Hindi naka huma si Angela ng makita ang maskulado at perpekto nitong pangangatawan habang nakasunod at nasa likuran ng kanyang anak. Nakatingin rin ito sa kanya habang naka upo sya sa gilid ng kama. Hindi nya maiwasang mag init ng katawan sa nakikitang hitsura ng lalaki. Basa ang katawan at buhok nito na bahagya pang tumutulo pababa sa malalapad nitong dibdib at balikat. Malaman at nasa ayos ang mga abs at nahigit nya ang hininga ng mapadako sa baba nito ang kanyang tingin. Tuluyan syang napalunok ng laway ng makitang nakatapis lang ito ng twalya. Pakiramdam nya nanuyo yata ang lalamunan nya.
Nabalik sya mula sa pag mamasid rito ng tumikhim ang lalaki at nagsalita.
"Pasensya na kung hindi ko naipag paalam si Vince sayo sa paliligo." hinging paumanhin nito.
"Okay lang" at tipid syang ngumiti rito at mabilis na nag iwas ng tingin rito.
"Salamat po, tito." sabi ni
Maagang bumaba si Norman mula ng magising sya sa kanyang bangungot na kagaya pa rin ng dati. Pa umaga na rin kaya mas pinili na nyang bumaba. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ito at hindi rin nya alam kung paanong mawawala ito sa sistema nya. Nasa may dulo sya ng hagdan ng mapansin si Angela habang tila pababa at may bitbit na tila mga damit sa isang tray. Masyado pa namang maaga para magsampay ito ng mga nilabahan dahil may kadiliman pa sa paligid. Mas binilisan pa nya ang pag baba upang maabutan ito. Hindi rin sya nito napansin habang naka sunod sa likuran ng babae. "Good morning!" bati nya rito na bahagya nitong ikinagulat. "Ah, ha. Kayo ho pala, sir. Good morning din po." nahihiya nyang sagot. 'Ang aga naman nito, akala ko pa naman ako pa lang ang gising.' bulong nya sa sarili. Mula ng magising sya kanina, hindi na sya muli pang dinalaw ng antok kaya inuna na lang nyang nag laba ng kanilang maruruming damit. Wala pan
Masayang masaya ang mukha at kilos ni Vince habang panay ang linga sa loob ng mall. Hindi naman nito ugali ang magturo kung isinasama nya ito. Pero ngayon, bawat madaanan yata nila ay may napapansin ito. Daig pa ang pagiging mag ama ng dalawa habang masayang tumitingin tingin sa mga stall. Pumasok sila sa isang stuff toy store at masayang nakikita nyang masayang namimili ang bata ng bawat magustuhan nito. Ang binata naman pati bata gustong patulan para kunin rin naman. Ayaw nyang ma spoil ang anak nya kaya iniiwasan nyang bigyan ito ng labis na hindi naman talaga nito kailangan. Meron lang ilan, sapat na. Kalabisan na para sa kanya kung sumobra. "Mama, tingnan mo po oh, ang laki." sabi nito habang ipina pakita sa kanya ang halos kasing laki na nitong teddy bear. Maaliwalas at masaya ang awra nito. "Oo baby, pero tama na iyan, ha? Wag ka na kukuha ng iba. Nakakahiya naman sa tito Norman mo." sab
Araw ng birthday party ni Vince at abala ang lahat para sa pag hahanda sa ika apat na kaarawan nito. Talagang pinag handaan ng husto sa kagustuhan na rin ng ilang mga taong kasama nila. Kagaya nina nanay Sally, Norman at Karen. Pinag sabay ang pagdaraos nito ng kaarawan at binyag sa kagustuhan na rin ni Angela. Dumating rin ang order at pa catter ni Norman para sa bata. Halos ang kaibigan na nyang si Karen ang naging host ng handaan. Hindi rin magka mayaw ang mga bisita. Halos pati na nga mga kapit bahay nila imbitado. Ang mga kapamilya ni Karen halos naroon rin lahat. Magarbo ang ayos ng paligid at may clowns rin. Kabi- kabilang pag bati ang maririnig sa paligid. "Happy birthday, my baby." malambing na bati ni Angela sa anak. &nb
Maaga pa lang kinabukasan nag pasya na syang ipa alam sa kanyang lola at anak ang kanyang plano. Habang masaya silang kuma kain ng breakfast. "May gusto po sana akong sabihin sa inyo 'la." naka ngiting bungad nya sa mga ito. Nag angat naman ng tingin sa kanya ang kanyang lola at pansamantalang ini hinto ang pag subo ng pagkain. Habang ang kanya namang anak ay sige lang sa pag subo na walang paki alam sa kanilang pinag uusapan. "Mayroon na ho akong bagong trabaho at gusto nilang mag simula na ako agad." masayang sabi nya. Hindi nai tago ang excitement sa mukha nya. "Mabuti naman kung ganoon. Masaya ako para sa iyo, apo. Unti unti mo ng natutupad ang mga pangarap mo noon. Alam kong hindi ka pababayaan ng diyos. "naka ngiti at masayang sabi ng abwela. "Pero di ba po may work ka naman na?" hindi naka tiis na sabat n
Mabilis na ini handa nina Angela ang kanilang mga gamit na dadalhin sa pag lipat. At dahil mangilan ngilan lang naman ang kanilang mga gamit madali rin nila itong natapos. Lalo na't katulong pa nila ang mga kasambahay nina Norman. Agad naman na ini handa ng binata ang kanilang sasakyan. Bukas pa sana ang balak nyang lumuwas, ngunit narinig naman nya ng hindi sinasadya ang balak nina Angela na pag lipat ng syudad para sa bagong tanggap na trabaho. Kaya ipinasya na nyang maka sabay ang mga ito. Tutal, linggo naman ngayon at bukas araw na rin muli ng trabaho. Hindi nya mai paliwanag ang sayang naramdaman sa posibilidad na muli pa rin nyang makikita ang mga ito sa maynila. Lalo na ang batang si Vince na napa lapit na talaga ng husto sa kanya. Hindi na iba ang turing nya sa mga ito. At pakiramdam nya, gusto nyang higitan pa iyon. Lihim na napa sulyap sya sa dalagang palapit sa
Kahit halos mag uumaga na ng maka tulog si Angela nagawa pa rin nyang bumangon ng maaga pa. Agaw liwanag pa lamang ng mag simula na syang mag ayos ng kanilang mga gamit. "Bakit hindi mo na lang mamaya iyan ayusin. Masyado pa namang maaga para dyan. Puyat ka pa kahapon kaya ipa hinga mo na muna ang sarili mo." anang lola nya. Marahil ay nagising ito sa mga kaluskos nya. Naka bangon at naka lapit na rin ito sa kanya. "Maaga naman na po at saka nakaka hiya na rin naman po kung tutulog tulog naman ako. Kahit pa- paano po sobrang malaking tulong na po ito sa akin. At hindi ko sasayangin ang pag kakataong ito na ibinigay nila sa akin." sabi nya habang abala sa pag lalabas ng ilang gamit mula sa mga box nito. "Napaka buti mong bata, apo, at alam kong hindi ka pababayaan ng diyos. Kaya ipag patuloy mo lang kung ano ang gusto ng puso mo. Alam kong darating ang ara
Maaga pa lang kina bukasan naka handa na si Angela. Ito ang kanyang magiging first day sa kanyang opisyal na trabaho bilang bagong assistant. Kina kabahan man, ngunit pinilit nyang iwaksi iyon. Sa halip umusal na lang sya ng isang tahimik na panalangin at pasasalamat sa bagong blessing sa kanya. 'Salamat po, diyos ko! Sana po hindi po kayo mag sawa sa pag iingat sa aking buong pamilya at sa pag bibigay pa ng maraming blessing.' piping bulong nya. Tunay ngang napaka bait ng diyos sapagkat sa lahat ng kanyang pinag dadaanan, hindi sya nito pinabayaan at patuloy na bini bigyan ng sapat na lakas at tapang ng loob na harapin ang bawat araw na matatag at puno ng pag asa. Sa araw na ito, sisimulan na nyang unti unting buuin ang lahat ng mga pangarap nya para sa kanyang pamilyang mahal na mahal nya. Na hindi kayang pantayan ng ano mang yaman sa ibabaw ng mundo. Ang mahalaga ay ang pusong malinis at tapat sa bawat k
First day sa trabaho ni Angela. Mainit naman syang in welcome ng kanyang madam na si donya Estella. Matapos sya nitong ipina kilala sa mga empleyado at mga magiging ka trabaho ay agad syang pina sunod sa opisina nito. Pumasok sila sa isang malawak at simpleng silid. Salamin ang pinaka dingding sa gawing likuran ng table na may pangalan ng donya. Kaya nakikita ang view ng paligid ng syudad sa labas. Dumako ito sa isang bakanteng table na malapit lang sa may bandang pintuan. At naka ngiting muling humarap sa kanya. "Welcome to my company, and to your first day of work. Mag mula ngayon dito ang magiging space mo. Mas gusto at sanay akong mas malapit sa akin ang mga nagiging PA ko. Bakit? Kasi simple lang. Kapag may kailangan akong papeles, hindi ko na kailangan pang tumawag ng tao sa labas. Madali lang sabihin lalo na kung kailang