Home / Werewolf / Alpha King Checkmate (TAGALOG) / Moon Phase 6 I warn him

Share

Moon Phase 6 I warn him

(EL POV)

“Ngunit kung nagawan nga ng mga tao ang mga bampira ng panglunas, baka di impossible na tulungan nila tayo. Kung maririnig lang nila sana ang totoong nangyayari sa atin.”

“Yung balita kanina, nadiskobre nilang maaari nang maglakad at magbilad sa ilalim ng araw ang mga bampira dahil sa tulong ng mga tao. Tama. Yun diba ang mga kakayanan ng mga tao? Bakit di na lang din tayo humingi ng tulong sa kanila?” sabat pa ng isang Alpha.

“Teka. May mas madaling paraan. Bakit di natin subukan paikutin ang mga tao para gumawa din ng serum para sa atin? Yun diba ang stratehiya na ginagawa ng mga bampira?”

Napatango ang ilan. Nagkaroon ng bulong-bulungan.

Naniniwala sila na merong kakayanan ang tao hanapin ang lunas.

Nang biglang may tumawa.

Napalingon kaming lahat.

Yung agrabyadong Alpha kanina.

Gusto ata nito mawala ang ulo sa ginagawa niya. Nawala na ba ng tuluyan ang takot niya sa Grand Alpha?

“Hindi sila gagawa.” Nakatitig ito kay Lupoz.

“Kalaban ang paningin nila sa atin. Kinakasuklaman nila tayo! Dahil sa kanila!” Turo niya ng daliri kay Lupoz.

Kawawang Lupoz. Alam kong napabuntungan na ito ng galit nang aking ama kanina. Ngayon ginigisa na naman siya ng isa pang Alpha.

Mapait ang mga salitang yun sa tenga ni Lupoz. Siguro dahil may pinagdaanan ang Alpha na nagsalita.

Kung minsan kailangan natin masubukan ang pinagdaanan ng isang nilalang bago natin sila maiintidihan o mahusgahan ng mahusay. Kailangan natin alamin ang pinagdadaanan nila. Kaya hindi maaring madali natin silang husgahan.

Si Uncle Rankin na itong biglang nagsalita. Sumalo ng tuluyan kay Lupoz.

“Di natin kailangan kunin ang attention ng lahat na tao. Kung ano ba ang nangyayari sa atin. Kailangan lang natin kumbinsihin ang mga taong ‘to…”

Huh?

Ibig lang sabihin, naniniwala si Uncle Rankin sa kakayanan ng mga tao?

Sa screen lumabas ang ilang larawan.

“Yung tatlo, bampira sila. Ngunit ang dalawang ito…”

Itinuro niya ang dalawang larawan. 

“Ay mag-asawang tao. Balita ko sila ang kumilos at nag-aaral araw-araw para mahanap ang lunas sa problema ng bampira. Kailangan lang natin sa kanila mag-focus. Walang chansang tutulungan tayo ng bampira. Pero ang tao, natural sa kanila na makinig kapag nakuha natin ang atensyon nila.”

Di ko alam kung anong atensyon ang tinutukoy ni Uncle Rankin. Ngunit sana naman hindi dahas ang tinutukoy niya.  

“Anong balak ninyo Rankin?” Boses na tinalo pa ang nyebe sa lamig. Bahagyang ako napayuko.

It was my father.

At bilang tugon ni Uncle Rankin, matapang niyang hinarap ang titig ng aking ama.

Umiling ang Alpha.

Ibig lang sabihin kung ano man ang nasa isipan ni Uncle Rankin ay di siya pumapayag.

“We are aware not to make harm against human race.”

Yun ang paninindigan ng Grand Alpha.

Layunin niyang magkaroon ng katahimikan, at ligtas na paligid ang mahihina. Tao. Mahihina silang nilalang. Sila lang ang kawawang nabubuhay ngayon sa mundo.

Pinapaikot-ikot sila ng mga bampira.

“Master Tyros, they are killing our kin! Kailan ka pa magigising!” Nairitang sagot ng isang Alpha.

Napatitig ako sa kamay nito. Nanginginig.

Gusto niyang igiit ang bagay na hindi tinangap ng Grand Alpha. Kahit si Uncle Rankin dismayado din sa desisyon ng aking ama.

Yung mga binasa ko sa dokumento ng mga lobong nawawalan ng control at nauuwi sa sakit. Sila lang naman yung di marunong ikalma ang sarili.

Kalma lang. Kung hindi mailalagay mo sa panganib ang iyong sarili at mga mahahalaga sa buhay.

Ngumisi ang Grand Alpha.

Ibinagsak ang kanyang desisyon. 

“Still no.”

Dismayadong napabuntong hininga ang karamihan. Ngunit wala namang may lakas loob na salungatin ang pasya ng Grand Alpha.

Pero nagkakamali pala ako.

Nagulat ako ng mapatingala sa isang Alpha. Harapang sinabi sa aking ama ang mga salitang…

“Wala kang silbi!”

Ikinalabas na ng mga matutulis na kuko. Nangangalaeteng gustong sugurin ang Grand Alpha.

Ngumisi ang aking ama bilang tugon. Kalmado at walang balak na pumatol.

“The more we show to the vampire that we are weak, the more they threaten us. Do you think human can help us? Especially that two?”

Ang dalawang larawan sa screen. Si Uncle Rankin nanahimik lamang. 

“What if they deceive us? And ended up killing our kin in extinction? Want to take ang responsibility for this?” 

“Tyros!” Bulyaw ng nangangalaeteng Alpha.

Tuluyan na ngang umakyat sa mesa at sinugod ang Grand Alpha. Agad naman hinarang ni Uncle Rankin ang sarili niya.

Saka sinakal ito.

“Wala kang kakayanan na mamuno sa angkan natin!”

Pilit niyang inalis ang kamay ni Uncle Rankin.

“Wala kang kakayanan na protektahan kami! Wala kang paki-alam kung mauubos man tayo sa mundong ito!”

Saka lumabas ang mga pangil niya.

Itinulak siya ni Uncle Rankin, at sa pagbagsak nito, bigla akong nahigit. Kamuntik na akong masaktan kung hindi inunahan ng aking ama ang pagsipa nito ng tuluyan sa kanya.

“Then you turn as uncontrollable insane werewolf!”

“Tyros!”

Dampot ng mga tauhan ng Grand Alpha sa nagwawalang Alpha.

Sa nangyari, nagkaroon ng katahimikan at walang gustong sugurin ang Grand Alpha. Lahat napayuko. 

Napasenyas ang aking ama kay Lupoz na ipagpatuloy ang sinasabi nito.

Sa tingin ko, marami na nga ang natatakot sa sakit. Nagkakaroon tayo ng takot, hindi dahil sa pangsariling kaligtasan, kundi sa mga minamahal natin. Kaya kahit paano, nauunawaan ko ang takot nila.

(Samantha POV)

Habang tinitignan ko ang aking refleksyon sa salamin, napangiti ako.

Si Albert, ang asawa ko, papalapit sa akin. Nakangiti.

Sa ngiti niya, ito ang patunay na masaya siya sa tinatamasang tagumpay.

Matagumpay niyang nagawa at natapos ang ipinatong na proyekto ng gobyerno sa kanya.

Proyektong gumawa ng serum para mamuhay ang mga bampira sa ilalim ng araw. Makapaglakad at makatulong sa pagsugpo ng mapanganib na mga taong lobo.

“Too much happiness can be result of sadness later on, Albert.”

I warn him, habang isinusuot ko ang aking hikaw.

“I am not that much happy because of my success Samantha. Masaya ako dahil, at last! Magkakaroon na ako ng oras para sa asawa ko diba?” sabay yakap niya sa akin tiyan mula sa aking likuran.

Hinalikan nito ang leeg ko.

“Kapag ganyan ka Albert, siguradong di tayo matutuloy sa programang hinanda nila para sayo.” Dahil may nararamdaman na naman akong sensation.

Lalong lumaki ang ngiti ni Albert.

@DeathWish

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status