Home / Werewolf / Alpha King Checkmate (TAGALOG) / Moon Phase 7 How I wish

Share

Moon Phase 7 How I wish

(Samantha POV)

“Kapag ganyan ka Albert, siguradong di tayo matutuloy sa programang hinanda nila para sayo.” Dahil may nararamdaman na naman akong sensation.

Lalong lumaki ang ngiti ni Albert.

“Oh. I am not. Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan.” Tangi nito sa pinag-gagawa niya.

“Naglalambing lang ako.” 

Tuluyang kinalas ang kamay niya. 

Nagtampo bigla.

Sa akala kong tatalikuran na ako, bigla itong lumingon. Parang may kinuha sa drawer. Saka humarap ulit sa akin. Kita ang refleksyon niya sa salamin na meron itong inihandang supresa sa akin.

Lumapit. Saka inabala ang sarili.

Naramdaman ko ang malamig na bakal sa aking leeg.

Isinusuot niya sa akin ang isang kwintas.

Napahawak ako sa pendant nito.

Malamig.

Lumingon ako at napatitig ako sa kanyang mga mata.

“As a sign, bibigyan kita ng sapat na oras Samantha. Pangako yan.”

Napangiti ako sa kanya.

Sana nga Albert.

“Talaga bang kaya mo na silang tangihan?”

Dahil di ako kumbinsado.

Naririto ata kami sa mundo para manilbihan sa mamayanan. Hindi para sa isat-isa. Wala kaming oras talaga.  

Sana nga magkaroon kami ng oras sa bawat isa.

“Syempre naman. Ginawa ko ang lahat para wag nila tayong guluhin.”

“Masaya ako para sayo Albert.”

Hinarap niya ako sa kanya. Pinisil ng bahagyang ang pisngi ko.

“It’s looks good to you, Samantha.”

May kasama pang halik sa aking noo.

Sa halik niya, pakiramdam ko sapat na para din maging masaya talaga ako.

“Magagawa na natin ang minimithing magkaroon ng tahimik na pamilya.”

Isang ngiti ang pinakawalan ko.

I am really happy hearing those words. Dahil nga ginagawa niya ang lahat para matupad ang binitiwang pangako nito sa akin.

Pangako na, magkaroon ng masayang pamilya.

I want a kids too. For us.

Ngunit sa totoo lang, di ako gaano masaya sa tagumpay na nagawa ni Albert. Hindi ko gusto maging sunudsunuran ang mga tao sa mga bampira. Tapos malaki ang nagawa ni Albert sa kanila para tuluyan silang maging dominante sa mundo. Kahit tirik ang araw. Tss.

Ngunit dahil sa tingin ng asawa ko, kapag ginawa niya ito…

Hahayaan na nila kaming mamuhay ng payapa.

Sana nga Albert. Sana naman.

Sinundo kami ng mga tauhan ng gobyerno. Para din sa kaligtasan namin.

Oo, binibigyan nila kami ng sapat na securidad dahil nga may maitutulong kaming malaki sa mundong ito.

Napatitig ako sa labas. Napakalaki ng buwan. Maaliwalas ang boung paligid. dahil sa liwanag na ibinibigay ng buwan sa daan.

Di kalayuan may narinig akong ungol ng lobo.

Ang lungkot…

Parang kinukurot ang puso ko.

Alam ko may mali din sa parte ng mga tao. Yun yung di namin binibigyan ng pagkakataon patunayan kung sino ba talaga ang mga taong lobo. Mas piniling talikuran sila. Dahil sa mga kaso ng pangugulo nila at pagpaslang ng maraming innosente.

Marami ang namamatay sa tuwing nagwawala ang lobong uhaw sa laman at dugo ng tao.

Kaya, sino ang di sa kanila magagalit ng ganito?

Wala diba?

Natural sa tao na makaramdam ng takot.

Natural ding gagawin ang lahat para makaligtas sa takot.

Higit sa lahat, ang tuluyan na burahin ang nagbabanta ng buhay nila.

Ngunit kung pagbibigyan nga ng pagkakataon na patunayan ang pagkatao nila, alam kong malaki ang epekto nito sa mga bampira at sa mundong gumagalaw ngayon.

Pagdating namin sa gusali. Agad kami sinalubong ng mga ilang tao. Masaya sila sa nagawa ng asawa ako.

“Di nga kami nagkamali Dr. Albert! Ikaw ang makakagawa ng serum!”

Ang pambati ng director sa pinapasukan ni Albert.

Ang lalaking to. Siya lang naman ang umipit ng asawa ko sa proyekto.

Nais man tangihan ni Albert, ngunit anong magagawa niya kung naniniwala nga sila sa kakayanan ng asawa ko?

It was the pride. Marami ang naniniwala sa kakayanan ng asawa ko.

Di ko naman maaring pigilan ang asawa ko. Gusto din niyang makatulong sa lipunan.

Kahit paano tingalain ng mundong ito ang isang kagaya niya na isang tao lang. Sa kabila na kami, ang tao, ang pinakamamababang uri ng nilalang sa mundong ito.

Ginagawa kaming basahan ng dalawang nilalang. Mapa-bampira man o taong-lobo.

“Maraming salamat Sir sa pagtitiwala.”

Natural sa asawa ko na maging masunurin sa mga nakakataas sa kanya.

“Are you ready to present it later?”

Halatang mas nanabik ang director kesa sa asawa ko.

“Oh! About that Sir…” lumingon sa akin si Albert.

“Samantha, kailangan ko pala ayusin at siguraduhin muna yung serum.”

Napatango ako sa kanya. Binitiwan ko ang braso nito.

“Sure Albert.”

Tuluyan na ngang ninakaw nila ang asawa ko.

Mag-isa akong naupo.

Di nga gaano ako kilala ng taong nasa paligid. Mas maganda na mapag-isa.

Ngunit mali.

Gabi ito para sa asawa ko.

Kaya kailangan ko salubungin at magpasalamat sa pagdating ng mga panauhin ni Albert.

At gagawin ko yun kung narito na si Albert. Sa binabalot pa nga ako ng kaba.

Wala ang asawa ko sa aking paligid.

Hindi lang tao ang naririto.

Naririyan ang ilang mga bampira. Mataas ang paningin sa sarili nila. Walang makakatalo sa pride nila.

Tss.

“Samantha!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Kilala ko kasi ang boses at matagal ko na ngang hindi siya nakakausap o nakita man lang.

Si Leneth.

Ngumiti ako sa kanya.

Papalapit ito kasama ng mga kababaihan na niyaya niya.

Inabot niya ang isang inumin.

“I don’t drink pineapple juice.” Agad kong tangi.

Maarte man pakingan, sadya lang talaga hindi ako umiinom noon.

Mabuti nang maging diretso ako. Sa ikakabuti ko din naman.

Di ko na ata kasalanan kung di nila ako maintindihan.

“Oh sorry. Kuha a—.”

“I’m fine Leneth.” pigil ko na sa kanya.

Nagkangitian kami ng simple.

“Congratulation Mrs. Curie sa tagumpay ninyong mag-asawa.”

Isa sa mga kasamahan ni Leneth.

Medyo mga sosyalera ang mga ito.

Uso ang pagiging social climber. Plus, kala mo ka-close ko sila.

Si Leneth lang ang kilala ko. Di ko alam kung paano nakilala ni Leneth ang mga babaeng to.

Saka sino ba ang mga kasama nila? Asawa nila?

Kunting mga lalaking tao lang ang naririto.

Wag niyong sabihin, narito sila dahil…

Sa hirap ng buhay, ng mga tao ngayon, tuluyan na nga silang pumatol sa mga bampira.

Ano ang pakay nila?

@DeathWish

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status