Share

Chapter 27

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-07-22 06:00:00

"SILVER!"

Halos manlaki ang mga mata ni Silver ng makita kung sino ang tumawag sa kanya.

Bigla itong nanakbo papalapit sa kanya at nilundag ang pagkakayakap sa kanya kaya hindi siya nakaiwas. Halos mawalan naman din siya ng balanse. Kaagad niyang inalis ang pagkakayakap sa kanya nito at inilayo sa kanya.

"Oh? A -- anong ginagawa mo rito?"

"Somebody told me na may pumasok na kotse sa bahay mo, so I assumed na baka umuwi ka ulit."

"Ano naman? Eh bahay ko yan." asiwa namang tanong pa ni Silver dahil ang ayaw niya rin sa lahat ay uninvited guests.

"That's why I came here to find out."

"Hindi naman kita pinapapunta." tila pagsusungit na nito.

"I just wanted to see you. It's been almost a year eh. I really Missed you."

Hindi naman umimik si Silver at tinatalikuran ang babae. Naglakad siya patungong yate at sinilip kung tapos na ba ang paglilinis doon.

"You're sailing? Sama ako!"

"May kasama na ko. Umalis ka na."

"Who? Yung babaeng sumagot ng phone mo? Si Evie ba yun?" tila nagbago ang tono nito.

"Oo! Kaya umalis ka na!"

"At bakit ako aalis? Ayaw mo bang makita niya akong kasama ka? Hindi ba niya alam na ako ang nagalaga sayo noong naospital ka? Ako nagasikaso sayo --"

"Oo alam niya! Kaya kung ako sayo, umalis ka na!"

"Matapos kong alagaan ka at pagtyagaan, do you really think I will just let go of you? Bakit? Nasaan siya ng mga panahong yun ah? Di ba wala?!"

"Hindi mo alam ang totoong nangyari kaya huwag ka na lang makialam."

"Hinahanap ka ni mom eh, she's inviting you for dinner."

"Look, Georgia. Huwag mo ng ipilit ang sarili mo sa akin. Have respect for yourself." walang ganang saad pa ni Silver rito.

"Ikaw nakauna sa akin, Silver!"

"Matagal na yun! Ni hindi ko pa kilala si Evie nun. Saka -- in-offer mo ang sarili mo sa akin noon! Hindi kita inaya o pinilit." tila nagpipintig naman ang tainga ni Silver sa kakulitan nito.

"Dapat pinanindigan mo man lang! Pinagkakasundo na tayo ng mga magulang natin eh."

"Sinabi ko na sayo, hindi lang ikaw ang nireto sa akin ni mama noon. Marami kayo. Ikaw lang ang pinaka-assuming at mapilit."

Halos mag-usok naman ang ilong ni Georgia.

"Sa akin ka lang, Silver! Matagal na dapat tayo naikasal!"

"Hindi ako sayo! Hindi kita gustong pakasalan noon pa man kahit tinakot ako ni papa na mawawalan ako ng mana pero wala akong pakialam. Nagtago nga ako sa Canada. Nagsumikap ako para hindi niya iyon maitakot sa akin. Ayoko sa lahat dinidiktahan ako!"

Bigla namang kumapit si Georgia sa braso ni Silver at halos yapusin ito.

"Please Silver. Let's start again. Nagdi-date naman na tayo dati di ba?"

"Kasi pinilit lang ako nila mama."

"Hindi kita iiwan gaya ng pagiwan sayo ni Evie noon. Kita mo nga, nandito pa rin ako para sayo. Kahit ano pang sakit mo, tanggap ko yun."

"Hindi ko naman sinabing magintay ka sa akin. Alam mong si Evie ang mahal ko. Kung noon ngang hindi ko pa siya kilala, hindi kita ginusto. What more na ngayong nakilala ko na siya at magkasama na kami?" asiwang-asiwa pa ring saad ni Silver at halos ipagpag ang braso maialis lang ang pagkakakapit sa kanya ni Georgia.

"Iiwan ka lang ulit niya!"

"Hindi ko siya pakakawalan. Kaya please lang? Umalis ka na!" halos sigawan naman na ito ni Silver.

Nagmartsang umalis si Georgia at doon naman nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya gustong magpangabot pa sila ni Evie dahil baka kung anong isipin pa nito at magalit na naman sa kanya. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan na dapat ikaselos at baka mas lalo siyang layuan.

Ilang minuto ang lumipas at nakabalik na si Evie sa dalampasigan. Nakasalubong naman na si Silver sa kanya.

"Ang itim mo na." pangaasar pa nito.

"Okay lang, minsan lang maarawan eh."

Inayos naman na ni Silver ng parada ang jetski niya at sinasalubong ni Evie si Steve.

"Balik na kaming bahay ah?"

"Teka? Sabay na tayo."

Napahinto naman si Evie at patalikod itong nilingon.

"Magaayos ka pa ng gamit di ba?"

Naalala naman iyon ni Silver kaya nagbagsak balikat na lang ito.

"Una na kami!" pagpapaalam pa ni Evie at naglakad na muli sila ng aso niya sa dalampasigan pabalik ng bahay.

Halos naagulantang naman si Sofie ng makita ang babaeng pumasok ng bahay dahil kabababa pa lang niya sa hagdan.

Napatingin sa kanya ang babae na halatang nabigla rin. Napansin rin naman nito si Benjamin na kahit singkit, nanlalaki ang mata sa pagtataka ng makita siya.

"Ahm.. Hi!" pagbati niya sa mga ito na tila nahihiya.

"Hi." bati rin ni Sofie na nagtataka pa rin. Naglakad naman siya papalapit kay Benjamin.

"Are you friends with a Silver?"

"Ah, yes. Have a seat." saad naman ni Benjamin rito. Napasandal na upo naman si Sofie sa arm rest katabi niya.

Naupo si Georgia na tila mapino ang kilos.

"Nasa beach siya eh, may inaayos lang. Babalik rin yun." dagdag pa ni Sofie.

"Sige, iintayin ko na lang siya rito." pagngiti pa niya sa dalawa.

Ilang sandali naging tahimik ngunit hindi makatiis si Sofie. Naku-curious siya rito.

"So, friend ka ni Silver? Relative?"

Napatingin naman sa kanya si Georgia at ngumiti ng bahagya.

"Ahm..." hindi naman nito malaman ang totoong sasabihin. "Family close friend. Kababata ko siya."

"Ahh.. I'm Sofie by the way, and this ia Benjamin. We're also friends of Silver."

"I'm Georgia."

"Does he knows that you're coming?"

"Ah yes! May paguusapan lang din kami about sa kasal." confident naman nitong saad.

"Kasal? Nino?"

"Kasal namin."

Halos lumuwa ang mga mata nila Benjamin at Sofie. Napatikom naman ng bibig si Benjamin dahil napanganga siya sa narinig.

"I -- I didn't know he has a fiancé." nagtataka pang saad ni Benjamin. Buong akala niya talaga ay single ito.

"Sure ka? Eh we thought -- single siya?"

"Well, long story short. Pinagkasundo na kami ng parents namin five years ago pa."

"Ahh.." sabay pang sagot nila Benjamin at Sofie na napapatungo-tungo na lang.

Tila napaisip naman si Benjamin dahil buong akala niya talaga ay single si Silver at pinopormahan si Evie. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Sofie na baka kaya ito nagiging close kay Evie dahil gusto nito si Evie hindi para i-date, kundi para maging empleyado niya. Hindi naman siya makapaniwala na ganoon ang intensyon ni Silver ngunit nasabi rin naman ni Evie sa kanya na walang halong malisya ang ginagawa rin sa kanya ni Silver.

NANG makapasok ng gate ng bahay si Evie, pinauna niya si Steve na nananakbo kaagad sa garden. Mukhang nawiwili na ang aso sa lugar.

Pumasok si Evie sa bahay at nakitang nakaupo sina Benjamin at Sofie sa sofa. Nagtaka naman siya ng may isa pang babae na nakaupo sa sofa katapat ng dalawa.

Sabay-sabay itong napatingin sa kanya kaya napahinto siya sa bungad ng salas.

"Oh Evz? Nasaan si Silver?" tanong pa ni Benjamin.

"Ahm, nasa may yate pa niya eh. Pero pabalik na yun." sagot lang nito at binalingan ulit ng tingin ang babaeng tila matalim ang tingin sa kanya kaya minasdan niya rin ito. Nakaramdam naman siya ng kaba na hindi niya naguguatuhan.

"Ah, come here Evz!" pagtawag pa ni Benjamin at naglakad naman papalapit sa kanila si Evie. Naupo ito sa solo chair.

Nang makaupo si Evie hindi niya malaman kung bakit may anong malansa siyang naaamoy sa babaeng nasa harap niya. Pilit niyang inaalala ang pagmumukha nito na tila pamilyar.

"She's Evie, Benjamin's secretary." pabibo naman ni Sofie. Hindi pa rin naaalis ang tinginan ng dalawa na parehong nagiisip.

Saan ko ba nakita ang babaeng ito? Siguro ako nakita ko na siya eh.

"She's Georgia, Evz. Silver's fiancé." dagdag pa ni Sofie na kinabigla ni Evie. She knew it!

"Fiancé? Wow." hindi naman siya nagpahalata.

So, eto pala yung Georgia na toh! Finally!

Pero hindi niya pwedeng pabulaanan ang sinabi ni Sofie na fiancé ito ni Silver kahit alam niya ang totoo. Ito ang nakausap niya sa phone noon at baka kapag nalaman nung Georgia na siya ang nakausap nito, mabibisto sila ni Silver na magkasama noong araw na iyon kaya hindi na lamang siya nagprotesta.

"Nice. Nice to meet you." pagngiti pa ni Evie rito ngunit si Georgia at seryoso pa rin ang itsura.

"Likewise."

Tila lumalakas ang tensyon sa pagitan nila roon.

"So kasama ka rin namin mamaya sa salubong?" pagbasag na ni Benjamin sa katahimikan nila.

"Sure." sagot naman ni Georgia.

Napapatulala naman si Evie at malalim ang iniisip.

Ang kapal ng mukha ng babaeng ito sumugod rito. So, nakakapasok-pasok pala siya dito sa bahay!

Pinanindigan niya talagang fiancé siya? Sinungaling talaga tong Silver na ito! Siguro porket nagkita na kami, bigla niya i-indian-in ang Georgia na ito! Ang kakapal!

Ilang minuto pa ang lumipas, naramdaman na nilang may papasok si bahay at hindi nga sila nagkamaling si Silver ito. Kasabay pa nitong pumasok si Steve.

"Silv!" pagtawag ni Benjamin at biglang sumimangot si Silver ng mapatingin sa gawi nila.

Todo ngiti naman si Georgia ng makita si Silver ngunit nabibigla ito at napasulyap kay Evie na hindi nakatingin sa kanya. Tila tulala ito sa kawalan.

"Ikaw dude ah? Hindi mo nabanggit may fiancé ka na pala? Napagdudahan ko pa kayo ni Evie." nangingiti pang komento ni Silver.

"A -- anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong nito kay Georgia.

"Sabi mo pumunta ako rito?" sagit pa ni Georgia na kinataasan ni Evie ng kilay.

"Wala akong --"

"Tamang-tama! Let's celebrate new year together!" natutuwa pang saad ni Georgia at saka tumayo.

Naka-resting bitch face naman si Evie na napatingin na kay Silver habang nakapatong ang ulo sa kamay niyang nakatukod sa arm rest. Nakita niyang parang hindi matae si Silver na hindi malaman ang sasabihin.

Nanggigigil naman na si Evie na feel na feel ni Georgia ang self-claimed fiancé daw ni Silver. Kanina pa niya iniintay rin si Silver para kung sakaling makita siya nito, si Silver mismo ang magsabi kina Benjamin at Sofie na hindi niya ito fiancé!

Ambisyosa!

Pero noong nasabi ni Benjamin na fiancé daw pala niya ito, ni hindi man lang nakaimik si Silver. Ni hindi nito pinabulaanan yun, samantalang noon sa kanya ay todo tanggi ito ng tungkol sa kanila ni Georgia.

Lalong lumakas ang palpitation niya sa inis dahil baka nga nagsisinungaling lang si Silver sa kanya na walang namamagitan sa mga ito. Buong akala niya ay totoong nagiilusyon lang noon si Georgia ng magpakilala sa kanya sa phone na fiancé siya, ngunit ngayon bakit hindi ito kinontra ni Silver.

Dapat talaga hindi ako basta nagpapaniwala sa Silver na yan! Sinungaling pa rin siya hanggang ngayon!

Hindi naman malaman ni Silver kung papaano magpapaliwanag dahil kaharap nito sina Benjamin at Sofie. Hindi niya maaaring harap-harapan sabihin kay Evie na hindi totoo ang sinasabi ni Georgia kagaya noong nakausap niya ito sa phone. Alam niya dapat siyang magpaliwanag sa dalaga ngunit hindi sa ngayon.

"That's great! Let's all celebrate new year's eve later di ba?" biglang masiglang saad ni Evie at tumayo na. Naglakad ito palampas kay Silver sabay inirapan ito. Napatingin na lamang si Silver sa kanya.

Gusto sana siyang habulin nito ngunit baka makahalata sina Benjamin.

"Okay, we will leave you two here." tumayo na rin si Benjamin at tinapik ang balikat ni Silver. Kasunod naman din nitong maglakad paalis ng sala si Sofie.

DUMIRETSO ng guest room niya si Evie. Malakas niyang binagsak pasara ang pinto na narinig nilang lahat na nasa baba. Nagtungo naman sina Benjamin at Sofie sa pool area.

"Bwisit siya! So totoo ngang fiancé na niya yung Georgia babalina na yun?!" singhal pa ni Evie ngunit napahinto siya ng may mapagtanto. "Tama? Siya nga! Siya nga yung babalina ring nakatapos sa akin ng milktea?!" halos mapasinghap siya sa katotohanang napagtanto.

"Kaya pala ang init talaga ng dugo ko sa pashneang yun!"

Sa galit niya, naihagis niya ang mga unan sa bintana, mabuti na lamang at nakasara iyon.

Hindi ako papakabog! Makikita ng Silver na yan na nagkamali siya ng niloko!

"So yun pala si Evie ah?"

"Di ba sabi ko umalis ka na? Nagpunta ka pa talaga dito sa bahay ko!" inis namang saad si Silver na nakapamewang pa.

Tumayo naman na si Georgia at akmang lalapit rito ngunit umiwas siya

"I told you, hindi ako papayag na hindi tayo makasal! Hindi ako papayag mapunta ka sa Evie na yun!"

"Enough! Umalis ka na please? Ayaw kitang ipahiya kanina, pero umalis ka na! Huwag kang manggulo!"

"Magkakagulo na talaga kapag hindi pa tayo nakasal!"

"Enough Georgia! Hindi kita pakakasalan, and that's final!" sabay walkout na ni Silver at unakyat na sa second floor.

Napahinto siya sa guest room ni Evie dahil naroon sa labas ng pinto si Steve at nakahiga.

"Steve! Come here boy! Doon ka muna sa room ni daddy, baka badtrip pa ang mommy mo." saad pa ni Silver at sumunod naman sa kanya ang aso papasok sa kwarto niya.

NAMULAT si Evie na tila madilim na madilim ang kwarto. Mukhang gabi na nga kaya kaagad inabot ang phone na nasa side table niya at tiningnan kung anong oras na ba. 7:02pm.

*Tok! Tok!

Sakto namang may kumakatok na sa pinto niya kaya bumangon na rin siya.

"Hey? Nagising ba kita?" bati naman ni Benjamin sa kanya.

"Hindi naman."

"Let's have some dinner."

"Sige, susunod ako."

Nagbihis na si Evie ng dark blue v-neck fitted long sleeves at pants dahil malamig sa labas at hindi naman sila magsu-swimming na. Nag-flip flops na lang din siya para mas komportable maglakad sa beach.

Bumaba na si Evie ng hagdanan at sinalubong siya ng aso niya.

"Hey baby! Behave ka ba?" paghimas pa nito sa ulo ng aso niya ngunit bigla siya nitong dinamba. Halos kasing laki ni Evie si Steve kapag nakatayo.

Niyayakap siya ng aso niya at siya naman ay iniiwas ito sa mukha niya.

"Steve! Big boy ka na eh! Hindi na kita makakarga!" gumaan naman ang loob ni Evie ng lambingin siya ng aso. Ito lang talaga ang nakakapawi ng pagod at lungkot niya. Mabuti na lang talaga na sinama niya ito.

"Grabe! Malaki pa yata sayo ang anak mo ah?" biro pa ni Benjamin nang lapitan sina Evie. Nakadamba pa rin rito ang aso nito sa kanya.

"Ang laki-laking pabebe!" paglamutak pa ni Evie ng mukha ng aso na natutuwa rin naman.

Biglang bumaba na kay Evie si Steve at nanakbo bigla. Nang sundan nila kung saan ito papunta, nakita nilang lumapit ito kay Silver at ito naman nag dinamba. Nilaro rin naman ito ni Silver.

"Hey! Dinner is serve!" sigaw ni Sofie na rinig nila mula sa receiving area.

Sabay-sabay naman silang nagtungo ng dining at nakita si Sofie na naglalagay ng kanina na nasa bowl.

"Wow, you cooked?"

"No. She did." pagturo nito sa may kitchen area at palabas naman doon si Georgia na may hawak ring malaking platter ng poach crab.

Full smile ito sa kanila na para bang hindi siya pinagtatabuyan ni Silver. Nag-automatic resting bitch face na naman si Evie at nagpipigil naman ng ini si Silver.

"Kain na tayo." pagaaya pa nito.

Nauna naman ng naupo si Evie sa dulo, naupo na si Benjamin sa kanan niyanat katabi si Sofie. Naupo na rin si Silver sa kaliwa ni Evie at for sure tatabi sa kanya si Georgia.

Nagsimula silang kumain na para bang walang tensyon na nangyayari. Tahimik lang si Evie at si Silver, samantalang nagkukwentuhan naman sina Sofie at Georgia. Mukhang close na kaagad ang dalawa.

Panay naman ang pagbabalat ni Georgia ng hipon at nilalagyan si Silver sa plato. Pero ang ginagawa ni Silver ay nilalagay ito sa plato ni Evie. Nakahalata rito si Evie kaya napatingin siya ng masama kay Silver. Nahalata niya ring tila inis ang awra ni Silver.

"Kanin ka pa? Gusto mo ng gulay?" pagaasikaso naman ni Georgia rito kaya si Sofie ay gumagaya. Panay asikaso rin nito kay Benjamin.

Nang maglagay ulit si Georgia ng ilang hipon sa plato ni Silver, mabilis iyon nilagay ni Silver sa plato ni Evie. Nakita yun ni Georgia kaya tila nabigla na napatingin kay Evie. Pagkalapag naman ng hipon sa plato niya, kinuha niya rin kaagad iyon at inilagay sa plato ni Benjamin. Napatingin naman sa kanya sina Benjamin at Sofie.

"Nakarami na ko eh. Alam niyo na, allergic ako sa seafoods. Lalo na sa hipon." sarcastic pang pagngiti ni Evie sa mga ito.

"So, Georgia? May date na ba kayo ng wedding niyo?" pagusisa naman ni Sofie.

"Ah, ahm.. Wala pa nga eh. Pero definitely, this coming year."

Napatingin naman si Silver kay Evie na tila walang naririnig dahil patuloy lang sa pagkain.

"Awesome! Saan niyo naman ba balak? May wedding coordinator ka na?"

"Ah, mayroon na. Baka -- sa church dito malapit then ang reception sa resort." sagot naman ni Georgia.

Bigla namang naubo si Silver na tila nasamid. Nakatawag siya ng atensyon ng lahat.

"Silv! Silv!" pagaalala pa ni Georgia habang hinihimas ang likod ni Silver.

Tinuturo naman ni Silver ang goblet glass niya ng tubig sa gawing kanan niya, malapit ito kay Evie ngunit tila hindi siya pinapansin ni Evie. Prenteng umiinom pa ito ng tubig rin at tila nagmamabagal na parang walang nabubulunan sa tabi niya.

Inabot naman ni Georgia ang tubig niya ngunit hinawi iyon ni Silver kaya natapon at nabasag ang goblet sa sahig. Biglang tumayo naman na si Benjamin at inabot ang goblet glass ni Silver. Saka naman na iyon tinanggap ni Silver at ininom ang lahat ng laman.

Napaubo-ubo pa rin si Silver ngunit mas naging maayos na ang paghinga nito.

"Are you okay?" pagaalala pa ni Georgia dito at tinunguan naman siya ni Silver.

Napatingin si Silver kay Evie na parang wala talagang paki at sumubo pa sa tinidor niya. Prenteng mabagal ang pagkilos niya sa pagkain na parang wala talaga itong pakialam sa kanilang lahat.

Napapahimas na lang si Silver ng dibdib niya.

"Thanks, dude."

Bumalik naman na sila sa pagkain.

NANG matapos silang kumain, naghanda naman na sila para pumunta sa yate. Naguusap pa sina Sofie at Georgia sa salas habang iniintay sina Benjamin at Silver.

"Dude? Hindi ko talaga akalaing may fiancé ka na pala? Akala ko nga pinopormahan mo na si Evie." saad pa ni Benjamin habang nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto ni Silver.

"Either of that is none." sagot naman ni Silver pagkalabas ng kwarto niya. Napataas pa siya ng kaliwang kamay at nakita ni Benjamin ang suot nitong relo.

"What do you mean?" nagtaka naman si Benjamin at napa-crossed arms.

"Dude -- believe me. Hindi ko fiancé si Georgia, okay? Oo, totoong pinagkasundo kami noon pa man pero ayoko siyang pakasalan kaya nga nagtatago ako noon sa Canada." seryosong paliwanag pa nito.

Nabigla naman si Benjamin at hindi malaman kung matatawa.

"Wh -- what? Ako etong Chinese pero hindi naman pinagkakasundo ng magulang ko."

Napapailing naman si Silver dahil nahihirapan siyang ipaliwanag ang buong katotohanan.

"Basta! Maniwala ka sa akin, Benj. Nagpupumilit lang yang si Georgia. Hindi ko nga akalaing susugurin ako dito sa bahay kasi halos isang taon na kong nagtatago sa kanya."

Hindi naman na napigilan ni Benjamin matawa. "Oh, okay. Haha! Trust me, I know how exactly how you feel!"

"I need help." saad pa ni Silver at napatingin na ng seryoso sa kanya si Benjamin.

"What is it?"

Matapos rin ng dinner, nagtungo si Evie sa likod bahay para doon pakainin si Steve. Nakatayo lang si Evie sa likuran ng aso na tila binabantayan ito sa pagkain ngunit ang totoo ay natutulala pa rin siya. Nakasalo ang kaliwang braso niya sa kanang braso na nakapahawak sa may labi niya habang nakatingin sa kawalan.

Bumukas ang pinto mula sa kusina ngunit hindi iyon pinansin ni Evie.

"Hey, pretty!" pagtawag pa ni Benjamin rito ngunit hindi siya sinagot. "Wow! Lakas kumain ng Stevey namin ah?" hinawakan pa niya ito at kumawag naman ang buntot ng aso.

Lumapit na si Benjamin kay Evie at bigla itong inakbayan.

"Hello? Earth to Evie? -- Lalim naman ng iniisip mo?" tiningnan pa niya ang mukha nito.

"Aalis na ba?"

"Hmm.. Oo. Kung tapos na si Steve kumain. Kasama siya di ba?"

Tumungo-tungo lang si Evie sa kanya.

Napalingon naman si Evei sa boss. "Thanks, Benj ah? Hinayaan mong isama ko si Steve kahit pa -- takot si Sofie sa aso."

Natawa si Benjamin. "Of course! Malay ko rin bang takot siya sa aso? Pagpasensyahan mo na lang din yun."

Sabay na sila ni Benjamin bumalik sa loob ng bahay at nakitang nagaabang na sa kanila sina Silver, Sofie at Georgia sa may pintuan.

"Let's go, guys!" masayang saad pa ni Benjamin at nauuna ng lumabas ng bahay.

Lumabas na rin sina Evie, Sofie at Georgia, si Silver naman ang nahuli dahil siya ang nagsara ng pinto.

"Don't tell me -- kasama yang aso?" pagturo pa ni Sofie kay Steve na nasa tabi ni Evie. "Omg! No! Maiwan na lang yan dito!" reklamo pa nito.

Napapatingin naman si Evie rito na walang reaksyon.

"Why not?" tanong pa ni Silver.

"No!"

"I can't leave him here alone. Baka matakot siya sa mga paputok." saad pa ni Evie.

"Eh di maiwan ka!"

"No!" sabay namang sagot nila Silver at Benjamin.

"Okay lang sa akin. I'd rather stay and be alone here than to hear your screaming. Ang sakit sa tainga eh." tila pagtataray na rin ni Evie.

"Look, iiwas na lang din Steve sayo. Iwasan mo na lang din. Hindi kasi pwedeng iiwan yung aso dito, tama si Evie, baka matakot sa mga magpapaputok. At least dun sa yate, hindi siya gaano maiingayan."

"Naiingayan din nga siya sa boses niya eh." sambat pa ni Evie.

Nakasimangot naman si Sofie na tila nagtitimpi.

"Girl, it's okay. Hindi ka aanuhin ng aso, though nakakatakot kasi ang laki niya." saad pa ni Georgia at dinikitan si Sofie.

Ipalapa ko kaya ito kay Steve?

"Come on guys, baka abutan tayo ng mga nagpapaputok banda sa beach. -- and the dog is coming." saad naman ni Silver na naglakad na palagpas sa kanila.

Panay irap naman ni Sofie kay Evie habang pamartsang lumapit at kumapit sa braso ni Benjamin. Ngumingiting tagumpay naman si Evie sa kanya.

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 28

    NANG MAKARATING SILA sa may tulay kung saan nakaparada ang mga yate, nauuna ng sumakay roon sina Benjamin at Sofie, kasunod ng pagsakay ni Georgia, pinauna ni Evie si Steve na natatakot naman."Go on Steve! Jump!" utos pa ni Evie sa aso ngunit nagaalangan talaga ito kaya nauna na siyang sumakay bago ito tinawag. "Come on, baby!" ngunit ayaw pa rin ni Steve na tumalon sa yate. Napapaiyak naman na ang aso dahil mukhang natatakot tumalon."Go on, Steve! Go to mommy!" saad pa ni Silver ngunit imbes sundin siya ng aso ay lumapit ito sa kanya at dumamba. Kaya biglang binuhat na ito ni Silver na parang bata kahit pa napakalaki nitong aso saka siya sumakay ng yate.Hindi man aminin ni Evie, natuwa naman siya sa ginawa ni Silver sa aso."Thanks." saad niya rito saka inalalayang makababa si Steve."Mabigat pa si Steve sayo ah?" biro pa ni Silver rito habang pinapagpagan ng damit niyang black fitted long sleeves din ngunit nakatupi ito hanggang siko. Pinagsal

    Last Updated : 2021-07-23
  • As You Needed   Chapter 29

    NAABUTAN NI SOFIE si Georgia na nakaupo at humahagulgol sa gilid ng upper deck view. Kaagad niya itong pinatatahanan at yumakap na lamang sa kanya. Inalalayan na niya ito papasok sa silid sa yate, pero hindi pa rin ito tumatahanan."Tahan na, na -- iintindihan ko kung bakit mo yun ginawa. Maybe she deserves that.. Masyado kasi siyang feeling close na kay Silver." pagpapalubag loob pa ni Sofie habang hinahaplos ang likuran ni Georgia. Pareho silang nakaupo sa dulo ng kama."*sobs..You -- you don't understand. Ako ang nauna kay Silver -- ako na sana eh." pilit namang sagot pa nito habang umiiyak.Napapakunot noo naman si Sofie pero ayaw na lamang niyang makadagdag sa kalungkutan nito. "Okay, fine. Pero tama na. Magusap na lang kayo ni Silver." inaayos-ayos pa nito ang magulong buhok ni Georgia. Napansin din niya ang bangas sa mukha ni Georgia ngunit hindi naman niya malaman kung papaanong gagawin doon.Nang makakababa si Silver sa upper deck,

    Last Updated : 2021-07-24
  • As You Needed   Chapter 30

    HINDI NAGTAPOS SA isa lamang nasteaming hot make outsa pagsalubong ng bagong taon ang nangyari kina Evie at Silver.They both doesn't remember why they end up into the yacht's private room, continue kissing and caressing each other.Nakatayo lang sila sa gilid ng kama at halos ayaw pakawalan pa ang isa't isa kahit pa kapusin na sila sa paghinga.Silver started removing Evie's messy bun ponytail that lays her long messy hair. He still caressing her back and hair while kissing Evie deeply and passionately. Later on, he slowly caressing her hips and slowly putting his hands under Evie's shirt. He's touching her small waist up and down until he reach the side of her bra. Silver then stop the kiss and then slowly removing Evie's upper cloth. She doesn't even protest.Malalagkit ang tingin nila sa isa't isa na halatang nananabik rin sila. Hinubad na rin kaagad ni Silver ang pang itaas niyang damit at sinumulang siilin muli si Evie ng halik.

    Last Updated : 2021-07-25
  • As You Needed   Chapter 31

    SA MULING PAGDATING ng rurok ng kanilang pagnanasa, pareho nilang hinahabol ang hangin sa kanilang paghinga.Padapang naibagsak ni Evie ang kanyang sarili sa kama habang nakatingin sa kaliwa niya kung saan si Silver naman ay nakapatagilid na harap sa kanya."Bakit ang ganda mo?" tanong pa nito sa nangaakit na tingin habang hinahaplos ang likuran ni Evie."Nakadalawa ka na, huwag ka ng mang-uto dyan." pag-irap pa ni Evie rito na kinatawa ng bahagya ni Silver."Hindi kita inuuto noh. Kahit mukha ka pa rin nakipagsabunutan, maganda ka pa rin. -- Tapos ang sarap pa."Pareho naman na silang natawa sa pangaasar pa ni Silver. "I know, right?""I want to tell you something." tila na-curious naman si Evie sa sinabi niya. "I've met her."Nangunot naman kaagad ang noo ni Evie rito. "Who?!""My real mom."Napabiglang bangon naman si Evie na halos manlaki ang mga mata niya sa nalaman."Yung -- yung totoong nanay mo?"Tu

    Last Updated : 2021-07-26
  • As You Needed   Chapter 32

    MABILIS NA BINUHAT ni Silver si Evie palayo sa tubig. Inilapag niya kaagad ito at tinapik-tapik ang dalaga."Evie! Wake up!" pagaalala na ni Silver."Omg! What happened to her?!" hindi rin mapakaling paglapit ni Sofie kina Silver at Evie.Nang hindi pa rin nagre-response si Evie, sinimulan na ni Silver i-revive ito. Pina-pump niya ang dibdib nito at saka binubugahan hangin sa dibdib. Tatlong beses niyang ginawa ito at sa wakas ay gumalaw na si Evie.Nagkamalay ito at binuga ang mga tubi na nainom mula sa bibig niya. Inalalayan naman siya ni Silver para makabangon."Evie? Are you okay? Can you get up?" pagaalala pa rin ni Silver rito at tumungo lang si Evie sa kanya."Si -- si Steve?" tanong kaagad ni Evie na kababalik lang ng wisyo. Napakapit pa siya sa braso ni Silver sa labis na pagaalala.Hindi naman makasagot kaagad si Silver sa kanya kaya bumalik siya ng tanaw sa dagat. Nanlalaki ang mga mata niya ng makitang si Benjamin ay buhat

    Last Updated : 2021-07-27
  • As You Needed   Chapter 33

    INIHINTO NI SILVER sa isang restaurant sa bayan ang kotse at kaagad rin naman silang bumaba ni Evie."This looks nice, masarap dito?" pagtukoy pa ni Evie sa restaurant."Yeap. Mixed Filipino and Spanish cuisines, most especially mga pagkain dito sa Pangasinan nag-originate." paliwanag pa ni Silver at pinagbuksan si Evie ng glass door."Interesting." paglibot naman ni Evie ng paningin niya sa kabuuang interior ng restaurant dahil traditional and old style Filipino house ang pinaka-theme.Parang nasa loob ng bahay ng mga sinaunang Pilipino noon mula sa mga muebles na halatang pinasadya, hanggang sa mga kasangkapang ginagamit. Mga naka-saya at panyo sa ulo ang mga waitress at naka-puting shirt na may pulang panyo at pulang pantalon naman ang mga lalaki."Good afternoon Ma’am, Sir! Table for two?" pagsalubong naman sa kanila ng isang babae."Yes please." sagot naman ni Silver rito.Hinaya sila ng babae sa ikalawang palapag ng resto

    Last Updated : 2021-07-28
  • As You Needed   Chapter 34

    DAHAN-DAHANG NAUPO si Evie sa may jacuzzi na halos tumapat nga sa mukha niya ang kanina pang bumubukol na alaga ni Silver sa loob ng boxer nito. Hinaplos niya itong muli at saka tinanggal ang boxer na ni Silver showing his long hard and big manhood. Napangiti naman si Evie rito at pinuwestuhan ito, hinaplos niya ng pataas baba at ang isang kamay ay nilalaro ang balls nito."Ugh shit! Sige pa mommy."Ilang sandali pa ay hinalikan na ni Evie ang ulo ng alaga niya at gayun din sa kahabaan hanggang balls. Sinimulan niya rin itong dilaan mula ibaba hanggang sa makaakyat sa ulo at saka isinubo na ito. Isinubo niya ang ulo pa lang at nilalaro na ng dila niya ang paligid ng ulo mula sa loob ng bibig niya bago siya napaatras rito."Shit mommy!""Shh.. Lemme handle this."Muli ay isinubo ni Evie ang ulo ng matigas na alaga ni Silver at halos mapaliyad ito sa sarap ng madama ang mainit na bibig ng dalaga. Unti-unti, pasagad ng pasagad ang pagsubo ni Evie haba

    Last Updated : 2021-07-29
  • As You Needed   Chapter 35

    HABANG NAKIKIPAGLARO si Silver sa mga pamangkin, naiwan namang nakaupo si Evie sa sofa at pinapanood ang mga ito."Tito, lagi akong maraming stars sa school.""Ako rin tito!""Talaga? Sige may gift si tito sa inyo kapag naka-first honor kayo ah?""Yehey!"Nangingiti na lamang si Evie habang pinapanood ang mga batang kinukulit si Silver. Mukhang na-Miss rin ni Silver ang mga ito."Juice oh!" paglapit ni Vivian at lapag ng dalawang baso ng juice sa coffee table. Naupo naman ito sa may tabing upuan ng sofa para kahit katabi niya si Evie ay makaharap pa rin niya ito."Thank you.""Hindi ako makapaniwalang -- maidadala ka talaga ni kuya dito. Akala ko noon -- naghiwalay na kayo." panimula naman ni Vivian pa."Ah ahm.. Ganun na nga. Unexpected lang din na -- nagkita kami.""Gosh! Parang destiny! Panay bukambibig kasi sayo noon si kuya kaya curious na curious akong makilala ka!"Nangingiti na lamang din si Evie bi

    Last Updated : 2021-07-30

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status