Home / Werewolf / Alpha King Checkmate (TAGALOG) / Moon Phase 2 Goodluck then.

Share

Moon Phase 2 Goodluck then.

(EL POV)

Ito ang makukuha ng mga taong gahaman sa kapangyarihan.

Pagkasakal.

Narito si Tonette sa piling ng aking ama dahil sa kayamanan at kakayanan. Minaliit ata ni Tonette ang Grand Alpha.

Medyo nakakatawa ang pagkatao ng babaeng to. Dahil pumatol siya sa mga mapera at may kapangyarihan na magmanipula ng lipunan. Habol niya, di pagmamahal ng aking ama kundi pera at kayamanan.

Kaya natatawa ako sa kanya.

Kita namang nagsisi ang Grand Alpha na patulan siya.

Nagsikilos ang mga utusan na ipaghanda ako ng makakain.

Maya-maya, sinalubong ko ng ngiti ang dalawang anak ni Uncle Rankin. Kinakaladkad papunta sa amin.

Si Seven at Steve. Sinusubukan nilang makawala sa tauhan ng aking ama, but they can’t.

Bata eh. Saka nasa likuran lang nila ang kanilang ama.

Napatango sa akin si Uncle Rankin. Mga mata niya na di nagustuhan ang ginawa ng kanyang mga anak.

“She’s a wo—.”

Bago pa man sila makapagsalita, titig ko na ang sumalubong. Saka ngumiti ako, bilang isang kaibigan na iniisip lang ang kaligtasan nila.

Ang gusto nilang iprotesta…

“She is a whore and bitch.”

But I stop them, by using my telepathy. At ngumiti ako sa kanila.

Be nice. Since human are not nice to us, but they are weak.

Kasabihan na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Pikon ang manakit.

Napakindat sa kanila.

Bago pa man makaharap ng Grand Alpha ang dalawang bata, yumuko na si Uncle Rankin para sa kanila. Humingi ng despensa sa inasal na naman ng kanyang mga anak.

“Next time brother, I won’t bring them.”

Parang tuta na nagtago sa akin ang dalawa. Umiling ako sa kanila. Ngunit di maalis ang ngiti ko sa kanila.

Wag masyadong kumulo ang dugo sa mga tao. Kahit halata naman ang layunin nila sa atin.

“Seven and Steve, we need to go.”

Wala nang nagawa ang dalawang bata kundi sumunod kay Uncle Rankin.

Tahimik ang aking ama at pinapalagpas ang kaartehan ni Tonette. Pero sa tingin ko, nagpipigil lamang ang Grand Alpha kay Tonette.

Somehow, the Grand Alpha stills stands his promise to love and respect her.  

“Ayusin mo ang pamilya mo Tyros!” Inis niyang bulyaw saka tumalikod at umalis.

Gusto kong tumawa, kaya lang pinigilan ko dahil napakalaki ng respeto ko sa aking ama.

Natatawa ako, kasi akala ni Tonette madadala niya ng ganito ang Grand Alpha. Ngunit kung ano man ang nangyayari sa pagitan nila, at di rin naman bulag ang aking ama. Problema na nila yun.

Naiwan kami ng Grand Alpha.

Nagkatitigan…

Di namin kasalo ngayon ang ilan kong kapatid dahil mas malala ang mga ugali noon kesa sa akin.

“You need to come with me tomorrow, EL.”

He is referring about our family business.

Ngumisi ako sa kanya.

“Do I have a choice, Dad?”

Napainom ako ng alak.

I am his official heir na kailangan maraming malaman at kilalanin ang mundong ito.  

Tahimik kaming kumain ng Grand Alpha. Sinasamyo ang katahimikan ng paligid. Habang mahinang pumapatak ang butil ng ulan.

Medyo nga nasasarapan na sa pagka-upo. Hangang sa lumapit sa akin si Butler Guan. Mahinang sinabi ang susunod kong gagawin.

Kaya naman tumayo na ako. Nagpaalam sa Grand Alpha.

Iniyuko ko lang ang aking ulo dito. Alam kong mayroon itong hinihintay na bisita.

Naghihintay si Uncle Rankin sa akin. Tuturuan ako nito tungkol sa edukasyon kung paano pinapalakad ng mga tao ang mundong ito. Politics, business, and money.

Pera-pera lang ulit.

Kung pera ang makakapagbigay ng respeto at ikakatahimik namin mamuhay, I need to deal with it then.

Balitang-balita na maraming nagtatago at nagkukunwaring hindi taong lobo para lang namumuhay at makisalamuha sa mga tao. Ngunit kahirapan ang umuudyok sa kanila para mahuli ng mga bampira.

Tss.

Vampire title in this surface of the world was a human hero.

Fuck!

Kung alam lang ng mga tao na inuuto sila ng mga bampira. Tsk. O baka sadyang nagpapakontrol dahil natatakot.

Talaga namang nakakatakot ang mga bampira sa mga tao. Talagang nanganganib sila.

May mga sasakyan na nagsidatingan.

Inaasahang mga bisita ng aking ama.

Pag-uusapan na naman ata nila ang kinakaharap na problema ng mga uri namin. Pauli-ulit na pinag-uusapan ngunit sa huli, mahirap parin makaahon sa malaking problema na kinakaharap namin.

Goodluck then.

Napahilot ako ng sintido dahil napakarami kong iniisip at talagang gumugulo.

Maaga pa para mag-isip ako ng ganito. Pero alam ko naman sa aking sarili na darating ang panahon na kailangan ko panindigan ang tungkulin ko bilang susunod na Grand Alpha.

Umaasa ang aking ama na magagawa ko ng walang kahirap-hirap ang mga responsibilidad ko bilang tagapag-mana niya.

Kaya naman habang maaga pa tinatangap ko na ang pagsubok sa akin.

Pagdating ko sa study room, nadatnan kong tahimik na pinaparusahan ni Uncle Rankin ang kanyang mga anak sa pamagitan ng mga nagkapatong-patong na libro.

Nakasimangot ang dalawang bata. Tinatamad nga sa pag-aaral.

Dahil ang mga kagaya namin, mas pipillin na mag-ensayo sa pakikilaban kesa sa maupo at humawak ng ballpen.

“Hindi kayo aalis riyan kapag di niyo naubos basahin at masagutan ang mga tanong na nakahanda para sa inyo.”

Parusa ni Uncle Rankin. At kapag sinabi niya, alam kong walang sino man ang maaring bumali.

Kahit ako. O kahit ang Grand Alpha.

Kawawang mga bulingit.

“Relaxs Uncle Rankin.” Bati ko sa kanila.

Ngumiti ako sa kanila. Babangon sana sa kinakaupuan ang dalawa ng hinila ni Uncle Rankin ang mga damit nito pabalik sa upuan.

Kakasabi ko lang na kahit ako di ko mababali ang utos ni Uncle Rankin.

“Better to do it Guys. Kung yun ayaw niyo nang bumalik dito.”

Pagbabanta ko din sa dalawang bata.

Ngunit parang nakuha ko ang attention ni Uncle Rankin dahil sa ginawa ko. Mukha nito, parang di maganda ang sinabi ko.

Oh well, I’m sorry Uncle Rankin.

“EL, should we start?”

Ayan na.

Walang lingon sa apprentice niyang napasenyas. Upang ilapag sa mesa ko ang napakaraming libro.

Medyo ako napakamot sa leeg ko ngunit napangiti na lang talaga ako.

Are you kidding me Uncle Rankin?

Thank you then. I love studying.

“Uurungan mo?”

Panunuya sa akin ni Uncle Rankin.

Ang itinugon ko isang matamis na ngiti.

@DeathWish

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status