Share

Chapter 15.2

Ilang sandali pa nga ay narinig niya na tinanong ito ni Noah. “nahuli na ba ang gumawa nun sa kapatid mo?” tanong niya rito.

Bahagya namang lumubog ang mukha ni Dexter at pagkatapos ay mabilis na sumagot. “Hindi pa.” sabi nito. “Magaling ang lalaking gumawa nun sa kamay ni Lily dahil halos wala kaming bakas na makuha sa pinangyarihan. Dahil na nga rin sa madilim ang lugar na pinangyarihan ay malabo ang mga kuha ng cctv kaya napakahirap manguha ng ebidensiya.” dagdag nitong sabi sa kaniya.

Bigla namang napataas ang kilay ni Noah nang marinig niya ang sinabi nito. “May dala ka bang larawan ng lalaki? Tingnan ko nga.” sabi niya rito.

Agad naman itong may dinukot sa bulsa nito at pagkatapos ay inilabas doon ang isang sobre at inabot nito sa kaniya. Agad niya naman iyong kinuha at inilabas ang laman. Tiningnan niya itong mabuti at doon nga ay makikita na malabo nga ang kuha, pero maaaninag na isa nga talaga itong lalaki maging ang tindig nito. Nakasuot ito ng jacket at ng baseball cap at n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
thanks sa pag update sana more update pa please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status