Home / Romance / BAKAS NANG KAHAPON / CHAPTER FOUR - UNEXPECTED VISITOR

Share

CHAPTER FOUR - UNEXPECTED VISITOR

MÀAGA pa rin naman kinabukasan na bumangon ang magkaibigan kahit pa nga late na silang natulog sa tagal ng pagkukwentuhan. May liwanag na rin nang lisanin nila ang baryo.

      "Kelan po ulit ang balik mo dito, tita ninang?" tanong ng bata. 

      "Promise baby, sa linggo buong araw tayong magkasama, ipapasyal namin kayo ni mama at lola. Ok?" sabi nito at hinalikan ang bata.

        "Sige po. Hihintayin po ulit namin kayo." sabi nito.

        Niyakap at hinalikan nya ang anak, gayundin ang lola nya at tinungo na nila ang sasakyan. 7:48 ng huminto sila sa harap ng gusaling pinapasukan. Pagkababa tumayo nalang sila sa tabi habang hinihintay ito magbukas, habang abala naman ang kaibigan na kinuha ang phone at dinayal ang numero ng kanilang driver para magpasundo.

        Nang magbukas ang gusali nagpa alam si Angela sa kaibigan, tama namang pagdating rin ng sundo ni Karen.

       "Pasok na ako, bess. Ingat sa pag uwi." paalam nya. 

      "Sige narito na rin naman ang sundo ko." sabi nito at nagbeso silang dalawa. ganito naman silang dalawa sa tuwing magkikita at maghihiwalay. talo pa nga nila ang tunay na magkapatid.

       At dahil oras na rin naman na ng trabaho nya. Mamaya nalang nya siguro iche- check ang sahod nya. Hindi nya tuloy maiwasang ma excite, balak na rin kasi niyang bayaran ang down at mag cash advance sa kwartong nakita nya noong nakaraang linggo pag nakasahod sya ngayon para hindi sya mahirapan magpa- uwi- uwi. Wala rin naman problema sa lola nya. Basta raw ba para sa ikagiginhawa nya. Noon pa nya ito gusto kaya lang wala pa naman syang sapat na ipon.

       Lumipas ang oras na hindi alintana ng dalaga ang pagod. At ng makalabas sya. Nagtungo sya saglit sa park sa isang bakanteng bench doon at tulad ng dati kumain muna. Nagpahinga lang sya saglit. Kapagkuwa'y tumayo at naglakad na muli. Nagtungo sya sa landbank para i- check kung okey na yung sahod. Hindi talaga nya maiwasang ma excite para sa kanya ito kasi ang isa sa matagal na nyang gustong gawin. Yung malapit ka lang sa mga mahal mo. Nakakabawas pagod rin ung isiping hindi mo na kailangang araw- araw na bibyahe pauwi at papasok. Nangako rin sya sa sarili na oras na magkaroon na sya ng stable na trabaho at kita. Una nyang gustong pundarin ang sariling bahay at lupa na para sa kanila. Gusto nyang magkaroon ng mas maayos at komportableng tahanan para sa kanyang anak at lola.

       'Konting tiis pa'. bulong nya sa sarili.

       Humarap sya ATM machine. At ipinasok ang card. Laking tuwa nya ng okey na ang sahod. Tumingin sya saglit sa oras sa kanyang cellphone. 1:25 palang. Mahaba pa oras nya para sa klase. Masaya syang nagtungo sa kabilang kanto. Tumayo sya sa isang harap ng isang gate duon at nagdoorbell. Agad naman na dumungaw ang ulo ng may kaliitang babae at hindi naman masasabing mataba o payat sa klase ng pangangatawan na para sa kanya katamtaman lang, sa bahagyang nakabukas na gate.

       Akmang magsasalita na sana sya ng agad itong ngumiti at nakilala sya.

       "Di ba ikaw yung babaeng naka- ilang balik na nagtatanong ng kwarto dito, di ba?" nakangiti nitong bungad sa kanya. Halata namang mabait din ang ginang. At mukhang makakapalagayan nya ito ng loob. 

      "Ako nga po, inay." magalang nyang sagot dito. "Itatanong ko po sana kung meron pa yung kwartong sinasabi ko noon." dagdag nya. Ngumiti naman ito sa kanya.

         "Pasok ka iha." sabi nito na Agad binuksan ng malaki ang gate. "Doon na muna tayo sa loob. Hindi ka ba nag -aapura?" sabi pa nito.

          "Ai hindi naman po."

          At sumunod sya dito sa loob. Pumasok sila sa loob ng bahay. May kalakihan nga naman itong bahay. 

         "Maupo ka muna at ikukuha lang kita ng maiinom." sabi nito.

         "Naku wag na po. Hindi rin naman po ako magtatagal." pigil nya dito. Ngumiti lang ito. Naupo na rin sa katapat nya. 

        "Ako nga po pala si Angela." pagpapakilala nya rito.

        "'Nay Sally nalang itawag mo sa 'kin, iha." tugon naman nito.

         "Yung tungkol po sana sa kwartong sinasabi ko noon. Baka po meron pa." aniya.

        "Puno na yung mga kwarto na nasa kabilang  building iha. Wala pa naman don bakante." anito. "May umalis na umuupa nung nakaraang linggo kaya lang may nakauna na sayo at baka lumipat na yun sila mga ilang araw mula ngayon." dagdag pa nito.

         Sa narinig parang gusto nyang manlumo. Akala pa naman may makukuha sya. Ito lang kasi ang may paupahang pinaka malapit sa trabaho at school nya. Pero agad naman nabuhayan ng loob ng marinig ang sunod nitong sinabi.

         "Mag isa mo lang ba, iha?"

         "Hindi po. Kasama ko po sana yung anak ko pong tatlong taon at lola ko po. Ito lang po kasi ang nakita kong mas malapit sa pinapasukan kong trabaho at sa school. Sayang nga lang wala na po palang bakante." sabi nyang medyo nakangiti. 

         "Ah, may anak ka pala." tila naman saglit na nag- isip ito. "Since, tatlo lang naman pala kayo kung gusto mo yung isang kwarto na lang sa taas ang kunin mo. Malaki rin naman iyon. Malaya rin kayong gumamit ng kusina dito sa baba kung di kayo komportable sa taas." nakangiti ito habang nagsasalita.

          "Wala naman yung anak kong gumagamit no'n nasa maynila. Kapag umuwi naman halos hindi pa rito abutan ng maghapon at umaalis rin. Kesa naman masira ang mga gamit mas mabuti kung may gagamit na rin."

         "Naku, salamat naman po, kaya lang po baka naman po mahal kung dito po ang kukunin ko, inay. Baka kulangin naman po yung pambayad ko." nahihiya nyang sagot dito. 

        "Hus, batang 'to, wag mong isipin yon. Sige 1,500 mo na lang upahan yon." natatawang sabi ng matanda.

         Hindi sya makapaniwala sa narinig e pano ba naman hindi lang yata kalahati ang nadiscount nya sa upa.

         "Totoo po ba? Baka naman po malugi na kayo nyan sa baba po ng singil nyo sa 'kin." hindi makapaniwalang sabi niya. 

         "Naku wala yon, iha. Buti nga iyon maaalagaan at laging malilinis iyon, maiiwasang masira ang mga gamit." dagdag nito. 

         Kinuha nya ang wallet nya at babayaran na sana ang ginang kaya lang pinigil naman sya nito.

          "Saka na, iha. Bigay mo nalang pag nakapaglipat na kayo."

           Sobrang pasasalamat nya dito. Marami pa itong naitanong sa kanya. Hindi rin nagtagal at nagpa alam na sya rito. May klase pa kasi sya.

        Nag- uumapaw sa saya ang kanyang pakiramdam. Hindi pa rin sya pinabayaan ng diyos. At alam nyang makakapalagayan din ng anak at lola ang ginang na iyon. Lihim syang  napa- usal ng pasasalamat sa diyos. Magaan ang pakiramdam na pumasok sya sa school. Mas magiging malapit na sya sa trabaho at eskwelahan. Hindi na nya kailangan bumiyahe pa araw- araw.

NORMAN'S POV

        "Sir, miss Santiago is here." sabi ng secretary nito mula sa intercom.

         "Should I let her in?" 

          "Tell to her I'm busy." sabi nya sa naiinis na tinig. Walang emosyong nakatutok ang mga mata sa kanyang computer at  busy ang mga daliri sa pagtipa.

          "But she insist, sir." muling sabi nito. 

          "Tell her to leave, I have a lot of work's to do." mariing sabi nya. Nagsisimula na bumangon ang inis na nararamdaman.

           'Ano na naman kaya ang gusto ng babaeng ito.' Tuwing makikita ang babaeng ito halos wala na yata itong ginawa kundi ang mangharot at pumulupot na akala mo anumang oras manlilingkis. At iyon ang ayaw na ayaw nyang ugali ng mga babae na akala mo kung sinong pag- aari ka lalo na sa mga pampublikong lugar. Ewan ba't kahit anong gawin niyang iwas sa babeng ito palagi pa rin itong sumusulpot ng walang abog- abog. 

        Lalong lumalim ang guhit sa kanyang noo ng walang kaabog- abog itong pumasok ng opisina nya. Inis na napahilamos sya sa mukha. Kung hindi nga lang nya kilala ang mga magulang nito, marahil matagal na rin itong nakatikim sa kanya sa sobrang inis nya.

       "Is there anything you need? As far as I know, I didn't let you to come in?" sabi nya sa matigas na tinig. Hindi man lang nya ito tinapunan ng kahit kaunting sulyap man lang. Nanatiling nakatuon ang mga mata sa harapan ng computer at nagtitipa doon.

        Diretso pa rin ang babaeng lumapit at wala man lang pakialam sa narinig. Nakasuot ito ng strapless skirt na lampas pa halos sa kalahati ng hita ang tabas. Kulay blonde ang maiksi nitong buhok. Sobrang kapal pa ng make up nito at pulang- pula ang labi sa kapal ng lipstick na nilagay. Kahit naman siguro sino maiinis at maiimbyerna sa hitsura nito.

       Naupo ito sa upuan na nasa harap ng working table nya. Ipinag- ekis ang mga binti na halos masilipan na. O talagang sinasadya ba nito. Itinukod ang siko sa mesa at nangalumbaba sa harapan nya. 

        "Ganyan ka ba mag welcome ng bisita mo?" sabi nitong inartehan pa ang boses. "Ikaw na ang dinadalaw, ikaw pa ang galit. Simula nung dumating ka ni hindi ka pa nagpakita sa 'kin at hindi ka rin pumunta ng i- invite ka ni dad sa bahay last week." dire diretso nitong sabi.

       Hindi naman nito narinig ang sagot nya. Nagpatuloy lang sya sa ginagawa. Walang paki- alam sa presensya nito na nasa harapan nya.

       "Norman, ano ba?" inis nitong sabi sabay padabog ng tayo. "Hindi naman siguro ako poste rito para dedmahin mo lang?" naiinis na bulalas nito.

        "You may leave." sabi lang nya na hindi pa rin ito sinusulyapan. "I didn't tell you to come. And also, don't bother to come again." seryosong sabi nito. "Can't you see,? I'm always busy."

        Inis na tinalikuran sya ng babae at padabog na lumabas ng opisina. Bago pa man ito tumalikod inis pa nitong naihampas ang maliit na purse na hawak nito sa mesa nya. Ni hindi man lang nya ito tinapunan ng sulyap hanggang makalabas.

       Nang sumara ang dahon ng pinto ng opisina, sakto naman ng mag ring ang phone niya. Sinulyapan nya ang screen, si Alex. Isa sa mga kaibigan nya. May pamilya na ito at tatlong anak. 

        Agad nya itong sinagot.

       "Musta,bro." sabi nito

        "Napatawag ka?" sabi nya.

        "Nangungumusta lang, mukha kasing busy ka naman masyado."

         "Ikaw rin naman busy." ganting sabi nya.

        Tumawa lang ito sa kanya.

        "Invite lang kita, bro. Birthday kasi ni mommy next month. Mark your calendar, bro, and don't forget.  Para naman ma relax ka kahit saglit. Ikaw rin baka maging ermitanyo ka nyan." biro nito.

        "Marami pa kasi akong inaasikaso, bro. Hindi ko sigurado."

         "Basta pumunta ka. Hihintayin ka raw ng ina anak mo." sabi nito, tukoy nito ang anak na panganay na inanak nya sa binyag.

       "Hindi ko pa sigurado pag iisipan ko pa, bro."

        "Sige, aasahan ko yan. Relax mo naman sarili mo, bro. Baka mapag iwanan ka ng panahon nyan." hirit pang biro nito. 

       Napa iling sya. Isinandal ang likod sa swivel chair  at pinag salikop ang palad sa likod ng kanyang batok. Bahagyang tumingala at bumuga ng hangin.

       Sabagay, wala namang masama sa alok nito. Makikita rin nya kahit saglit ang ina nya. Kaya lang may bahagyang kirot sa puso nya sa tuwing maaalala ang isang bahagi sa buhay nya na dahilan rin kung bakit hindi nya magawang tumagal sa tuwing umuuwi sya sa sariling bayan nya.

       Napailing na lamang sya at itinuloy ang ginagawa.

       

        Napailing naman ang sekretarya nya ng makita ang babaeng inis na inis na lumabas ng opisina. Taas- noo pa ring nag martsa na akala mo modelo, palabas ng gusali. Inirapan pa ang lahat ng empleyado na malipasan.

NORA'S POV

      Nangigigil sa inis na pinag susuntok ni Nora ang manibela ng kaniyang sasakyan pagkapasok- na  pagkapasok nya dito. Matalim ang mga matang sumulyap pa sa pinanggalingang gusali. Kahit kailan talaga ni hindi man lang sya mapag- ukulan ng   pansin ni Norman. Nagawa na nya lahat ng pagpapa pansin dito pero wala man  lang epekto sa binata. Hindi nya alam kung manhid nga ba talaga ito sa mga pagpapa pansin nya. Ilang taon din itong nawala matapos pumunta ng amerika, ngayong bumalik hindi mo pa malapitan. Kahit man lang pakunwaring pangungumusta ni hindi nito magawa. 

        'What's wrong with me?' sa isip nya.  'Maganda naman ako at seksi.' Bukod pa dun mayaman rin naman sila. Kahit na anong pag papa amo pa ang gawin nya, nananatili pa rin itong mailap at ilag sa kanya na akala mo may nakadidiring sakit.

         'Mapapasa-akin ka rin, Norman.' piping bulong nya. 'Gagawin ko ang lahat para makuha kita ng buong- buo. Hindi ako susuko sayo ng ganun- ganun  lang. Lintik lang ang walang ganti.' bulong nya.

         Humithit muna sya ng sigariyo pamatay ng nararamdaman niyang inis. Inilabas ang cellphone at nag dial. Sumagot naman agad ang nasa kabilang linya. 

        "Hello?" boses ito ng isang lalaki.

        Bumuga muna sya ng usok bago nagsalita sa nasa linya.

         "Meet me." yon lang at nag end call na. Walang pakialam sa paligid na pina harurot ang sasakyan. Hindi ito nag abala na magpa drive sa driver nila basta sa binata sya pumupunta. Tapos ito lang ang mapapala nya. Ang ma reject sa atensyon nito.

         'Nakakainis!' gigil na bulong nya.

           

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status