(EL POV)
“Ang mundong to El, di pinababayaan ng aking kapatid na maging maayos. Kaya sana magtagumpay siya, kung hindi ikaw ang sasalo ng lahat nang to.”
Napabuntong hininga ulit ako.
Magkapatid nga ang Grand Alpha at si Uncle Rankin.
Nga naman, bakit hindi naintindihan ng mga tao na di namin sinasadya magkaroon ng sakit. Sakit na hindi namin mahanap-hanap ang lunas kaagad?
Hindi.
Di nila kailangan intindihin. Kundi kailangan nila buksan at tangapin ang katotohanan na sakit nga itong nangyayari sa aming angkan.
Sa katunayan, kailangan din namin ng tulong ng mga tao. Pero pilit na sinasarahan kami ng pinto.
Kaya sa abot ng makakaya namin. Hindi kami tumitigil sa paghahanap ng lunas.
Ang sakit, na di mahanapan ng lunas. Kahit ilang taon nang pinagtuunan ng pansin ng aking ama.
Sa kabila ng lahat na pagpapagod ng Grand Alpha, nasa likuran namin dumidikta ang mga bampira. Kung kailan ulit nila guguluhin ang pananahimik namin. Isama sa mga kontrobersyal ng pangingitil ng may buhay. Lalo na sa walang awa nilang pamamaslang ng pamilyang lobo.
Tss.
Bumalik kami ni Uncle Rankin na dumiretso sa conference room.
Nagsilingon silang lahat ng dumating kami.
Subordinates Alphas. Habang ang aking ama ang pinakadominante sa kanila, The Grand Alpha.
Wala pa ang aking ama sa silid.
Si Uncle Rankin mismo ang humila ng aking mauupuan. Malapit sa inuupuan ng Grand Alpha. Walang ingay ngunit ang mga isipan nila napakaraming gumugulo at nag-uusap-usap ang mga ito.
Seryoso sila?
Mapapangiti ka na lang talaga sa mga agam-agam ng kanilang isipan.
Isa sa pinag-uusapan nila, di sila makapaniwala na balang araw ako ang papalit sa aking ama. Kaya inangat ko ang paningin sa kanila.
Ako man ang pinakabatang naririto, ngunit wag nila akong minamaliit.
Nagsiyukuan sila dahil nga sa ginawa ko.
Ganyan nga. Madala kayo sa isang titig.
Hangang bumukas ang pinto.
Agad na nagsitayuan para pagbigay galang sa aking ama.
Ako?
Nanatiling nakaupo.
Sa pag-upo niya nagsi-upuan na din sila. Habang ang mga tauhan ng Grand Alpha nanatiling pinaligiran ang boung silid.
Nakikinig lang ako sa mga pinagsaasabi at ilang suhewitsyon para matagilan nga ang mga aksidente ng pagpaslang sa mga taong lobo ng mga bampira.
Pinapatay ng mga bampira ang mga lobong nawawala sa sarili.
Sa katunayan naman talaga, ginagawa nila itong dahilan upang maubos kaming taong lobong naninirahan sa mundong ito.
Dahil sa nangyayari, yung iba tinatalikuran ang pagiging taong lobo nila sa pangamba na baka patayin sila ng mga bampira.
Nakakatakot na magkaroon ng sakit. Sakit na kinakatakutan ng mga tulad namin. Sanhi upang bigla na lang mawawala sa sariling isipan at gagawa ng mga kilos na siyang, oo, nagkakaroon nga ng patayan. Di namin yan maitatangi.
Ang sakit na ito tinatawag naming isang mental disorder, Trelosfomias Myato.
Kaya nga galit na galit ang mga tao sa amin. Dahil inosente silang nadadamay. Ngunit handa naman kaming sumaklolo kung meron ngang mangyari ulit.
Sa kasawiang palad, hindi kami pinagbibigyan. Kinikitil kaagad ng mga bampira ang mga lobong nawawala sa sarili.
Tss. Wala kaming magagawa. Wala paring gamot, kahit binibigay namin ang lahat ng makakaya namin.
“Our underground cells are already full, dear Grand Alpha.”
Ang mga ikinukulong namin ay ang mga lobong wala sa sarili bago pa man sila patayin ng mga bampira. Pinag-aaralan ito ng mga tauhan ng Grand Alpha, upang isagawa ang lunas dito.
Ngunit kanina ko pa sinabi, hangang ngayon, wala paring panglunas.
Ang kinakatakutan ng ilan…
Paano kung ang Grand Alpha ang siyang mawala sa control?
Napakalakas ng aking ama, at wala pa akong ibubuga sa kanya.
Umaasa sila sa kakayanan ko.
Napatitig ako sa aking ama na ni minsan di ko na nakitang ngumiti simula ng mamatay ang aking ina o kahit nag-asawa pa ulit ito. Tipong seryoso na lamang siya sa pamamalakad ng angkan namin.
“Kailan ba mahahanap natin ang lunas?”
Kahit ang Grand Alpha walang sagot riyan.
Pero ginagawa niya ang lahat.
“O kailangan ba natin pagkatiwalaan ang mga bampirang katulad niya/!”
Yung secretarya ng aking ama ang tinutukoy ng isa sa board member. Sa kapaitan ng sinabi niya, siguradong may malagim din itong pinagdadaanan dahil nga sa mga bampira.
Si Lupoz, hindi ito lobo kundi bampira. Tuluyan siyang tumalikod sa angkan nito matapos nga patayin ang pamilya niya.
Natuklasan kasi na dalawang panginoon ang pinagsisilbihan kaya agad na naglaho sa mundo ang pamilya nito.
Tumakas siya sa kamatayan.
Lumapit at humingi ng pag-uunawa at bubong sa aking ama.
Napakama-awain ng Grand Alpha, sa kabila ng kanyang mukha ngayon na di masasabing meron nga siyang awa.
Bantay sarado sa amin si Lupoz.
Bilang kapalit ng pagtangap namin sa kanya, kailangan niyang ibigay ang mahahalagang impormasyon na kailangan ng Grand Alpha.
Nakipag-ugnayan si Lupoz. Patuloy din na ginagawa ang lahat para makatulong sa amin. Saka ang layunin niya makaganti sa sarili niyang lahi.
Napayuko na lamang si Lupoz sa narinig niya sa di nito kapwa.
“Marami na din ang namamatay na half-human, half-werewolf dito sa lungsod. Iniisa-isa nila tayo. Master Tyros, anong balak niyo?” Giit ng isa pang Alpha na mahinahon kesa sa katabi niya na nagtanong kanina.
Di nagsalita ang aking ama, kaya nagpatuloy sila sa mga pinagsasabi nila. Hangang sa di na ako magugulat kung masamang titig ang ipinukol ng Grand Alpha. Ang di nila pagrespeto sa presensya niya.
Titig nito na parang tig-iisang sibat sa mga noo nila ang tatama kung hindi pa sila titigil.
Para nga silang apoy na tuluyang sinabuyan ng tubig. Nanahimik at di na sila makapagsalita.
Matapang na nagsalita si Lupoz para sa aking ama. Nanginginig ang boses dahil ang kaharap lang naman niya ay ilang mga ninuno ng mga pangkat. Mga Alpha din.
Isang pagkakamali, may magtatangkang Alpha na papatayin siya.
Paano nakakayanan ni Lupoz pumasok sa kwebang maraming pana ang nakatutok sa kanya?
Ang lakas ng loob ni Lupoz.
Siyang napapatitig na lamang talaga ako sa kanya.
Determinado ba na makaganti o meron pa siyang ibang layunin?
“Sinusubukan naming humanap ng lunas. Naisagawa namin ang lahat na posibleng processo ng serum. Ngunit wala paring nangyayari.”
Nagkaroon na naman ng ingay. Di natin sila masisi dahil natatakot din talaga sila. Takot na kapag tuluyang naghari, mayayanig ang buong angkan. Kaya kahit paano mahinahon ang Grand Alpha sa paggawa ng desisyon.
@DeathWish
(EL POV)“Ngunit kung nagawan nga ng mga tao ang mga bampira ng panglunas, baka di impossible na tulungan nila tayo. Kung maririnig lang nila sana ang totoong nangyayari sa atin.”“Yung balita kanina, nadiskobre nilang maaari nang maglakad at magbilad sa ilalim ng araw ang mga bampira dahil sa tulong ng mga tao. Tama. Yun diba ang mga kakayanan ng mga tao? Bakit di na lang din tayo humingi ng tulong sa kanila?” sabat pa ng isang Alpha.“Teka. May mas madaling paraan. Bakit di natin subukan paikutin ang mga tao para gumawa din ng serum para sa atin? Yun diba ang stratehiya na ginagawa ng mga bampira?”Napatango ang ilan. Nagkaroon ng bulong-bulungan.Naniniwala sila na merong kakayanan ang tao hanapin ang lunas.Nang biglang may tumawa.Napalingon kaming lahat.Yung agrabyadong Alpha kanina.Gusto ata nito mawala a
(Samantha POV)“Kapag ganyan ka Albert, siguradong di tayo matutuloy sa programang hinanda nila para sayo.” Dahil may nararamdaman na naman akong sensation.Lalong lumaki ang ngiti ni Albert.“Oh. I am not. Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan.” Tangi nito sa pinag-gagawa niya.“Naglalambing lang ako.”Tuluyang kinalas ang kamay niya.Nagtampo bigla.Sa akala kong tatalikuran na ako, bigla itong lumingon. Parang may kinuha sa drawer. Saka humarap ulit sa akin. Kita ang refleksyon niya sa salamin na meron itong inihandang supresa sa akin.Lumapit. Saka inabala ang sarili.Naramdaman ko ang malamig na bakal sa aking leeg.Isinusuot niya sa akin ang isang kwintas.Napahawak ako sa pendant nito.Malamig.Lumingon ako at napatitig ako sa kanyang mga mata.“As a sign, bi
(Samantha POV)“Thank you.”Mga salitang gusto ko nga kaagad tapusin ang pakikipag-usap sa kanila.“Hay naku Bess, magkakaroon na ng oras sayo ang asawa mo! Almost two years na kayong mag-asawa ngunit wala parin kayong anak. Yun na ba ang susunod niyong gagawin?”Napakindat sa akin si Leneth.Medyo napangiti ako sa kanyang sinabi.Ngunit…Bakit kailangan pa niya sa harapan ng mga taong di ko naman kilala sabihin ang bagay na yun?Tuloy, mukha nila biglang nacurious sa akin.“Wala parin kayong anak ni Dr. Albert?”Wala akong nagawa kundi tumango.“Dapat lang Mrs. Curie marami kayong maging anak ng asawa mo. Matalino kayong dalawa. Sayang ng katalinuhan kung tipid masyado sa anak.”Sinabi ng isa.“Sana laging may oras si Dr. Albert para makagawa kayo
(Samantha POV)“I am here to meet your husband personally. Of course, to thanks his generosity.”Saka niya inabot sa akin ang kamay.May mga ngiti ang labi niya.Alucard.Ibig lang sabihin, isa nga siyang pure blood vampire. He even emphasizes na siya lang ang anak ni Alucard.Alucard, the vampire lord.Tss. Kailan ba mawawala sa ibabaw ng mundo ang mga demonyong to?Yung kamay niya. Kunyari di ko napansin. Yun lang ang maari kong gawin. Di ko na hahayaan na may makuha pa siyang impormasyon sa akin. Dahil ang ngiti niya, parang pinagtatawanan ako.“Nice to meet you, Aiden. We are glad na nakakarating ka.”Napansin kong tuluyan kaming iniwan ng mga kasamahan ko.Lumingon si Leneth at napakindat siya sa akin.What for?Napailing ulit ako.“Have a se
(Samantha POV)“Mr. Aiden, I respect you as a special guest tonight. We don’t need an aid from you. It is my responsibility to greet our guest. If you don’t mind, enjoy and have a drink first.”Di ko na napigilan ang sarili ko, iparinig sa kanya ang pagkairita ko sa presensya nito.“We have a special drink prepared for you and your companion. For sure they will love it.”Tuluyan ko ng sinelyuhan ang inbitasyon laban sa kanya.“Sweet mouth. Excuse me?”Mga mata niya may tanong kung seryoso ako sa ginagawa kong ito.Ngumisi lamang ako at inirapan ito.Tuluyan akong tumalikod.Hindi lahat ng tao madadala nila sa pananakot.Nahanap ko ang aking sarili, sinalubong ang ilang negosyante.May nagsidatingan pa. Mga negosyanteng bampira. Masamang paningin ang ipinukol sa akin.Pakiramdam ko nga lahat
(Samantha POV)“Leneth… Anong ginawa mo?”Sinubukan kong magsalita. Ngunit yun na lamang ang bukod tanging mailabas ng bibig ko… Bago pa man mandilim ang aking paningin.“Shhh. Wag kang mag-alala. Aayusin ko lang naman ang ginawa mong gulo Samantha.”Sabay hila niya ng kamay ko. Inalalayan akong pumunta sa tabi. Sa sulok ng silid.Sobra akong nahihilo. Masakit sa ulo at umiikot ang paligid.Napalingon ako sa asawa ko. Abalang makipag-usap sa mga traydor na nasa paligid namin.“Bitiwan mo ako Leneth!”Sinubukan kong sumigaw ngunit talagang sobra di ko nakakayanan ang hilong nararamdaman ko.Bago pa man nga ako bumagsak sa sahig at gumawa ng iskandalo. May sumalo sa akin.Sa mga mata kong nanlalabo at talukap na nais nang sumara…Si Aiden itong nakikita ko. Bina
(Samantha POV)Pagkatapos matawa ni Aiden at makapagbihis, napahakbang ito palapit sa akin. Hinawakan ang aking baba, saka inangat ito para mapatitig ako sa kanyang mga mata.Makapangyarihan ang titig niya.Di maitatangi na namumuno sa mundong ito ang isang kagaya niya.“You will look for me, for sure. You will be going to conceive my child. At sinigurado ko yun. Your faith, you will be going to turn back to your husband.”Sa gigil ko sa sinabi nito, dinurahan ko siya sa kanyang mukha. Impossible na mangayri yun!Natawa siya ulit.Inabot sa kanya ang pamunas, at marahan na pinunasan ang kanyang mukha.Ngunit halos lumundag ang puso ko ng… ang labi niya naramdaman ko sa aking leeg.Pangil nito handa niyang kagatin ako.Ngunit natigilan siya dahil…“I will kill you.”Sinabi kong
(Dr. Albert POV)Alam kong lumalaki na naman ang mg tenga ng mga taong bampira.Kailangan lang naman talaga kilalanin ang ginagawa nila para tuluyan ngang umamo ang isang ligaw na hayop.Wala kaming magagawa dahil sa loob ng limang taon, halos araw-araw lang namin nariring na mayroong pinapaslang na mga tao, ang mga taong lobo. Hindi lang pagpaslang, sinisira din nila ang ilang bayan, para maging territoryo nila.Bampira lamang ang may kakayanan na labanan sila. Kaya kailangan namin kumapit sa mga bampira.Sa kalagitnaan nga ng aking pagtatalakay, natigilan ako sa pagbabalik ng anak ni Alucard.Si Aiden.Siya na lang ang natitirang pureblood Vampire, matapos ngang mamatay sa engkwentro ng Grand Alpha ang namumuno sa taong lobo, ang kanyang ama na si Alucard.Mahina man ang nag-iisang lobo, ngunit kapag nagkumpulan sila at umatake ng sabay-sabay, wala paring tatalo sa st