KINABUKASAN, talaga ngang seryoso ang kaibigan nya na sasama talagang matutulog sa kanila. Bitbit nito ang mga dalang pasalubong para kina Vince at lola. Bumili pa ito ng pagkarami- raming pagkain. Maaga naman silang nakauwi, alas singko pa lang at maliwanag pa. Wala ang ilang propesor nila at may dinaluhang seminar kung kaya mas maagang naka uwi sina Angela. Nang dumating ang sundong tricycle ni Angela. Walang arteng mas nauna pang sumakay ang kaibigan, kung tutuusin hindi ito sanay na sumasakay sa ganito. De kotse ito at may driver pa, hindi naman nito kailangang magtiis na sumakay sa ganito, pero hindi ito pinansin ng babae. Sa tuwing sasama ito sa kanila. Sumasabay ito sa sinasakyan nya.
" Ayaw mo bang kotse nyo ang maghatid sa iyo?" minsang tanong nya dito. Naalangan kasi sya na hindi naman nito sanay sa ganitong sasakyan.
" Hindi na kailangan. At saka maganda namang sumakay dito, mahangin, maingay nga lang." dagdag pa nito na natawawa.
Habang nasa daan nagkwento ito ng nagkwento sa kanya. Wala naman sya masabi kaya pinagkasya nalang ang sarili sa pakikinig dito. Hanga din naman sya sa kaibigan nyang ito. Walang preno ang bibig, kung sa iba aakalain mo talagang madaldal. Pero ganito na talaga ito. Natural na rito ang pagiging masalita kaya nga mas naninibago sya kung nakikita nya itong tahimik at tipid magsalita. Kabaliktaran naman sa kanya na hindi sumasagot at tahimik lang liban nalang kung kinakausap sya. Magkaiba man sila pero nanatili pa rin itong kaibigan nya. Para rito hindi raw sya plastik makisama na gaya ng iba, gusto lang itong kaibiganin ng dahil sa mayaman ito. Totoo nga rin naman, pag mapera ka maraming gustong makisawsaw.
Dahil busy sila sa pagkukwentuhan, nagulat pa sila pareho ng huminto sa tarangkahan nila ang tricycle. Gaya ng dati natatanaw na nya sa may pintuan ang sabik na anak na naghihintay sa kanya. Ganito talaga ito lumalabas agad pag narinig ang sasakyan na humihinto. Sa gabi naman hinihintay pa sya hanggang dumating liban nalang kung napagod ito ng husto at maagang makatulog.
Mabilis na bumaba ng sasakyan ang kaibigan na nasa may bandang pintuan at sya naman sa gawing loob. Agad itong lumapit sa papasalubong na bata. at iniwan sya. Ibinaba naman nya ang mga gamit at tinulungan naman sya ni mang mario.
"Baby!" sabi ng kaibigan nya at ibinuka ang mga braso payakap sa batang papalapit rin dito
"Come to tita ninang." sabi nito. Sabik rin itong makita ang kanyang anak na akala mo kung titingnan ay ito ang nanay. Lumapit dito ang bata at yumakap rin, humalik pa ito sa pisngi ng kaibigan. Sanay na sanay na rin dito ang kanyang anak dahil madalas naman ito sa kanila. Spoiled rin ang anak nya dito. Kahit ano na lang rin yata ibinibili para rito. Nahihiya rin naman sya pero ito ang mapilit, sabagay, wala lang ito dito dahil mayaman naman ito. Kaya lang ayaw rin naman nyang makasanayan nito ang ganoon. Mahirap rin na baka lumaki sa luho ang anak nya. Pero salamat pa rin sya na hindi ito ganon. Hindi ito namimilit kung wala talaga.
Nang maipasok ang mga dala- dala nila, hinarap nya driver at nagpasalamat dito.
"Salamat po, Mang Mario." aniya.
"Walang anuman, Angela. Kung may kailangan pa kayo rito magpasabi lang kayo." dagdag pa nito. "O pa'no tutuloy na rin ako at hapon na rin." pamamaalam na rin nito
"Sige po, at salamat po ulit." aniya.
Umalis na rin ito at sya naman ay nagtungo muli sa labas at naabutan ang tatlo na nagtatawanan. Nakayakap ang anak nya sa kaibigan habang nakaluhod ito sa bermuda grass at bahagyang nakakalong dito si Vince.
"Ang mabuti pa pumasok na muna kayo sa loob at mahamog na rin baka sipunin pa kayo, doon nyo na ituloy yang kwentuhan nyo." sabi ng matanda at nauna na sa kanila para pumasok ng bahay.
"Mabuti pa nga." ayon naman ng dalaga at inaya ang anak at kaibigan. Kinuha nya ang anak at kinalong ito. Pumasok sila ng bahay.
"Tita ninang bakit ang tagal po kayo na hindi namasyal dito. Na miss ko din po kayo." sabi ng bata habang naglalakad sila papasok. Nakakapit ito sa leeg ng dalaga habang nakakalong sa kanya.
"Oo nga, baby eh, ikaw din namiss ko may pinuntahan kasi kami kaya matagal tagal ako hindi nakasama rito. pero yaan mo may pasalubong ka naman kay tita ninang. Ok?" nakangiti namang baling nito sa bata. "At saka dito rin naman ako matutulog ngayon kay magkukwentuhan tayo mamaya. Kaya lang baka tulugan mo ulit si tita ninang.?" kunwa'y hirit pang biro nito na ikinatawa ng anak nya.
"Promise po hindi kita tutulugan." sabi nito. Itinaas pa sa ere ang maliit na palad tanda ng pangako.
Napatawa naman sila sa ginawa ng bata. Alam naman nila na madali itong makatulog. Pero naaaliw pa rin itong ianyunan ng kaibigan.
"Promise mo yan, ha?" sabi nito sabay pisil ng ibabang baba nito.
Naupo sila sa upuang nasa sala pagkapasok. Ibinaba nya ang anak at nagpaalam sa kaibigang mag hahanda muna sya ng para sa hapunan nila. Tumango ito at tumabi sa bata ng upo.
"Sige. Kwentuhan muna kami ng bulilit na batang to." sabi pa sabay tila gigil na pinisil sa pisngi na ikina hagikgik nito nakiliti marahil sa ginawa ng kaibigan.
Tumalikod na rin sya at iniwan ang mga ito at nagtungo sa kusina. Naabutan nya duon ang abuwela na inaayos ang mga lulutuin.
"Ako na po d'yan 'la. Baka mapagod po kayo. Kaya ko na naman po iyan. Samahan nyo nalang po sina Vince sa sala para naman may makakwentuhan si Karen." sabi nya. Papadilim na rin kasi.
"Sigurado ka ikaw na dito?" sabi ng matanda.
"Opo."
"O sya. Maiwan na kita. May kanin naman na d'yan at nakainit na rin ako ng tubig. Ulam nalang kulang, may apoy pa naman sa kalan." dagdag nito bago umalis. Ang tinutukoy nito ay ang siga sa kalang de kahoy. Mayroon naman silang de gas. Nanguha sya para naman hindi mahirapan ang lola nya pag wala sya. Kaya lang hindi nito palagi ginagamit para makatipid rin daw sila.
Lumabas na ito at iniwan sya. Naging busy naman sya sa pagluluto. Inilabas niya ang binili kanina ng kaibigan na bangus at nilinis ito. Nahihiya sya dito kaya ayaw sana nya at sya nalang sana magbabayad kaso mapilit rin naman ito, marahil dahil alam nito ang buhay nila at ganito talaga ito kahit ayaw nya. Wala syang masabi sa ugali nito.
Matapos linisin ang isda. In prito nya ito. Hahatiin nalang nya para ilagay na sahog sa pakbet. Alam nya gustong- gusto ito ng kaibigan nya. Habang nagpiprito inihanda naman nya ang mag gulay na hinimay at hinugasan. Naririnig pa nya ang masayang kwentuhan at tawanan nang tatlo sa sala habang abala naman sya sa kusina..
Ilang saglit pa at natapos nya ang ginagawa. Inayos at inihanda na nya ang mesa para sa hapunan. May Pakbet, pritong isda na may sawsawang calamansi juice, at hiniwang papayang hinog at saging na panghimagas. Inilabas din nya ang pagkaing in take out ng kaibigan nya kanina bilang dagdag sa pagkain nila. Matapos makitang handa na lahat saka sya lumabas at inaya ang mga ito.
"Kain na muna tayo bago ituloy ang kwentuhan." bungad nya sa mga ito. Mabilis naman sumunod ang mga ito.
"Oo nga bigla tuloy ako ginutom, kilala ko yata ang amoy na yon ah." sabi ng kaibigan na umakto pang kunwa'y may inaamoy. Totoo naman talaga mabango ang amoy ng pinakbet. Natawa tuloy sila lahat at pumasok ng kainan.
Habang nasa hapag tuloy pa rin ang kwentuhan nila. Hindi alintana na madilim na labas.
Hindi nila namalayan ang oras . Sabay pa silang napatawa ng lingunin si Vince na tulog na pala habang nakahiga sa upuan. Agad din nagpaalam ang matanda sa kanila ng makaramdam ng antok.
"Ihihiga ko lang si Vince, bess." paalam nya rito.
"Sige." sabi nito. 10:15 na ng gabi pero hindi pa naman sila inaantok kaya itinuloy pa rin nila ang kwentuhan.
"Sya nga pala birthday ni mama sa susunod na buwan. Wag kayong mawawala ha. Susunduin ko kayo dito ng maaga." sabi nito
"Naku h'wag na kaya, bess. Nakakahiya sigurado puro mayayaman ang mga nanduon." tanggi nya dito. Hindi nya maiwasang makaramdam ng panliliit isipin pa lang n'yang puro mayayaman ang nasa paligid nya. E ano naman sila. Baka pagtinginan pa nga sila duon ng iba. Kaya nga kung ano anong alibi ang iniimbento nya sa kaibigan sa tuwing mag aaya ito sa kanya sa kahit anong handaang ganap sa kanila, wala rin naman itong magawa.
"Gaga. E anu ba naman tingin mo sa sarili mo, hindi tao?" eksaherado nitong bulalas.
"Basta, susunduin ko kayo at hindi ka tatanggi. Saka alam mo ba. Na kwento ko na din kay mommy si baby Vince at excited itong makita si baby. Naka pangako na ako na iimbitahin ko kayo noh. Kaya this time, hindi ka na tatanggi ka sakin." sabi nito sabay pinag salikop sa dibdib ang mga braso at nakapikit na isinandal sa upuan ang likod.
"Hindi mo naman siguro maaatim na mapahiya ako kay mommy, di ba?" dagdag pa nito. Nanulis pa ang nguso at kunwa'y nagtatampo.
Nanlalaki ang mga matang napatingin si Angela sa kaibigan. Napa awang ang bibig sa gulat at napaunat ang likod. Naitutop pa nya ang palad sa nakaawang na bibig dahil sa reaksyon dito.
"What?" bulalas nya dito.
"Yes!" sabi nito na nakapikit pa rin. Medyo ngumiti pa ito. "At hindi ka na ngayon tatanggi." hirit nito sabay mulat ng mata. At lumingon sa kanya.
"Pero di ko pwedeng iwanan si lola dito." Hindi rin naman pamba blackmail yan di ba?" hirit namang sabi nya.
" Anong problema dun? E, kasama naman natin sya, noh." magkasalubong ang kilay nitong tumingin sa kanya. "Palusot ka pa talaga. Basta ako susundo sa inyo, wala ng tanggihan 'yan." sabi nitong muling pumikit.
"Pero baka mapagod ng husto si lola dun alam mo naman na matanda na yong tao bawal na mapagod. " hirit pa rin nya dito.
"Malaki ang bahay at maraming kwarto kaya malayang makapag - papahinga sila doon. Sinabi ko na kanina kay lola at pumayag na sya. Sinabi ko na rin pala sa anak mo, kaya excited na rin ang bata. Bibiguin mo pa ba sila?" sabi. At nangonsensya pa talaga ang bruha.
Hindi naman napaimik si Angela. May magagawa pa nga ba sya e mukhang desidido naman talaga itong pupunta sila. Bigla tuloy syang nailang isipin pa lang na puro mayaman ang imbitado.
"O, dinadaga ka naman dyan." untag nito sa kanya.
"Pwede ba alis alisin mo nga sa katawan mo yang pagiging insecure mo." sabi nito. Umusod ito sa kanya at hinawakan sya sa baba at inangat ang mukha nya. "Cheer- up, bess. Hindi ka na naman bata dapat nga mas maging proud ka pa kesa sa kanila." sabi nito at binitawan sya. Muling isinandal ang likod at pumikit.
"Alam mo bang mas tao ka pa sa mga bisitang 'yon?" anas nya. "Puro lang naman pakikipag sosyalan at pakikipag -plastikan ang mga yun. Sisilipin lang ang buhay ng may buhay." sabi nitong umismid pa. Napangiti tuloy sya sa sinabi nito akala mo nga naman hindi rin mayaman kung magsalita.
"E anu din naman tingin mo sa sarili mo, bess?" nangingiting tudyo nya dito.
Umayos ito ng upo at nagmulat ng mata. Medyo yumuko at nangalumbaba na nakatukod sa isang hita ang siko. Lumingon ito sa kanya ng bahagya.
" Atleast hindi naman ako katulad ng mga yon noh! Nagpapakatotoo pa rin naman ako ah! Hindi kagaya ng mga yon na sobrang plastik.!" sabi nito.
Sabay silang napahalakhak. Tiningnan nila ang orasan na nakasabit sa dingding. 1:43. Sabay pa silang nagkatinginan at ngumiti.
"Tulog na din tayo baka tanghaliin tayo bukas." aniya.
"Sige. But... is it a yes then?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang pagpayag nya sa pag iimbita nito para sa party.
"Uhmnn, makakatanggi pa ba ako?" sabi naman nya. "E ang lagay planado na ata?" ganting sabi nya dito. Wala na ngang atrasan pa 'to. Bahala na.
"Good!" sabi nito. Tumayo na rin at nag inat habang humihikab. "Mukhang antok na rin ako." sabi pa.
Sabay nilang tinungo ang silid para matulog, maaga pa rin nila kailangang bumangon dahil may pasok at trabaho pa rin naman sya. Malawak naman ang silid para sa kanilang apat. Magkakatabi na silang natutulog.
MÀAGA pa rin naman kinabukasan na bumangon ang magkaibigan kahit pa nga late na silang natulog sa tagal ng pagkukwentuhan. May liwanag na rin nang lisanin nila ang baryo. "Kelan po ulit ang balik mo dito, tita ninang?" tanong ng bata. "Promise baby, sa linggo buong araw tayong magkasama, ipapasyal namin kayo ni mama at lola. Ok?" sabi nito at hinalikan ang bata. "Sige po. Hihintayin po ulit namin kayo." sabi nito. Niyakap at hinalikan nya ang anak, gayundin ang lola nya at tinungo na nila ang sasakyan. 7:48 ng huminto sila sa harap ng gusaling pinapasukan. Pagkababa tumayo nalang sila sa tabi habang hinihintay ito magbukas, habang abala naman ang kaibigan na kinuha ang phone at dinayal ang numero ng kanilang driver para magpasundo. Nang magbukas ang gusali nagpa alam si Angela sa kaibigan, tama namang pagdating
ANGELA'S POV LINGGO, busy ang araw na ito para sa kanila. Ngayon kasi sila nakatakdang maglipat ng bahay sa bayan. Inalok sya ng kaibigan na tutulong ito sa kanila sa gagawing paglilipat, kaya hindi na rin sya nakatanggi rito ng sabihin nitong sa sasakyan nalang nila isasakay ang mga gamit. Kaunti lang naman ang mga gamit nilang dadalhin kasya naman sana sa tricycle ni mang mario, kaya lang mapilit pa rin ito para hindi raw gipit. Hindi na rin sya nakatanggi. Maaga silang dumalo ng misa para hindi rin sila hapunin sa paglilipat- bahay. Ibinilin na muna nila ang ilang mga alagang hayop kina manang maring at mang mario. Ito ang pinakamalapit nilang kapit- bahay. Siguro dadalaw- dalaw nalang sila pag may libreng oras sila. Mainam na rin naman ito dahil mas malapit sa kanyang pinapasukan. Magtatanghali na ng matapos sila sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin. Matapos nito nagpasya na muna silang mananghalian b
HABANG naglalakad sila pasunod kay Karen sa loob, hindi maiwasan ni Angela na iikot ang tingin sa paligid. Malawak ang space ng bakuran ng mansyon. Sa bandang kanan nito, may isang malawak na oval shape na swimming pool. Sa palibot nito landscpe naman na puno ng Bermuda grass na halatang alaga sa trim. Palibot din ng ornamental plants and orchids na kasalukuyan palang namumukadkad sa mga bulaklak na naka- dagdag sa pagiging presko ng paligid. Sa bandang dulo ng pool ay may swing at bench na malapit sa isang malaking puno na nagsisilbing pinaka lilim nito. Marami ng tao sa paligid, at ang iba busy sa pagkukwentuhan, ang iba naman ay kumakain at ang mga batang maliliit naman ay naglalaro sa malawak na garden nito. Buffet style ang handaan. Nakahilera sa isang lugar ang iba't- ibang uri ng pagkain at inumin, ikaw na ang syang bahalang kumuha ng gusto mo. Meron naman mga umiikot sa mga bisita na may dalang kopita ng alak para sa mga gustong uminom.
PASADO alas nueve na nang gabi ng makarating sina Angela sa bahay. Nakatulog na rin si Vince habang nasa byahe, marahil sa sobrang pagod nito sa paglalaro kanina. Binuhat na lamang nya ang bata paakyat sa taas at hinatid naman sila ni Karen hanggang sa kwarto. Matapos mai- ayos ng higa si Vince muli nyang hinarap kanyang kaibigan. "Salamat, ha.!" "Wala 'yon, salamat rin na pinag bigyan mo ako na makadalo kayo." Anito. "Nga pala may pagkain na nakabalot dyan para kay lola." Sabay turo sa plastik na dala. "O pano aalis na rin ako para makapag pahinga ka na rin." Yumakap at humalik pa ito sa kanya bago muling umalis. Nag ayos sya at itinabi ang pagkaing dala at naghanda ng matulog. Hindi na nya inabala pa ang iba sa pagdating nila. Binigyan rin naman sya ng sariling duplicate ng susi ni Aling Sally, sakali mang nalelate sya ng uwi. Naramdaman naman ng lola
ABALANG - abala si Norman sa pag che- check ng mga files sa harapan. Subalit palagi rin sumasagi sa isipan nya ang imahe ng batang nakita nya sa bahay nina Alex. Hindi nya alam kung anong nangyayari sa sarili. Noong una, ang paulit ulit na bangungot nya, at ngayon naman ang batang iyon. Hanggang ngayon, ramdam pa rin nya ang mabilis na pintig ng kanyang dibdibsa tuwing sasagi ito sa kanyang ala ala. Kahit na nga isang linggo na mula ng bumalik sya rito. Sa tuwing maalala nya ang mga mata nitong malungkot na nakatingin sa kanya. Parang dinudurog ang puso nya. Tila may bahagi ng puso nya na dala dala ng batang iyon. Pakiramdam na nya hindi na yata sya ang kilala nyang Norman ngayon. Ibang iba na ang nararamdaman nya sa sarili nitong mga nakalipas na araw. Gusto man nyang magtanong kay Alex ng tungkol sa bata ngunit naisip na baka kantyawan na naman sya nito. "Sir, you have a meeting with
ANGELA'S POV PAKIRAMDAM ni angela may nagmamasid sa kanila kaya inilibot nya ang tingin sa paligid. Wala naman syang nakikitang kakaiba sa mga nasa paligid nya. Normal lang ang mga taong nasa loob at wala namang kahina- hinala ang kilos. 'Napapraning na ata ako.' bulong nya sa sarili. Napansin pala ni Karen ang ginawa nya at nagtanong. "May problema ba, bess?" tila nababahalang sabi nito. "Wala naman" "Bakit uneasy ka yata dyan. Kanina ayos lang naman tayo ah." "Sino ba hinahanap mo?" "Wala naman." at ibinalik na nya ang atensyon sa pagkaing nasa harapan. "Gusto mo pa, baby?" baling nya sa bata. "Okey na po ako, busog na po.
HAPON na ng magising si Norman, sinanay muna nya ang mga mata sandali sa paligid bago tuluyang bumangon at nagtungo sa banyo para magligo. Nakakaramdam na rin sya ng gutom dahil wala pa naman syang kain mula ng dumating kanina. Shorts at sando lang ang tanging isinuot nya at lumabas ng silid upang bumaba. Pababa na sana sya ng nasa ikalawang palapag na sya at mapalingon sa pinto ng dating silid nya. Napansin nya ang paglabas ng isang babae at bata sa silid. 'Sila siguro yung mga umokupa ng silid.' he thought. Muli na sana syang hahakbang ng mapansin pa ang hitsura ng mga ito. Bahagya syang natigilan ng mapagsino ito. Ang babae at ang batang nakita nya sa mall kanina. 'What a small world.' nasabi nya. Hindi nya akalaing dito pa ito sila makikita sa sariling tahanan. 'Ano kayang pangalan nila?' hindi nya
MAALIWALAS ang mukha ni Angela kinabukasan ng magising. Parang panaginip lang na maramdaman ang pag comfort sa kanya ni Norman ng nagdaang gabi. Masaya pa rin ang puso nya sa isiping kahit papano may simpatya ito sa damdamin at nararamdaman nya. Siguro nga di rin naman masama kung maging kaibigan at maging open rin sila sa isa't isa. Subalit hindi pa sa ngayon, hindi pa rin handa ang sarili nya rito, bukod pa rin doon bago pa lang sila magkakilala at hindi pa nya ito lubos na mapagka - katiwalaan ng mga bagay bagay sa buhay nya. Marahil kung loloobin ng diyos na ito ang maging unang taong pagbigyan nya ng tiwala, bakit hindi?" Mabilis syang naghanda at nag ayos ng sarili. Tulog pa ang anak nya, pero gising na rin ang kanyang lola. Pumapasok pa rin sya sa mall habang hindi pa sya nakaka hanap ng bagong trabaho. Sisimulan na rin nyang mag apply ng trabaho na ayon sa kanyang tinapos. Balak rin nyang tawagan sa ngayon ang number na nakalagay sa napulot na wa
Matapos ang ilang buwan ng pag papagaling ng binata na si Norman ay higit pang nag karoon ng mahabang pag kakataon ang mag- ama upang mag ka- kilala at magka bonding sila. Agad itong humingi ng patawad sa dalaga sa mga maling nagawa nito na tanggap naman na nya. Nang masigurong magaling at muling malakas na ang kanyang katawan ay pormal na hiningi nito ang kamay ng dalaga sa kanyang mga magulang. Masaya naman ang lahat para sa kanila. Natagpuan rin nila ang isa't isa at muling nai- tama ang mga bawat pag- kakamali. Isa sa unang naging pinaka- masaya ay ang anak nyang si Vince, ng pormal nilang sabihin sa bata na si Norman ang tunay nitong ama. At alam nyang hindi sya nag kamali sa kanyang naging desisyon. Hindi mag kamayaw sa sobrang saya ang kanyang anak. At naisip nyang hindi nga sya
Dahil sa mga nalaman ni Angela ay tila unti- unting nag bago ang pananaw nya sa kung bakit nagawa iyon sa kanya ng binata. Kaya naman mas pinili nyang unawain ng husto ang mga nangyari noon at maging sa kanilang kasalukuyan. Hindi rin naman siguro masama kung mag papatuloy na lang sya sa kung ano ang nasa sa kanila ngayon kesa ang patuloy na mabuhay sa kanyang naka raan. Mahal nya ang kanyang anak, kaya naman nais pa rin nyang maging masaya ito. At alam nyang lubos ang magiging kasiyahan nito kung malalaman nito kung sino ang kanyang ama na pina niwalaan na nitong nasa heaven na. Hini- hintay na lang nila ang muling magising ang binata upang personal nya na maipa kilala sa kanyang munting si Vince. Alam nyang hindi na sya mahihirapan pang pag paliwanagan ang kanyang anak dahil malapit na rin naman ito sa binata matapos n
Nagulat naman si Angela sa ginawang pag amin sa kanya ng ginang matapos nitong malaman ang ginawa ng anak nito sa kanya. Hindi nya tuloy maiwasan ang mapa luha sa ipina kita nitong concern sa kanya at sa kanyang anak. Ngayon rin nya nalaman na maging sa binata ay labag rin sa loob nito ang nagawang pag kaka- mali na iyon. Parang muling may humiwa sa puso nya sa mga mapapait na ala- alang iyon. Takot, pangamba, pagka- wasak at kawalang pag- asa ang mga tanging naramdaman nya noon na sa tuwing maa- alala iyon ay agad na nag hahatid lang sa kanya ng sakit. Ngayon na nasa harapan na nya ang taong gumawa noon sa kanya at kasalukuyan ring nakaratay matapos na magawang iligtas ang anak nya, tila hindi na nya kayang sumbatan pa ito. Naramdaman na lang nya ang muling pag- patak ng luha sa kanyang mga mata at wala sa loob na napa- yakap sa ginang na n
Nasa bungad pa lang ng hospital building sina Angela ay hindi na mapigil ang malakas at mabilis na pag kabog ng kanyang dibdib. Hindi nya magawa na mapigil ang kanyang damdamin sa kanyang bagong pakiramdam. Bakit ba tila may nara- ramdaman syang concern ngayon para sa binatang si Norman? Na kung tu- tuusin ay ang tao ring kanyang lubos na pilit ibina- baon na sa limot. Bakit mas nangingibabaw yata ngayon ang pag nanais nya na makita rin ito at alamin kung ano na nga ba ang kalagayan nito. Hindi nga ba at ang kanya lang naman na anak na si Vince ang tanging may gusto na makita ito at madalaw?, ngunit bakit maging sya ay may ganoon na rin yatang pakiramdam para rito?, kasabay naman nito ay ang puso nya na may lihim na yatang pag- tangi sa binata, na pilit pa rin nyang itina- tanggi sa kanyang sarili. Tila unti- unti ng nahu- hulog ang loob nya rito.
"Si Norman!" mahina lang ang pag kaka- bigkas nya sa mga salitang iyon ngunit malinaw pa ring umabot sa pandinig ng kanyang kaibigang si Karen na nasa kabilang linya. "Ano?" gulat na bulalas nito na hindi maka paniwala. Ilang saglit pa muna itong na- tahimik sa kabilang linya na tila hindi siguro alam ang tamang nais na sabihin, o marahil ay nagulat rin ng husto at hindi rin ma proses ng isip nitong isipin ng ganoon lang kadali ang kanyang mga sinabi. "T- totoo ba iyan? Sigurado ka ba na talagang sya nga ang ang..." hindi niyo magawang ituloy- tuloy ang nais sabihin dahil alam nyang masakit iyon para sa kanyang kaibigan. "Oo, sya nga, at talagang nagulat rin ako. Hindi ko tuloy ngayon alam kung paano ko sya haharapin ngayon matapos nito. Parang hindi pa kaya ng puso ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko, na si
Mabilis na nai- sugod sa pinaka- malapit na hospital ng Nueva Ecija ang binata na si Norman habang wala itong malay. Wala namang humpay sa pag- iyak nito ang batang si Vince habang lulan sila ng kanilang sasakyan pa- balik ng maynila. Bakas rin sa braso nito ang ilang mga pasa na dala ng mahigpit na pag kaka- kapit rito ng babaeng si Nora matapos na mapansing may mga pulis sa kanilang paligid. "Nasaktan ka ba, anak?" masuyong tanong ni Angela sa anak. Masuyo nya itong yakap habang hina- haplos ang mga braso nito na may bakas pa ng pasa. "Konti lang naman po ito, mama. Pero paano na po si tito Norman? Ano na po ang mangyayari a kanya?" tanong ng bata na bahagya pang tumingala sa kanya. Namu- mula at bahagyang nama- maga pa ang mga mata nito na dala ng labis- labis na pag- iyak, at bahagya pang humi- hikbi.&
APHRODISIAC DRUGS? Lahat ng mga naroon ay nagulat sa sinabi na iyon ni Nora. Lalo na si Norman na aware kung ano ang gamot na tinutukoy nito. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit ganoon na lang katindi ang pag nanais nya noon na angkinin ang babae na ngayon ay si Angela pala. Samantalang si Angela naman ay lalong naguluhan rin dahil wala naman syang ideya kung ano nga ba ang tinutukoy ng babae. Naging dahilan naman iyon para muli na naman bumangon ang galit sa puso ni Norman para sa babae, matapos ng kanyang mga nalaman. Kaya siguro simula pa man ay malayo na ang loob nya na mapa- lapit sa babae. Hindi nya sukat akalain na a- abot sa ganoong bagay ang gagawin ng babae. Tanda nyang kasama nya ang mga ito ng gabing iyon sa club, dahil sa kaibigan rin ito ng pinsan nyang syang nag- akit
Kasalukuyan noon na nag pa- pahinga at nag i- isip ang dalagang si Nora. Wala itong kaalam- alam ng mga oras na iyon sa naka takdang mangyari. Mataman syang nag i- isip kung ano ang kanyang susunod na gagawin. Kasalukuyan syang nasa loob ng isang silid ng malaking bahay na iyon. Habang nasa labas naman ang kanyang kasama na si Roger upang bantayan ang bata sa kabilang silid. Tahimik ang buong paligid ng mga oras na iyon. Naka bi- binging katahimikan na ang dala ay walang kasiguruhan. Unti- unti at dahan- dahang naka lapit ang mga grupo ng pulis ng bayan na iyon na kinuhang back- up ng ilang officer na syang may hawak sa kaso ni Vince. Maingat pa rin sa kanilang bawat kilos ang mga ito na huwag na maka likha ng ingay. Napa- tayo si Nora mula sa kanyang pag kaka- upo at hindi sinasadyang napa tayo at napa- tanaw sa may labas
Habang nasa byahe patungo sa lugar kung saan sina sabing naroon ang kanyang anak na si Vince, ay hindi rin matigil sa malakas at mabilis na pag tibok ang kanyang dibdib. Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman sa ngayon. Para syang pina ni- nikipan ng kanyang dibdib. Siguro nga ay dala lang ng kanyang sobrang nerbiyos dahil sa pag kakataon. Halos nasa mahigit na dalawang araw na rin na hindi nya nakita ang kanyang anak. Kaya labis- labis ang pag a- alala nila rito. Napa buntong- hininga na lang ang dalaga ng maramdaman ang bahagyang pag pisil ng ginang sa kanyang palad habang mag ka- tabi sila na naka upo sa likurang bahagi ng sasakyan. Nasa harapan naman nila ang dalawang binatang Marco. Nasa sasakyang kasunod naman nila mag kasama sina Norman at don Gregorio. May ilang convoy rin naman silang pulis na nasa harapan nila. &nbs