Home / Werewolf / Alpha King Checkmate (TAGALOG) / Moon Phase 1 No withdrawal.

Share

Alpha King Checkmate (TAGALOG)
Alpha King Checkmate (TAGALOG)
Author: Death Wish

Moon Phase 1 No withdrawal.

(EL POV)

Pagaspas ng mga dahon, kasabay ng hingal na paghinga ko.

Napa-ismid ako ng makita ko si Uncle Rankin, kulang na lang maiturok sa akin ang napakatalim niyang mga mata.

Sinugod ako nito ng harapan.

Sa huli muli na naman sana akong mapapatay ni Uncle Rankin kung di siya tumigil.

Nagtawanan kaming dalawa.

Unti-unting bumalik sa pagiging tao ang tiyuhin ko. Hangang sa pareho na kami nakahiga sa damuhan.

Uulan, dahil padilim ang kalangitan. Hindi dahil gagabi, kundi ang amoy sa paligid. Pinagsisigawan ang pagdating ng ulan. Malamig din ang simoy ng hangin.

“Kaya mo nang kontrolin ang emotion mo, EL.”

Natawa ako sa sinabi niya.

Ang gusto ko marinig, makokontrol ko na ang pagiging taong lobo. Ngunit di pa oras para makita ang anyo ko bilang lobo.

“Bakit kasi kailangan pa natin gawin to?” medyo naiirita ko ngang tanong sa tiyuhin ko. 

Ngunit tawa ang itinugon niya sa akin.

“Ilang beses ko na ba narinig ang tanong na yan sayo?”

Habang inaayos na nga niya ang nayuping damit na nagkasira-sira.

Napabuntong hininga ako.

Alam ko ang dahilan. Dahilan kung bakit hindi matangap-tangap ng mga tao, ang mga uri namin bilang isang taong lobo.

“Di maaring sila ang mag-adjust para sa atin EL.”

Medyo natawa ito at ang tinutukoy niya ang mga tao.

Inabot niya sa akin ang kamay.

Siyang inabot ko upang itayo ako ni Uncle Rankin.

Itinayo ako.

Parating may mga ngiti ang labi ni Uncle Rankin. Siya lang naman ang pinaka paborito kong tiyuhin. Siya itong nagtuturo sa akin ng mga bagay na kailangan ko maintindihan sa mundong ito. Bilang lobo at tao.

Prinsipyo namin, mamuhay ng payapa kahit na kinakamuhian kami ng tao.

“Wala silang kakayanan para gawin na intindihin tayo.” tapik niya sa balikat ko.

“Saka El, alam mo ang susunod nating gagawin.”

He winked at me.

Napapikit ako.

Tss. Heto na naman, ang edukasyon ng mga tao.

Business Management…

“Let’s meet in your study room sharp 4PM.”

Napatango na lamang ako.

Tumalikod na siya ng tuluyan.

Nagsidatingan ang mga utusan. 

Habang ang mga tauhan ng aking ama, nakapaligid lamang sa amin kanina ni Uncle Rankin.

“Young master EL, mamaya lang kakain na kayo ng hapunan.”

Alam ko ang ibig sabihin ng sinabi ni Butler Guan sa akin. Kailangan ko magpalit ng damit.

Ngumiti ako sa kanya.

Inabot na nila sa akin ang twalya.

Napapunas at tuluyan na akong pumasok sa pamamahay.

Habang nagbibihis ako, naririnig ko sa isang silid ang sigawan ng Grand Alpha (ang aking ama) at ang taong asawa nito. Hindi na siya ang nanay ko. Pangalawang asawa ng Grand Alpha.

Namatay na ang aking ina matapos nga mawalan ng control dahil sa kagagawan ng isang tao.

TAO. Marami silang kailangan pagbayaran sa amin. Ngunit parang kami pa itong mayroong atraso sa kanila. Dahil sa pinapakitang pagtrato at pakikitungo nila sa ilan naming kalahi.

Hindi ko naman inuubos ang lahat ng mga tao.  

“Well done Young Master EL.”

Bahagyan silang napayuko.

Hinayaan ako na titigan ang sarili ko sa salamin.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Ang nakikita ko sa salamin, ang mga mata ng aking ina. Paulit-ulit na naalala ko ang sinabi niya sa akin, isang araw na umuulan ng yebe.

“Fear and love do not walk together.”

As she cuddles me at the front of the fireplace.

Yeah mother, I will always treasure those words from you.

Nang lumabas ako, napangisi na lamang ako. Dahil biglang lumakas ang patak ng ulan. Ngunit hindi alintana ito para di matuloy ang nais ng aking ama na makaharap ko siya sa mesa.

Sa labas, nakita kong naroroon na ang Grand Alpha. Hinihintay ako maki-salo sa kanila.

Sinalubong ako ng mga tauhan niya ng mga malalaking kulay itim na payong.

Inalalayan ako na di mabasa.

Agad akong pinaghila ng mauupuan.

Tahimik na nakatayo sa paligid ang mga tauhan ng Grand Alpha. Habang halata sa asawa niyang ‘tao’ na di nagugustuhan ang nangyayari sa kanila.

Tonette ang pangalan nito. Nagsisimula pa lang silang dalawa. Pero sa tingin ko nagsasawa na si Tonette sa nangyayari sa kanya.

Nasasakal.

Napangisi ako.

Binibigay naman ang lahat sa kanya. Kaya lang nakakasakal kung di ka naman masaya at di mo kontrol ang nangyayari sa paligid

Kung baga, ito ang pag-ibig niya sa Grand Alpha na mali lahat ng inakala ni Tonette.

Kala niya makokontrol niya ang Grand Alpha dahil lang sa pagmamahal.

Napa-iling ako.

Hinding-hindi, Tonette.

Iba ang pagmamahal kesa sa pamamahala ng pamilyang to.

Sa narinig ko, hinihingi ni Tonette kanina sa Grand Alpha na pakawalan siya.

Napailing na lamang ako.

Hindi maari Tonette.  Dahil, ang mga uri namin, kapag itinuring namin na sa amin ang isang bagay, walang sino man ang makakuha o maaring bumawi noon.

No withdrawal.

Yumuko ako ng bahagyang sa kanila bilang pagbigay galang.

Until meron akong narinig… Mabilis.

Isang sibat na tatama sana kay Tonette. Natigilan ko ito sa pamagitan ng aking kamay.

Sa gulat, agad na napatayo si Tonette.

Ang mga tauhan ng Grand Alpha nagsiharang sa amin.

“Ito na ang sinasabi ko sayo Tyros! Mamatay ako kahit hindi ikaw ang guma—.”

Naputol ang sasabihin ni Tonette ng wala nga ata akong respeto para sumabat.

“Dad it’s the twin. They hate her.”

Diretso ko na ding sinabi kung ano ba ang dahilan ng may atraso sa kanya. Mga batang may gustong sabihin, ngunit hindi nila magawa. 

Saka ko inilapag sa mesa ang sibat.

“Let’s eat Auntie Tonette. Nothing to worry.”

Siyang ikinaupo ko na nga.

Nakatitig lamang sa akin ng ilang segundo si Tonette. Hangang sa nakuha na nga niyang ma-upo.

Nawawala ang ingay ni Tonette sa tuwing ako na itong nagsasalita. Dahil mas pinipili ng Grand Alpha na itikom ang bibig at di patulan ang isip-bata niyang asawa na ipinalit sa aking ina.

Well, napipikon na din naman kasi ako and she was aware.

Pinagbantaan ko na siya bilang magiging stepmom ko. Ngunit hindi siya nakinig. At kahit nakaabot nga sa Grand Alpha ang mga pagbabanta ko kay Tonette, hindi man lang umimik ito. Dahil, lahat ng sinabi ko totoo.

“You are safe with the Grand Alpha Auntie, trust me.”

Dahil alam ng aking ama na mamatay si Tonette o may masamang mangyayari sa kanya, kapag tuluyan niyang pinakawalan ito.

Ito ang makukuha ng mga taong gahaman sa kapangyarihan.

Pagkasakal.

@DeathWish

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status