Share

Chapter 35

Penulis: Koolkaticles
last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-30 06:00:00

HABANG NAKIKIPAGLARO si Silver sa mga pamangkin, naiwan namang nakaupo si Evie sa sofa at pinapanood ang mga ito.

"Tito, lagi akong maraming stars sa school."

"Ako rin tito!"

"Talaga? Sige may gift si tito sa inyo kapag naka-first honor kayo ah?"

"Yehey!"

Nangingiti na lamang si Evie habang pinapanood ang mga batang kinukulit si Silver. Mukhang na-Miss rin ni Silver ang mga ito.

"Juice oh!" paglapit ni Vivian at lapag ng dalawang baso ng juice sa coffee table. Naupo naman ito sa may tabing upuan ng sofa para kahit katabi niya si Evie ay makaharap pa rin niya ito.

"Thank you."

"Hindi ako makapaniwalang -- maidadala ka talaga ni kuya dito. Akala ko noon -- naghiwalay na kayo." panimula naman ni Vivian pa.

"Ah ahm.. Ganun na nga. Unexpected lang din na -- nagkita kami."

"Gosh! Parang destiny! Panay bukambibig kasi sayo noon si kuya kaya curious na curious akong makilala ka!"

Nangingiti na lamang din si Evie bilang tugon rito. Mukhang ito lamang ang nagiisang miyembro ng pamilya ni Silver na makakasundo niya. Kilala rin ni Evie si Vivian ngunit ngayon lang din nakilala ng personal.

"Can't believe na totoo ka nga! So kailan ang kasal?" diretsong tanong kaagad ni Vivian na kamuntik ng ikasamid ni Evie dahil umiinom ito ng juice.

"Ah, ahm.."

"Huwag ka ngang atat dyan! Malalaman mo rin." sabat na ni Silver sa kapatid.

"Ay sorry! Baka napapangunahan ko!" pagtakip pa nito sa bibig niya. "Sorry, sorry! Basta ah? Balitaan niyo ko!"

"Ayos lang, hindi naman din ako nagmamadali."

"Ako nagmamadali na." sagot pang muli ni Silver.

Tila nagpipigil naman ng kilig si Vivian.

"Mawiwindang yun si mama kapag nakita ka!" saad pa ni Vivian kay Evie na biglang nagpakaba na naman sa dalaga. "Walang sinabi ang mga reto niya kay kuya eh!" tila pagmamalaki rin nito.

Bigla namang natawa si Silver kaya napatingin sa kanya ang kapatid. Malayo ang itsura nito sa mestizo look ni Silver dahil magkaiba sila ng ina. Mas typical Filipina beauty ito na may kaputian rin. Halos kasing tangkad lang din siya ni Evie.

Napairap naman si Evie kay Silver dahil tila nagkakaunawaan sila ng nasa isip.

"Uy, pa-share naman?" protesta pa ni Vivian.

"Alam mo ba, si Georgia?"

"Oh? Akala ko nga -- pinatulan mo na yun?"

"Hindi noh! Pero yang si mommy, pinatulan yun!" natatawa pang pagturo ni Silver kay Evie kaya napatingin ulit si Vivian rito.

"Paanong pinatulan?" tanong pa ni Vivian kay Evie at hindi naman madiretso ni Evie ito.

"Nakipagrambulan kay Georgia habang nasa yate kami."

Nanlalaki naman ang mga mata ni Vivian dahil hindi makapaniwala sa nalaman.

"Huwat?! Nagka-face to face kayo ng babaeng yun?!"

Napapatingin naman si Evie ng masama kay Silver dahil parang na-corner siya ng mga ito. Hindi niya malaman kung mahihiya ba siya o maiinis dahil naalala pa niya iyon.

"Tell me! Anyare?!"

Nakwento nga ni Evie ang kabuuan ng istorya mula sa pagdating ni Georgia sa bahay ni Silver at pinalabas sa kanila na fiancé siya nito hanggang sa encounter nila sa may hallway ng lavatory sa yate.

Tawa lamang ng tawa si Vivian rito dahil hindi siya makapaniwala sa mala-teleserye daw na pangyayari.

"Grabe! Akala siguro niya matatakot ka sa baba niya ah? Hahaha!"

Tawang-tawa na rin si Silver at kahit pa nakakaramdam ng pagkainis na naman si Evie dahil doon, natatawa na lang din siyang maalala ang nangyari.

"Alam mo rin ba noong birthday ni kuya, pero hindi ka pa niya kilala neto ah? Noong nalasing si kuya, pilit siyang pumasok sa kwarto nito at doon natulog. Akala ko nga pipikutin na niya si kuya? Pinipigilan ko nga kaso si mama hinarang ako."

"Oo, nakwento niya rin sa akin yun." sabay tingin pa nito ng masama kay Silver.

"Grabe! Sobrang desperada na nga niya! Galit na galit siguro yun noong nakita ka noh? Ni wala siya sa in-grown mo eh. Hahaha!"

"Nakita rin namin si tita Gina kagabi sa simbahan. Gulat na gulat rin noong nakita si Evie na kasama ko."

"Omg! Hahaha! In her face! For sure nasumbong na niya yun kay mama at nagwawala na yun ngayon!"

Matapos ng kwentuhan nila ay inaya na sila ni Vivian sa hapag upang makapagtanghalian. Naipaluto kaagad nito ang ilang dala nila Silver kaya naihain na rin sa kanila.

"Kamusta na nga pala si Greg sa Qatar? Kailan ang uwi?" tanong pa ni Silver sa kapatid.

"Ah, next year pa yun."

"Ganun? Hindi ba siya nakakapag-file ng leave? Mahigit three years na rin siya dun ah?"

"Oo nga eh, five years straight kasi di ba ang contract niya? Sayang naman daw ang sasahurin kung magli-leave pa siya. Siya rin kasi sasagot ng pamasahe niya."

"Hmm.. Buti naman nagtino na siya? Subukan niyang magloko doon, baka bitay ang abutin niya?" tila pasaring pa ni Silver na ikinatahimik ng kapatid niya.

"Ahm, ano bang trabaho niya dun?" pagsingit na ni Evie sa usapin ng magkapatid.

"Company driver."

"Di ba nakwento ko rin sayo mommy na dati kong driver ang asawa niya?" dagdag pa ni Silver.

"Oo nga pala." hindi na pinagpatuloy ni Evie ang paguusisa dahil alam niyang may history noong dating driver ni Silver ang bayaw niya ay tinakbo nito ang isang kotse niya at binenta. Halos ipakulong niya ito kung hindi lang nagmakaawa ang kapatid niyang si Vivian.

MATAPOS ng tanghalian, balak na rin sana umalis nila Evie at Silver ngunit humiling pa si Vivian na samahan siya ni Silver maningil sa mga pautang nitong bigas, may bigasan na business ito na bigay mismo sa kanya ni Silver bilang sariling negosyo at makadagdag sa gastusin nila. Naiwan naman si Evie kasama ang tatlong anak nito at isang kasambahay.

Ang panganay nito ay nasa anim na taong gulang na, habang ang babaeng sumunod ay apat na taon. Ang bunso niya ay nasa dalawang taon pa lamang at palaging nasa kuna na nakapwesto sa salas nila. Naglalaro naman ang mga bata ng coloring books nila kaya tila nananahimik.

"Ma’am? Maiwan ko lang po kayo saglit ah? Magliligpit lang ako sa kusina." pagpapaalam naman ng kasambahay.

"Okay lang po, ate."

"Tawaga niyo na lang ako kapag mag-iyak ang bata?"

"Sige po. Ako ng bahala sa mga bata." at pagngiti pa ni Evie rito.

Minasdan naman ni Evie ang mga bata sa harap niya, mukha tahimik naman ang mga ito sa ginagawa, ang bunso naman ay naglalaro magisa sa kuna niya habang nanonood ng telebisyon.

"Tita, ano po ba kulay ng rainbow?" paglapit pa kay Evie ng batang babae sabay pakita rito ang hawak na coloring book at crayons. Naupo ito sa tabi ni Evie at kinuha naman ni Evie ang aklat nito.

"Ahm, maraming kulay kasi ang rainbow, baby. May red, orange, yellow, green, blue, indigo at violet." magiliw namang paliwanag ni Evie rito.

"Ang dami naman po tita? Hindi ko nitatandaan lahat?" tila naguluhan naman ang bata. Nangiti naman si Evie sa ka-cute-an nito.

"Ganito na lang, kunin mo lahat ng crayons mo, tapos kukulayan natin itong rainbow ah?"

"Sige po tita!" natuwa naman ang bata kaya tumayo na ito at kinuha ang lahat ng krayola niya bago bumalik kay Evie at pareho naman silang naupo sa sahig para maabot ng bata ang center table kung saan doon nagkukulay ito.

Tinuturo ni Evie ang mga krayolang dapat gamitin at ang bata naman ang nagkukulay na nito sa coloring book niya.

"Ayan, very good! Ang galing mo naman magkulay, walang lagpas!" puri pa ni Evie rito.

Ilang sandali pa ay nakarinig si Evie ng mga yapak mula sa labas at papaakyat sa hagdanan. Naisip niyang marahil nakabalik na ang magkapatid.

"Lola!"

Biglang may kung anong gulat at kaba ang nadama ni Evie na nakapagpakalabog sa dibdib niya. Hindi siya siguro pero natatakot na siya.

"Lola!" sigaw na rin ng batang katabi niya at mabilis itong nanakbo sa may pintuan.

Nakita ni Evie na yakap ng dalawang bata ang isang may kaedaran ng babae na nasa early 60s, may katabaan ang katawan ngunit halos kasing tangkad lamang din niya.

"Nasaan ang mama niyo? Vivian?!" sigaw naman nito.

Napapatulala na lamang si Evie rito at hindi makaimik. Ni hindi siya makagalaw sa pagkakaupo sa sahig.

Natabunan na siya ng tingin ng matanda na kinagulat din ang presensya niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang ngumiti rito.

"Ah, si Vivian? Nasaan?" kaagad na tanong sa kanya.

"Ah, ahm.. Umalis po saglit eh, pero babalik din po yun." halos mautal namang sagot ni Evie rito.

Tila naglibot ang ginang ng tingin at naupo sa solo chair ng sofa sa salas.

"Napakainit sa labas! Apo, itapat mo nga muna sa akin yang electric fan." utos pa nito sa apong lalaki at kaagad ring sinunod.

Uupo na sana si Evie sa sofa nang lapitan ulit siya ng babaeng pamangkin ni Silver at nagpapatuloy sa naiwang gawain nila.

"Tita, magkulay po ulit ako."

"Si -- sige. Nasaang kulay ka na ba? Ah, oh sige yang color green naman." paturo pa rito ni Evie na sobrang naiilang na. Pilit niyang hindi lingunin ang matandang nakaupo sa harapan niya banda.

Shit! It's her! Silver's stepmom!

"Saan daw ba nagpunta si Vivian?" bigla pang tanong ng ginang at wala naman siyang choice kundi lingunin at sagutin ito kahit pa sa bawat bitaw ng salita nito ay dinadaga siya.

"Ahm, may sisingilin lang daw po, nagpasama na rin kay -- kay Silver." pagaalangan niya pang sagot rito. Tila nabigla naman ang ginang kaya napatingin sa kanya ng diretso.

"Si Silver? Narito?" tila hindi naman makapaniwala ito. "Aba! Nagpakita pa talaga ang walang hiyang yun?" may inis naman sa tono nito. Mukhang malalapa siya nito kung sakaling magpakilala siya kaagad.

Muling natahimik si Evie at pinilit mag-focus sa pagtuturo sa batang katabi. Panay nakaw na sulyap siya sa ginang na kapag nahuhuli siyang nakatingin ay kaagad siyang umiiwas ng tingin rito.

"Kaibigan ka ba ni Vivian? Bakit parang ngayon lang kita nakita?" pagsita pa ng ginang na nakakapatindig balahibo ni Evie. Gusto niyang matawa sa sarili dahil ang tapang-tapang niya pero medyo tiklop siya ngayong humaharap sa stepmom ni Silver.

"Ahm, opo. Napadalaw lang din po."

"Bakit? Taga saan ka ba?"

"Pa -- pasay po."

"Ahh, taga Maynila ka pa pala. Papaano naman kayo nagkakilala ni Vivian?"

"Random friends lang po, nagkakasama lang po noon." palusot pa ni Evie rito dahil wala siyang lakas na loob sabihin ang katotohanan.

"Pamilyar nga ang mukha mo eh, baka nakita ko ng pinost ka noon ni Vivian?"

"Si -- siguro nga po." halata pa rin ang kaba niya at panlalamig ng mga kamay at paa. Pinagdadasal niyang sana ay dumating na sina Silver at Vivian.

Ngunit kalahating minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin umuuwi ang magkapatid, gusto na sanang i-text ni Evie si Silver ngunit naalala niyang hindi nga pala naka-save sa phone niya ang number nito at natabunan na ng unknown numbers rin ang messages at call logs niya.

Prenteng nakaupo lang ang ginang habang nanonood at gumagamit ng phone nito, nagsuot na ito ng salamin sa mata na mas nakakapagpadagdag ng nakakatakot na awra nito.

Hindi naman mapakali si Evie, nagpapabalik-balik na siya sa banyo dahil naiihi siya palagi sa kaba. Labis din naman siyang nahihiya sa tuwing dadaan siya sa harap mg ginang. Hindi niya mawari kung tama ba ang ginawa niyang hindi nagpakilala ng totoo rito dahil baka isipin nitong hindi siya nagbibigay galang.

Of course, she respect her much as Silver respects her. Even Evie knew that she doesn't treat Silver well ever since he was younger ans up until now. She doesn't treat Silver as much as she treats her real children, and because of her, she never met Silver's biological mother until he was 30 years old. She knew everything about the wrong doings and mistreatment to Silver, yet Silver shows real respect for her as his real mother. And so is Evie.

Bago pa man bumalik si Evie sa pagkakaupo muli sa salas, nagtungo muna siya ng kusina upang ikuha ng maiinom ang ginang, baka nauuhaw na ito at naiinim kakaintay.

Prenteng inilapag ni Evie ang malamig na tubig sa coffee table tapat ng ginang at ang platito ng biscuit na nakita niya rin sa kusina, nagpaalam naman siya sa kasambahay bago pakialam ito.

"Tubig po, saka biscuit."

"Ay salamat, nagabala ka pa! Bisita ka rin naman dito."

"Ayos lang po, naghabilin naman si Vivian sa sa akin." pagngiti pa niya sa ginang at naupo na sa katapat na sofa.

Uminom nga ang ginang at kumuha ng biscuit sabay balik ulit sa paggamit ng phone niya. Napatingin naman si Evie sa kaliwang pulsuhan upang tingnan kung anong oras na.

Naalala niya ang relong suot na niregalo sa kanya noong pasko, hanggang ngayon wala siyang ideya kung kanino ito galing dahil pares ng Jade earrings ang niregalo sa kanya ni Benjamin.

"Alam mo, pamilyar ka talaga sa akin? Hinahanap ko sa mga posted pictures ni Vivian sa F******k ang pictures niyo pero parang wala? Ano ba ang F******k mo, hija?"

"Ahm, wala po akong ganyan, tita."

"Ganun? Grabe ka ah?" hindi pa ito makapaniwala at inayos pa ang pagkakasuot ng salamin sa mata. "Ano nga palang pangalan mo?"

"Evie po." alangan pa niyang pagsagot.

Please! Huwag mo sana ako kilala!

"Evie? Anong apelyido?"

"Symaco po. Evie Symaco."

"Symaco? May lahing Chinese ka?"

"Siguro po? Baka malayong henerasyon na." nahihiya pa rin nitong sagot.

"Ahh.. Hindi ka naman kasi singit, dilat na dilat nga ang mata mo, pero maganda." tila nakuha ng magbiro ng ginang.

Gosh! Is this a good start?!

"Ano namang trabaho mo hija?"

"Ahm, executive secretary po ako sa Pasay."

"Ahh, ganyan din sana trabaho siguro ni Vivian kung hindi nagbuntis at magasawa ng maaga. Kita mo ngayon? Nagsisisi siya sa asawa niyang -- hay ewan!"

Hindi malaman ni Evie kung matatawa siya sa inia na kwento ng ginang pero nginingitian na lamang niya ito.

"Ikaw ba may asawa na?"

Umiling naman kaagad si Evie ngunit nagalangan din siya.

"Ahm, hindi pa po kami -- kasal." pagaalangan pa rin niya.

"Nako! Ang hirap magasawa sa ngayon! Yung panganay ko, hiwalay. Yung isa kong anak na lalaki, nagpakasal kaagad, sa may anak pa! Tapos etong si Vivian, anak rin ng anak!" inis pang turan ng ginang. Hindi niya akalaing magkukwento kaagad ito sa kanya ng mga ganitong bagay though she also knew about this.

"Ah, oo nga po eh. Mahigpit rin po kasi ang parents ko kaya -- kaya hindi pa po ako makapagasawa." pang gatong na lamang din niya sa kwento ng ginang upang maramdaman ang pagiging interesante niya.

"Mabuti pa nga yung hindi ko totoong anak eh ayaw pa rin magpakasal! Yun ang tinutulak ko noon magpakasal, kaso ayaw pa rin." alam ni Evie na si Silver na ang tinutukoy nito kahit hindi pangalanan.

"Ahm, baka hindi pa lang po ready."

"Matanda na siya. Akala ko noon magpapakasal na talaga siya kasi yun ang bukambibig niya sa akin kaya hindi ko na pinilit sa kanya yung anak ng kumare ko, kaso ilang taon na hindi pa rin. Kaya nung pinilit ko ulit sa anak ng kumare ko, hindi naman na lalo nagpakita. "

So it's true? Nababanggit na pala talaga ako ni Silver noon sa stepmom niya?

Buong akala kasi ni Evie na sinasabi lang yun ni Silver sa kanya noon para magpa-good shot sa kanya. Na kilala na siya ng kinilalang ina nito at kilala siya nito bilang gusto niyang pakasalan.

ILANG sandali pa ay tumambad na sa bukana ng pintuan sina Silver at Vivian na maraming dalang plastic bag ng groceries. Nag-grocery pa ang mga ito kaya natagalan sa pagbalik.

Halos gulat rin ang tumambad kay Silver ng makita ang ina at tila kausap si Evie. Pero nagtaka siya kung bakit nakangiti pa si Evie habang kausap ang kinikilalang ina.

"Ma! Bakit hindi ka man lang nag-text na nandito ka na?" bungad naman ni Vivian at inilapag sa mesa ang mga hawak na napamili. Gayun na din ang ginawa ni Silver na hindi pa rin makaimik.

"Nagcha-chat ako sayo! Hindi ka naman nagsi-seen."

"Eh naningil kami ni kuya eh. Nag-grocery na rin." tila alangan rin si Vivian na napatingin kay Evie. Nag-make face naman si Evie sa kanya at umiling kaya hindi na lamang din siya nagsalita pa.

Lumapit naman si Silver sa ina at kinuha ang kamay nito para magmano, inabot man ng ginang ang kamay, masama naman ang timpla kaagad nito.

"Oh? Bakit ka nandito? Akala ko ba ayaw mo na sa amin?" bulyaw kaagad ng ginang ng maupo si Silver sa isa pang solo chair sa kaliwa naman ni Evie.

Seryoso lang ang mukha ni Silver, hindi naman malaman ni Evie kung dapat ba siyang maawa rito.

"Ma! Nakakahiya sa bisita! Huwag mo ng pagalitan si kuya Silver." pagsuway pa ni Vivian sa ina saka kinarga ang bunsong anak mula sa kuna nito.

"Ano naman? Malaman-laman kong may kasamang ibang babae raw rito kahit pa nandoon si Georgia sa bahay niya. Hindi ka na nahiya? Nakita ka pa ng magiging byenan mo sa simbahan kagabi!" bulyaw pa rin nito na nakakapagpatahimik na lamang kay Evie.

Wala na sa timpla ang mukha ni Silver, tila galit ito na nagpipigil ng inis ngunit malapit ng sumabog. Gusto niyang damayan ito ngunit hindi niya alam kung paano, baka mabalingan pa siya ng ginang na nasa harapan.

"Ma, hayaan mo na yang si kuya. Kung sa ayaw niya talaga dun kay Georgia eh." pagsuway pa ni Vivian sa ina.

"May pinagaralan yun tao, registered accountant yun! Lawyer ang nanay, accountant din ang tatay! Mayaman din naman sila! Kaysa naman pumulot ka dyan ng kung sinong babae lang."

"Hindi ka rin naman mayaman pero pinakisamahan ka pa rin ni papa di ba?" pasaring ganti pa ni Silver.

"Ano?!" galit na bulyaw pa ng ginang.

"Single mom ka pa nun. Pero iniwan ni papa ang mama ko at binitbit pa ko tapos sumama lang sayo." halatado sa boses ni Silver na bwisit na siya ngunit ayaw niyang sumabog.

"Walang hiya ka talagang bata ka ha?! Ako nagpalaki sayo! Baka nakakalimutan mo ang mga winaldas mong pera noon --" pagduro pa nito kay Silver.

"Oo pero pera yun ni papa, hindi sayo! Ngayong patay na si papa, sa akin ka lang din naman umaasa." pasaring pa rin ni Silver na mas lalong nakapagngitngit sa ginang. Ni hindi nito matingnan ang ina kaya kay Evie siya napapabaling. Sinisenyasan rin naman na siya ni Evie na huwag ng pumatol.

"Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan ha?!"

"Anong karapatan niyo ring diktahan kung sino ang dapat mapangasawa ko, ma?! Ilang beses ka ng nagreto sa akin pero ni isa alam mong wala akong pinatulan! Dahil ayoko sa lahat yung pangungunahan ako kung sino ang dapat pakasalan ko!"

"Bakit yang mga totoo mong anak? Nadiktahan mo ba kung sino dapat pakasalan nila? Hindi naman di ba?"

"Kaya nga puro palpak ang mga napangasawa eh!"

"Pwes hayaan niyo lang din ako! Di hamak na mas matino at tamang tao ang gusto kong pakasalan!" halos humangos si Silver sa pagpipigil ng galit dahil tila napapahiya siya sa harapan ni Evie ng bulyawan ng ina. At mas lalong nakapaginit ng ulo niya ang pagpupumilit na naman nito sa pakasalan niya si Georgia.

"Akala mo naman kung sino ka na porket lumago ulit negosyo mo! Hoy! Kung hindi dahil sa pera ng ama mo, wala ka ngayon dyan sa kinakatayuan mo!"

"Tama na, ma! Alam mong hindi naman ganoon kalaki rin ang minana ko. Pinaghati-hati ko pa nga yun sa ating anim kahit pa ako lang pala ang tunay na may karapatan! Tapos ngayon pati mga pinaghirapan ko, gusto niyong maangkin?! Pati pagaasawa ko, gusto mong pakialaman?! Alam ko na ang totoo kung bakit pilit mo ko pinakakasal kay Georgia, para maabswelto na ang utang mo sa tatay niya!"

Tila natahimik naman ang ginang at hindi makatingin ng diretso. Hindi ito makaimik sa sinabi ni Silver.

"Kuya, tama na. Ma, tama na! Nakakahiya kay Evie oh? Baka kung anong isipin sa pamilya natin. Dito pa talaga kayo nagaway." pagsuway pa ni Vivian na pumagitna na sa kapatid at ina.

"Don't worry, alam na alam naman na ni Evie ang tungkol sa pamilya natin. Hindi pa nga makapaniwala eh, pero it's all true." saad pa ni Silver na labis na kinabigla at pinagtaka ng ginang.

"Anong alam?" pinagsasalitan naman nito ng tingin sina Evie at Silver.

"Ma, si Evie yung --"

"Pakakasalan ko!" pagsabat naman na ni Silver.

Hindi naman malaman ni Evie kung anong dapat ireaksyon, feeling niya damay na siya sa galit ng ina-inahan ni Silver.

"Anong pakakasalan? I --ikaw? Akala ko kaibigan ka lang ni Vivian?"

"Ahm, pasensya na po. Hindi ko po kasi alam ang dapat sabihin sa inyo kanina. Alam ko po ang lahat, lalo ang tungkol kay -- kay Georgia kaya po -- hindi na lang ako nagpakilala kaagad."

"Huh? Ikaw pala? Kaya pala sabi ko pamilyar ka talaga eh? Ikaw pala yung tinutukoy noon ni Silver na aasawahin niya?"

"Oo ma, siya yun! Nagkahiwalay lang kami noon, kaya hindi ko siya napakilala sa inyo, pero ngayon plano ulit namin yun!" prenteng sagot lang ni Silver na para bang hindi iyon ikagagalit ng ina niya.

Tumalim naman ang mga tingin ng ginang kay Evie at maa sinuri ito mula ulo hanggang paa, ngunit wala siyang maipintas sa dalaga. Pinuri pa nga niya ito kanina.

Naiilang at napapalunok na lamang ai Evie dahil hindi niya malaman kung dapat ba siyang matakot o matuwa.

Bab terkait

  • As You Needed   Chapter 36

    ILANG MINUTO ANG nagdaan, napakalma na rin ni Silver ang sarili. Mukhang gayun na rin ang ina niya kaya humupa ang tensyon sa pagitan nila. Lumipat naman ng upuan si Silver sa tabi ni Evie at kaagad na niyapos ang beywang nito."Okay ka lang? Na-high blood ka yata?" bulong pa ni Evie kay Silver habang nakapatingala sa tabi nito."Ha? Oo naman. Baka siya ang na-high blood sa akin?""Dapat hindi mo na lang pinatulan.""Eh lagi naman ganyan. Mabuti ngayon alam na niya, kilala ka na niya."Ilang sandali pa ay pumihit na sa kanila ang ginang kaya umayos si Evie ng pagkakaupo."Kailan niyo naman balak magpakasal?" tila galit pa ring tono nito."Secret muna. Baka pagplanuhan niyo pa ni Georgia na pigilan eh." saad pa ni Silver kaya mahinang siniko siya ni Evie."Ma, hayaan na muna natin sila sa kung anong plano nila. Matatanda na mga yan.""Papadalahan na lang namin kayo ng invitations." bigla naman ng tumayo si Silver at hinah

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-31
  • As You Needed   Chapter 37

    AS THEY WENT back to the yacht, they both kissing and caressing each other. Both soaking wet and the waters are dripping down their bodies as they were at the lower deck area."Please -- just be mine mommy." Silver said between their kisses as he was top of her massaging her breast with one hand."I'm all the yours, daddy."Then by then, they start stripping down their swimsuits and shorts. All bare naked yet doesn't give a single care. They were in the middle of the ocean anyway.They touching, caressing and kissing each and every part of their bodies as they gives pleasure to it. Savoring the taste and felt heaven's touch from one another."Ahh daddy.." as her moans become louder and louder. She couldn't even open her eyes and close her mouth she felt every thrust inside her."Fuck mommy! You're so tight!" as he continuely pleasurable thrusting her harder and deeper.Silver hands exploring Evie's body, and so is his mouth. Hindi niy

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-01
  • As You Needed   Chapter 38

    HABANG NAGLALAKAD SA mall na magkahawak kamay, parehas silang panay ang tingin sa mga clothes store doon. Hindi naman talaga mamimili si Evie ng maramihan, tanging gagamitin niya lang para sa dalawang araw, ngunit si Silver ang mapilit na pasukin nila lahat ng stores at maglibot, kung sakali mang may magustuhan si Evie, binibili na lang din nila iyon.At ngayon nga ay halos hawak ni Silver ang karamihan na pinamili nila, habang si Evie ay hawak lamang ang maliliit at magagaan."Okay na toh, Silv. Matatambak lang din naman mga toh sa bahay mo." saad pa ni Evie kaya napatingin naman sa kanya ito."Bahay natin! Saka kung pwede? Call me 'daddy' na.""Bakit naman?" pagsalubong pa ng kilay nito."Eh sa gusto ko! Tayong dalawa lang naman magkasama, eh di daddy na rin dapat tawag mo ulit sa akin." magtaas pa nito ng dalawang kilay na lalong nakapagpasalubong ng kilay ni Evie na tila nagpapahayag ng pagtutol sa kanya."Gusto mo pa bang i-sex

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-02
  • As You Needed   Chapter 39

    SILVER DOESN'T REMEMBER how many times he gulped his own saliva. His body is semi-shivering because of the sensation on what Evie is doing to him. It seems a lovely torture that he would beg for more!Busy-busyhan man siya sa board meeting nila, kalahati ng utak niya ay nakatuon kay Evie na alam niyang pinapanihirapan siya sa sarap. Though he's not showing any emotion, yet his hands been doing a lot of sin. And also his manhood been erected from the moment he saw Evie stripping right in front of him. Stress siya, pero unti-unting nawawala dahil sa ginagawa ni Evie sa kanya kahit pa gusto niyang pagpawisan kung hindi lamang malamig sa silid.Hinihimas-himas naman ni Evie ang pagkalalaki ni Silver na alam niyang tigas na tigas na. Kaya hinila na niya ang jersey shorts nito at pasimpleng umangat si Silver sa swivel chair niya na kunwari ay inayos niya lang ang pagkakaupo. Sinunod na rin alisin ni Evie ang boxer nito at tumabad sa kanya ang naka-lupang hinirang na nitong p

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-03
  • As You Needed   Chapter 40

    LAHAT SILA AY humahangos at tila mga nagpipigil pa rin ng galit. Nanlilisik ang mga tingin ng mag-inang Georgia at Gina kay Evie at gayun rin ito sa kanila.Nakapayakap pa rin si Silver kay Evie na tila pinoprotektahan ito habang galit at hindi makapaniwalang nakatingin rin sa mag-ina."Tama na! Bakit ba kayo nagkakagulo?!" halos humangos din si Silver dahil sa galit."Yang babae mo Silver! Masyadong bastos!" pagduro pa ng ginang na mukhang cockatoo na ang ulo dahil sa taas-taas nitong buhok."Kayo ho ang bastos para sabihan akong parausan lang ni Silver!" nanggagalit pang sigaw ni Evie na inaawat ni Silver."Malandi ka lang talaga! Mangaagaw!" sabat pa ni Georgia kaya siya naman ang tinuunan ni Evie."At least hindi ko in-offer ang virginity ko at naghahabol! Desperada!""Tama na!" sigaw pa ulit ni Silver at sinasamaan na ng tingin ang mag-ina. "Seriously, tita Gina?! Nakisali pa kayo rito?""At bakit hindi ha? Ginalaw mo ang

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-04
  • As You Needed   Chapter 41

    NAGMAMADALI NA LAMANG nagtungo si Evie sa baba at dumiretso sa gym room kung nasaan ang asong si Steve.Nilapitan at naupo siya sa tabi ng asong nagpapahinga na. Hinaplos niya ito habang nanlalabo na ang paningin dahil sa mga luhang pilit na bumubulag at nais kumawala mula sa kanyang mga mata.Ngayong napag-isa na siya, hindi na niya napigilan ang sarili na maibuhos na ang kanina niya pang sinusubukang pigilan na emosyon. Sa pagkawala ng kanyang kinikimkim na sakit, nagising niya ang aso dahil sa lakas ng hinagpis at pagtangis niya. Pilit siyang nilapit nito kahit pa hindi pa masyado makakilos kaya hinipo niya si Steve upang hindi na ito makalapit sa kanya.Matinding pagbuhos ng mga luha niya at hindi niya maiwasang humikbi at magtangis. Parang may lumalamukos sa puso ni Evie na nakakapanikip ng dibdib, nakakaramdam na rin siya ng sakit sa tiyan dahil sa malalalim na hikbi. Tila bumabalik na naman sa kanya ang lahat ng sakit na pinagdaanan na niya noon.

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-05
  • As You Needed   Chapter 42

    MAAGANG NAGISING PARA makagayak sina Evie at Silver, sabay pa rin silang nagaalmusal sa hinanda ni manang Joy ngunit napansin nito na tila tahimik at walang umiimik sa dalawa simula ng makita niya ang mga ito.Inayos na ni Evie ang mga gamit niya at tanging mga gamit niya lang na dala papunta rito ang iuuwi niya, iniwan niya ang lahat ng binili sa kanya ni Silver. Inilagay na rin niya kaagad ang bagahe sa kotse at gayun rin ang ilang gamit ng aso.Mabuti na lamang at mauupo siya sa tabi ni Steve sa back seat ng sasakyan kaya panatag siyang hindi na sila muling maguusap masyado ni Silver.Napakatahimik ng naging byahe nila na isang beses lamang din sila nag-stop over."Hello, Benj?"(Eeevz! How are you?) kulang na lang tumili na ito."O -- okay lang naman. Pauwi na kami."Kaagad napatingin sa rear view mirror si Silver habang nagmamaneho nang marinig si Evie na nagsalita.(Oh nice! How's Steve?)"He's doing good. -- Ahm,

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-06
  • As You Needed   Chapter 43

    HANGGANG SA DUMATING na ang araw na kinakailangan ng umalis ni Benjamin patungong Palawan para sa site inspection ng project nito sa S.A Construction. Ito na rin ang unang araw ng convention nila kaya naroon si Evie sa Shangri-La hotel para magasikaso.Dinagsa ang booth nila kaya imbes na makabalik pa siya sa office ng after lunch, hindi na niya maiwan ang ilang katrabaho niyang nakakatanggap ng maraming inquiries at orders kaagad."Pasensya na Miss Evie, ikaw pa tuloy ang nangolekta ng mga possible clients." saad pa ng katrabahong si Ofel."Okay lang, ano ka ba? Mabuti nga yan at marami kayong nakuha, matutuwa si director niyan." pagngiti pa niya rito."Pwede ka ng mauna, Miss Evie. Kami ng bahala rito magligpit.""Okay sige, ise-send ko na lang din ito at kung may mga pahabol pa kayo, iwan niyo na lang, ako ng mag-check bukas pagbalik ko rito ah?" at bumalik na siya ng tuon sa laptop niya."Sige po, Miss Evie. Salamat."Nauna na nga

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-07

Bab terbaru

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status