Home / Romance / BAKAS NANG KAHAPON / CHAPTER FIVE - TRANSFERRING TO THEIR NEW HOUSE

Share

CHAPTER FIVE - TRANSFERRING TO THEIR NEW HOUSE

ANGELA'S POV

LINGGO, busy ang araw na ito para sa kanila. Ngayon kasi sila nakatakdang maglipat ng bahay sa bayan. Inalok sya ng kaibigan na tutulong ito sa kanila sa gagawing paglilipat, kaya hindi na rin sya nakatanggi rito ng sabihin nitong sa sasakyan nalang nila isasakay ang mga gamit. Kaunti lang naman ang mga gamit nilang dadalhin kasya naman sana sa tricycle ni mang mario, kaya lang mapilit pa rin ito para hindi raw gipit. Hindi na rin sya nakatanggi. Maaga silang dumalo ng misa para hindi rin sila hapunin sa paglilipat- bahay.

       Ibinilin na muna nila ang ilang mga alagang hayop kina manang maring at mang mario. Ito ang pinakamalapit nilang kapit- bahay. Siguro dadalaw- dalaw nalang sila pag may libreng oras sila. Mainam na rin naman ito dahil mas malapit sa kanyang pinapasukan.

       Magtatanghali na ng matapos sila sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin. Matapos nito nagpasya na muna silang mananghalian bago magtungo sa bayan. Masaya naman ang anak nya at lola. Suportado sya ng mga ito. Sabagay mabuti na rin ito. Mga dalawang taon pa at ieenroll na rin nya ito. Mas mainam kung nasa malapit lang rin ang mapapasukan ng bata.

       Matapos kumain nagpahinga muna sila sandali. 1:35 ng hapon ng magpasya silang umalis na. Nang makarating sila sa harap ng gate agad silang pinagbuksan ng ginang. Pinapasok pa nito ang sasakyan sa loob ng gate. Malawak kasi ang bakuran nito halos kumasya ang tatlong sasakyan kung igagarahe rito at tunay ngang malaki ang tatlong palapag na bahay. 

        Ayon sa ginang, sa ikalawang palapag pa ang kwartong ookupahin nila. May bakanteng  kwarto naman raw sa ikatlong palapag ng bahay sakali mang umuwi ang anak nya. Tumulong rin ang ginang sa ginagawa nilang paghahakot. Si lola at si Vince ay pinagpahinga muna ng ginang sa salas habang hindi pa sila tapos sa pag aayos para hindi raw mapagod at medyo malayo rin ang binyahe. 

        Mabait nga ang ginang. At tingin nga nya palagay na agad ang loob ng mga kasama nya rito. 

        Itinuloy nya ang pag aayos sa tulong ng kaibigang si Karen. Pagkahatid sa kanila ng driver ng kaibigan nag paalam rin ito agad na may pupuntahan pa at babalikan nalang raw ang kaibigan sa hapon. Masaya sila habang nag aayos. Halata rin sa mga kasama nya ang saya na mababakas sa mga mukha nila, lalo na nang anak nya. 

        'Nakikitira palang kami nito, paano pa kaya kung sarili na namin.' piping sabi nya. hindi rin nya maiwasang mapangiti pag nakikitang masasaya ang mga ito.

Hapon na ng matapos sila sa pag aayos.. nag order na lang sila ng pagkain para sa hapunan at syempre, gaya ng dati sagot pa rin ng kaibigan nya. Nagkwentuhan pa sila kasama si aling Sally. Balo na pala ito may dalawang taon na ng mamatay ang asawa nito sa atake sa puso. May nag iisang anak na lalaki kaya lang lagi lang naman daw sa maynila at bihira umuuwi. Madalas lang raw ito tumatawag at nangungumusta. Tanging ang mayordoma at dalawa pang dalagitang kasambahay ang kasama nito.

        Abala sila sa pagkukwentuhan ng marinig nila ang sundo ng kaibigan. Tumayo ito at nagpaalam na sa kanila.

        "O 'pano alis na po muna 'ko." pamamaalam nito sa lahat. "Nandyan na ang sundo ko." sabi nito at humalik pa sa batang si Vince. Humakbang na ito palabas.

         "Hatid na kita, bess sa labas." sabi nya at tumayo na rin pasunod rito.

          "Salamat ha." simpleng sabi nya rito habang naglalakad sila. 

          "Kung di mo ako tinulungan baka hanggang ngayon di pa kami tapos." dagdag pa nya. 

        "Hus, wala 'yon. Para 'san pa ang pagiging bff natin kung di natin matulungan ang isat- isa." biro nito. 

       "Oo nga eh. Di ko alam kong pano sayo makakabawi sa dami na ng atraso at abala ko sayo." 

          "'Kaw naman masyado ka madrama dyan. Naniningil ba ako? Hindi naman ah!" bulalas na sabi nito. Pagkuwa'y ngumiti.

          "Pag pumunta kayo sa party ni mama, amanos na tayo!" dagdag biro nito sa kanya. " Kaya hindi pwedeng wala ka don." sabi nito, nagbeso sila at umalis na rin ito. Bumalik sya sa loob at naabutan na nagkukwentuhan sina aling Sally at lola Ading.

        "Akyat na rin po tayo," sabi nyang nakatingin sa abwela. " Nakakahiya na rin po sa inyo, gabi na at di pa kayo nakakapagpahinga." sabi nya ng lumingon rin sa isang ginang.

        "Sus, wala lang 'yon iha." nakangiti ito. "Muling mabubuhayan ang malaking bahay na 'to dahil sigurado magiging masaya ulit dito. Sobrang tahimik kasi dito, iha. " "Wala akong ibang kasama kundi sina manang elsa." tukoy nya sa kanilang mayordoma. 

         "Ngayon magkakaroon na ulit ito ng sigla. Kung bakit naman kasi yong anak kong yon di pa rin mag asawa eh. , para magkaroon na rin ako ng apo." natatawa nitong sabi. "Nakakamiss na rin na may maingay sa loob ng bahay."

         Natawa nalang silang maglola at nag paalam na rin para makapag pahinga...

Lumipas pa ang mga araw. Naging magaan na ang takbo ng buhay para kay Angela. Malapit na ang bahay sa kanyang pinapasukang trabaho at school. Hindi na gaya ng dati na kailangan pa nya bumiyahe. Bukod sa mura na renta ng kwarto. Naiipon na rin nya ang dati sanay ibinabayad nya para sa pamasahe.

   

Papasok na sya sa kanyang klase ng bumungad sa harapan nya ang kanyang kaibigan. Inabangan talaga sya nito.

       "O, wag na wag mong kalilimutan ha." sabi nito. Bahagya pa nya nakitang umangat ang kabilang dulo ng labi nito.

      "Ang alin?" taka naman nyang sagot.

      "Sus ginoo naman, bess.!" bulalas nito sabay tampal sa noo na napapikit.

       "Nasa earth ka pa ba, bess. Kasi parang wala eh." dagdag biro pa nito..

        "Ang bilis mo naman makalimot ke bata bata mo pa lang. Loaded na ata utak mo, bess. Sobra ka kasi subsob dyan sa kaaaral mo." dagdag biro pa nito sa kanya. Saglit naman syang napaisip sa sinasabi nito. Saka biglang naalala ang sinasabi nitong party ng mommy nya.

        "Oo na po, naalala ko na." sabi rin nya. "Pwede naman kasi sabihin di yung ang dami pa sinermon." kunwari'y nagtatampong saad nya.

        "Kaw  kasi puro aral at trabaho. Isipin mo rin naman sarili mo, bess." sabi nito.

        Humalukipkip sabay irap dito. "Kasalanan ko ba kung naging mahirap ako at kailangan kumayod ng husto para mabuhay kami?" mahinang bulong din nya. Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ng kaibigan. Agad nanlaki ang mata nito at napatutop sa bibig.

         "Oh my, sorry, bess. Me and my big mouth!" Promise, i didn't mean that." hinging paumanhin nito. Napayakap pa ito sa kanya. 

        "Sorry,,, sorry.... talaga, bess. Ikaw kasi...."

        "Ano bang sino sorry mo dyan? Eh iyon naman talaga ang totoo. Tanggap ko naman. Ito na ako eh." sabi nya sabay tapik sa balikat ng kaibigan na nakayakap sa kanya.

        "Sorry, bess ha." 

        "Okey lang" ngumiti pa ako sa kanya. 

          "Pero asahan ko pupunta kayo ha? Bukas na iyon. Maaga ko kayo susunduin dito." sabi nito 

        "Sige" 

         At iniwan na sya nito. Nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kanyang klase. Next week na ang schedule ng finals nila kaya naging busy rin sya sa pag rereview.

*******

KINABUKASAN, maagang dumating si Karen. May dala pa itong supot na di nya alam kung anong laman. Hindi pa naman sila nakagayak. Ng sipatin nya ang wall clock. 3:23. Pinaggagayak nya ang lola nya pero tumanggi na itong sumama.

        "Mapapagod lang ako d'on apo. Dito na muna ako. Wag ka mag alala may mga kasama naman ako dito. I- enjoy nyo nalang yan, apo." tangging sabi nito na nakangiti. Hindi na rin nila ito napilit pa.

        Naligo silang mag- ina, matapos naggayak na ng pamalit na damit ng lumapit si Karen sa kanila at iabot ang dala dala. Napanganga pa syang tumingin rito ng ngtatanong. Naunawaan naman agad nito.

         "Kinuha ko talaga 'yan para may masuot kayo, sayang nga lang ayaw na sumama ni lola. Iiwan ko lang rin yong para sa kanya." sabi nito sabay bukas sa isang plastik na bitbit nito. Ang isa naman inabot sa kanya. 

        Inilabas nito ang isang pants na kulay itim at isang puting polo shirt at may kasama pang color gray na necktie. Nilapitan ng kaibigan ang anak at ipinasuot dito ang damit. Namangha pa sya ng makitang parang little big boss na ang anak nya. Hindi nya naiwasan mapangiti.

          "Nag- abala ka pa." nahihiya nyang sabi. 

         "'Wag mo isipin yan. Maliit lang yan kumpara sa pagpayag mong sumama sa amin." nakangiting sabi nya. Napailing na lang sya. 

         Inilabas nya ang laman ng plastik na inabot nito kanina sa kanya. Isa iyong kulay light pink na bestida na flower ang design. May makitid rin itong strap. Para tuloy ayaw nya magsuot ng ganito hindi sya komportable. Mas mabuti pa yata ang jeans at t- shirt.

       "Hindi ko naman ata maisusuot ito, bess." sabi nya. 

       "Basta suotin mo na. Wag na makulit. Kung yang jeans ang susuutin mo, mas lalo ka lang nilang mapapansin, di ba ayaw mo yun? Kaya sige na. Bihis na." utos nito.

        Maganda ang hakab ng bestida sa katawan nya. Balingkinitan ang katawan nya. Katamtaman rin ang laki ng dibdib. morena ang kutis nya. Inilugay ang maitim, mahaba at tuwid na tuwid nyang buhok. Nagsuot sya ng kulay gatas na sandals na may one and a half inch na taas. Katamtaman naman ang taas nyang 5'3. Nag pahid rin sya ng manipis na lipstick na kulay pink at nag apply ng natural color na foundation.

      "Ready ka na ba, Baby Vince?" tila excited na tanong ni Karen.

      "Opo, tita ninang. Sobra po." masayang sabi ng bata.

       "Wag ka mag- alala, hindi ka mabo- bore dun, baby. Uuwi rin sila kuya Alex at sigurado kasama ang mga babies nya. May makakalaro ka r'on." sabi pa nito.

      Tumango naman ang bata bilang pagsang- ayon.

       Ng matapos, nagpaalam na rin sila at umalis.

*******

Pumasok ang kinalululanan nilang sasakyan sa isang malaking gate ng isang malaking mansyon. Matataas rin ang pader nito at may naka install na cctv sa labas ng bahay. Ito na marahil ang bahay nina Karen. At talaga palang mayaman ang bruha. Ngayon pa lang sya makakapasok sa bahay nito kasi hindi rin naman sya pumupunta rito sa inaakit sya nito sa kahit anong okasyon. Napansin rin nyang marami- rami na ring bisita at sa mga hitsura pa lang alam na nyang mayayaman.

       Huminto sa garahe ang sasakyan ng makapasok ito. Agad bumaba si Karen at sumunod sila. Ewan ba. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman. Tila ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Siguro, dahil bago sa kanya at aware syang puro mayayaman ang mga naririto. Baka nga mamaya pati bff nya maging busy na rin at ma out of place na sila.

       Pagkababa nila, agad niyang hinawakan ang maliit na palad ng anak. Pakiramdam nya nanlalamig sya at medyo pinagpapawisan. Ngayon pa lang naman kasi sya pumunta rito. Iginala nya ang tingin sa paligid sa ayos pa lang alam nyang ginastusan na ng malaki. Napailing nalang sya. Ang nagagawa nga naman ng pera. ​

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status