Kau- uwi lang ni Angela mula sa kanyang trabaho. Kaba baba pa lang nya mula sa pag hahatid sa kanya ng driver ni donya Estella ng marinig nya ang matinis na halakhak ng kanyang anak na si Vince. Mukhang masayang masaya ito sa hindi nya malamang dahilan. Napa bilis tuloy ang mga hakbang nya pa pasok ng bahay. Nginitian at tinanguan sya ng guardya ng mapa tapat sya rito.
"Sino po ang nasa loob?" tanong nya sa mamang guard.
"Nariyan po si mr. Villanueva sa loob at kalaro ng bata." sagot nito sa kanya na bahagya pang tumango sa kanya.
Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib pag karinig sa sinabi nito. Bigla parang may sariling isip na napa bilis ang kanyang mga hakbang palapit sa naririnig nyang halakhak.
Agad nyang napansin sa malawak na hardin ang kanyang anak kasama ang binata habang masaya silang nag lalaro ng football.
 
Maagang pumasok kina bukasan si Angela. Mabuti na nga lang at maaga ring nag sundo ang driver ni donya Estella. Pag labas pa lang nya ng elevator nag a- apura at mabi bilis ang kilos ng mga empleyado. Nag taka tuloy sya sa mga ito. Walang imik na nag patuloy lang sya sa pag pasok ng opisina. Agad na ngumiti ang ginang pag ka kita sa kanya pag pasok. "Good morning!" bati nito at saglit na tumingin sa kanya bago muling iti nutok ang mga mata sa mga papel sa harapan nito. "Ano ho bang mayroon at abala yata sila sa pag aayos sa labas?" alanganing tanong nya rito habang papa lapit sa kanyang mesa. "Darating kasi ang supervisor, kaya nag ha- handa sila para sa presentation ng lahat." naka ngiting saglit sya nitong sinulyapan. "Gusto lang nilang maging presentable sila." maikling dagdag nito.
Kahit late at gabi na, nag pasya pa rin ang binatang si Norman upang pa puntahin si Ivan sa kanyang bahay. Gusto nyang personal na marinig ang sasabihin nito tungkol sa trabahong kanyang ipina gawa rito. Mag kahalong takot at kaba ang kanyang nara- ramdaman. Takot at pangambang baka maling lead na naman ang kanyang marinig at kaba, paano kung tumugma nga ang kanyang hinala sa dalaga.. Hindi sya mapa kali habang panay ang pabalik- balik paroon at parito nya sa kanyang silid. Minasdan nya ang oras at pasado alas otso na ng gabi. Halos may kalahating oras pa syang nag hintay sa kanyang hini hintay bago ito dumating. Magka harap silang naka upo sa sala. Naka de- kwatrong naka sandal na naka upo ang binata habang hini hintay ang sasabihin ng bagong dating. Ini labas ni Ivan ang isang envelope na kulay brown na nag la- laman ng impormasyong kanyan
Maaga pa lang kinabukasan, araw ng sabado, nasa bahay na nina Angela ang binatang si Norman upang kagaya pa rin ng dati, ayain ang bata para sa kanilang pamamasyal. Ngunit iba na para kay Angela ang sitwasyon ngayon matapos nyang malaman na may mga taong lihim na nag mamatyag sa kanila at nag iimbestiga. "Pasensya kana muna lung hindi ko man mapapa sama ang bata sa pamamasyal nyo ngayon." hinging paumanhin ng dalaga habang magka harap na naka upo sila sa sala. "Ha? Bakit naman, sayang naman at balak ko pa naman sana syang ipasyal sa zoo ngayon. Iyon kasi yong hiling nya nung naka raan na pumunta ako rito." may pag tatakang sagot ng binata. Bahagya rin itong nanlumo ng marinig ang sinabi nyang hindi muna pu- pwede. Alam naman nyang halos sanay na rin ito sa gina gawang pan lilibang sa kanyang anak. Ngunit sa ngayon biglang napuno ng pangamba ang kanyang dati ay panatag na kaisipan. May tiwala sya sa binata
Malaki ang mansyon na pinasukan ng sasakyan nina Angela. Sinundo sila ng family driver nina donya Estella. Mula pa lang sa gate nito na hindi makita ang labas dahil sa taas hanggang sa laki ng bahay, masa sabi at maki kita ang karangyaan ng mga ito. Maganda ang pag kaka landscape ng paligid. Puno ng mga mamahalin at maga gandang halaman lalo na ang mga orchids na halatang alagang alaga nila. Sinalubong kaagad sila ng naka ngiting si donya Estella pag pasok pa lamang ng sasakyan sa mansyon. "Welcome! I'm glad you're here!" sabi nito na nakipag beso pa sa kanila. "Mabuti naman po at pina unlakan nyo ang imbitasyon ko." baling nito sa matanda na inakbayan pa ito. "Oo, talagang gusto kong personal na pumunta rito para maka pag pasalamat man lang sayo ng personal." saad ng matanda. Lumapit naman rito ang kanyang anak at nag bless.
Maaga pa lang dumiretso na si Norman sa laboratory building kung saan ibinigay nya ang ilang sample na kailangan para sa DNA test. Nangako sa kanya ang isang staff roon na dalawang araw lang at may resulta na ang hiling nya. Kanina, maaga syang naka tanggap ng tawag mula rito na nag sasabing okay na ang result kaya hindi na sya nag abala pang mag ayos ng sarili. Tanging polo shirt lang ang kanyang suot at slack pants. Binitbit na lang nya ang kanyang coat at necktie. Bilis bilis ang kanyang mga kilos na animo ay may hina habol. Pag pasok sa kanyang kotse ay isinampay lang nya ang bitbit na coat at necktie sa headrest ng upuan sa tabi nya. Hindi na sya nag abala pang isuot iyon. Habang nasa daan. Kulang na lang ay paliparin na nya ang sasakyan sa sobrang bilis ng takbo nito. Kasabay nito ang walang tigil na tibok ng kanyang dibdib. Sobra syang kina kabahan sa maarin
Maaga pa lang naka ayos na si Angela para sa ga- ganaping anniversary celebration ng kompanya nina don Gregorio. 9 pm pa naman ang start ng event pero kailangang 8 ay naroon na sya bilang syang na ngangasiwa ng magiging kaayusan nito. Kailangang personal pa rin nyang makita ang pagiging maayos nito mula sa mga pag a- asikaso sa mga bisita hanggang sa matapos ang kaganapan. Walang maganda at eleganteng damit ang dalaga, ngunit may isang itina tagong plain gown ang lola Ading nya na sadyang pinaka i- ingat ingatan pa nito. Hindi naman ito masa sabing maka luma dahil mukhang mas elegante at mas maayos pa nga itong tingnan kesa sa mga bagong gown na naki kita nya minsan sa butik. Straight hanggang sa may bukong- bukong nya ang haba nito. Kulay black na puno ng beads na syang nag bibigay rito ng kinang lalo na kung nadi sinagan ito ng liwanag na lalong nag patingkad na ganda nito na parang may may maliliit na b
Masayang lumapit si Donya Estella sa table nila. Binati nito ang lahat ng mga kaharap nila sa mesa. Matapos nito ay lumapit sa kanya upang personal pa syang mapa salamatan. "Salamat nga pala iha sa tulong mo para mapag handaan ng maayos ang event na ito. Alam ko namang busy ka pero sinikap mo pa ring isingit sa mga oras mo." naka ngiti ito at halata sa mukha ang labis na saya. Humawak pa ito sa braso nya at na pansin nya ng kumunot ang noo nito ng matuon ang pansin sa kanyang bracelet na suot. "Wala ho iyon. At saka trabaho ko pa rin naman po ito kahit paano. Salamat nga din po pala sa tiwala nyo na laging ibini bigay nyo sa amin." ganting sagot nya. Nakita nya itong tumango at muling itinuon ang tingin sa kanyang braso na may suot na bracelet. Bahagya nitong itinaas ang kanyang kamay na may suot at nag tanong. &
Mag mula ng dumalaw at maka usap ng lola ni Angela si donya Estella ay napa dalas na rin ang pag dalaw nito sa kanila na hindi naman nito dati na gina gawa. Halos marami na rin ang mga regalong palagi nitong ibini bigay kahit na wala naman na okasyon. Nag simula na ring mag bago ang trato nito sa kanya sa loob ng opisina. Dumalas ang pag papa sama nito sa kanya sa kahit saang pinu puntahan nito mapa tungkol man sa negosyo o sa personal na lakad nito. Bukod doon ay isa sa ipinag tataka rin nya ay ang pag bibigay nito sa kanila ng personal na driver na hindi na kailangan pang ang driver nito ang susundo sa kanya. Minsan habang nag kaka sarilinan ang dalawang mag lola ay nagawang mag tanong ng dalaga sa matanda ng tungkol sa napag usapan ng mga ito. Abala sya sa pag tulong kina manang para sa pag luluto ng ilang handa para sa abwela sa naka takdang kaarawan nito sa araw na iyon.
Matapos ang ilang buwan ng pag papagaling ng binata na si Norman ay higit pang nag karoon ng mahabang pag kakataon ang mag- ama upang mag ka- kilala at magka bonding sila. Agad itong humingi ng patawad sa dalaga sa mga maling nagawa nito na tanggap naman na nya. Nang masigurong magaling at muling malakas na ang kanyang katawan ay pormal na hiningi nito ang kamay ng dalaga sa kanyang mga magulang. Masaya naman ang lahat para sa kanila. Natagpuan rin nila ang isa't isa at muling nai- tama ang mga bawat pag- kakamali. Isa sa unang naging pinaka- masaya ay ang anak nyang si Vince, ng pormal nilang sabihin sa bata na si Norman ang tunay nitong ama. At alam nyang hindi sya nag kamali sa kanyang naging desisyon. Hindi mag kamayaw sa sobrang saya ang kanyang anak. At naisip nyang hindi nga sya
Dahil sa mga nalaman ni Angela ay tila unti- unting nag bago ang pananaw nya sa kung bakit nagawa iyon sa kanya ng binata. Kaya naman mas pinili nyang unawain ng husto ang mga nangyari noon at maging sa kanilang kasalukuyan. Hindi rin naman siguro masama kung mag papatuloy na lang sya sa kung ano ang nasa sa kanila ngayon kesa ang patuloy na mabuhay sa kanyang naka raan. Mahal nya ang kanyang anak, kaya naman nais pa rin nyang maging masaya ito. At alam nyang lubos ang magiging kasiyahan nito kung malalaman nito kung sino ang kanyang ama na pina niwalaan na nitong nasa heaven na. Hini- hintay na lang nila ang muling magising ang binata upang personal nya na maipa kilala sa kanyang munting si Vince. Alam nyang hindi na sya mahihirapan pang pag paliwanagan ang kanyang anak dahil malapit na rin naman ito sa binata matapos n
Nagulat naman si Angela sa ginawang pag amin sa kanya ng ginang matapos nitong malaman ang ginawa ng anak nito sa kanya. Hindi nya tuloy maiwasan ang mapa luha sa ipina kita nitong concern sa kanya at sa kanyang anak. Ngayon rin nya nalaman na maging sa binata ay labag rin sa loob nito ang nagawang pag kaka- mali na iyon. Parang muling may humiwa sa puso nya sa mga mapapait na ala- alang iyon. Takot, pangamba, pagka- wasak at kawalang pag- asa ang mga tanging naramdaman nya noon na sa tuwing maa- alala iyon ay agad na nag hahatid lang sa kanya ng sakit. Ngayon na nasa harapan na nya ang taong gumawa noon sa kanya at kasalukuyan ring nakaratay matapos na magawang iligtas ang anak nya, tila hindi na nya kayang sumbatan pa ito. Naramdaman na lang nya ang muling pag- patak ng luha sa kanyang mga mata at wala sa loob na napa- yakap sa ginang na n
Nasa bungad pa lang ng hospital building sina Angela ay hindi na mapigil ang malakas at mabilis na pag kabog ng kanyang dibdib. Hindi nya magawa na mapigil ang kanyang damdamin sa kanyang bagong pakiramdam. Bakit ba tila may nara- ramdaman syang concern ngayon para sa binatang si Norman? Na kung tu- tuusin ay ang tao ring kanyang lubos na pilit ibina- baon na sa limot. Bakit mas nangingibabaw yata ngayon ang pag nanais nya na makita rin ito at alamin kung ano na nga ba ang kalagayan nito. Hindi nga ba at ang kanya lang naman na anak na si Vince ang tanging may gusto na makita ito at madalaw?, ngunit bakit maging sya ay may ganoon na rin yatang pakiramdam para rito?, kasabay naman nito ay ang puso nya na may lihim na yatang pag- tangi sa binata, na pilit pa rin nyang itina- tanggi sa kanyang sarili. Tila unti- unti ng nahu- hulog ang loob nya rito.
"Si Norman!" mahina lang ang pag kaka- bigkas nya sa mga salitang iyon ngunit malinaw pa ring umabot sa pandinig ng kanyang kaibigang si Karen na nasa kabilang linya. "Ano?" gulat na bulalas nito na hindi maka paniwala. Ilang saglit pa muna itong na- tahimik sa kabilang linya na tila hindi siguro alam ang tamang nais na sabihin, o marahil ay nagulat rin ng husto at hindi rin ma proses ng isip nitong isipin ng ganoon lang kadali ang kanyang mga sinabi. "T- totoo ba iyan? Sigurado ka ba na talagang sya nga ang ang..." hindi niyo magawang ituloy- tuloy ang nais sabihin dahil alam nyang masakit iyon para sa kanyang kaibigan. "Oo, sya nga, at talagang nagulat rin ako. Hindi ko tuloy ngayon alam kung paano ko sya haharapin ngayon matapos nito. Parang hindi pa kaya ng puso ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko, na si
Mabilis na nai- sugod sa pinaka- malapit na hospital ng Nueva Ecija ang binata na si Norman habang wala itong malay. Wala namang humpay sa pag- iyak nito ang batang si Vince habang lulan sila ng kanilang sasakyan pa- balik ng maynila. Bakas rin sa braso nito ang ilang mga pasa na dala ng mahigpit na pag kaka- kapit rito ng babaeng si Nora matapos na mapansing may mga pulis sa kanilang paligid. "Nasaktan ka ba, anak?" masuyong tanong ni Angela sa anak. Masuyo nya itong yakap habang hina- haplos ang mga braso nito na may bakas pa ng pasa. "Konti lang naman po ito, mama. Pero paano na po si tito Norman? Ano na po ang mangyayari a kanya?" tanong ng bata na bahagya pang tumingala sa kanya. Namu- mula at bahagyang nama- maga pa ang mga mata nito na dala ng labis- labis na pag- iyak, at bahagya pang humi- hikbi.&
APHRODISIAC DRUGS? Lahat ng mga naroon ay nagulat sa sinabi na iyon ni Nora. Lalo na si Norman na aware kung ano ang gamot na tinutukoy nito. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit ganoon na lang katindi ang pag nanais nya noon na angkinin ang babae na ngayon ay si Angela pala. Samantalang si Angela naman ay lalong naguluhan rin dahil wala naman syang ideya kung ano nga ba ang tinutukoy ng babae. Naging dahilan naman iyon para muli na naman bumangon ang galit sa puso ni Norman para sa babae, matapos ng kanyang mga nalaman. Kaya siguro simula pa man ay malayo na ang loob nya na mapa- lapit sa babae. Hindi nya sukat akalain na a- abot sa ganoong bagay ang gagawin ng babae. Tanda nyang kasama nya ang mga ito ng gabing iyon sa club, dahil sa kaibigan rin ito ng pinsan nyang syang nag- akit
Kasalukuyan noon na nag pa- pahinga at nag i- isip ang dalagang si Nora. Wala itong kaalam- alam ng mga oras na iyon sa naka takdang mangyari. Mataman syang nag i- isip kung ano ang kanyang susunod na gagawin. Kasalukuyan syang nasa loob ng isang silid ng malaking bahay na iyon. Habang nasa labas naman ang kanyang kasama na si Roger upang bantayan ang bata sa kabilang silid. Tahimik ang buong paligid ng mga oras na iyon. Naka bi- binging katahimikan na ang dala ay walang kasiguruhan. Unti- unti at dahan- dahang naka lapit ang mga grupo ng pulis ng bayan na iyon na kinuhang back- up ng ilang officer na syang may hawak sa kaso ni Vince. Maingat pa rin sa kanilang bawat kilos ang mga ito na huwag na maka likha ng ingay. Napa- tayo si Nora mula sa kanyang pag kaka- upo at hindi sinasadyang napa tayo at napa- tanaw sa may labas
Habang nasa byahe patungo sa lugar kung saan sina sabing naroon ang kanyang anak na si Vince, ay hindi rin matigil sa malakas at mabilis na pag tibok ang kanyang dibdib. Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman sa ngayon. Para syang pina ni- nikipan ng kanyang dibdib. Siguro nga ay dala lang ng kanyang sobrang nerbiyos dahil sa pag kakataon. Halos nasa mahigit na dalawang araw na rin na hindi nya nakita ang kanyang anak. Kaya labis- labis ang pag a- alala nila rito. Napa buntong- hininga na lang ang dalaga ng maramdaman ang bahagyang pag pisil ng ginang sa kanyang palad habang mag ka- tabi sila na naka upo sa likurang bahagi ng sasakyan. Nasa harapan naman nila ang dalawang binatang Marco. Nasa sasakyang kasunod naman nila mag kasama sina Norman at don Gregorio. May ilang convoy rin naman silang pulis na nasa harapan nila. &nbs