Share

Chapter 41

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-08-05 06:00:00

NAGMAMADALI NA LAMANG nagtungo si Evie sa baba at dumiretso sa gym room kung nasaan ang asong si Steve.

Nilapitan at naupo siya sa tabi ng asong nagpapahinga na. Hinaplos niya ito habang nanlalabo na ang paningin dahil sa mga luhang pilit na bumubulag at nais kumawala mula sa kanyang mga mata.

Ngayong napag-isa na siya, hindi na niya napigilan ang sarili na maibuhos na ang kanina niya pang sinusubukang pigilan na emosyon. Sa pagkawala ng kanyang kinikimkim na sakit, nagising niya ang aso dahil sa lakas ng hinagpis at pagtangis niya. Pilit siyang nilapit nito kahit pa hindi pa masyado makakilos kaya hinipo niya si Steve upang hindi na ito makalapit sa kanya.

Matinding pagbuhos ng mga luha niya at hindi niya maiwasang humikbi at magtangis. Parang may lumalamukos sa puso ni Evie na nakakapanikip ng dibdib, nakakaramdam na rin siya ng sakit sa tiyan dahil sa malalalim na hikbi. Tila bumabalik na naman sa kanya ang lahat ng sakit na pinagdaanan na niya noon.

Bakit? Bakit na naman ganito? Akala ko magiging maayos na sa amin ang lahat sa pangalawang pagkakataon pero bakit ganito? Sinusubok na naman ba kami? O baka hindi pa rin talaga pwede?

Patuloy ang pag-iyak ni Evie kahit pa halos malagutan na siya ng hininga. Napahiga na siya sa tabi ng aso niya at doon isinubsob ang sarili sa sahig at ibinuhos muli ang emosyon.

Samantalang, napapasuntok na lamang si Silver sa mga pader ng guest room kung saan siya naiwan ni Evie. Labis siyang nagsisisi at nasasaktan rin sa nangyari.

Hindi niya ito ginusto noon pa man, ang tanging intensyon niya lang ay maging malinis na siya mula sa nakaraan niya sa paningin ni Evie. Simula ng nakilala niya ito, ninais na siyang ituwid ang buhay niya. Mas nagsumikap siya para sa future nila ngunit sa sobrang ambisyon niya, nawala naman sa kanya noon ang pinakamamahal niya.

At ngayong natagpuan at napasakanya muli ito, nanganganib na naman itong mawala sa kanya dahil lang sa bagay na hindi pa niya mapatunayan din kahit sa sarili.

Malaki ang takot niyang mawala na naman ng tuluyan si Evie sa kanya dahil rito. Hindi niya sigurado kung matatanggap ni Evie ito dahil siya mismo ay hindi niya matatanggap kung masasaktan na naman ito ng dahil na naman sa kanya.

"Aargh!" malakas pa niyang pagsuntok sa pader at napasandal siya roon. Napadausdos siya hanggang sa maupo sa sahig.

Tumutulong na rin ang mga luhang kanina pa rin pinipigilan, hindi niya lubos maisip na tila kakasimula pa lamang nila muli ni Evie, tila nanganganib na naman ang relasyon nila.

MAKALIPAS ng ilang oras, sinubukan bumaba ni Silver at hinanap kung nasaan si Evie. Una siyang naglibot sa labas hanggang sa beach front dahil alam niyang kailangan nitong magpahangin ngunit ni walang bakas doon ng dalaga.

Huli na ng maisip niyang baka naroon ito kung nasaan ang alagang aso dahil naalala niyang kay Steve noon tumakbo si Evie noong umiiyak.

Tinungo niya kaagad ang gym room at naka-lock nga ito mula sa loob. Mabuti na lamang at nasa bulsa niya pa ang master's key kaya nabuksan niyang muli ang silid.

Bumungad kaagad sa kanya si Steve na tila natuwa ng nakita siya dahil pumaangat ito at nagwagayway ng buntot niya. Nakita niya rin kaagad si Evie na tila nakapadapa sa sahig katabi ni Steve, halatang nakatulog na ito roon.

Dahan-dahan siyang lumapit at pumaluhod sa gilid ng dalaga, hinawi niya ang buhok na nakakalat rito at tumatakip sa maganda nitong mukha. Tila nahihimbing na ito ngunit mamasa-masa pa ang pisngi at labi na namumula ang ilong.

"Sorry Steve, nasaktan at napaiyak ko na naman ang mommy mo. Pero mahal -- mahal na mahal ko siya." pagpipigil muli ni Silver ng maiyak.

Maingat niyang binuhat ito at pinangko na gaya sa bagong kasal.

"Good night, Steve."

Kinarga nga ni Silver ang natutulog na si Evie at pinanik sa kwarto nila. Inilapag niya ito sa kama at iniayos ng higa.

Hinubad niya pang itaas at pantalon nito at sinuutan niya ng t-shirt niya lamang para mas komportable itong matulog. Siya naman ang naghubad ng damit niya at tanging boxer niya lang ang iniwan niya saka tumabi rito sa kama.

Hinahawi-hawi niya ang buhok nito upang mas makita niya ang tila maamong mukha nito na mahimbing na natutulog habang nakahigang patagilid sa tabi nito.

"I'm sorry mommy. I promise, masusulusyunan rin natin ito. Gagawin ko ang lahat. Mapapatunayan kong -- wala tayong dapat ipangamba." hinalikan pa nito ang noo ni Evie saka umayos ng higa at pumayakap rito.

Mahigpit niya itong niyakap na para bang baka ito na ang huling yakap na magagawa niya rito. Labis siyang nasasaktan isipin ito ngunit hindi niya maiwasan.

Kinabukasan, nagising si Evie na may pagkabigla dahil napagtanto niyang nasa kwarto na nila siya ni Silver, kaagad siyang napalingon sa tabi ngunit wala ang binata sa tabi niya. Hindi niya malaman kung bakit pareho niyang hinihiling na sana wala at naroon rin ang binata.

Napabangon siya at paling sa may side table ng kama, nakita niya kaagad ang isang kulay pula na bulaklak ng Daisy. Bago niya iyon kunin, nakita na niya ang kapiraso ng papel na nakapailalim doon kaya kinuha na rin niya ito.

I'm so sorry.

I love you, mommy

Hindi niya malaman kung bakit imbes na kiligin at mangiti siya, humalam ang mga luha sa mata niya hanggang sa tuluyang bumagsak ang mga luha niya rito.

*sobs

Hindi na niya pinipigilan ang sarili sa pag-iyak habang hawak ang bulaklak at ang note ni Silver para sa kanya.

"Mahal na mahal kita, daddy. Wala akong karapatan husgahan ka, pero sana -- gayun ka rin sa akin."

Tila pagkausap niya sa sarili habang bumubuhos pa rin ang mga luha niya.

Humugot na si Evie ng malalim na hininga saka tinuyo ang mga luha sa mata niya. Inayos niya ang sarili at napansin rin niyang iba na ang kasuotan niya ngunit hinahayaan na lamang niya iyon. Kahit pa naka-large shirt lang siya ni Silver na hanggang hita niya at walang pang ibaba, lumabas siya ng silid at bumaba sa kusina.

Pumasok siya ng kusina at gaya ng inaasahan niya, naroon si Silver na may ginagawa sa island counter. Nakapaharap ito sa kanya kaya mabilis nitong napansin ang presensya niya. Napaangat ito ng tingin sa kanya ngunit parehas silang walang emosyong pinapakita.

"Upo ka na, tapos na ko dito."

Gayun na lamang din ang ginawa ni Evie at hindi na siya muling gumalaw. Ni hindi siya kumuha ng kape nila o di kaya ay maghiwa ng prutas. Tila nakatulala siya sa malayo habang iniintay hainan siya ni Silver ng almusal nila.

Ilang sandali pa ay nilapagan na siya nito ng club house na hiniwa ng patatsulok. Naglapag na rin ito ng nahiwang mansanas at peras sa mesa nila ngunit hindi pa ito nauupo kaya hindi pa niya magalaw ang pagkain. Sandali pa ay naglapag rin ito ng mainit na kape sa tabi niya na nanunuot sa ilong niya kaya tila nabuhayan na siya.

Naupo na rin si Silver sa pwesto at napansing natutulala pa rin si Evie sa pagkaing hinanda niya para rito.

"Ka -- kain ka na." nagaalangan pang saad niya rito at ilang segundo pa bago ito kumilos para kunin ang sandwich at kagatan sabay lapag ulit sa plato nito. Gayun na lamang din ang ginawa niya ngunit hindi niya maalis ang atensyon kay Evie na halatang wala sa mood.

Naging tahimik man ang pagaalmusal nila, nakakain pa rin naman sila parehas ng maayos.

"Galit ka pa ba?" panimula ni Silver habang nakatingin kay Evia na hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha.

"Hindi ganun kadaling palagpasin yun." baritonong sagot naman nito na hindi man lang tinitingnan si Silver.

Napabuntong hininga na naman si Silver at napayuko bago bumalik ng tingin kay Evie.

"That's why I'm really sorry."

"Your sorry won't solve any of it." sumimsip naman muna na ito ng kape, inilapag niya nag mainit na tasa ng kape saka napalingon na kay Silver sa wakas. "Paano mo malalaman ang katotohanan?"

Kahit pa tila masakit para kay Evie, napagisipan na niya ito at kailangan na rin niyang harapin kahit napakabigat sa damdamin niya.

Napapatulala naman si Silver ngunit nagiiwas rin ng tingin na nila napapaisip. Huminga na muna siya ng malalim bago tumingin muli sa dalaga.

"I hired a private investor na to find her."

Payak na napatawa si Evie ngunit napailing. "Wow? Sa kanya nakapag-hired ka ng private investor para mahanap. Samantalang sa akin noon, wala." tila pasaring ni Evie bago kumagat ng sandwich.

Gustong kutusan ni Silver ang sarili dahil tinamaan siya sa sinabi nito sa kanya.

"Siya na lang rin ang gagawa ng paraan para makakuha ng sample ng specimen ng bata -- kung sakaling mahanap na niya."

Napataas na lamang ng dalawang kilay niya si Evie habang sumisipsip ng kape niya.

"You don't have to worry --"

"Not to worry? Are you saying that -- I shouldn't be worried until its positive, ganun ba?" tila sarcastic pang tugon nito.

"It won't be posi --"

"How can you say so?!" pagharap na nito kay Silver. "Nakita mo na ba yung bata?"

"Hi -- hindi pa."

"Kahit sa pictures man lang ba o --"

"Wala, tinatago nga niya ang bata di ba? Dahil noong tinangka niya muling manghingi sa akin, nagmatigas na ako ng kailangan ko muna ng DNA results namin kung totoong anak ko ba yung batang pinagpipilitan niyang akin!" paggiit naman na nito.

"So kinontak ka na pala niya ulit?!" halos hindi na naman makapaniwala si Evie. "Akala ko ba --"

"Oo, kalalabas ko lang sa ospital noon at nakontak niya akong muli. Nanghihingi ng sustento sa bata pero -- pero giniit kong magpa-dna muna kami ng bata. Kagaya nung naunang katwiran niya, papayag siya kapag nagbigay muna ako pero hindi ako kumagat. Wala naman na siyang maipananakot sa akin eh."

"Anong nangyari?"

"Sinabihan ko siyang -- ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan ng bata kung mapapatunayan sa DNA testing na anak ko yun. Pero kung hindi -- kakasuhan ko siya." seryosong saad ni Silver na tila nakapagpaisip ng malalim kay Evie.

"So yun na nga ang gagawin mo kung -- anak mo yun?" tanong rin kaagad ni Evie bago kumagat ng sandwich. Masakit para sa kanya ang binitiwang tanong ngunit nais niyang malaman mula kay Silver kung sakali man ito nga ang mangyari.

Napatingin naman si Silver sa kanya ngunit tila napipi ito. Napapaisip ito ngunit hindi siya sigurado. Bumaling na si Evie sa kanya ng tingin at ngayo'y mata sa mata na sila na tila nagkakasukatan na.

Pilit tinatago ni Evie sa nagmamatapang niyang tingin ang sakit na kinikimkim. Hindi niya rin akalain na magkakaroon sila ni Silver ng ganitong suliranin din. Napapabuntong hininga na lamang si Silver na tila hindi malaman ang tamang isasagot rito na matatanggap ni Evie.

"Eh ikaw? Anong gagawin mo -- kung sakaling -- anak ko yun? Ma -- matatanggap mo ba?" gusto bumasag rin ng tinig ni Silver sa tanong niyang ito.

Tila napasa naman kay Evie ang hot seat at ito ang napipi sa tanong ni Silver sa kanya.

"Hindi ko alam." yun lamang ang sinagot niya kaagad at nagiwas na ng tingin.

May kurot kay Silver ang sagot ni Evie sa kanya. Bumigat ang bawat paghinga niya.

Tila natahimik sila parehas at lumalim ang mga iniisip.

"So it would change, does it?" pagbasag kaagad ni Silver sa katahimikan nila.

Nananatiling tahimik si Evie na napasandal na lamang sa kinauupuan, hindi na rin niya nagalaw ang kinakain.

Payak na napatawa si Silver at napapailing habang nakapayukong tingin sa plato niya.

"Iiwanan mo ulit ako kung -- kung sakaling nagkaanak nga ako sa iba?" ito ang tanong na labis niyang kinakatakutan malaman ang kasagutan.

Biglang tumayo na si Evie at napatingin na lang siya rito.

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung sakaling ako ang nadisgrasya?" papaalis na si Evie sa hapag ng hawakan ni Silver ang pulsuhan niya kaya natigilan siya.

"Mahal kita, mommy." sagot naman ni Silver rito kaya napatingin sa kanya si Evie.

Gustong humalam muli ang mga luha ni Evie at tila nanlalambot na siya sa hina ngunit napabuntong hininga na lamang siya bago nilingon si Silver na nakatingala na sa kanya.

Isa pang malalim na buntong hininga ang sinagot lang niya kay Silver saka binawi ang kamay niya at tuluyang alisan ito.

MAGHAPONG hindi nagkikibuan at iniiwasan ni Evie si Silver. Mukhang ayaw din naman siyang kausapin at kulitin ni Silver dahil alam nitong parang walang patutunguan dahil magtatalo lang sila.

Simula kaninang umaga na nag-walkout siya rito noong nagaalmusal sila, pumanik na siya at naligo para makapagpalit ng damit. Kaagad rin bumaba sa gym room kung nasaan si Steve at inabala ang sarili sa pagaalaga sa aso niya. Ni hindi pa siya lumalabas ng silid kahit pa inaya siya ni Silver kumain ng tanghalian na tinanggihan naman din niya.

Tila hindi siya nakakaramdam ng kahit na ano kung hindi pananamlay at kalituhan.

Masakit man, ngunit hindi maalis sa isip ni Evie ang mga katanungan nila ni Silver sa isa't isa. Walang oras na hindi na naokyupado ng isip niya ang tungkol rito. Hindi nito nasagot ang tanong niyang ano ang gagawin nito kung sakaling totoong anak niya ang bata, bagkus ibinalik kaagad ni Silver ang tanong sa kanya kung ano ang gagawin niya kung sakaling anak nga nito ang bata?

Tila tumigil ang pintig ng puso niya rito, bigla siyang na-mental block kaya ni hindi siya nakasagot kaagad. Ngunit maigi niya pa rin itong pinagiisipan pagkasahanggang ngayon.

Ano nga ba? Ano nga bang gagawin ko kung -- kung sakaling anak nga ni Silver iyong batang iyon?

Napapaiyak siya sa tuwing sasagi ito sa isip niya. Dahil hindi niya alam ang sagot. Hindi niya alam ang dapat na isagot o gawin. Hindi niya alam kung dapat ba niyang tanggapin ito o manindigan na hindi dahil labis siyang masasaktan. Ngayon pa lamang napakasakit na, ano pa siguro kung kumpirmado na?

Habang nasa duyan naman si Silver sa may garden at nakatingin sa kung saan, tila lutang na lutang ang pagiisip niya.

Bigla rin pumasok sa isip niya kung ano nga kayang gagawin ni Evie kung sakaling maging totoong anak niya ang batang iyon? Iiwanan na naman ba siya nito or is she really love her enough to accept it?

Naniniwala naman si Silver na mahal siya ni Evie, ngunit nagawa na rin nitong iwan siya noon kahit pa labis pa rin siyang minamahal nito dahil sa nagawa niyang hindi rin maganda.

Bumabalik sa kanya ang lahat ng takot at pangamba na naman dahil sa pangyayaring ito.

Masakit sa kanyang isipin na baka iwanan siyang muli ni Evie dahil tila hindi na niya kakayanin. Ngunit kung ano man ang naisin ng dalaga, kailangan naman niya itong respetuhin.

Tila napakunot ng noo si Silver ng may naririnig na pagtunog ng door bell sa kanyang main gate. Hindi niya pinapasok ang magasawang katiwala muna kaya bumalilwas siya ng pagkakahiga sa duyan upang tingnan kung sino ang nagdo door bell na ito.

"Ma?" tila hindi niya inaasahang makita ng buksan na niya ang gate.

Pinapasok na niya ang ina na tila seryoso lang ang ekspresyon ng mukha. Tila walang gana na lamang din niya itong hinayaan makapasok na sa kanyang bahay.

"Oh? Nasaan -- nasaan yung si Evie?" kaagad na sita nito ng hindi nasisilayan ang dalaga. Prenteng naupo na ito sa solo sofa.

"Nagpapahinga lang yun." prontong sagot naman ni Silver sa ina-inahan at naupo na rin siya sa dulo ng mahabang sofa upang magkaharapan sila ng iba sa gawin kaliwa niya.

Napapabuntong hininga naman ang ginang habang sinusuring mabuti si Silver na tila wala sa mood.

"Oh bakit? Nagaway kayo noh?!" napatingin naman sa kanya si Silver ngunit hindi sumagot.

"Nakita mo na? Akala ko ba -- hinding-hindi mo gagayahin ang ama mo?! Pero ano? May anak ka na raw? Totoo ba?!"

"Hindi pa kompirmado."

"Eh paano kung anak mo nga? Kagaya ka rin ng tatay mo! Walang pakialam sa mararamdaman ng iba, basta makapatol lang kung kanino, eh kita mo ngayon?! Nakadisgrasya ka na!"

Tila napapabuntong hininga na lamang si Silver at napasandal na sa sofa dahil nagpipigil ng inis sa sermon ng ina.

"Pinapulis mo raw sina Gina at Georgia? Bakit?"

"Sumugod silang mag-ina rito kagabi at pinagtulungan si Evie."

"Oh tapos ngayon kayo naman ang magkaaway dahil hindi niya matanggap na may anak ka sa iba?!"

"Hindi pa nga kompirmado! Nagtatago yun dahil takot malaman ang katotohanan, dahil baka makasuhan ko siya kung nagsisinungaling siya."

"Kahit na! Eh paano kung anak mo pala talaga yun? Matatanggap ba niyan ng pinagmamalaki mong babae ha?!"

Napatagis bagang naman si Silver dahil hindi niya rin alam ang sagot sa tanong na ito.

"Iiwan ka rin niyan kapag napagtantong hindi niya kayang tanggapin ang pagkakamali mo noon!" tila may kung anong tumusok sa dibdib ni Silver sa narinig. "Mabuti pa si Georgia, matagal na raw tanggap yun. Pati yang sakit mo pa nga di ba?!"

"Yan ka na naman sa pagpilit mo sa pangit mong reto." preskong sagot naman na ni Silver at tila napahiya ang ginang.

"O -- oy! Propesyunal naman yung tao! Galing sa matinong pamilya! Eh yang Evie mo? Sekretarya lang!"

"Huwag mong nila-lang yun! Kahit ikaw hindi mo kaya ang ginagawa niya." tila pagtatanggol pa ni Silver sa kasintahan dahil nagpapantig na ang tainga niya sa ina-inahan.

"Nakakahiya kina kumpare! Nakarating pa kayo sa pulisya kagabi!"

"Mas nakakahiya ang ginawa nilang mag-ina! Para silang mga walang pinagaralan para sugurin ang bahay ko at awayin ang asawa ko! Sobrang bitter naman nila?!"

"Kung hindi ka sumira sa napagkasunduan, hindi hahantong sa ganito! Ano na lang sasabihin ng ibang --"

"Ikaw ma?" napalapit na si Silver sa ina at napapatong ang mga braso sa tuhod nito. "Hindi ka ba nahihiya na ikaw ang nangutang sa kanila at ako ang gusto mong ipangbayad?!"

Tila hindi naman makasagot ang ginang. Tila nanggagalati ito ngunit nagpipigil rin.

"Babayaran ko na nga ang utang niyo para tigilan niyo na akong lahat! Tigilan niyo na kami ni Evie!" bilang tayo pa nito. "Makakaalis ka na ma, gusto kong magpahinga. Nakakaistorbo kayo." walang buhay pa nitong saad.

"Makikita mo, iiwan ka rin ng babaeng yan!" pagtayo at nanggagalit na pagduro nito kay Silver ngunit hindi ito nagpakita ng anumang reaksyon sa kanya.

"Kahit iwan niya ako, hindi pa rin ako papayag sa gusto niyo!" paggiit muli ni Silver rito.

"Ewan ko sayo! Parehas kayo ng ama mong walang hiya!" singhal pa nito sabay pag-walkout na.

NANG makaalis ang ina-inahan ni Silver, sinara niyang mabuti ang gate at binunot ang door bell upang wala ng makapangistorbo sa kanila.

Napapabuntong hininga na lamang siya at minamasahe ang sintido habang naglalakad pabalik sa loob ng bahay.

Dumiretso siya sa kusina upang makainom ng tubig dahil tila tumaas yata ang dugo niya sa inis sa ina-inahan.

Ngunit sa bungad pa lang ay natigilan siya dahil nakita niya si Evie na nagsasalin ng tubig sa baso mula sa hawak nitong pitsel. Napatingin rin ito sa kanya ngunit kaagad na magiwas ng tingin. Tila naalala ni Silver ang Evie na una niyang nakilala noong unang beses pa lamang sila nagkita ng personal.

Tahimik na lang din siyang kumuha ng baso niya at iniintay si Evie na matapos sa ginagawa. Nang inilapag nito ang pitsel ay kaagad niya rin itong inabot para salinan naman ang baso niya.

"Dumating si mama." panimula naman ni Silver.

"Alam ko." baritonong sagot nito matapos makainom.

"Nachismis na siguro sa kanya."

"Hmm.."

Sabay ngayon silang umiinom ng tubig. Nakapasandal si Evie sa may kitchen counter habang halos katapat niya si Silver na nakapasandal sa island counter.

"Kumain ka na muna."

"Wala akong gana."

"Masamang nagpapalipas ng --"

"Anong oras tayo babyahe bukas?" diretsong tanong pa nito habang nakatingin na kay Silver.

"Ahm, kahit -- after breakfast. Kamusta na si Steve?"

"Okay naman na siya. Kaya na niyang bumyahe." inubos na ni Evie ang tubig sa baso niya at inilagay sa lababo. Papaalis na sana ito ngunit pinigilan na naman siya ni Silver sa paghawak ng pulsuhan niya kaya napatingin siya rito.

Tila nainip naman si Evie dahil hindi naman nagsasalita si Silver at nakatitig lang sa kanya kaya sinubukan niyang bawiin ang kamay niya ngunit nagmatigas ito.

"Ano ba Silver? Gusto kong magpahinga." may iritasyon sa tono nito na tila walang gana.

"Mahal mo ba talaga ako?"

Hindi malaman ni Evie kung nagsusumamo ba ito o kinukwestyon ba talaga ang nararamdaman niya para rito.

"Ikaw? Mahal mo ba talaga ako?!" ganti niya rito na tila taas noo niyang tanong rin.

"Kung hindi, hindi na ko naghabol at humingi ng second chance."

"Second chance na pinaniwala mo na naman sa akin na ayos lang ang lahat? Na puno ka na naman ng kasinungalingan at lihim?"

Hindi naman makasagot si Silver kaagad.

"Tell me, mayroon pa ba? Baka mayroon ka pang tinatago dyan? Baka may another nag-claim pa na anak mo? Baka kasal ka na pala talaga? Baka drug lord ka? Ano? Sabihin mo na kaagad! Para hindi naman ako nabibigla na naman!" bulyaw pa nito na tila naghumahangos para makalma ang sarili.

"Wa -- wala na. Hindi ko naman gustong ilihim sayo yun eh. Sasabihin ko rin naman. Pero gusto ko sana -- yung sigurado na kong hindi ko nga anak yun --"

"Eh papaano nga kung anak mo?! Saka mo pa lang din sasabihin sa akin noh?!" irita na nitong saad sabay pag-irap na lang kay Silver. Buong lakas na niyang binawi ang kamay at umalis ng kusina.

Minasdan na lamang ito ni Silver na makaalis saka nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Gusto niyang mangatwiran ngunit alam niyang hindi rin yun tatanggapin pa ng dalaga.

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 42

    MAAGANG NAGISING PARA makagayak sina Evie at Silver, sabay pa rin silang nagaalmusal sa hinanda ni manang Joy ngunit napansin nito na tila tahimik at walang umiimik sa dalawa simula ng makita niya ang mga ito.Inayos na ni Evie ang mga gamit niya at tanging mga gamit niya lang na dala papunta rito ang iuuwi niya, iniwan niya ang lahat ng binili sa kanya ni Silver. Inilagay na rin niya kaagad ang bagahe sa kotse at gayun rin ang ilang gamit ng aso.Mabuti na lamang at mauupo siya sa tabi ni Steve sa back seat ng sasakyan kaya panatag siyang hindi na sila muling maguusap masyado ni Silver.Napakatahimik ng naging byahe nila na isang beses lamang din sila nag-stop over."Hello, Benj?"(Eeevz! How are you?) kulang na lang tumili na ito."O -- okay lang naman. Pauwi na kami."Kaagad napatingin sa rear view mirror si Silver habang nagmamaneho nang marinig si Evie na nagsalita.(Oh nice! How's Steve?)"He's doing good. -- Ahm,

    Last Updated : 2021-08-06
  • As You Needed   Chapter 43

    HANGGANG SA DUMATING na ang araw na kinakailangan ng umalis ni Benjamin patungong Palawan para sa site inspection ng project nito sa S.A Construction. Ito na rin ang unang araw ng convention nila kaya naroon si Evie sa Shangri-La hotel para magasikaso.Dinagsa ang booth nila kaya imbes na makabalik pa siya sa office ng after lunch, hindi na niya maiwan ang ilang katrabaho niyang nakakatanggap ng maraming inquiries at orders kaagad."Pasensya na Miss Evie, ikaw pa tuloy ang nangolekta ng mga possible clients." saad pa ng katrabahong si Ofel."Okay lang, ano ka ba? Mabuti nga yan at marami kayong nakuha, matutuwa si director niyan." pagngiti pa niya rito."Pwede ka ng mauna, Miss Evie. Kami ng bahala rito magligpit.""Okay sige, ise-send ko na lang din ito at kung may mga pahabol pa kayo, iwan niyo na lang, ako ng mag-check bukas pagbalik ko rito ah?" at bumalik na siya ng tuon sa laptop niya."Sige po, Miss Evie. Salamat."Nauna na nga

    Last Updated : 2021-08-07
  • As You Needed   Chapter 44

    INAYOS NA MUNA ni Evie ang gamit at gagamitin niya bukas para sa bidding bago dumiretsong banyo at nagligo.Kabubukas pa lang ng pintuan ng banyo niya ay naririnig na niya ang door bell sa silid na tila walang habas na pinipindot. Laking pagtataka naman niya dahil wala hindi naman siya nagpatawag ng room service.Kahit nakasuot lang ng robe, dinungaw niya sa maliit na butas sa pintuan kung sino ang nag-doorbell ngunit wala siyang makita. Hindi niya malaman kung kakabahan ba siya o magtataka na lang.Kaunting bukas pa lamang ang nagagawa niya sa pintuan ay biglang may tumulak na rito pabukas at labis siyang nagulat kung sino ito. Napadausdos siya paatras mula sa pinto dahil biglang pumasok ito at sinara rin ang pinto."Silver?! Anong --""Shh! Kanina pa ko door bell ng door bell sa pinto mo." tila nataranta ito."Eh malamang naliligo ako? Ano bang ginagawa mo rito?!" hindi pa rin siya makapaniwala sa pagsugod nito sa kwarto niya. "Baka may ma

    Last Updated : 2021-08-08
  • As You Needed   Chapter 45

    MABILIS NA NAGLALAKAD si Evie palabas ng munisipyo kahit pa naka-heels at skirt ito. Kaagad niyang dina-dial ang number ni Benjamin ngunit hindi ito sumasagot sa tawag niya kaya nagpalibot siya ng tingin sa kabuuan ng gusali.Kaagad niyang natanaw ang ilang kalalakihang nagkukumpulan at sa wakas ay nakita niya ang pamilyar na imahe ni Fe kaya kaagad siyang lumapit sa mga ito."Fe!""Miss Evie! Wow? Sa pormahan mo, panalo sa bidding noh?" tila pagbibiro pa nito kaya naalis ang kaunting tensyon ni Evie."Ah, oo." bahagya itong nangiti at napansing nakatulala sa kanya ang lahat ng lalaki lalo na si Silver na nasa dulong bahagi niya na mukha napatigil sa kausap sa phone nito.Bahagyang nahiya naman si Evie sa mga ito kaya nag-iwas siya ng tingin at tumalikod na lamang."Ahm, si director?" paghahanap-hahanap pa niya sa paligid."Nag-c.r yata, nagmamadali nung makapasok kami rito eh." sagot pa ni Fe kaya naghintay na lamang sila roon.

    Last Updated : 2021-08-09
  • As You Needed   Chapter 46

    PAREHONG TUMATANGIS at patuloy ang pagdaloy ng mga luha nila Evie at Silver dahil pareho silang nasasaktan sa mga nalaman at nangyayari sa kanila.Humihinga ng malalim si Evie upang ma-condemn ang sarili."Hindi ko aasahang matatanggap mo ang nangyari sa akin, dahil kahit ako -- hindi ko yun matanggap sa sarili ko. Nandidiri ako sa sarili ko!" pagbuhos muli ng mga luha ni Evie.Napahinga ng malalim si Silver na tila napasinghot, natatagis bangang siya at napapakuyom ng kamao."I'll destroy that bullshit!" paggiit pa niya rito."You don't have to do that for me. Dahil kahit ako, hindi ko rin matanggap na inilihim mo sa akin ang tungkol sa pagkakaroon mo ng anak. Kahit pa hindi yun kumpirmado." paggiit rin ni Evie rito.Sinubukan ni Silver na haplusin ang pisngi ni Evie para pahiran ang mga kumakawalang luha rito ngunit hinawi iyon ni Evie."Please, let's just -- let's just fix this. Together again. I can't lose you again, mommy." tila

    Last Updated : 2021-08-10
  • As You Needed   Chapter 47

    NAPAPAHINGA NG MALALIM at panay singhap naman si Evie sa tanong pa rin ni Benjamin."You know what, never mind. I'm sorry if I --""It's okay. Actually, wala naman sigurong masama kung -- kung malaman mo di ba? You're my friend after all. And -- his as well.""Before you saying anything, I just wanted you to know that -- I'm talking to you right now as your friend too."Napangiting matipid na lamang din si Evie sa boss."We -- we haven't talk since that day." tila napaningkit ni Benjamin ang mata rito na halatang nagtataka."I understand na bumalik ang galit mo sa kanya.""It's not like that." napatingin naman si Benjamin sa kanya at napabuntong hininga siya. "Noong magkarelasyon pa kami ni Silver, mayroong -- mayroong nag-claim sa kanya na -- nabuntis niya raw." tila nagalangan pa si Evie na sabihin ito dahil nahihiya rin siya at ayaw niyang mahusgahan din ito ni Benjamin. Nahalata niya ang pagkagulat ng binata."What? Serious

    Last Updated : 2021-08-11
  • As You Needed   Chapter 48

    "GIMME THAT --" pagtayo at tangkang hablot ni Evie ng note mula sa kamay ni Silver ngunit mabilis itong nailayo sa kanya ng binata. "Akin na sabi eh!" sinubukan niya ulit hablutin ngunit itinaas na ni Silver ang kamay dahilan para mas hindi maabot ni Evie ito kahit pa nagtatalon na ito para makuha iyon."Sunshine pala ah? Si Sunshine ka na ba?" tila sarcastic pang saad ni Silver na nakataas pa ring mabuti ang kaliwang kamay habang hawak ang note."He's just being sweet. Nothing more." paliwanag naman ni Evie na napatigil na sa pagabot ng note kay Silver."Yun na nga eh! Bakit kailangan niyang maging sweet sayo?""Because he's my friend, and my boss too. Concern lang siya dahil siguro -- sa pinagdadaanan ko?""He's my friend too but I haven't received any of that yet." naibaba na ni Silver ang kamay at saktong may lumabas mula sa opisina ni Benjamin.Sabay pa silang napatingin roon at lumabas nga si Benjamin kasabay ang ilang board members. M

    Last Updated : 2021-08-12
  • As You Needed   Chapter 49

    ILANG SANDALI PA ay bumukas na ang pintuan kaya halos mataranta si Evie sa pagbalik ng hawak na picture frame sa pinagkuhanan nito at humarap sa may pintuan.Nang magkasalubong sila ni Silver ng tingin, may kung anong malakas na kabog siyang naramdaman na nakapagpatuod bigla sa kanya."Hey?" bati nito sa kanya."He -- hey!" pa-cool naman niyang sagot kaagad. Naglakad siya papalapit rito habang sinasara nito ang pinto. "Ahm. Here!" mabilis niyang paglapit at abot kay Silver ng folder na dala. "Pinabibigay ni Fe."Napatingin pa muna si Silver sa kanya bago ibinaba ang tingin sa folder na inaabot ni Evie sa kanya."Sit down." prenteng sagot nito pagkakuha ng folder."Ah, no need. Aalis na rin ako, babalik pa kong office --""Sit. Down." mariing saad na nito habang seryosong nakatingin kay Evie kaya wala na itong nagawa kung hindi sundin siya.Naupo nga si Evie sa visitor's chair sa tapat ng mesa ni Silver at naupo naman na si Silv

    Last Updated : 2021-08-13

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status