Agad na inabot ni Lily ang isang baso ng tubig na ibinibigay nito sa kaniya at pagkatapos ay napanguso at mabilis na nilingon siya. “Kasalanan mo ang lahat ng ito e.” sabi niya rito at pagkatapos inirapan ito. “Sinabi ko na sayo noon na dapat pagkatapos lang ng isnag taon ay balikan ko na siya pero hindi ka pumayag. Tingnan mo, isang taon pa ang pinalipas ko at ngayon ay may higad nang nasa tabi niya.” inis na sabi niya rito.Sinulyapan lamang siya nito at pagkatapos ay napabuntung-hininga at sumandal sa sofa. “Prinotektahan lang kita. Isa ba ay mas mainam na rin iyon dahil ngayon ay naisguro mo na magaling na talaga siya. Bakit kung sakaling muli siyang hindi makalakad bigla, handa ka bang alagaan siya?” tanong nito sa kanya.Hindi naman siya nakaimik at pagkatapos ay uminom na lamang siya ng tubig. Matapos niyang uminom ay hindi muna siya nakapagsalita kaagad nang bigla na naman itong nagtanong sa kaniya. “Tinanggap ba niya ang tseke na sinabi mong ibibigay sa kaniya?” tanong nito.
Pagkatapos ma-xray ang kamay niya ay doon dumating si Noah. nasa kalagitnaan siya ng meeting ng makatanggap siya ng tawag dahil nga diumano ay nabali daw ang kamay ni Alexa. Pagdating niya doon ay nakita niya ito kaagad na namumula pa ang mga mata at kahit sino siguro ang makakakita sa sitwasyon nito ay baka makaramdam ng pagkabalisa.Lukot ang mukha ni Noah na lumapit kay Alexa at pinipigilan niya ang kanyang galit. Katabi nito ang may-ari ng restaurant kaya napatingin siya rito na may galit na mga mata. “Sino ang may gawa nito sa kaniya?” agad-agad niyang tanong rito.Bigla namang nanginig sa takot ang may-ari ng restaurant at pagkatapos ay nagmamadaling sumagot. “Ayon sa mga tauhan ko ay mukhang food delivery rider daw iyon at nang matapos ang insindente ay dali-dali itong tumakas.” sagot nito sa nanginginig na tinig.Agad na nagkiskisan ang kanyang mga ngipin ng marinig niya ito at mabilis na lumingon sa kanyang likod kung saan ay naroon ang isa niyang tauhan. “Hanapin mo ang taon
Ang tauhan ni Noah ay mabilis na nag-ulat sa kaniya pagkapasok niya sa kotse. “Ilang tao rin sir ang kinailangan para mahanap ang lalaking iyon. Nang mahuli siya ay nakasakay siya sa kulay itim na taxi at pilit na tumatakas ngunit sa kabila ng lahat ay nahuli pa rin namin siya.” sabi nito sa kaniya.Nang mga oras na iyon ay napakalamig ng mga mata ni Noah habang nakatingin sa labas ng bintana at nagngangalit pa rin ang kanyang mga panga. “Sino ang lalaking iyon?” walang emosyong tanong niya rito kaagad.“Siya si Rigor Mendoza, kapatid niya si Alberto Mendoza na siyang kumidnap noon kay Miss Alexa. Napag-alalam din namin na sangkot siya sa ilang pagnanakaw. Sa pagtatanong-tanong namin ay nagpanggap daw itong isang food delivery rider habang nagmamatyag sa shop na pinapasukan ni Miss Alexa at hanggang sa sinundan daw siya nito sa restaurant upang gantihan siya.” dagdag pa nitong paliwanag sa kaniya.Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ni Noah ng mga oras na iyon at halos bumaon na an
Agad na ngumiti si Axel sa kaniya. “Nandito rin pala ang pinsan ni Alexa.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Alexa. “Kakalabas ko lang mula sa operating table at nabalitaan ko ang nangyari sa kamay ni Alexa kaya pumunta ako rito.” sabi nito sa kaniya.Ang mukha ni Noah ay nanatiling ganun pa rin at hindi nagbabago ngunit sa totoo lang ay naiinis na siya. “Hmm, mukhang napakarami mong pinagkaka-abalahan.” sabi niya rito sa malamig na tinig.Agad naman na ngumiti ito sa kaniya at mabilis na sumagot. “Ang trabaho ko talaga ay isang doktor at ang shop na pinapasukan ni Alexa ay pag-aari ng aking ama.” mabilis na sagot nito sa kaniya. Ilang sandali pa nga ay nilampasan siya nito at naglakad patungo kay Alexa pagkatapos ay umupo sa tabi nito.Inilapag ni Axel ang dala-dala niyang bulaklak sa bedside table at pagkatapos ay tiningnan ang kamay ni ALexa at mahinahong nagtanong rito. “Masakit pa ba ang mga daliri mo?” tanong nito kay Alexa.Tumango naman kaagad si Alexa kay Axel.
Kinabukasan ng gabi ay masakit pa rin ang mga daliri ni Alexa. Nakahiga siya sa kama at ilang beses na nagpaikot-ikot sa kama hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog. Humiga naman si Noah sa tabi nito at niyakap niya si Alexa nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa, sa takot na baka magising si Alexa at mabilis niyang pinindot ang mute at pagkatapos ay dahan-dahan niyang hinila ang kanyang braso na nakaunan rito, plano niya sanang lumabas upang sagutin ang kanyang cellphone.Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng paghila ng kanyang kamay ay bigla na lamang nagmulat ng mga mata si Alexa at namumungay ang mga mata na tumingin ito sa kaniya. “Anong problema?” tanong kaagad nito.Agad naman niyang itinaas ang kanyang cellphone at ipjnakita rito. “May tumatawag kasi.” sabi niya.Ilang sandali pa nga ay nagsalita si Alexa. “Sagutin mo na rito dahil malamig sa labas.” sabi nito sa kaniya.Sandali namang nag-isip si Noah at pagkatapos ay mabilis na tumango rito. Ilang
Ilang minuto nga lamang ang lumipas ay dumating na si Noah sa silid ni Lily. kalilipat lang nito mula sa operating room at nakahiga ito sa kama. Nakabalukton ang buong katawan nito dahil sa sakit at ang maputi nitong mukha ay namumula, namamaga rin ang mga mata nito at halos gulo-gulo ang buhok nito na tila ba nakipagsabunutan ito.Namamaga ang kamay nito habang nakabenda ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa nga ay napatakip sa mukha ang ina ito at hindi nito kayang pigilan ang pag-iyak. Nakatayo naman sa corridor ang ama ni Lily habang naninigarilyo.Nang makita siya ni DAisy ay agad siya nitong binati. “Noah pasensiya ka na talaga.” sabi nito sa kaniya.Bahagya namang ngumiti si Naoh rito. “Okay lang iyon ano ka ba.” sabi niya rito at pagkatapos ay banayad na naglakad siya patungo sa kama upang lapitan si Lily. nang makalapit siya rito ay mahina niyang tinawag ang pangalan nito. “Lily…” tawag niya ritoNakatalikod si Lily sa pinto ng mga oras n aiyon at nang marinig niya ang boses
Pagkasara pa lang ng pinto ay agad nang hinawakan ni Lily ang unan at itinapon sa sahig pagkatapos ay nag-umpisa na namang umiyak. Sa pagkakataong iyon ay mas malakas na ang kanyang pag-iyak kaysa kanina.Dahil sa matinding pag-iyak ay medyo nahirapan na rin siyang huminga at habol-habol niya ang kanyang paghinga. “Si Noah ang childhood sweetheart ko at ang aking boyfriend sa halos sampung taon. Bakit parang hindi man lang iyon mapantayan ng tatlong taong pagsasama nila ng babaeng iyon?” humihikbing tanong niya. “Galit ako sa kaniya!” sigaw niya at halos magpapadyak pa sa kanyang kama na parang isang bata ng mga oras na iyon.Agad namang pinulot ni Dexter ang unan na ibinato ni Lily at ibinalik ito sa kama. “Noong nakasama mo si Noah ay okay pa siya at malakas, wala siyang problema pero nang nakasama niya ang babaeng iyon ay sobrang hirap na hirap siya at halos mawalan na ng pag-asang makalakad pa. Tulad nga ng kasabihan ay kung sino ang kasama mo sa paghihirap ay iyon ang tunay na ma
Tanghali na nang makarinig si Alexa ng katok mula sa pinto. Ilang sandali pa nga ay pumasok mula sa pinto ang isa sa mga tauhan ni Noah. “Ma’am, nasa labas po ang ina ni Miss Lily at gusto ka daw po niyang bisitahin.” sabi nito sa kaniyia.Ilang segundo namang natahimik si Alexa bago siya nakapagsalita. “Sige, papasukin mo siya.” sabi niya rito. Mabilis naman itong tumango sa knaiya at muling isinara ang pinto at sa sumunod na sandali nga ay muling bumukas ang pinto. Pagbungad pa lamang nito ay nakita niya nang namamaga ang mata nito habang nakatingin sa kaniya habang nagtatagis ang mga bagang.“Ikaw iyon hindi ba?” bungad nito sa kaniya. Nang marinig naman ni Alexa ang sinabi nito ay bahagya siyang natigilan. “Anong sinasabi mo?” tanong niya rito nang nakakunot ang mga noo.“Ikaw ang nag-utos sa taong iyon na pukpukin ang kamay ni Lily hindi ba?” sabi nito sa kaniya.Agad naman na nagsalubong ang mga kilay ni Alexa nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay bahagya siyang n