(Athena POV)
“EL! Tumigil ka!”
Kasi nagsisimula nang magsitayo ang aking mga balahibo. Parang may maling mangyayari sa akin dito!
Ano to?! Ayokong maging green minded pero…
“El!”
Saka nga nakuha niya ang unan at di ko alam kung saan nito pinalipad.
Naramdaman ko na lang hinila niya ang kamay ko.
At ang labi nito… sa aking leeg na parang sinisipsip ang pawis ko.
Yun naman talaga ang malalasahan niya.
PAWIS KO! Tuyong pawis!
“EL!”
Isinandal ako nito.
Naramdaman ko nga ang bigat niya sa aking ibabaw.
OY! WALANG GANTUHAN!
“ELLLLLLLLLL!”
Pwersahan ko nga siyang naitulak. Pero wala talaga, mapilit ang labi niya sa ginagawa nito sa aking leeg.
Hangang sa bumukas ang pinto, at pumasok ang liwanag na nagmumula sa labas.
Spot na spot yung area namin.<
(EL POV)Makalipas ang ilang minuto. Na-itiklop ko ang libro. I know tulog na siya.Napalingon ako sa kanya. Tulog na nga at matiwasay ang mukha nito.Napabangon ako sa kinakaupuan ko. Inayos ang kumot nito bago lumabas.Sa pagbukas ko ng pinto, agad nagsiyukuan ang mga tauhan. Napatitig ako kay Mei at sa kasama nitong tatlong doctor. Isinandal ko ang likuran ko sa pinto. Pinapaliguan sila ng titig.“Mei, yung mga doctor bang nakipagsabwatan kay Diana, natangap na ba nila ang kanilang parusa?”“Master EL, the Grand Alpha men did execute it already.”Kaya lalong yumuko ang tatlong doctor.Sa ngayon ang gusto ko lang wala nang magtatangka ng buhay ni Athena. Yun ang gusto kong itatak sa nariritong mga doktor.“If ever may mangyaring masama kay Athena, hindi lang kayo ang mawawalan ng buhay sa mundong ito. Kundi kasama ang
(Diana POV)“Don’t tell me you’re in love with a werewolf?”Natawa ako sa kanya.Bakit hindi ba kami pareho sa situation nato?Kaya napalingon ako kay Kuya bartender.“Kuya, diba sinabi mo, karamihan ng pumupunta dito, mga sawing bampira sa pag-ibig nila sa mga taong lobo?”Napatango ito. Kaya natawa ako kay Luna.“Tss. Wag mo nang itangi. May nanalo na nga sa puso ni EL. Kaya nararapat lang sa atin magluksa sa nangyari.”Ngunit nagulat ako ng humalakhak si Luna. Parang nagkamali ako sa sinabi ko.Tumaas ang isa kong kilay. Mas malala ata ang pagkabasag ng puso niya sa akin. Kasi ang kaso niya, malapit na sana siya sa finish line naging bula pa ang lahat.Na-arrange na silang dalawa ni El.Pinakilala na rin ng Grand Alpha, ngunit sa huli bigo din.Ah! Napaasa sa wala.
(Athena POV)Tumayo ako at lumapit sa bintana. Binuksan ito.Sinalubong ako ng malamig na hangin. Ang lakas ng hamog. Malamig.Lumingon ako kay EL, patalikod na sana sa ako.“EL. Labas tayo.”Lumingon si El, hawak yung tray.“Kumain ka muna ng agahan before simulan ang kabaliwan mo, Athena.”“Nope. Alam mo bang mas makakabuti mag-jogging muna bago kumain? Kaya tara na. Minsan lang ako mangyaya. Saka sayang naman ng garden nitong Blue Mansion. Sarap tumakbo. Dali na EL!”Napatitig si EL sa kanyang relo.“I have no time with that Athena. May maagang pagpupulong na isasagawa ngayong umaga. Then, you need to stay indoors or else…”“Ayan na naman ang hari ng blackmail. Basta lalabas ako EL. Walang makakapigil sa akin. Tandaan mo yan. Asaan si Mei?”Napabu
(Athena POV)“Mas baliw pala sila sa akin EL. Kaya ngayon din, practice ka na.” Napatitig siya at ngumiti.“Kamukha mo siya. Kamukhang-kamukha.”Wala akong ideya sa pinagsasabi ni EL.Gutom din ata at marami ding imahinasyon ang pumapasok sa isipan.“Gutom lang yan, El. Tara, ipagpatuloy na natin ang paglalakad.”Muli itong napabuntong hininga.“Athena, tao ka lang. Hindi ako madaling mapagod. Habang ikaw, nilalagnat ka pa lang kagabi.”“Wala na oh.” Sinat ko sa aking noo.“Effective itong paglalakad-lakad sa labas. Ibang klase talaga ang mother nature mag-alaga. Haha. Tara na.”Ikinatalikod ko na lamang kay El.Tumayo si El at sumunod sa akin.“May importante akong gagawin ngayon pero ipinagsisiksikan mo ang bagay na ito sa akin Athena.”
(Athena POV)“Hey! Where are we going?”Tanong nito ulit ng hinila ko siya sa isang iskinita. Di makakapasok ang sasakyan dahil di magkakasya.“Walang masamang mangyayari sayo dito. Tahimik.”Dahil nahahalata ko napapatitig rin sa amin ang nadadaanan namin. “Yuko mo din ang ulo mo. Wag yung tipong para kang hari na taas noo kahit kanino.”Pagdating namin sa maliit na restaurant. Amoy ko kaagad ang sarap ng hinahain nila. Kumulam ang tiyan na ikinangiti ko lang.Andito na tayo my dear tummy. No need nang magreklamo.Pagpasok namin nagdalawang isip si EL, kaya hinila ko.“Magandang umaga Nay Ising!”Matapos ko ngang iwanan sa isang mesa si EL. Diretso ako sa may counter. Umangat ang paningin ng matandang babae sa akin at sinadya kong salubungin ito ng ngiti.“Athena?!&rdq
(Athena POV)Natagpuan ang mga sarili namin sa isang palaruan. Napakaraming bata ang naglalaro.Ngunit itong bumuhat sa akin, hindi man lang siya hiningal at pinagpawisan. Isa talaga siyang halimaw.Tinapik ko ang likuran nito, nagbabakasakaling may pawis.WALA.“Ayan. Tinulungan na kitang takasan ang mga tauhan ko.”Napangiti ako.“Tutulungan mo rin ba ako takasan ka?”Siya na itong ngumiti pabalik sa akin.“Aba naman. Syempre hindi. Anong plano mo? Tuluyan akong tumakas sa gagawin ko ngayon araw? Nasisigurado kong mainit na ang ulo ni Lucah sa pinag-gagawa mo Athena. Pati ako ini-impluwensyahan mo. Such a bad influence.”“Sus. Kitang-kita na nagvolunteer ka kanina. Kaya wag ako El.”Inayos ko ang nayuping damit ko.Nang nahaligilap ng aking mata ang isang kuting. Medyo may kapaya
(Athena POV)Dinukot niya sa loob ng bulsa yung wallet nito. Manipis lang. Tipong ganoon ang gusto ng mga lalaki. Kaya hindi talaga magkakasya ang cash sa wallet niya.Hindi ako makapagsalita. Napatitig ako sa mukha nito. Siya na talaga ang rich kid.Di nakakapagtaka na naka Diamond VIP Card si El.Sana lahat meron nito.Infairness ngayon lang ako nakahawak ng gantong klaseng Card sa boung buhay ko.“Alam mo ba EL, makakabili ata ako ng maraming sasakyan sa pamagitan nito. Wala itong limit diba?”Tumango siya.See?“Anong naisipan mo at ganito ang dinadala mo?”Tinataas-taas ko pa.Grabeh, lahat ng bagay ata mabibili nito. Except yung mga nagtitinda na ang tinatangap cash lang. Haist. Hindi lahat ng negosyante mayaman.“Pagkatapos mo ako hilain dito Athena, yan ang itatanong mo sa akin?”Ngumiti na lang a
(Athena POV)Nagsimula nga kaming mamili.Di ko inaasahan, magaling siya kumuha ng mga magagandang quality ng mga produkto. Yung totoo siya ba ang namamalengke para sa kusina niya?Saka talaga bang anak siya ng Grand Alpha?“Para saan ‘to Athena? Ang dami nito ah?”“Sabi ko sayo maraming mararating ang perang kinuha ko sayo.”“I don’t have an idea kung para talaga saan to, but sure you can have that card since nga alam kong dinampot lang kita at ni isang gamit wala kang naidala. Yeah, you can have that card.”“Seryoso?!”Lumaki ang mga mata ko.Muli kong kinuha yung card ngunit natigilan ako. Kasi, baka sa huli kapag pinakita ko, ako pa ang makidnap.“Okey. Thanks!”Napailing-iling sa akin si El. Hindi makapaniwalang ganito nga niya ako napapasaya.