Share

Chapter 45

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-08-09 06:00:00

MABILIS NA NAGLALAKAD si Evie palabas ng munisipyo kahit pa naka-heels at skirt ito. Kaagad niyang dina-dial ang number ni Benjamin ngunit hindi ito sumasagot sa tawag niya kaya nagpalibot siya ng tingin sa kabuuan ng gusali.

Kaagad niyang natanaw ang ilang kalalakihang nagkukumpulan at sa wakas ay nakita niya ang pamilyar na imahe ni Fe kaya kaagad siyang lumapit sa mga ito.

"Fe!"

"Miss Evie! Wow? Sa pormahan mo, panalo sa bidding noh?" tila pagbibiro pa nito kaya naalis ang kaunting tensyon ni Evie.

"Ah, oo." bahagya itong nangiti at napansing nakatulala sa kanya ang lahat ng lalaki lalo na si Silver na nasa dulong bahagi niya na mukha napatigil sa kausap sa phone nito.

Bahagyang nahiya naman si Evie sa mga ito kaya nag-iwas siya ng tingin at tumalikod na lamang.

"Ahm, si director?" paghahanap-hahanap pa niya sa paligid.

"Nag-c.r yata, nagmamadali nung makapasok kami rito eh." sagot pa ni Fe kaya naghintay na lamang sila roon.

Napapansin ni Silver ang mga malalagkit na tingin kay Evie ng mga empleyado niya kaya nagtatagis bangang na siya sa inis. Gusto niyang yakapin si Evie sa harapan ng mga ito para mapaimukhang sa kanya lamang ang dalaga, siya lamang ang may karapatang tingnan ito at hawakan.

"Congrats nga pala Miss Evie, ang galing niyo naman po um-attend ng mga bidding, palagi ba kayo pinapadalo ni Sir Benjamin?" tila sabat na ng site engineer ni Silver na si Paul.

"Ah, oo. Kaya nasanay lang ako." pormal naman sagot ni Evie rito.

"Sana magkasabay rin tayo sa mga susunod na bidding na sasalihan niyo." pasaring pa nito kaya biglang nag-fake cough si Silver.

Napatingin naman sa kanya si Evie ngunit ito naman ang nagpatay malisya ngunit madilim na ang mukha.

"Nakakainggit talaga ka-sexy-han mo Miss Evie, paano mo ba na-achieve yan? Sabi mo mataba ka noon?" saad pa ni Fe na sinusundot-sundot ang tagiliran ni Evie.

"Ah, oo. Tabain nga ako."

"Talaga? Parang hindi naman?" sabat pa ni Kyle na katrabaho niya.

"What's your secret diet to achieve that body?" paguusisa pa ni Fe.

"Ahm, try depression?" tila may pagka-sarcastic sa tono nito na nakakuha ng atensyon ng lahat lalo na ni Silver kaya tila nailang siya. "Ahm, kidding. Naghirap lang talaga ako noon tapos hindi na tumaba ulit dahil sa stress." tila pagpapalusot pa niya na kinatahimik ng lahat saglit ngunit sabay-sabay na humagalpak ng tawa maliban kay Silver.

"Hahaha! Grabe! Oo nga noh? Kung maghihirap ka nga talaga, nako papayat ka Miss Fe!" tila pangaasar pa ni Seb na katrabaho rin nila.

"Sobra ka! Kailangan ko pala talagang gutumin ang sarili ko? Stressed din naman ako ah? Bakit hindi naman ako pumapayat?!" tila pagtatampo pa ni Fe ngunit nagpipigil lamang ito ng tawa.

Natatawa na lamang din si Evie dahil sinasakyan niya ang mga ito ngunit ng magawi ang tingin niya kay Silver ay tila natatahimik pa rin ito.

Kung tutuusin, hindi nagbibiro si Evie sa mga sinagot sa mga ito ngunit ginagawa na lamang niyang katatawanan upang hindi mahalata ng mga ito ang totoo.

"Ay, ayan na pala si director eh." saad pa ni Fe kaya kaagad na napalingon sa likuran niya si Evie.

Kahit nagkakasiyahan pa sila, mabilis nawala ang kaunting ngiti sa labi ni Evie ng makita si Benjamin na naglalakad papalapit sa kanila ngunit kasabay nito ang taong kanina pa niya iniiwasan, si Bradley. Mukhang kasama rin nito ang asawa niya at masayang nakikipagusapan kay Benjamin.

Abot langit ang kabang bumalot kay Evie at naisin man niyang tumakbo palayo ay huli na ang lahat, nakita na rin siya ng mga ito.

Bigla na naman nanlalamig ang mga kamay at paa niya ng mahinto na sina Benjamin sa harapan niya at rinig na rinig na niya ang paguusap ng mga ito.

"Oo naman, Mr. Bradley, ikakamusta kita kay daddy." magiliw pang sagor ni Benjamin na inaakbayan ni Bradley habang nakahawak sa kamay ng asawa.

"Basta kapag mag-expansion ulit ang resort, ikaw na ang kokontakin ko." prenteng saad pa nito sabay tingin kay Evie.

"Ah by the way, this is my team, and my secretary Evie. She's here for the bidding." pagpapakilala pa ni Benjamin sa kanila at si Evie lamang ang hindi bumati rito.

"Ah, yes. Evie. I know her." saad pa nito na tila kinabigla ng lahat. Hindi naman malaman ni Evie kung anong magiging response niya rito dahil labis siyang natatakot at kinakabahan sa kung ano mang sasabihin ni Bradley.

"You -- know her?" taka pang tanong ni Benjamin.

"Yes, she won the bidding, right?"

Tila nabunutan ng tinik si Evie sa sinabi ni Bradley, panay ang tingin sa kanya nitong nakakaloko na tila inaasar pa siya.

"Ah, honey, mag-restroom lang ulit ako? Ayokong maihi na naman sa daan eh." saad pa ng asawa nito bago umalis na.

"Sige, intayin kita rito."

"And this is the S.A Constructions company, owned by Mr. Silver Alessandro, a really good friend of mine." pagpapakilala naman na ni Benjamin sa team nila Silver.

"Ah, Bradley Tanioso, Mr. Alessandro. Nice to meet you." paghaya pa ng kamay nito kay Silver na kaagad rin inabot ng binata.

"Pleasure is mine, Mr. Tanioso."

Tila mas matanda si Bradley ng ilang taon kina Benjamin at Silver kaya labis na lamang nilang ginagalang ito.

"Mr. Tanioso managed the Tanioso Beach and Mountain Resort here in Puerto Princesa."

"You are all welcome to visit our resort anytime." napatuon naman ito kay Evie na tila nagiiwas ng tingin sa kanila. "Surely I know, Evie there knew how beautiful our place is." biglang pasaring nito at turo pa kay Evie kaya ang lahat ng atensyon ay napunta sa dalaga.

Tila nagaakyatan naman ang mga dugo ni Evie sa katawan, kasabay ng pagkalabo-labo ng mga lamang loob niya. Hindi na siya komportable at labis na kinakabahan.

"Talaga Evz? Have you been in -- Tanioso's resort?" tila hindi makapaniwalang paguusisa pa ni Benjamin na nakakapagpakaba lalo kay Evie.

Halos ang lahat ay seryosong nakatingin sa kanya at iniintay ang sagot niya, napapansin naman ni Silver na tila may kakaiba sa mga ngiti at tingin ni Bradley kay Evie dahil parang hindi natutuwa si Evie na makita ito.

Payak na natatawa si Bradley sabay hawi pa ng baba nito habang nakatitig kay Evie. "Hindi pala alam ng mga katrabaho mo, Evie? Hindi mo man lang ba nasabi na --"

"Ako na!"

Tila lakas loob ngunit seryosong pagsabat na ni Evie kay Bradley.

Hinarap ni Evie ang mga katrabaho at si Silver na tila seryoso na rin ang emosyon habang naghihintay ng sasabihin niya. Nilakasan niya ang loob na niya dahil hindi niya gusto ang tinatakot-takot pa siya nito. Hindi na ngayon.

"Three years ago I had a depression that leads in one of my complications of costocondritis. I was been hospitalised several times because -- because it also frustrates me and I almost attempted to suicide." diretsong saad ni Evie na tila kinaawang ng labi ng lahat ng naroon. "At dahil walang may matinong trabaho sa pamilya ko, nabaon kami sa utang kakapaospital sa akin at sa therapy ko na hindi ko na natapos dahil wala na kaming pambayad. Nagagalit sa akin at sinisisi ako lalo ng mga magulang ko kung bakit -- hinayaan kong sirain ang sarili ko ng dahil lang sa isang lalaki." nagbabadyang mangilid ang mga luha ni Evie ngunit napapakuyom kamao siya para mapigilan ito.

"Evz, you don't have to --"

"It's okay, Benj. I want you all to know the truth." pagtugon niya muli kay Bradley ng tingin. "Kahit hindi pa ko fully recovered, nagpumilit akong maghanap ng trabaho at nalaman kong naghahanap ng dining supervisor ang resort na pinagtrabahuan ko na rin noon dito sa Palawan. I grabbed it and I was accepted."

Napagsasalitan naman ng tingin sina Evie at Bradley.

"Noong nalaman ni Mr. Bradley ang tungkol sa utang ko, bukas palad siyang pinautang ako para makabayad at napagkasunduan na unti-unti ko yun babayaran habang nagtatrabaho ako sa kanya." humugot ng malalim na hininga si Evie at masama pa rin ang tingin kay Bradley na tila nagmamalaki pa sa harapan nila.

"Akala ko totoo ang pagtulong niya sa akin noon ngunit nagkamali ako!"

"At bakit? Ikaw ang lumapit at nanghingi ng tulong sa akin?" tila pagmamalaki pa nito.

"Oo nga, pero sinamantala mo yun."

"Sinamantala? Hindi kita pinilit noong una --"

"You raped me, Bradley!"

Hindi na napigilan ni Evie na humalam ang luha sa mga mata niya dahil na rin sa galit na nadarama. Hindi naman makapaniwala ang lahat ng naroon ngunit walang gustong magsalita o gumalaw man lang. Napapakuyom ng kamao si Silver at bahagyang lumalapit kay Evie.

"Raped you? Tss! Yan pa rin ba ang gusto mong palabasin sa lahat? You gave yourself to me kapalit ng pagbibigay ko sayo ng pera para makabayad ka sa utang mo!"

Tuluyang bumuhos ang mga luha ni Evie dahil hindi na niya malaman kung papaano pa dedepensahan ang sarili ngunit mabilis niya pinahiran ang mga ito at kahit pa nananakit na ang lalamunan niya, pilit siyang nagsalita.

"You forced me dahil alam mong nangangailangan ako. Hindi ko magawang magsumbong dahil alam kong mababaligtad lang ako, sino nga ba naman ako para paniwalaan? Kumpara sayong maimpluwensyang tao? Kaya -- pinalagpas ko." muling tumulo ang luha ni Evie ngunit kaagad niyang pinupunasan iyon ng mga kamay niya.

"Who would have really believe in such kind of story?" tila pagyayabang pa ni Bradley.

"Bradley, enough." tila pasuway ni Benjamin rito.

"No, you know what Benjamin? Your father, helped her. At anong kapalit? I think you knew what is it?" pangiinis pa rin nito kaya mas lalong nagkuyom ng mga kamao niya si Evie rito. "Ano? Nahihiya ka na ba ngayon na malaman ng lahat ang gawain mo?"

"Bakit ako mahihiya? Pinalampas ko yung una, pinilit mo ako noong pangalawa, pero nung gusto mong pumangatlo na, hindi ko na masikmura ang pambabababoy mo sa akin! Kaya naglakas loob na akong nagsumbong ngunit ako pa ang makakasuhan dahil sa pagkakautang ko sayo."

"It was really true that Mr. Chairman helped me to get through it all. Nakilala ko siya dahil naging client niya ang resort, at dahil naging subordinate mo ako, nagkaroon ako ng contacts sa kanya. He was so kind and he actually found out thru my subordinates that I was being detained until I could have payed all of my debts to you. "

"He had no doubts to helped me get a lawyer and lend me the money I needed for the settlement. Wala siyang hininging kapalit kung hindi umuwi na lang daw ako sa pamilya ko at maghanap ng mas maayos na trabaho, kaya naisipan kong magtrabaho na lamang sa kompanya niya para makapagbayad naman ako sa pagkakautang ko sa kanya. Pero yung utang na loob, habang buhay ko yun tatanawin kay chairman. -- You have already fired me and never gave my salary that time so it left me nothing but disgrace."

Tila hindi pa rin makagalaw o makahinga man lang ng maayos ang lahat ng naroon dahil sa rebelasyon ni Evie. Panay iling at mapangasar na smirk lang ang ginaganti ni Bradley dahil hindi rin siya makapaniwalang ang ama ni Benjamin ang tumulong pala noon kay Evie para makabayad ng utang nito at makalaya.

"Ikaw? Hindi ka ba nahihiyang malaman ng lahat na matapos mong manamantala ng tao ay may pending case to file against you and temporary restraining order ka?!" bulyaw naman ni Evie rito na sinusubukang hindi magpasindak kay Bradley.

"Hindi ba yun alam ng wife mo? Ano ka ba naman, Bradley? Gusto mo, ako na rin magsabi sa kanya? Gusto ko kasi makita ang reaksyon niya eh. Buntis pa naman noh?" puno ng sarkastimo ang mga salita ni Evie na tila nakapagpainis na rin kay Bradley.

"Mayabang ka na ngayon ah? Porket may kapit ka."

"Wala akong kapit, pero kung susubukan mo ulit hawakan o lapitan ako, kayang-kaya na kitang ipakulong!" mariin niyang saad rito na nagkakasukatan naman sila ng tingin.

Napapailing na lamang si Bradley habang mayabang na napapangisi sa mga sinabi ni Evie, tila napapahiya na siya ngunit ayaw niyang magpahalata.

"And by the way -- I faked my orgasm! Hindi ka naman ganun kalaki at kagaling!" tila pagtataray pa nito at mapangutyang tumingin kay Bradley.

Napaharap siya sa mga katrabahong nakapatulala sa kanya at gayun rin ang team nila Silver. Tila doon na siya nakakaramdam ng hiya at panlalambot kaya napayuko na lang siya at mabilis na naglakad palayo habang pinipigilan ang sarili sa nagbabadyang pagsabog ng emosyon.

"Hmm? Ang kapal naman niyang sabihin yun? Siya na nga itong nangutang, siya pa nagmama --"

Biglang natigilan at nagulat ang lahat ng biglang pinakawalan ni Benjamin ang nanggagalit na suntok na tumama sa mukha ni Bradley kaya napasubsob ito sa sahig.

"Ayy! Nako tama na po, Sir Benjamin!" tila pag-aawat pa ni Fe.

"I said, enough! Never ever talk to her like that, Mr. Bradley." mariing saad ni Benjamin na napapaduro pa kay Bradley at humahangos bilang pagpipigil sa sarili.

Nagulat si Bradley sa ginawa ni Benjamin sa kanya. Napaupo siya sa sahig habang hawak ang pumutok na labi niya.

"Honey! Honey!" ano bang ginagawa mo dyan sa sahig?" tila natataranta at nagmamadaling paglapit naman ng asawa nito sa kanya. "Bakit ka may dugo sa labi?" napatingin pa ito kina Benjamin na tila walang umiimik o tumutulong man lang sa pagalalay sa asawa.

"Wala ito, nakagat ko lang." palusot naman nito ngunit masama ang tingin kay Benjamin.

Umalis na ito kasama ang asawa at naiwan naman silang lahat roon na patong-patong ang emosyon na nadarama. Una ay ang rebelasyon ni Evie, pangalawa ay ang makitang magalit si Benjamin sa unang pagkakataon.

Inayos ni Benjamin ang sarili at napansing tila wala na roon si Silver kaya tinanaw-tanaw pa niya ng paningin ngunit wala na rin ito.

HABANG naglalakad at hanggang sa pumapatakbo na si Evie upang makalayo at mapag-isa, nadala siya ng mga paa niya sa fire exit area ng gusali.

Papaakyat pa lamang sana siya sa hagdan ng hindi na niya mapigilang mailabas ang bugso ng damdamin niya. Unti-unti siyang napapaupo sa baitang ng hagdan at kahit pa nakakapit siya sa railings ay bumagsak pa rin siya sa sahig.

Kumawala ang kanina pa niyang pinipigilan na iyak, nagtangis siya at tila nagdurusa dahil sa lakas ng kanyang pag-iyak at paghikbi.

Sapo-sapo niya ang dibdib dahil nakakaramdam na siya ng mananakit nito kanina pa noong nakita niyang kasama ni Benjamin si Bradley.

Tila parang batang ngumangawa si Evie sa pag-iyak dahil sa sakit ng nangyari. Buong akala niya ay maibabaon na niya sa limot ang sakit na dulot ng nangyaring trahedya sa kanya noon ngunit hindi rin pala. Walang nakakaalam nito kung hindi si chairman, ang ama ni Benjamin. Nangako ito sa kanya na hinding-hindi ito ipagsasabi dahil natuwa ito ng magpasya si Evie na magtrabaho na lamang sa kompanya niya.

Ito rin ang sakit na matagal na niyang kinikimkim kung bakit labis na lamang din ang galit niya sa nangyari sa kanila ni Silver. Tila dito niya nasisisi ang lahat ng nangyaring paghihirap niya sa buhay. Kung hindi dahil rito, hindi sana siya made-depressed at magkakasakit na halos magpakamatay na siya sa sakit ng nadarama. Hindi sana sila mababaon sa utang, hindi sana niya kinakailangang magtrabaho sa malayo at mangutang, hindi sana siya napagsamantalahan at naipakulong pa.

Hindi niya sana dadanasin ang lahat ng ito kung hindi siguro siya binalewala, pinabayaan at iniwan ni Silver. Kaya gayun na lamang din ang naging galit niya rito at labis na pag-iwas noong nagpangita na sila nito sa unang pagkakataon.

Buong akala niya nakapagpatawad na siya, buong akala niya naghilom na siya, buong akala niya matatanggap na muli niya ang panibagong buhay kasama ito, ngunit dahil sa kaganapan na namang ito, muling nanariwa at bumabalik ang sakit ng kahapon.

Labis siyang nasasaktan na naman at naaawa sa sarili sa mga sinapit niyang paghihirap bago pa man siya nakabangon muli. Marami siyang sinakripisyo at tinarabahong mabuti para malagpasan ang mga ito. Tila hindi na niya kakayanin pa o hahayaang bumalik siya sa putik na kinasadlakan niya noon ng dahil lamang sa nagmahal siya ng totoo.

Kahit anong pigil niya ng mga pag-iyak at hikbi niya ay tila hindi pa rin siya natitigil, napapatakip siya sa bibig niya upang hindi makapagpakawala ng ingay kung nasaan man siya ngayon.

Hindi niya akalain na masisiwalat niya ang katotohanan sa harap pa mismo ng mga taong malalapit at nakapaligid sa kanya. Hindi niya alam kung pandidirian o kakaawaan siya ng mga ito. Lalo na siguro ni Silver na hindi niya alam kung ano na lang ang iisipin sa kanya.

"Mommy?"

Halos malunok niya ang luha at sipon niya dahil sa gulat ng marinig ang nagsalita mula sa pintong pinanggalingan. Hindi niya ito nilingon, ngunit sinusubukan niyang ayusin ang sarili.

Napansin niyang papalapit na ito sa kanya ngunit tila inaabangan niya kung mas lalapit ba ito at hahawakan siya ngunit hindi.

"Why -- why are you here?" she asked between her sobbing.

Napapabuntong hininga naman si Silver habang nakatingin kay Evie na alam niyang umiiyak na naman. Gusto niyang damayan ito ngunit hindi niya malaman kung ano ang pumipigil sa kanya. Labis siyang nabigla sa mga nalaman niya tungkol rito, hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang pinagdaanan ni Evie.

Noong una ay akala niya galit lang ito dahil pinabayaan niya at iniwan niya noon, yun pala ay may malalim itong dahilan kung bakit gayun na lang ang galit nito sa kanya.

Nauunawaan ni Silver na siya ang naging dahilan kung bakit nagkaganoon si Evie. Gusto niyang magalit sa taong gumawa nun kay Evie ngunit mas nagagalit siya sa sarili niya dahil kung hindi siguro sila nagkahiwalay noon, hindi ito pagdadaanan ni Evie.

Labis din siyang nagdusa noong nagkahiwalay sila, napabayaan niya rin ang sarili, at gayun din ang nangyari kay Evie. Ngunit tila kalabisan ang pinagdaanan nitong pagaabuso at pananamantala sa kanya. Hindi akalain ni Silver na dadanasin yun ni Evie, hindi niya rin matanggap kung bakit ni hindi man lang nito nabanggit sa kanya ang bagay na iyon.

"Mommy.."

"Leave me alone, please." baritonong sagot naman ni Evie na hindi man lang nililingon si Silver.

"Bakit? Bakit hindi mo -- sinabi sa akin?" labis siyang nanghihina dahil kahit gustuhin niyang magalit, mas nananaig ang pagkagusto niyang madamayan ito.

Huminga ng malalim si Evie bago tumayo para maharap si Silver. Nagkatama ang kanilang mga mata, nababasa ni Silver ang galit at sakit sa mga mata ni Evie na hindi niya alam kung papaano maiibsan.

"Bakit? Ikaw ba sinabi mo yung tungkol sa nabuntis mo noon?!" tila pagmamatigas nito.

Hindi nakasagot kaagad si Silver ngunit humuhugot pa siya ng lakas upang makapangatwiran.

"It's -- it's different. You have been --"

"Raped? Detained? Humiliated?"

"Abused."

Payak siyang napabuga ng hangin at punas ng luhang kumakawala pa rin sa mga mata niya.

"Sana -- sana kasi hindi ka nawala. Hindi naman talaga kita iniwan eh, hinanap kita kaagad pero --"

*Pak!

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Evie dahil sa galit niya rito. Tila nagbabalik ang lahat ng sakit na dinulot ni Silver sa kanya mula pa noong naging sila hanggang sa magkahiwalay sila.

Napapatangis bangang si Evie sa panggagalaiti, napapakuyom pa siya ng kamao niya sa pagpipigil sa sarili. Humahangos siya ngunit pilit na hinahabol ang hangin sa paghinga.

"After all what you did to me? Kung ang dam nga napupuno, tao pa kaya?"

Napapasapo ni Silver ang pisnging nasampal ni Evie ngunit hindi na lang niya iyon ininda, tila nalulungkot siya dahil magi-guilty siya sa nangyayari. And he deserve that slap, maybe more than that.

"Siguro nga hindi mo kasalanan kung bakit nagkaganoon ako. Why I made myself worse and pathetic just because of someone I loved took me for granted, because he left me hanging. Hindi mo naman ako inutusang magluksa dahil sa nangyari di ba? Kagustuhan ko yun! Ginusto ko maging kaawa-awa kaya ayan! Buong pamilya ko ang nag-suffer dahil sa pagpapakatanga ko sayo!" puno ng sarkastimo ang bawat salita niya habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi.

"Siguro nga nasisisi lang kita sa katangahan at paghihirap na pinagdaanan ko noon, dahil -- hindi mo naman ako inutusang ma-depressed at magpakamatay dahil lang sa pinabayaan at iniwan mo ko di ba?"

"It's not like that! I know it's my fault, and I regret each day that I let you go. I also suffered! I just -- I just never thought we've gone this far."

She sarcastically smirk.

"Yeah, we've gone this far. Akala ko rin talaga naghilom na ko. Akala ko tapos na yung sakit at paghihirap na naranasan ko. Akala ko --" napapahugot siya ng malalim na hininga dahil hindi pa rin niya mapigilang maiyak. "Buong akala ko! Mababaon ko na sa limot ang lahat para lang makapagpatawad. Pero Silver -- hindi eh. Nandito pa lahat! Nandito pa at nananariwa na naman!" pagtukoy pa niya sa kanyang dibdib habang bumubugso na naman ang kanyang emosyon.

"Gustong-gusto kitang patawarin! Gustong-gusto kitang tanggapin muli. Pero bakit -- bakit pati yung sakit kasama ring nagbabalik?!"

"Mommy.. Please.." tila pagsusumamo ni Silver at nangingilid na rin ang mga luha sa mata niya na nagbabadya niyang kumawala. "Let's start again." tinangka niyang yapusin si Evie ngunit pumalag ito at itinulak siya kaya hindi niya napigilang maiyak dahil sa sakit na nadama.

"Start again? You started again with lies! Akala ko magiging okay na rin ang lahat hanggang sa ikaw na naman ang naglihim sa akin! Hindi ko akalain na -- na makakagawa ka ng bagay na baka hindi ko matanggap tapos ngayon -- ni hindi ko na naman matanggap ang nangyari sa akin na yun, ikaw pa kaya?!"

Parehong bumubuhos ang mga luha na nila sa dahil sa nangyayari.

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 46

    PAREHONG TUMATANGIS at patuloy ang pagdaloy ng mga luha nila Evie at Silver dahil pareho silang nasasaktan sa mga nalaman at nangyayari sa kanila.Humihinga ng malalim si Evie upang ma-condemn ang sarili."Hindi ko aasahang matatanggap mo ang nangyari sa akin, dahil kahit ako -- hindi ko yun matanggap sa sarili ko. Nandidiri ako sa sarili ko!" pagbuhos muli ng mga luha ni Evie.Napahinga ng malalim si Silver na tila napasinghot, natatagis bangang siya at napapakuyom ng kamao."I'll destroy that bullshit!" paggiit pa niya rito."You don't have to do that for me. Dahil kahit ako, hindi ko rin matanggap na inilihim mo sa akin ang tungkol sa pagkakaroon mo ng anak. Kahit pa hindi yun kumpirmado." paggiit rin ni Evie rito.Sinubukan ni Silver na haplusin ang pisngi ni Evie para pahiran ang mga kumakawalang luha rito ngunit hinawi iyon ni Evie."Please, let's just -- let's just fix this. Together again. I can't lose you again, mommy." tila

    Last Updated : 2021-08-10
  • As You Needed   Chapter 47

    NAPAPAHINGA NG MALALIM at panay singhap naman si Evie sa tanong pa rin ni Benjamin."You know what, never mind. I'm sorry if I --""It's okay. Actually, wala naman sigurong masama kung -- kung malaman mo di ba? You're my friend after all. And -- his as well.""Before you saying anything, I just wanted you to know that -- I'm talking to you right now as your friend too."Napangiting matipid na lamang din si Evie sa boss."We -- we haven't talk since that day." tila napaningkit ni Benjamin ang mata rito na halatang nagtataka."I understand na bumalik ang galit mo sa kanya.""It's not like that." napatingin naman si Benjamin sa kanya at napabuntong hininga siya. "Noong magkarelasyon pa kami ni Silver, mayroong -- mayroong nag-claim sa kanya na -- nabuntis niya raw." tila nagalangan pa si Evie na sabihin ito dahil nahihiya rin siya at ayaw niyang mahusgahan din ito ni Benjamin. Nahalata niya ang pagkagulat ng binata."What? Serious

    Last Updated : 2021-08-11
  • As You Needed   Chapter 48

    "GIMME THAT --" pagtayo at tangkang hablot ni Evie ng note mula sa kamay ni Silver ngunit mabilis itong nailayo sa kanya ng binata. "Akin na sabi eh!" sinubukan niya ulit hablutin ngunit itinaas na ni Silver ang kamay dahilan para mas hindi maabot ni Evie ito kahit pa nagtatalon na ito para makuha iyon."Sunshine pala ah? Si Sunshine ka na ba?" tila sarcastic pang saad ni Silver na nakataas pa ring mabuti ang kaliwang kamay habang hawak ang note."He's just being sweet. Nothing more." paliwanag naman ni Evie na napatigil na sa pagabot ng note kay Silver."Yun na nga eh! Bakit kailangan niyang maging sweet sayo?""Because he's my friend, and my boss too. Concern lang siya dahil siguro -- sa pinagdadaanan ko?""He's my friend too but I haven't received any of that yet." naibaba na ni Silver ang kamay at saktong may lumabas mula sa opisina ni Benjamin.Sabay pa silang napatingin roon at lumabas nga si Benjamin kasabay ang ilang board members. M

    Last Updated : 2021-08-12
  • As You Needed   Chapter 49

    ILANG SANDALI PA ay bumukas na ang pintuan kaya halos mataranta si Evie sa pagbalik ng hawak na picture frame sa pinagkuhanan nito at humarap sa may pintuan.Nang magkasalubong sila ni Silver ng tingin, may kung anong malakas na kabog siyang naramdaman na nakapagpatuod bigla sa kanya."Hey?" bati nito sa kanya."He -- hey!" pa-cool naman niyang sagot kaagad. Naglakad siya papalapit rito habang sinasara nito ang pinto. "Ahm. Here!" mabilis niyang paglapit at abot kay Silver ng folder na dala. "Pinabibigay ni Fe."Napatingin pa muna si Silver sa kanya bago ibinaba ang tingin sa folder na inaabot ni Evie sa kanya."Sit down." prenteng sagot nito pagkakuha ng folder."Ah, no need. Aalis na rin ako, babalik pa kong office --""Sit. Down." mariing saad na nito habang seryosong nakatingin kay Evie kaya wala na itong nagawa kung hindi sundin siya.Naupo nga si Evie sa visitor's chair sa tapat ng mesa ni Silver at naupo naman na si Silv

    Last Updated : 2021-08-13
  • As You Needed   Chapter 50

    NAUNA NG UMALIS ng presinto sina Evie at Silver. Nakasakay na siya ngayon kay Silver at hindi niya alam kung saan ba siya dadalahin nito dahil natutulala na lamang siya dahil sa nangyari."Ayos ka lang ba talaga mommy? Walang masakit sayo?" pagsulyap pa ni Silver rito habang nagmamaneho."Ayos lang ako. Na -- nawiwindang lang siguro. Ngayon lang din kasi ako naaksidente eh.""Thank God nothing happens to you seriously. Pero sobra akong kinabahan kanina nung nakita kong bigla kang nabangga. Sabi naman kasi sayo, sa akin ka na sumakay kanina.""As if namang gusto kong mabangga di ba? Kinabahan rin naman ako." sarcastic pa nitong tugon at napahilot muli ng ulo.Hindi na lamang sila muling umimik hanggang sa napansin ni Evie na nasa ospital na sila."Bakit tayo nandito? Okay lang naman ako eh.""Gusto ko lang makampanteng ayos ka lang talaga."Hindi naman na umangal pa si Evie dahil pakiramdam niya ay wala na siyang lakas para maki

    Last Updated : 2021-08-14
  • As You Needed   Chapter 51

    NANG MAKAPAGKWENTUHAN sila patungkol sa insidente at kung papaano na ang settlement, nagpasya na rin si Benjamin na magpaalam. Ngunit tila ayaw niyang umalis dahil naroon pa rin si Silver, kaya nakaisip siya ng paraan upang maisama ito sa pagalis nila sa bahay ni Evie."Com'on! Just a few drinks! I know you've been so tired, and so am I!" pilit nitong pagaaya kay Silver.Tumanggi na si Silver, pero pinipilit pa rin siya ni Benjamin. At gusto sanang umawat ni Evie dahil alam niyang bawal uminom si Silver ng marami, perp hindi na lamang siya umimik. Dahil naisip niya rin na ito lang ang paraan para mapaalis ito ng apartment niya.Kaya kinuha na ni Evie ang mga damit ni Silver at inabot ito sa binata."Go on! Have some drinks, you boys! I need to rest too." payak niyang pagngiti na tila pinalalayas na niya ang mga ito. Masyadong awkward para sa kanya ang magkakasama sila lalo sa bahay niya.Masama man ang loob, bagsak balikat na lamang kinuha rin ni S

    Last Updated : 2021-08-15
  • As You Needed   Chapter 53

    KUNG KANINA AY halos walang buhay at gana si Evie, ngayon puno siya ng sigla at tuwa dahil sa mga supresang ginawa ni Silver para sa kanya.Nagkwentuhan lang din sila ng tungkol sa ginawa nila sa trabaho sa mga nagdaang araw. Nakwento at ipinakita rin ni Evie kay Silver ang binigay at ginawang surpresa rin ni Benjamin sa kanya."Tss.. Mas maganda yung akin noh!" halata mang na-intimidate ito pero dinadaan na lamang sa biro."Woo! Siguro may nakapagchismis lang sayo ng ginawa sa akin ni Benjamin kaya gumaya ka!""Oy hindi ah? Nag-half day nga ako sa trabaho para lang mahanda lahat ng toh. Nag-extra pay pa ko kay Matt para lang tulungan ako.""Buti pumayag? Wala siyang date?""Mayroon. Ayaw ba niya ng additional pang date?"Natatawa na lamang si Evie rito at napapailing. Aminado siyang hindi niya maalis ang mga ngiti.Mas lalo niyang naa-appreciate ang kagwapuhan ni Silver sa suot nitong suit and tie, brushed up hair at clean tri

    Last Updated : 2021-08-16
  • As You Needed   Chapter 52

    PAGKALABAS NG KWARTO niya si Evie, sinalubong naman kaagad siya ni Steve na sabik sa kanya. "Good morning, baby." paghimas niya pa sa leeg at katawan ng aso. Arf! Biglang tumahol si Steve at nanakbo patungo sa may pintuan. Arf! Laking taka ni Evie kung bakit tumatahol roon si Steve kaya sinundan niya ito roon. *Tok! Tok! Mas lalo niya kinabigla nang makarinig ng katok sa pintuan. "Aba? Sino naman kaya --" napatingin siya sa malaking wall clock. "Alas nuwebe pa lang eh." Kaagad na rin binuksan ni Evie ang pintuan niya at biglang nabuhay ang mga dugo niya dahil sa hindi inaasahan na bisita. Nanlalaki at napaawang na lang siya ng mga labi habang nakatitig kung sino ang nasa harapan niya. "Good morning!" magiliw na bati nito. Halos hindi na naman makita ang mga chinitong mata nito dahil sa lapad ng ngiti kay Evie. "Be -- Benj.." sabay na gulat at kaba ang nadarama n

    Last Updated : 2021-08-17

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status