Araw ng birthday party ni Vince at abala ang lahat para sa pag hahanda sa ika apat na kaarawan nito. Talagang pinag handaan ng husto sa kagustuhan na rin ng ilang mga taong kasama nila. Kagaya nina nanay Sally, Norman at Karen.
Pinag sabay ang pagdaraos nito ng kaarawan at binyag sa kagustuhan na rin ni Angela.
Dumating rin ang order at pa catter ni Norman para sa bata. Halos ang kaibigan na nyang si Karen ang naging host ng handaan.
Hindi rin magka mayaw ang mga bisita. Halos pati na nga mga kapit bahay nila imbitado.
Ang mga kapamilya ni Karen halos naroon rin lahat.
Magarbo ang ayos ng paligid at may clowns rin. Kabi- kabilang pag bati ang maririnig sa paligid.
"Happy birthday, my baby." malambing na bati ni Angela sa anak.
&nb
Maaga pa lang kinabukasan nag pasya na syang ipa alam sa kanyang lola at anak ang kanyang plano. Habang masaya silang kuma kain ng breakfast. "May gusto po sana akong sabihin sa inyo 'la." naka ngiting bungad nya sa mga ito. Nag angat naman ng tingin sa kanya ang kanyang lola at pansamantalang ini hinto ang pag subo ng pagkain. Habang ang kanya namang anak ay sige lang sa pag subo na walang paki alam sa kanilang pinag uusapan. "Mayroon na ho akong bagong trabaho at gusto nilang mag simula na ako agad." masayang sabi nya. Hindi nai tago ang excitement sa mukha nya. "Mabuti naman kung ganoon. Masaya ako para sa iyo, apo. Unti unti mo ng natutupad ang mga pangarap mo noon. Alam kong hindi ka pababayaan ng diyos. "naka ngiti at masayang sabi ng abwela. "Pero di ba po may work ka naman na?" hindi naka tiis na sabat n
Mabilis na ini handa nina Angela ang kanilang mga gamit na dadalhin sa pag lipat. At dahil mangilan ngilan lang naman ang kanilang mga gamit madali rin nila itong natapos. Lalo na't katulong pa nila ang mga kasambahay nina Norman. Agad naman na ini handa ng binata ang kanilang sasakyan. Bukas pa sana ang balak nyang lumuwas, ngunit narinig naman nya ng hindi sinasadya ang balak nina Angela na pag lipat ng syudad para sa bagong tanggap na trabaho. Kaya ipinasya na nyang maka sabay ang mga ito. Tutal, linggo naman ngayon at bukas araw na rin muli ng trabaho. Hindi nya mai paliwanag ang sayang naramdaman sa posibilidad na muli pa rin nyang makikita ang mga ito sa maynila. Lalo na ang batang si Vince na napa lapit na talaga ng husto sa kanya. Hindi na iba ang turing nya sa mga ito. At pakiramdam nya, gusto nyang higitan pa iyon. Lihim na napa sulyap sya sa dalagang palapit sa
Kahit halos mag uumaga na ng maka tulog si Angela nagawa pa rin nyang bumangon ng maaga pa. Agaw liwanag pa lamang ng mag simula na syang mag ayos ng kanilang mga gamit. "Bakit hindi mo na lang mamaya iyan ayusin. Masyado pa namang maaga para dyan. Puyat ka pa kahapon kaya ipa hinga mo na muna ang sarili mo." anang lola nya. Marahil ay nagising ito sa mga kaluskos nya. Naka bangon at naka lapit na rin ito sa kanya. "Maaga naman na po at saka nakaka hiya na rin naman po kung tutulog tulog naman ako. Kahit pa- paano po sobrang malaking tulong na po ito sa akin. At hindi ko sasayangin ang pag kakataong ito na ibinigay nila sa akin." sabi nya habang abala sa pag lalabas ng ilang gamit mula sa mga box nito. "Napaka buti mong bata, apo, at alam kong hindi ka pababayaan ng diyos. Kaya ipag patuloy mo lang kung ano ang gusto ng puso mo. Alam kong darating ang ara
Maaga pa lang kina bukasan naka handa na si Angela. Ito ang kanyang magiging first day sa kanyang opisyal na trabaho bilang bagong assistant. Kina kabahan man, ngunit pinilit nyang iwaksi iyon. Sa halip umusal na lang sya ng isang tahimik na panalangin at pasasalamat sa bagong blessing sa kanya. 'Salamat po, diyos ko! Sana po hindi po kayo mag sawa sa pag iingat sa aking buong pamilya at sa pag bibigay pa ng maraming blessing.' piping bulong nya. Tunay ngang napaka bait ng diyos sapagkat sa lahat ng kanyang pinag dadaanan, hindi sya nito pinabayaan at patuloy na bini bigyan ng sapat na lakas at tapang ng loob na harapin ang bawat araw na matatag at puno ng pag asa. Sa araw na ito, sisimulan na nyang unti unting buuin ang lahat ng mga pangarap nya para sa kanyang pamilyang mahal na mahal nya. Na hindi kayang pantayan ng ano mang yaman sa ibabaw ng mundo. Ang mahalaga ay ang pusong malinis at tapat sa bawat k
First day sa trabaho ni Angela. Mainit naman syang in welcome ng kanyang madam na si donya Estella. Matapos sya nitong ipina kilala sa mga empleyado at mga magiging ka trabaho ay agad syang pina sunod sa opisina nito. Pumasok sila sa isang malawak at simpleng silid. Salamin ang pinaka dingding sa gawing likuran ng table na may pangalan ng donya. Kaya nakikita ang view ng paligid ng syudad sa labas. Dumako ito sa isang bakanteng table na malapit lang sa may bandang pintuan. At naka ngiting muling humarap sa kanya. "Welcome to my company, and to your first day of work. Mag mula ngayon dito ang magiging space mo. Mas gusto at sanay akong mas malapit sa akin ang mga nagiging PA ko. Bakit? Kasi simple lang. Kapag may kailangan akong papeles, hindi ko na kailangan pang tumawag ng tao sa labas. Madali lang sabihin lalo na kung kailang
Kau- uwi lang ni Angela mula sa kanyang trabaho. Kaba baba pa lang nya mula sa pag hahatid sa kanya ng driver ni donya Estella ng marinig nya ang matinis na halakhak ng kanyang anak na si Vince. Mukhang masayang masaya ito sa hindi nya malamang dahilan. Napa bilis tuloy ang mga hakbang nya pa pasok ng bahay. Nginitian at tinanguan sya ng guardya ng mapa tapat sya rito. "Sino po ang nasa loob?" tanong nya sa mamang guard. "Nariyan po si mr. Villanueva sa loob at kalaro ng bata." sagot nito sa kanya na bahagya pang tumango sa kanya. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib pag karinig sa sinabi nito. Bigla parang may sariling isip na napa bilis ang kanyang mga hakbang palapit sa naririnig nyang halakhak. Agad nyang napansin sa malawak na hardin ang kanyang anak kasama ang binata habang masaya silang nag lalaro ng football.  
Maagang pumasok kina bukasan si Angela. Mabuti na nga lang at maaga ring nag sundo ang driver ni donya Estella. Pag labas pa lang nya ng elevator nag a- apura at mabi bilis ang kilos ng mga empleyado. Nag taka tuloy sya sa mga ito. Walang imik na nag patuloy lang sya sa pag pasok ng opisina. Agad na ngumiti ang ginang pag ka kita sa kanya pag pasok. "Good morning!" bati nito at saglit na tumingin sa kanya bago muling iti nutok ang mga mata sa mga papel sa harapan nito. "Ano ho bang mayroon at abala yata sila sa pag aayos sa labas?" alanganing tanong nya rito habang papa lapit sa kanyang mesa. "Darating kasi ang supervisor, kaya nag ha- handa sila para sa presentation ng lahat." naka ngiting saglit sya nitong sinulyapan. "Gusto lang nilang maging presentable sila." maikling dagdag nito.
Kahit late at gabi na, nag pasya pa rin ang binatang si Norman upang pa puntahin si Ivan sa kanyang bahay. Gusto nyang personal na marinig ang sasabihin nito tungkol sa trabahong kanyang ipina gawa rito. Mag kahalong takot at kaba ang kanyang nara- ramdaman. Takot at pangambang baka maling lead na naman ang kanyang marinig at kaba, paano kung tumugma nga ang kanyang hinala sa dalaga.. Hindi sya mapa kali habang panay ang pabalik- balik paroon at parito nya sa kanyang silid. Minasdan nya ang oras at pasado alas otso na ng gabi. Halos may kalahating oras pa syang nag hintay sa kanyang hini hintay bago ito dumating. Magka harap silang naka upo sa sala. Naka de- kwatrong naka sandal na naka upo ang binata habang hini hintay ang sasabihin ng bagong dating. Ini labas ni Ivan ang isang envelope na kulay brown na nag la- laman ng impormasyong kanyan