - abala si Norman sa pag che- check ng mga files sa harapan. Subalit palagi rin sumasagi sa isipan nya ang imahe ng batang nakita nya sa bahay nina Alex. Hindi nya alam kung anong nangyayari sa sarili. Noong una, ang paulit ulit na bangungot nya, at ngayon naman ang batang iyon. Hanggang ngayon, ramdam pa rin nya ang mabilis na pintig ng kanyang dibdibsa tuwing sasagi ito sa kanyang ala ala. Kahit na nga isang linggo na mula ng bumalik sya rito. Sa tuwing maalala nya ang mga mata nitong malungkot na nakatingin sa kanya. Parang dinudurog ang puso nya. Tila may bahagi ng puso nya na dala dala ng batang iyon. Pakiramdam na nya hindi na yata sya ang kilala nyang Norman ngayon. Ibang iba na ang nararamdaman nya sa sarili nitong mga nakalipas na araw. Gusto man nyang magtanong kay Alex ng tungkol sa bata ngunit naisip na baka kantyawan na naman sya nito. "Sir, you have a meeting with
ANGELA'S POV PAKIRAMDAM ni angela may nagmamasid sa kanila kaya inilibot nya ang tingin sa paligid. Wala naman syang nakikitang kakaiba sa mga nasa paligid nya. Normal lang ang mga taong nasa loob at wala namang kahina- hinala ang kilos. 'Napapraning na ata ako.' bulong nya sa sarili. Napansin pala ni Karen ang ginawa nya at nagtanong. "May problema ba, bess?" tila nababahalang sabi nito. "Wala naman" "Bakit uneasy ka yata dyan. Kanina ayos lang naman tayo ah." "Sino ba hinahanap mo?" "Wala naman." at ibinalik na nya ang atensyon sa pagkaing nasa harapan. "Gusto mo pa, baby?" baling nya sa bata. "Okey na po ako, busog na po.
HAPON na ng magising si Norman, sinanay muna nya ang mga mata sandali sa paligid bago tuluyang bumangon at nagtungo sa banyo para magligo. Nakakaramdam na rin sya ng gutom dahil wala pa naman syang kain mula ng dumating kanina. Shorts at sando lang ang tanging isinuot nya at lumabas ng silid upang bumaba. Pababa na sana sya ng nasa ikalawang palapag na sya at mapalingon sa pinto ng dating silid nya. Napansin nya ang paglabas ng isang babae at bata sa silid. 'Sila siguro yung mga umokupa ng silid.' he thought. Muli na sana syang hahakbang ng mapansin pa ang hitsura ng mga ito. Bahagya syang natigilan ng mapagsino ito. Ang babae at ang batang nakita nya sa mall kanina. 'What a small world.' nasabi nya. Hindi nya akalaing dito pa ito sila makikita sa sariling tahanan. 'Ano kayang pangalan nila?' hindi nya