(EL POV)Pagaspas ng mga dahon, kasabay ng hingal na paghinga ko.Napa-ismid ako ng makita ko si Uncle Rankin, kulang na lang maiturok sa akin ang napakatalim niyang mga mata. Sinugod ako nito ng harapan.Sa huli muli na naman sana akong mapapatay ni Uncle Rankin kung di siya tumigil. Nagtawanan kaming dalawa.Unti-unting bumalik sa pagiging tao ang tiyuhin ko. Hangang sa pareho na kami nakahiga sa damuhan. Uulan, dahil padilim ang kalangitan. Hindi dahil gagabi, kundi ang amoy sa paligid. Pinagsisigawan ang pagdating ng ulan. Malamig din ang simoy ng hangin. “Kaya mo nang kontrolin ang emotion mo, EL.”Natawa ako sa sinabi niya.Ang gusto ko marinig, makokontrol ko na ang pagiging taong lobo. Ngunit di pa oras para makita ang anyo ko bilang lobo. “Bakit kasi kailangan pa natin gawin to?”
Last Updated : 2021-06-21 Read more