Nagmamadali namang nagpaliwanag ang tauhan niya sa kaniya. “Kasi sir ay nakahiga lang naman sa kama si ma’am Alexa at nagbabasa ng libro nang bigla na lamang dumating si Mrs.Sebastian at ang sabi niya ay dadalawin niya daw si ma’am pero pagpasok niya ay kaagad niyang sinigawan si ma’am Alexa at halos gusto pa nitong bugbugin si ma’am pero hindi siya nakalapit dahil mabilis ko siyang pinigilan sir. Ilang minuto siyang nakinig sa mga masasakit na salitang pinagsasabi ni Mrs.Sebastian hanggang sa hindi na siya nakatiis at iyon na nga po.” mahabang paliwanag nito kay Noah.Dahil sa sinabi ng tauhan ni Noah ay bigla na lamang nanlamig ang kanyang mukha at mabilis na hinarap ang ina ni Lily. “humingi ka ng paumanhin kay Annie ngayon din.” sabi niya rito.Nang marinig naman nito ang sinabi ni Noah ay agad na lamang itong natulala sa kaniya at napaisip siya na baka mali lang ang narinig niyang sinabi nito. “Noah, malinaw na ako ang nasugatan sa aming dalawa at gusto mo na ako ang humingi ng
Ilang sandali pa nga ay narinig niya na tinanong ito ni Noah. “nahuli na ba ang gumawa nun sa kapatid mo?” tanong niya rito.Bahagya namang lumubog ang mukha ni Dexter at pagkatapos ay mabilis na sumagot. “Hindi pa.” sabi nito. “Magaling ang lalaking gumawa nun sa kamay ni Lily dahil halos wala kaming bakas na makuha sa pinangyarihan. Dahil na nga rin sa madilim ang lugar na pinangyarihan ay malabo ang mga kuha ng cctv kaya napakahirap manguha ng ebidensiya.” dagdag nitong sabi sa kaniya.Bigla namang napataas ang kilay ni Noah nang marinig niya ang sinabi nito. “May dala ka bang larawan ng lalaki? Tingnan ko nga.” sabi niya rito.Agad naman itong may dinukot sa bulsa nito at pagkatapos ay inilabas doon ang isang sobre at inabot nito sa kaniya. Agad niya naman iyong kinuha at inilabas ang laman. Tiningnan niya itong mabuti at doon nga ay makikita na malabo nga ang kuha, pero maaaninag na isa nga talaga itong lalaki maging ang tindig nito. Nakasuot ito ng jacket at ng baseball cap at n
Hindi na nakasagot pa si Alexa sa sinabi ni Noah dahil wala na doon ang isip niya. Ang isip niya ay napunta sa gabing iyon, labintatlong taon na ang nakalipas. Ang gabi na nagdulot sa kaniya ng bangungot kung saan ay punong-puno ito ng walang katapusang sakit, ang mga sigaw ng kawalan ng pag-asa. Si Nio ang susi para matanggal ang bangungot na iyon. Basta’t nababanggit ang pangalan nito ay bigla na lamang bumibilis ang tibok ng puso niya at kapag nangyari iyon ay nahihirapan siyang kumalma. Isang luha ang tahimik na dumulas mula sa sulok ng kanyang mga mata at tumulo sa hawak-hawak niyang larawan.Ilang minuto muna ang lumipas bago tuluyang kumalma si Alexa. Pinunasan niya ang kanyang mga mata gamit ang likod ng palad niya at pagkatapos ay muling tiningnan ang larawan. Nagtaka siya kung sino man ang lihim na tumutulong sa kaniya.Ni sa sarili niyang ina ay hindi niya sinabi ang tungkol sa kamay niya dahil natatakot siya na baka mag-alala lang ito sa kaniya at bukod kay Noah ay wala na
Nagmartsa naman pabalik si Vena sa tabi ng kama ni Alexa at galit na naupo sa tabi nito. Sinulyapan niya ito at hindi niya na napigilan pa ang sariling magtanong rito. “Ate, sabihin mo nga ang totoo. Muli na bang nagkakalapit si Kuya at ang Lily na iyon?” tanong niya rito.Bigla namang natigilan si ALexa sa kanyang narinig. Hindi siya agad na nakasagot sa tanong nito at dahil doon ay napabuntung-hininga si Vena. “ate, pumapayag ka ba na paikutin niyang muli si Kuya? Napaka-galing magpaikot ng babaeng iyon.” sabi nito sa kaniya na punong-puno ng pagka-disgusto ang pagmumukha.“Talaga?” tanong niya rito.“Oo. bata pa lang kami ay magaling na siya. Magkasosyo kasi ang pamilya nila at pamilya namin sa ibang negosyo at palagi niyang nilalapitan ang kuya ko kapag may mga okasyon. Nilalandi niya ang Kuya ko hanggang sa tuluyan na ngang mahulog ang loob ni Kuya sa kaniya at doon na niya sinimulang paikutin si Kuya. pinagbabalat pa niyan si Kuya ng hipon ang kapal ng mukha. Gustong kumain pero
Dahil doon ay mas lalo pang naging malungkot ang mukha ni Noah. Dahil nga hindi niya makontak si Alexa ay ang tinawagan niya ay ang mga bodyguards na inatasan niya na magbantay kay Alexa. Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang nitong sinagot iyon kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na magtanong rito. “Nasaan si Alexa?” tanong niya ng wala ng paligoy-ligoy pa.Mabilis naman itong sumagot kaagad sa kaniya. “Uh sir sinabi po sa amin ni Ms.Alexa na dahil ilang araw na kaming nagbabantay sa kaniya ay marahil ay pagod kami kaya binigyan niya kami ng dalawang araw para makapagpahinga at sinabi niya na ito raw po ang utos ninyo.” magalang na sagot nito sa kaniya.Bigla na lamang tumaas ang sulok ng kanyang mga labi at unti-unting lumitaw ang ngiti. Ang isang babaeng katulad nito na palaging masunurin at maayos ang pag-uugali ay gumawa ng isang pekeng utos at sinabi sa mga bodyguards nito.Dahil doon ay wala na siyang ibang magagawa pa. “Saan siya nagpunta?” malamig na tanong niya rito.
Nang makaalis siya doon ay pinangunahan ni Noah ang kanyang mga tao na hanapin si Alexa sa lahat ng lugar na pwede nitong puntahan ngunit inabot na sila ng gabi ay hindi pa rin nila ito natatagpuan. Sa kalagitnaan ng gabi ay nakahiga sa malaking kama sa kaniya silid. Hindi siya makatulog. Paikot-ikot lamang siya doon dahil wala siyang ibang maisip kung saan maaaring pumunta si Alexa. Ilang sandali pa ay bigla na lamang may isang lugar na pumasok sa isip niya.Dahil doon ay nagmamadali siyang bumango mula sa kanyang kinahihigaan at nagmadaling pumunta sa ancestral house ng pamilya ni Alexa. Natitiyak na baka doon ito nagpunta isa pa ay doon ito lumaki. Dahil nga malayo ang byahe patungo doon ay alas kwatro na ng madaling araw nang makarating sila doon. Bumaba si Noah sa kotse at balak na buksan na sana ang pinto ng bahay nang maisip niya na baka natutulog na si Alexa sa ganuong oras at ayaw niya naman itong istorbohin sa pagtulog kaya muli siyang bumalik sa kotse at nahiga doon pagkat
Ibinaba ni Noah ang kanyang mata at tiningnan ang puntod na nasa harapan nila. Ito ay isang ordinaryog puntod at mukhang matagal na ito. Sa harap nito ay may isang bungkos ng nalalantang mga bulaklak at sa tabi nito ay ang tunaw na kandila. Napakasimple ng puntod na ito at ni wala man lang itong lapida. Hindi niya tuloy masabi kung kanino iyon kung hindi niya pa malalaman kay Alexa. Unti-unti namang nakahinga ng maluwag si Noah at pagkatpaos ay unti-unting ibinuka ang bibig niya upang tanungin ito kung sino nga ba si Nio sa buhay nito ngunit umiwas lang si Alexa sa pagsagot.Sa katunayanan, noong unang beses niyang tinawag ito sa panaginip nito ay pina-imbestigahan na kaagad ni Noah kung sino iyon at ayon sa mga taong nakatira doon ay wala namang ganung tao na ganun ang pangalan na nakatira doon.Samantala, ginawa naman ang lahat ni ALexa para itago rito ang lahat. Nagsinungaling siya kay Noah dahil gusto niyang protektahan ang Kuya Nio niya.Dahil sa pananahimik ni Alexa ay nilingon
Matapos manahimik ng ilang sandali ay napatingin siya sa kamay niyang nasugatan at pagkatapos ay nagsalita. “Tatlong buwan akong hindi makakapagtrabaho kaya bumalik ka na doon, dito na muna ako at magpapagaling muna ako.” sabi niya rito.“Okay lang, tapos uuwi na lang ako rito sa gabi.” sabi naman nito sa kaniya. Sadyang iginiit nito ang salitang gabi na para bang sinasabi nito ay may pangangailangan ito sa gabi. Nagmamadali naman siyang sumagot rito.“Hindi na kailangan, Noah. Ang lugar na ito ay malayo sa lungsod at ilang oras din ang kailangan mo para makapunta rito. Doon pa lang ay sayan na ang oras mo, gamitin mo na lang para magpahinga.” sabi niya rito.Itinaas naman ni Noah ang kanyang kamay at pagkatapos ay pinisil ang ilong nito. “Ikaw e huwag ka ngang tumanggi ng tumanggi.” sabi ni Noah rito.Iniiwas naman ni Alexa ang kanyang mukha mula rito. “Huwag na nga.” sabi niya rito.“Pinsan mo ako, hindi ba normal na puntahan kita gabi-gabi?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay