HABANG naglalakad sila pasunod kay Karen sa loob, hindi maiwasan ni Angela na iikot ang tingin sa paligid. Malawak ang space ng bakuran ng mansyon. Sa bandang kanan nito, may isang malawak na oval shape na swimming pool. Sa palibot nito landscpe naman na puno ng Bermuda grass na halatang alaga sa trim. Palibot din ng ornamental plants and orchids na kasalukuyan palang namumukadkad sa mga bulaklak na naka- dagdag sa pagiging presko ng paligid. Sa bandang dulo ng pool ay may swing at bench na malapit sa isang malaking puno na nagsisilbing pinaka lilim nito.
Marami ng tao sa paligid, at ang iba busy sa pagkukwentuhan, ang iba naman ay kumakain at ang mga batang maliliit naman ay naglalaro sa malawak na garden nito. Buffet style ang handaan. Nakahilera sa isang lugar ang iba't- ibang uri ng pagkain at inumin, ikaw na ang syang bahalang kumuha ng gusto mo. Meron naman mga umiikot sa mga bisita na may dalang kopita ng alak para sa mga gustong uminom.
Halos lahat ng bisita na dumalo ay halatang mayayaman. Sa mga suot pa lang mababakas mo na ang karangyaan.
Maingay ang paligid sa kanya- kanyang tawanan at kwentuhan. Mayroon ding pumapailanlang na soft music sa paligid nito na nagmumula sa isang tila napakalaking stereo. May napansin rin syang mga batang nagsisimula ng mag- swimming habang nasa tabi naman ng mga ito ang mga tagapag- alaga.
Napukaw ang kanyang pagmamasid sa paligid ng marinig nya ang tinig ng anak. Napabaling ang tingin nya rito na halata namang nasisiyahan sa paligid na para rito ay bago rin.
"Ang ganda po pala ng bahay nyo, tita ninang," masayang sabi ng bata at bahagyang tumingala sa kanyang kaibigan habang nakakapit pa rin sa kanyang kamay at naglalakad.
"Nagustuhan mo ba dito, baby?" na aamuse na sabi ni Karen.
"Opo, tita ninang." mabilis na sagot nito. Nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi habang umiikot ang tingin sa paligid.
"Mamaya papakilala kita sa pamangkin ko para may kalaro ka at ng hindi ka maboring at antukin. Okey?" sabi pa nito at bahagyang nilahad ang palad sa kanilang mag ina na tanda ng pinapa- pasok sila.
Hindi nya namalayan na nasa harap na pala sila ng pinto ng bahay, dahil busy ang kanyang mga mata sa pagmamasid sa paligid.
"Mauna kana, nakakahiya eh." sabi nya dito. Nakaramdam tuloy sya bigla ng pagkailang. Hindi nya maiwasang kabahan.
'Hindi naman siguro masungit ang mga magulang ng kaibigan nya.' bulong nya sa sarili.
Pagpasok sa sala, bumungad agad sa kanya ang isang napakalaking family picture ng kaibigan. Umikot pa ang tingin nya sa paligid, nakita nyang mamahalin ang mga muwebles rito. Maaliwalas ang kulay puting pader nito. Bawat sulok ay may nakasabit na painting ng iba't larawan ng pamilya.
"Maupo muna kayo at hahanapin ko lang si mommy." paalam nito. "Mabilis lang ako." at tumalikod na sa kanila.
Iniupo nya ang anak sa sopa.
"Dito ka 'nak sa tabi ko." aniya. At marahang iginiya ang anak sa tabi nya upang paupuin.
"Ang laki po pala ng bahay ni tita ninang 'noh, mama." sabi nitong hindi naitago ang paghanga sa mga mata habang inililibot ang tingin sa paligid.
"Sana po ganito rin ang bahay natin, ano po, mama?" inosente nitong sabi.
"Oo naman, anak, ganito ang magiging bahay natin pag may mas stable na work na si mama, okey?"sabi naman nya. "Kailangan pa kasi mag ipon ni mama ng maraming pera magkaroon ng ganitong bahay." tila paliwanag nya pa sa bata. Alam nyang bibo ito at nakita rin nya ng tumango ang bata ng nakangiti.
Habang ng uusap ang mag ina, lumapit sa kanila ang isang matanda na nakangiti. At base sa suot nitong uniform, marahil ay isa ito sa mga kasambahay ng kaibigan.
"Napansin ko kasi kayo, bakit hindi kayo kumukuha ng pagkain?" sabi nito sa kanila. "Kung hindi ako nagkakamali, Kasama kayo ni Karen kanina, di ba?" Napansin ko kasi kayo ng pumasok kayo. Wag kayo mag alala, Ako nga pala ang mayordoma rito." dagdag pa nito.
"Halikayo, at sasamahan ko na kayo para kumuha ng pagkain, tiyak naman na ginugutom na yang batang kasama mo." at sumenyas na sumunod sila sa kanya.
Dinala sila nito sa kusina upang kumuha ng pagkain. Habang naglalakad sila ng muli itong nagsalita.
"Ikaw siguro ang lagi nyang kinukwento sa amin na bestfriend nya?" tanong nito.
"Ako nga ho, manang." magalang naman niyang tugon rito. Maging ito man ay mukhang mabait rin.
"Totoo pala ang sabi nyang maganda ka." tila nakaramdam sya ng pamumula ng pisngi sa naging compliment ng matanda.
"Naku hindi naman ho, alam nyo naman po ang kaibigan kong 'yon palabiro." medyo nahihiya nyang tugon.
Tumawa naman ang matanda. "Oo nga sobrang mabait at malambing ang batang yon, pero totoo naman ang sinabi nya, maganda ka talaga, iha." nakangiti pa ring sabi nito sa kanya at bahagya pa silang nilingon habang nakasunod rito.
Pumasok sila sa isang malapad na pinto at nagulat pa ng makita ang malawak na kwarto na may malaking round table sa gitna. May ilang mga taong marahil ay bisita rin dito at naka upong kumakain.
Sabay- sabay napalingon sa kanila ang mga ito ng pumasok sila. Bigla tuloy syang nahiya. Ilang sandali lang naman ng isang magandang babae ang nagsalita na nakangiti.
"Halikayo at maupo para makakain kayo." bahagya pa itong tumango.Mukha namang friendly ito.
Lumapit sila sa isang bakanteng upuan. Mabilis namang kumuha ng dagdag na upuan ang isa ring katulong at inilagay sa tabi nila para maupuan ng kanyang anak.
"H'wag na kayo mahiya, feel at home." sabi ulit ng magandang babae kanina. "Ako nga pala si Sandra." pagpapakilala nito sa sarili. Bahagya rin itong tumango sa kanya. "My husband, Alex." at bahagya nitong tinapik ang braso ng lalaki sa tabi nya.
'So, ito pala ang isa sa tinutukoy ni karen na kapatid.' bulong nya sa sarili. Bahagya syang tumango sa mga ito.
"Angela na lang po." pagpapakilala rin nya sa sarili. "Anak ko po si Vince." sabi nya.
"Hello po.!" nakangiting sabi ng bata
"So, ikaw yung bestfriend ni Karen?" mabilis namang sabi ng isa pang lalaki na nakaupo rin sa hapag
"Ako nga 'ho." sabi nya sabay tango.
"Luis, and my wife Verna." sabi nito at nilingon ang isa pang babaeng nakangiti na katabi rin nito.
Kumain sila. At nagpatuloy sa masayang kwentuhan. Ilang saglit pa at bumungad si Karen kasama ang isang babaeng siguro ay nasa 50's na ang edad. Maaliwalas ang mukha nito, at kahit may konting guhit na sa noo ay hindi pa rin mababakas ang katandaan nito. Halatang alaga pa rin ang kutis ng babae.
"Hello, everyone!" bati ng kaibigan. At saka isa isang hinalikan sa pisngi ang mga naroon. Ngumiti naman ito ng makita agad sya.
Agad nagsi tayuan isa- isa ang mga naroon at lumapit sa babaeng kasama ni Karen. Humalik ang mga ito sa pisngi ng babae at yumakap saka ito binati.
"Happy Birthday, mama!" bati ng mga ito.
"Thank you,!" ani donya Joana.
"Happy Birthday, po ma'am ." bati nya rito na nakangiti at saka tumayo sa kinauupuan at bahagyang tumango sa ginang.
"Ma'am?" bahagyang kumunot ang noo nito sa narinig na sinabi nya. Tumingin ito sa kanya at saka ngumiti. "Call me, tita, iha." sabi nito at lumapit sa kanila. "You must be, Angela, right?" dagdag ng donya. Tumango sya ng marahan.
Bumaling ang tingin nito sa kanyang anak ng marinig ang maliit na tinig nito.
"Happy Birthday, rin po sa inyo." sabi ng bata. At nilingon rin ito ng lahat. Naaamuse na lumapit ang ginang sa bata.
"So, it's Vince?" tanong ng ginang.
"Opo, ako po." mabilis na sagot ng anak.
"Oh!" sabi at hinawakan sa itaas na ulo ang bata at bahagyang ginulo ang buhok nito. "Napaka bibo naman ng batang ito." ani donya joana.
Humila naman ng upuan si Karen at umupo sa tabi nya.
" Sis, why you didn't tell to us that you had a very lovely friend." ani Alex. Nakangiti ito.
Hindi maiwasang mag blush ni Angela. Para pa yata syang maho- hotseat nito.
"Kuya ha, don't tell me na gusto mo pang pa selosin si ate Sandra." biro ng kaibigan sa kuya.
Napalingon naman sya sa asawa nito na tila wala lang naman rito ang sinabing iyon ng lalaki. Nakangiti pa ring kumakain.
"Ofcourse not, she's the only love of my life." sabi nito. Sabay taas ng mga braso sa balikat ng babae at hinalikan pa ito sa pisngi. "Di ba, hon?"
"Hmnn..." sabi nitong nilingon ang asawa at saka marahang pinisil ang tungki ng matangos nitong ilong.
"Ouch! Hon, ang sakit!" sabi nito na ikinatawa ng lahat ng naroon.
"Iwan ko muna kayo d'yan." paalam ng ginang. "Titingnan ko lang muna ang mga bisita sa labas." humarap ito muli sa kanya. "Wag ka mahiya, iha. Feel at home. Pasabi lang kayo kung may kailangan kayo." yon lang at lumabas muli ang ginang.
Isa isa lumabas ang mga naroon. Nauna ang mag asawang luis.
"Mauna na kami sa inyo sa labas." sabi ni Sandra. Tinanguan lang nila ang mga ito.
Bago pa man tuluyang makalabas ang mag asawa Sa komedor, sinalubong ang mga ito ng dalawang bata at nag uunahang yumakap at humalik sa kanila. Tinawag ni Karen ang mga bata at isa isang lumapit ang mga ito sa kanila. Tumayo si Karen at ipinakilala sa isa't isa ang mga ito.
"Sam, Venny, this is my friend Angela and her son Vince." said Karen and pointed her forefinger to them.
"Angela and Vince, they are my niece and my nephews, Sam, and Venny." pakilala nito sa kanila. "Yung bunso 7months pa lang." dagdag ni Karen sa kanya. Tumango lang sya.
"Nice to meet you, babies." sagot ko sa mga bata.
Malapad na ngumiti ang batang si Venny. Dalawang taon palang ito. Lumapit ito sa kanya at humalik pa sa pisngi nya. Ganundin ang ginawa ng batang si Sam.
"You want to play with us?" sabi naman ng batang si Sam kay Vince.
Tumingin ito sa kanya na tila nagtatanong kung pwede ba syang sumama. Bago pa man sya nakapagsalita naunahan na sya ni Karen.
"Go on, babies, enjoy." sabi at pinalayo na ang mga ito.
Nabasa naman ng kaibigan ang pag aalalang mababakas sa kanyang mukha. Baka kung mapano ito at walang titingin dito. Akmang susundan nya ang mga ito ng magsalita si Karen.
"Don't worry, bess, may titingin at magbabantay naman sa kanila." sabi nito. "Lika labas na rin tayo." yaya nito sa kanya.
Nabawasan naman ang pag aalala nya sa sinabi ni Karen at sumunod na rin para lumabas.
Nagtungo ang mga bata sa malawak na garden na nakita nya kanina at duon naglaro malapit sa may swing. Habang sya naman at si Karen ay busy na inilibot sya sa kabuuan ng bahay at nagtungo pa sa kwarto nito.
NORMAN'S POV
IPINARADA ni Norman sa gilid ng kalsada na may matataas na pader ang kanyang sasakyan. Madilim na rin ang paligid dahil halos mag aalas siete'y imedya na. Nasa isang bussiness meeting sya kanina ng tumawag at tanungin ni Alex sa kanya kung matutuloy pa rin syang sumama rito. Nangako naman syang susunod nalang since malapit lang naman sa lugar na kinaroronan nya, kaya lang na late pa rin sya sa dami ng kailangan pang ayusin.
Madilim na sa labas pero para pa ring araw sa loob ng bakuran dahil sa liwanag ng mga ilaw sa paligid na pinagdarausan ng kasiyahan. Bitbit ang plastik na naglalaman ng kanyang munting regalo sa ginang na may kaarawan at syempre sa kanyang inaanak na panganay ni Alex.
Tuloy- tuloy syang pumasok sa loob ng bakuran, hindi na rin naman sya bago rito dahil madalas rin sya magtungo rito sa tuwing maiimbitahan ng pamilya.
Pagpasok pa lang umikot na ang tingin nya sa paligid at hinanap ng mga mata ang kaibigang si Alex. Nang mahagip ito ng tingin sa may swing na nasa tabi ng mga bata habang naka- upo sa bench, nagsimula na syang humakbang palapit sa mga ito.
Bago pa man sya makalapit sa mga ito, nakita nya si donya Joana na may kausap sa may bandang gilid ng pool. Lumapit muna sya rito.
"Hi, tita. Happy birthday po, sorry I'm late." sabi nya at inabot ang dala dalang regalo para rito.
"Thank you, iho for coming. Suit yourself. " sabi nito
"I'll go ahead, tita. I will be looking for Alex. See you around." sabi nya at ipinagpatuloy ang paglapit sa kinaroroonan ng kaibigan.
Agad naman syang nakita ni Alex at tumayo upang salubungin sya.
"Thanks, bro. You're here." at tinapik pa sya sa balikat.
"I'm sorry, for being late." hinging paumanhin nya rito.
"It's okey, bro. Mabuti pa, kumain ka na muna. Sigurado ako hindi ka pa nakakain nyan."
Tama naman ito, pagkatapos na pagkatapos ng meeting nya dumiretso agad sya rito. Bago pa man sila maka alis, nilapitan sila ni Sam kasama ang kapatid na si Venny at isa pang batang hindi nya kilala. Marahil ay isa sa mga anak ng bisita rito. Hindi nya maiwasan ang sariling mapa titig sa mga mata nito. At tila may sumundot sa kanyang pakiramdam na hindi maipaliwanag.
"Ninong, hello po." sabi ni Sam at nag bless sa kanya na sinundan ni Venny at nag bless rin. Ang isang batang lalaki naman na kasama nila ay nanatili lang na nakatayo at nakatingin sa kanila. May tipid na ngiti sa mga labi nito.
"For you and Venny" sabi nya at ini abot ang dalang supot sa bata. "Nag mamadali kasi si ninong kaya iyan lang nakuha ko, bawi nalang ako nextime." dagdag nya rito. Muli nyang binalingan ng tingin ang bata na kasama nila at napansin ang emosyon nito ng abutan nya ng regalo ang mga anak ni Alex, mababanaag ang lungkot sa mga mata nito. Hindi nya alam pero parang kinurot ang kanyang puso. Bago para sa kanya ang pakiramdam na maapektuhan ng ganoon, kung tutuusin hindi naman nya ito kakilala.
Habang nakatingin sya sa malungkot nitong mga mata. Pakiramdam nya gusto nyang lapitan ito at yakapin ng mahigpit. Tila ba sabik syang yakapin at lapitan ito.
Muli syang bumaling kay Alex ng magsalita ito at sabay ring umalis patungo sa counter kung saan nakapatong ang iba' ibang inumin upang kumuha nito. Nasulyapan rin nya roon si don Victor, ama ni Alex.
Nang makaalis sina Alex sa harapan ng mga bata, sya namang paglapit nina Karen at Angela sa mga ito.
ANGELA'S POV
NILAPITAN nina Angela ang mga batang naglalaro kasama si Sandra. Gabi na rin kasi at kailangan na rin naman nilang umuwi. Alas otso na ng gabi at nag aalala syang baka antukin ang anak, nakakahiya naman kung dito pa sila mag papaabot ng umaga.
"Ate Sarah, mag papaalam na sina Angela, ihahatid ko na muna sila ate." paalam nito. "Bahala ka ng magsabi kay mama 'te, busy kasi sya sa mga bisita nya."
"Bakit hindi mo nalang sya dito patulugin, marami namang silid sa taas." ani Sandra.
" Salamat nalang, ate. Pero walang kasama si lola sa bahay." sabi naman nya rito.
"Ah, okey. Ingat and nice seeing you." dagdag pa nito.
"Mauna na muna kayo sa labas ng gate. May kukunin lang ako, nalimutan ko cp ko sa kwarto. Susunod nalang ako, nandon na rin ang sasakyan sa labas, bess." sabi ni Karen.
Tumango sya at inakay ang anak palabas ng gate. Sa labas nalang sila maghihintay.
NORMAN'S POV
NAGSALIN sya ng alak sa kopita at diretsong ininom iyon. Nagbatian at kwentuhan sila ng ama ni Alex. Ewan kung bakit may tumutulak sa kanyang muling sulyapan ang batang nakita kanina na kalaro ng mga anak ni Alex. Para bang sa puso nya, ang tagal na nilang magkakilala.
Lumingon sya sa kinaroroonan ng bata kanina , pero wala na ito roon. Tanging ang mag iina na lamang ni Alex ang naka upo sa bench. Inikot nya ang mata sa paligid ng mga bisita at nag baka- sakaling makita muli ang bata. Pero wala ito sa karamihan.
Napadako ang tingin nya sa babaeng patungo sa gate nakasuot ito ng floral design na bestidang light pink. May taas ito na tantya nya may 5'3 at balingkinitan ang katawan. Nakalugay ang straight nitong buhok. Hindi nga lang nya sigurado ang kulay ng balat nito dahil madilim at malayo. Hindi rin nya maaninag ang mukha nito dahil may kalayuan. Iiwas na sana sya ng tingin ng mapansing hawak nito ang bata na kanina pa laman ng isip nya.
' Marahil anak nya.' naibulong nya hanggang sa makalabas na ito ng gate.
PASADO alas nueve na nang gabi ng makarating sina Angela sa bahay. Nakatulog na rin si Vince habang nasa byahe, marahil sa sobrang pagod nito sa paglalaro kanina. Binuhat na lamang nya ang bata paakyat sa taas at hinatid naman sila ni Karen hanggang sa kwarto. Matapos mai- ayos ng higa si Vince muli nyang hinarap kanyang kaibigan. "Salamat, ha.!" "Wala 'yon, salamat rin na pinag bigyan mo ako na makadalo kayo." Anito. "Nga pala may pagkain na nakabalot dyan para kay lola." Sabay turo sa plastik na dala. "O pano aalis na rin ako para makapag pahinga ka na rin." Yumakap at humalik pa ito sa kanya bago muling umalis. Nag ayos sya at itinabi ang pagkaing dala at naghanda ng matulog. Hindi na nya inabala pa ang iba sa pagdating nila. Binigyan rin naman sya ng sariling duplicate ng susi ni Aling Sally, sakali mang nalelate sya ng uwi. Naramdaman naman ng lola
ABALANG - abala si Norman sa pag che- check ng mga files sa harapan. Subalit palagi rin sumasagi sa isipan nya ang imahe ng batang nakita nya sa bahay nina Alex. Hindi nya alam kung anong nangyayari sa sarili. Noong una, ang paulit ulit na bangungot nya, at ngayon naman ang batang iyon. Hanggang ngayon, ramdam pa rin nya ang mabilis na pintig ng kanyang dibdibsa tuwing sasagi ito sa kanyang ala ala. Kahit na nga isang linggo na mula ng bumalik sya rito. Sa tuwing maalala nya ang mga mata nitong malungkot na nakatingin sa kanya. Parang dinudurog ang puso nya. Tila may bahagi ng puso nya na dala dala ng batang iyon. Pakiramdam na nya hindi na yata sya ang kilala nyang Norman ngayon. Ibang iba na ang nararamdaman nya sa sarili nitong mga nakalipas na araw. Gusto man nyang magtanong kay Alex ng tungkol sa bata ngunit naisip na baka kantyawan na naman sya nito. "Sir, you have a meeting with
ANGELA'S POV PAKIRAMDAM ni angela may nagmamasid sa kanila kaya inilibot nya ang tingin sa paligid. Wala naman syang nakikitang kakaiba sa mga nasa paligid nya. Normal lang ang mga taong nasa loob at wala namang kahina- hinala ang kilos. 'Napapraning na ata ako.' bulong nya sa sarili. Napansin pala ni Karen ang ginawa nya at nagtanong. "May problema ba, bess?" tila nababahalang sabi nito. "Wala naman" "Bakit uneasy ka yata dyan. Kanina ayos lang naman tayo ah." "Sino ba hinahanap mo?" "Wala naman." at ibinalik na nya ang atensyon sa pagkaing nasa harapan. "Gusto mo pa, baby?" baling nya sa bata. "Okey na po ako, busog na po.
HAPON na ng magising si Norman, sinanay muna nya ang mga mata sandali sa paligid bago tuluyang bumangon at nagtungo sa banyo para magligo. Nakakaramdam na rin sya ng gutom dahil wala pa naman syang kain mula ng dumating kanina. Shorts at sando lang ang tanging isinuot nya at lumabas ng silid upang bumaba. Pababa na sana sya ng nasa ikalawang palapag na sya at mapalingon sa pinto ng dating silid nya. Napansin nya ang paglabas ng isang babae at bata sa silid. 'Sila siguro yung mga umokupa ng silid.' he thought. Muli na sana syang hahakbang ng mapansin pa ang hitsura ng mga ito. Bahagya syang natigilan ng mapagsino ito. Ang babae at ang batang nakita nya sa mall kanina. 'What a small world.' nasabi nya. Hindi nya akalaing dito pa ito sila makikita sa sariling tahanan. 'Ano kayang pangalan nila?' hindi nya
MAALIWALAS ang mukha ni Angela kinabukasan ng magising. Parang panaginip lang na maramdaman ang pag comfort sa kanya ni Norman ng nagdaang gabi. Masaya pa rin ang puso nya sa isiping kahit papano may simpatya ito sa damdamin at nararamdaman nya. Siguro nga di rin naman masama kung maging kaibigan at maging open rin sila sa isa't isa. Subalit hindi pa sa ngayon, hindi pa rin handa ang sarili nya rito, bukod pa rin doon bago pa lang sila magkakilala at hindi pa nya ito lubos na mapagka - katiwalaan ng mga bagay bagay sa buhay nya. Marahil kung loloobin ng diyos na ito ang maging unang taong pagbigyan nya ng tiwala, bakit hindi?" Mabilis syang naghanda at nag ayos ng sarili. Tulog pa ang anak nya, pero gising na rin ang kanyang lola. Pumapasok pa rin sya sa mall habang hindi pa sya nakaka hanap ng bagong trabaho. Sisimulan na rin nyang mag apply ng trabaho na ayon sa kanyang tinapos. Balak rin nyang tawagan sa ngayon ang number na nakalagay sa napulot na wa
DALA ng puyat sa hindi pagkaka tulog ng maayos sa nagdaang gabi, mataas na ang araw ng magising si Angela. Taranta syang mabilis na bumangon. 7:28 am na ng lingunin nya ang wall clock. Wala na rin ang anak at lola nya. Marahil nasa labas na ang mga ito. Mabilis nyang tinungo ang banyo at nag shower. Mabibilis ang kilos na ginawa nya hindi sya pwedeng ma late sa trabaho. Katawan na lang ang hinugasan nya at naiwang tuyo ang kanyang ulo. Matatagalan pa sya lalo kung maliligo pa sya. Hindi naman maselan sa trabaho nya kung ma late man sya. Kaya lang hindi naman sya sanay ng ganoon. Kahit ano pa mang busy nya, kailan man hindi pa sya na late sa trabaho. Saktong paglabas nya ng banyo, narinig nya ang malakas na tawa ng anak. Mabilis tuloy syang napa lapit sa bintanang naka bukas at excited na sinilip doon ang anak. Nakita nya itong naglalaro ng basketball kasama si Norman. Unti- unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nya. Su
Hindi naka huma si Angela ng makita ang maskulado at perpekto nitong pangangatawan habang nakasunod at nasa likuran ng kanyang anak. Nakatingin rin ito sa kanya habang naka upo sya sa gilid ng kama. Hindi nya maiwasang mag init ng katawan sa nakikitang hitsura ng lalaki. Basa ang katawan at buhok nito na bahagya pang tumutulo pababa sa malalapad nitong dibdib at balikat. Malaman at nasa ayos ang mga abs at nahigit nya ang hininga ng mapadako sa baba nito ang kanyang tingin. Tuluyan syang napalunok ng laway ng makitang nakatapis lang ito ng twalya. Pakiramdam nya nanuyo yata ang lalamunan nya. Nabalik sya mula sa pag mamasid rito ng tumikhim ang lalaki at nagsalita. "Pasensya na kung hindi ko naipag paalam si Vince sayo sa paliligo." hinging paumanhin nito. "Okay lang" at tipid syang ngumiti rito at mabilis na nag iwas ng tingin rito. "Salamat po, tito." sabi ni
Maagang bumaba si Norman mula ng magising sya sa kanyang bangungot na kagaya pa rin ng dati. Pa umaga na rin kaya mas pinili na nyang bumaba. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ito at hindi rin nya alam kung paanong mawawala ito sa sistema nya. Nasa may dulo sya ng hagdan ng mapansin si Angela habang tila pababa at may bitbit na tila mga damit sa isang tray. Masyado pa namang maaga para magsampay ito ng mga nilabahan dahil may kadiliman pa sa paligid. Mas binilisan pa nya ang pag baba upang maabutan ito. Hindi rin sya nito napansin habang naka sunod sa likuran ng babae. "Good morning!" bati nya rito na bahagya nitong ikinagulat. "Ah, ha. Kayo ho pala, sir. Good morning din po." nahihiya nyang sagot. 'Ang aga naman nito, akala ko pa naman ako pa lang ang gising.' bulong nya sa sarili. Mula ng magising sya kanina, hindi na sya muli pang dinalaw ng antok kaya inuna na lang nyang nag laba ng kanilang maruruming damit. Wala pan
Matapos ang ilang buwan ng pag papagaling ng binata na si Norman ay higit pang nag karoon ng mahabang pag kakataon ang mag- ama upang mag ka- kilala at magka bonding sila. Agad itong humingi ng patawad sa dalaga sa mga maling nagawa nito na tanggap naman na nya. Nang masigurong magaling at muling malakas na ang kanyang katawan ay pormal na hiningi nito ang kamay ng dalaga sa kanyang mga magulang. Masaya naman ang lahat para sa kanila. Natagpuan rin nila ang isa't isa at muling nai- tama ang mga bawat pag- kakamali. Isa sa unang naging pinaka- masaya ay ang anak nyang si Vince, ng pormal nilang sabihin sa bata na si Norman ang tunay nitong ama. At alam nyang hindi sya nag kamali sa kanyang naging desisyon. Hindi mag kamayaw sa sobrang saya ang kanyang anak. At naisip nyang hindi nga sya
Dahil sa mga nalaman ni Angela ay tila unti- unting nag bago ang pananaw nya sa kung bakit nagawa iyon sa kanya ng binata. Kaya naman mas pinili nyang unawain ng husto ang mga nangyari noon at maging sa kanilang kasalukuyan. Hindi rin naman siguro masama kung mag papatuloy na lang sya sa kung ano ang nasa sa kanila ngayon kesa ang patuloy na mabuhay sa kanyang naka raan. Mahal nya ang kanyang anak, kaya naman nais pa rin nyang maging masaya ito. At alam nyang lubos ang magiging kasiyahan nito kung malalaman nito kung sino ang kanyang ama na pina niwalaan na nitong nasa heaven na. Hini- hintay na lang nila ang muling magising ang binata upang personal nya na maipa kilala sa kanyang munting si Vince. Alam nyang hindi na sya mahihirapan pang pag paliwanagan ang kanyang anak dahil malapit na rin naman ito sa binata matapos n
Nagulat naman si Angela sa ginawang pag amin sa kanya ng ginang matapos nitong malaman ang ginawa ng anak nito sa kanya. Hindi nya tuloy maiwasan ang mapa luha sa ipina kita nitong concern sa kanya at sa kanyang anak. Ngayon rin nya nalaman na maging sa binata ay labag rin sa loob nito ang nagawang pag kaka- mali na iyon. Parang muling may humiwa sa puso nya sa mga mapapait na ala- alang iyon. Takot, pangamba, pagka- wasak at kawalang pag- asa ang mga tanging naramdaman nya noon na sa tuwing maa- alala iyon ay agad na nag hahatid lang sa kanya ng sakit. Ngayon na nasa harapan na nya ang taong gumawa noon sa kanya at kasalukuyan ring nakaratay matapos na magawang iligtas ang anak nya, tila hindi na nya kayang sumbatan pa ito. Naramdaman na lang nya ang muling pag- patak ng luha sa kanyang mga mata at wala sa loob na napa- yakap sa ginang na n
Nasa bungad pa lang ng hospital building sina Angela ay hindi na mapigil ang malakas at mabilis na pag kabog ng kanyang dibdib. Hindi nya magawa na mapigil ang kanyang damdamin sa kanyang bagong pakiramdam. Bakit ba tila may nara- ramdaman syang concern ngayon para sa binatang si Norman? Na kung tu- tuusin ay ang tao ring kanyang lubos na pilit ibina- baon na sa limot. Bakit mas nangingibabaw yata ngayon ang pag nanais nya na makita rin ito at alamin kung ano na nga ba ang kalagayan nito. Hindi nga ba at ang kanya lang naman na anak na si Vince ang tanging may gusto na makita ito at madalaw?, ngunit bakit maging sya ay may ganoon na rin yatang pakiramdam para rito?, kasabay naman nito ay ang puso nya na may lihim na yatang pag- tangi sa binata, na pilit pa rin nyang itina- tanggi sa kanyang sarili. Tila unti- unti ng nahu- hulog ang loob nya rito.
"Si Norman!" mahina lang ang pag kaka- bigkas nya sa mga salitang iyon ngunit malinaw pa ring umabot sa pandinig ng kanyang kaibigang si Karen na nasa kabilang linya. "Ano?" gulat na bulalas nito na hindi maka paniwala. Ilang saglit pa muna itong na- tahimik sa kabilang linya na tila hindi siguro alam ang tamang nais na sabihin, o marahil ay nagulat rin ng husto at hindi rin ma proses ng isip nitong isipin ng ganoon lang kadali ang kanyang mga sinabi. "T- totoo ba iyan? Sigurado ka ba na talagang sya nga ang ang..." hindi niyo magawang ituloy- tuloy ang nais sabihin dahil alam nyang masakit iyon para sa kanyang kaibigan. "Oo, sya nga, at talagang nagulat rin ako. Hindi ko tuloy ngayon alam kung paano ko sya haharapin ngayon matapos nito. Parang hindi pa kaya ng puso ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko, na si
Mabilis na nai- sugod sa pinaka- malapit na hospital ng Nueva Ecija ang binata na si Norman habang wala itong malay. Wala namang humpay sa pag- iyak nito ang batang si Vince habang lulan sila ng kanilang sasakyan pa- balik ng maynila. Bakas rin sa braso nito ang ilang mga pasa na dala ng mahigpit na pag kaka- kapit rito ng babaeng si Nora matapos na mapansing may mga pulis sa kanilang paligid. "Nasaktan ka ba, anak?" masuyong tanong ni Angela sa anak. Masuyo nya itong yakap habang hina- haplos ang mga braso nito na may bakas pa ng pasa. "Konti lang naman po ito, mama. Pero paano na po si tito Norman? Ano na po ang mangyayari a kanya?" tanong ng bata na bahagya pang tumingala sa kanya. Namu- mula at bahagyang nama- maga pa ang mga mata nito na dala ng labis- labis na pag- iyak, at bahagya pang humi- hikbi.&
APHRODISIAC DRUGS? Lahat ng mga naroon ay nagulat sa sinabi na iyon ni Nora. Lalo na si Norman na aware kung ano ang gamot na tinutukoy nito. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit ganoon na lang katindi ang pag nanais nya noon na angkinin ang babae na ngayon ay si Angela pala. Samantalang si Angela naman ay lalong naguluhan rin dahil wala naman syang ideya kung ano nga ba ang tinutukoy ng babae. Naging dahilan naman iyon para muli na naman bumangon ang galit sa puso ni Norman para sa babae, matapos ng kanyang mga nalaman. Kaya siguro simula pa man ay malayo na ang loob nya na mapa- lapit sa babae. Hindi nya sukat akalain na a- abot sa ganoong bagay ang gagawin ng babae. Tanda nyang kasama nya ang mga ito ng gabing iyon sa club, dahil sa kaibigan rin ito ng pinsan nyang syang nag- akit
Kasalukuyan noon na nag pa- pahinga at nag i- isip ang dalagang si Nora. Wala itong kaalam- alam ng mga oras na iyon sa naka takdang mangyari. Mataman syang nag i- isip kung ano ang kanyang susunod na gagawin. Kasalukuyan syang nasa loob ng isang silid ng malaking bahay na iyon. Habang nasa labas naman ang kanyang kasama na si Roger upang bantayan ang bata sa kabilang silid. Tahimik ang buong paligid ng mga oras na iyon. Naka bi- binging katahimikan na ang dala ay walang kasiguruhan. Unti- unti at dahan- dahang naka lapit ang mga grupo ng pulis ng bayan na iyon na kinuhang back- up ng ilang officer na syang may hawak sa kaso ni Vince. Maingat pa rin sa kanilang bawat kilos ang mga ito na huwag na maka likha ng ingay. Napa- tayo si Nora mula sa kanyang pag kaka- upo at hindi sinasadyang napa tayo at napa- tanaw sa may labas
Habang nasa byahe patungo sa lugar kung saan sina sabing naroon ang kanyang anak na si Vince, ay hindi rin matigil sa malakas at mabilis na pag tibok ang kanyang dibdib. Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman sa ngayon. Para syang pina ni- nikipan ng kanyang dibdib. Siguro nga ay dala lang ng kanyang sobrang nerbiyos dahil sa pag kakataon. Halos nasa mahigit na dalawang araw na rin na hindi nya nakita ang kanyang anak. Kaya labis- labis ang pag a- alala nila rito. Napa buntong- hininga na lang ang dalaga ng maramdaman ang bahagyang pag pisil ng ginang sa kanyang palad habang mag ka- tabi sila na naka upo sa likurang bahagi ng sasakyan. Nasa harapan naman nila ang dalawang binatang Marco. Nasa sasakyang kasunod naman nila mag kasama sina Norman at don Gregorio. May ilang convoy rin naman silang pulis na nasa harapan nila. &nbs