Share

Chapter 15.3

last update Huling Na-update: 2024-07-31 16:42:37

Hindi na nakasagot pa si Alexa sa sinabi ni Noah dahil wala na doon ang isip niya. Ang isip niya ay napunta sa gabing iyon, labintatlong taon na ang nakalipas. Ang gabi na nagdulot sa kaniya ng bangungot kung saan ay punong-puno ito ng walang katapusang sakit, ang mga sigaw ng kawalan ng pag-asa. Si Nio ang susi para matanggal ang bangungot na iyon. Basta’t nababanggit ang pangalan nito ay bigla na lamang bumibilis ang tibok ng puso niya at kapag nangyari iyon ay nahihirapan siyang kumalma. Isang luha ang tahimik na dumulas mula sa sulok ng kanyang mga mata at tumulo sa hawak-hawak niyang larawan.

Ilang minuto muna ang lumipas bago tuluyang kumalma si Alexa. Pinunasan niya ang kanyang mga mata gamit ang likod ng palad niya at pagkatapos ay muling tiningnan ang larawan. Nagtaka siya kung sino man ang lihim na tumutulong sa kaniya.

Ni sa sarili niyang ina ay hindi niya sinabi ang tungkol sa kamay niya dahil natatakot siya na baka mag-alala lang ito sa kaniya at bukod kay Noah ay wala na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
more update pa please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 15.4

    Nagmartsa naman pabalik si Vena sa tabi ng kama ni Alexa at galit na naupo sa tabi nito. Sinulyapan niya ito at hindi niya na napigilan pa ang sariling magtanong rito. “Ate, sabihin mo nga ang totoo. Muli na bang nagkakalapit si Kuya at ang Lily na iyon?” tanong niya rito.Bigla namang natigilan si ALexa sa kanyang narinig. Hindi siya agad na nakasagot sa tanong nito at dahil doon ay napabuntung-hininga si Vena. “ate, pumapayag ka ba na paikutin niyang muli si Kuya? Napaka-galing magpaikot ng babaeng iyon.” sabi nito sa kaniya na punong-puno ng pagka-disgusto ang pagmumukha.“Talaga?” tanong niya rito.“Oo. bata pa lang kami ay magaling na siya. Magkasosyo kasi ang pamilya nila at pamilya namin sa ibang negosyo at palagi niyang nilalapitan ang kuya ko kapag may mga okasyon. Nilalandi niya ang Kuya ko hanggang sa tuluyan na ngang mahulog ang loob ni Kuya sa kaniya at doon na niya sinimulang paikutin si Kuya. pinagbabalat pa niyan si Kuya ng hipon ang kapal ng mukha. Gustong kumain pero

    Huling Na-update : 2024-08-01
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 16.1

    Dahil doon ay mas lalo pang naging malungkot ang mukha ni Noah. Dahil nga hindi niya makontak si Alexa ay ang tinawagan niya ay ang mga bodyguards na inatasan niya na magbantay kay Alexa. Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang nitong sinagot iyon kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na magtanong rito. “Nasaan si Alexa?” tanong niya ng wala ng paligoy-ligoy pa.Mabilis naman itong sumagot kaagad sa kaniya. “Uh sir sinabi po sa amin ni Ms.Alexa na dahil ilang araw na kaming nagbabantay sa kaniya ay marahil ay pagod kami kaya binigyan niya kami ng dalawang araw para makapagpahinga at sinabi niya na ito raw po ang utos ninyo.” magalang na sagot nito sa kaniya.Bigla na lamang tumaas ang sulok ng kanyang mga labi at unti-unting lumitaw ang ngiti. Ang isang babaeng katulad nito na palaging masunurin at maayos ang pag-uugali ay gumawa ng isang pekeng utos at sinabi sa mga bodyguards nito.Dahil doon ay wala na siyang ibang magagawa pa. “Saan siya nagpunta?” malamig na tanong niya rito.

    Huling Na-update : 2024-08-01
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 16.2

    Nang makaalis siya doon ay pinangunahan ni Noah ang kanyang mga tao na hanapin si Alexa sa lahat ng lugar na pwede nitong puntahan ngunit inabot na sila ng gabi ay hindi pa rin nila ito natatagpuan. Sa kalagitnaan ng gabi ay nakahiga sa malaking kama sa kaniya silid. Hindi siya makatulog. Paikot-ikot lamang siya doon dahil wala siyang ibang maisip kung saan maaaring pumunta si Alexa. Ilang sandali pa ay bigla na lamang may isang lugar na pumasok sa isip niya.Dahil doon ay nagmamadali siyang bumango mula sa kanyang kinahihigaan at nagmadaling pumunta sa ancestral house ng pamilya ni Alexa. Natitiyak na baka doon ito nagpunta isa pa ay doon ito lumaki. Dahil nga malayo ang byahe patungo doon ay alas kwatro na ng madaling araw nang makarating sila doon. Bumaba si Noah sa kotse at balak na buksan na sana ang pinto ng bahay nang maisip niya na baka natutulog na si Alexa sa ganuong oras at ayaw niya naman itong istorbohin sa pagtulog kaya muli siyang bumalik sa kotse at nahiga doon pagkat

    Huling Na-update : 2024-08-01
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 16.3

    Ibinaba ni Noah ang kanyang mata at tiningnan ang puntod na nasa harapan nila. Ito ay isang ordinaryog puntod at mukhang matagal na ito. Sa harap nito ay may isang bungkos ng nalalantang mga bulaklak at sa tabi nito ay ang tunaw na kandila. Napakasimple ng puntod na ito at ni wala man lang itong lapida. Hindi niya tuloy masabi kung kanino iyon kung hindi niya pa malalaman kay Alexa. Unti-unti namang nakahinga ng maluwag si Noah at pagkatpaos ay unti-unting ibinuka ang bibig niya upang tanungin ito kung sino nga ba si Nio sa buhay nito ngunit umiwas lang si Alexa sa pagsagot.Sa katunayanan, noong unang beses niyang tinawag ito sa panaginip nito ay pina-imbestigahan na kaagad ni Noah kung sino iyon at ayon sa mga taong nakatira doon ay wala namang ganung tao na ganun ang pangalan na nakatira doon.Samantala, ginawa naman ang lahat ni ALexa para itago rito ang lahat. Nagsinungaling siya kay Noah dahil gusto niyang protektahan ang Kuya Nio niya.Dahil sa pananahimik ni Alexa ay nilingon

    Huling Na-update : 2024-08-02
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 16.4

    Matapos manahimik ng ilang sandali ay napatingin siya sa kamay niyang nasugatan at pagkatapos ay nagsalita. “Tatlong buwan akong hindi makakapagtrabaho kaya bumalik ka na doon, dito na muna ako at magpapagaling muna ako.” sabi niya rito.“Okay lang, tapos uuwi na lang ako rito sa gabi.” sabi naman nito sa kaniya. Sadyang iginiit nito ang salitang gabi na para bang sinasabi nito ay may pangangailangan ito sa gabi. Nagmamadali naman siyang sumagot rito.“Hindi na kailangan, Noah. Ang lugar na ito ay malayo sa lungsod at ilang oras din ang kailangan mo para makapunta rito. Doon pa lang ay sayan na ang oras mo, gamitin mo na lang para magpahinga.” sabi niya rito.Itinaas naman ni Noah ang kanyang kamay at pagkatapos ay pinisil ang ilong nito. “Ikaw e huwag ka ngang tumanggi ng tumanggi.” sabi ni Noah rito.Iniiwas naman ni Alexa ang kanyang mukha mula rito. “Huwag na nga.” sabi niya rito.“Pinsan mo ako, hindi ba normal na puntahan kita gabi-gabi?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay

    Huling Na-update : 2024-08-02
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 16.5

    Sumulyap sa kanya si Noah nang may malalim na mga mata at pagkatapos ay tuluyang pinindot ang answer button. “May problema ba?” tanong niya kaagad rito.“Noah nasaan ka?” ang nakakaawang tinig nito ang sumalubong sa kaniya sa kabilang linya. “Hinid ka nagpunta rito sa ospital para makita ako kahapon pa, pwede bang pumunta ka ngayon? Hindi kasi ako makakain kapag hindi kita nakikita dahil sa lungkot e.” sabi nito.Dahil nga naka-loudspeaker ang cellphone ni Noah ay narinig ni Alexa ang mga sinabi ni Lily at halos balutin ng pagkasuklam ang buong pagkatao niya. Dahil doon ay mabilis siyang naglakad patungo kay Noah at nagsalita. “Noah, nahubad ko na ang mga damit ko ano pa bang ginagawa mo?” malambing na sabi niya rito at dahil doon ay nakakamatay na katahimikan ang namayani mula sa kabilang linya.Mabilis naman siyang nilingon ni Noah at tiningnan siya nito nang may ngiti sa labi at kumikinang ang mga mata. Samantala, wala naman siyang ekspresyon na tumingin rito. Nagtitigan silang dal

    Huling Na-update : 2024-08-02
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 17.1

    Hanggang sa hindi na makita pa ni Alexa ang sasakyan ni Noah ay nanatili pa rin siyang nakatayo doon kung saan ay nawala ang kotse nito. Hindi niya masabi kung ano ang nararamdaman niya sa kanyang puso. Umihip ang hangin. Matapos tumayo doon ng ilang sandali at tuluyan na ngang tumalikod si ALexa at naglakad na pabalik sa bahay ng kanyang lolo.Nang makarating siya doon ay dinukot niyang susi at pumasok sa isang silid doon kung saan ay iyon noon ang nagsilbing restoration room ng lolo niya at iyon din ang lugar kung saan ay ginugol niya ang ilang taon ng buhay niya noong bata pa siya. Ang silid ay nanatiling ganuon pa rin sa dati na may dalawang kalahating tao na pulang solidong kahoy na mga mesa sa gitna kung saan inilagay ang mga kagamitan sa pag-aayos ng mga painting.Dahil nga sa katagalan na wala ng nagpupunta doon ay may manipis na layer ng alikabok nang haplusin niya ang mesa. Sa pag-iisip sa kanyang lolo na namatay dahil sa kanser sa tiyak ay bigla na lamang nag-init ang sulok

    Huling Na-update : 2024-08-03
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 17.2

    Ang babae ay napakaganda, may maliit itong mukha at mukhang laking mayaman talaga. Ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Lily. nang makita niya ito ay para bang tinusok ang puso niya dahil sa sakit. Para siyang itinulos mula sa kanyang kinatatayuan at hindi makagawa ng kahit na anumang hakbang.Nagmamadaling sumigaw si Ate Malou na nasa likod niya. “Sir, nandito na po si Ms.Alexa.” sabi nito kay Noah.Agad naman na hinawakan ni Noah ang mga kamay ni Lily na nakabalot sa beywang niya at pagkatapos ay naglakad palapit kay Alexa at mahinahong nagsalita. “Bakit hindi mo ako tinawagan na nandito ka na pala? E di sana ay sinundo kita sa baba.” sabi nito sa kaniya.Hindi naman nakapagsalita si ALexa at malamig na tumingin lang kay Noah. hindi niya ito pinansin at pagkatapos pinilit na gumalaw at maglakad papasok sa silid ng matanda. Pagkapasok niya sa loob ay naabutan niya na nakaupo ang matandang babae sa kama ng ospital habang humihigop ito ng sabaw. Nang makita siya nito ay agad na nagl

    Huling Na-update : 2024-08-03

Pinakabagong kabanata

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 28.1

    KINABUKASAN, bigla na lamang nakatanggap si Alexa ng isang message mula sa kanyang bank account kung saan ay nakatanggap siya ng isang milyong piso. Galing iyon sa Dela Veag Auction House. Iyon ang auction house kung saan niya ibinenta ang painting.Agad niyang hinalungkat mula sa kanyang bag ang business card na ibinigay sa kaniya ni Nio at idinial niya ang numerong nakalagay doon. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ako ito si Alexa.” mabilis na sabi niya.“Alexa.” bulong nito sa pangalan niya at ang tinig nito ay napakababa. Hindi niya alam ngunit tuwing maririnig niya na binabanggit nito ang pangalan niya ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam niya na ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay tila puno ng pagmamahal. Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntung-hininga. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganung klaseng bagay.“Mr. Dela VEga, may pumasok na isang milyon ngayon sa aking account at mula iyon sa Auction House ninyo. Mukhang nagkamali ang empleyado mo

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 27.6

    HABANG NAKASAKAY SI ALEXA SA kotse ni Noah ay bigla siyang napakunot ang noo nang mapansin niya na para bang iba ang daang tinatahak nila. Nilingon niya ito. “Hindi ito ang daan pauwi hindi ba?” tanong niya nang magkasalubong ang mga kilay niya.Tumango ito sa kaniya. “May pupuntahan tayo.” sagot nito nang hindi siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho.Mas lalo pang lumalim ang kunot noo niya. “Saan naman tayo pupunta?”“Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon. Basta maupo ka lang diyan.” sagot nitong muli sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo na lang at maghintay kung saan nga siya nito dadalhin.Makalipas lamang ang isang oras ay ipinarada na ni Noah ang kotse sa tabi ng ilog. Nang bumaba sila ay agad na sumalubong sa kaniya ang may kalakasang hangin. Ang ilog ay malakas ang agos at ang kapaligiran ay napapalibutan ng kagubatan.“Anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya.Hindi naman ito sumagot sa halip ay inabot lang nito sa kaniya ang susi n

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 27.5

    HABANG NAGLALAKAD PALABAS NG RESTAURANT ay nakahawak si Lily sa kanyang pisngi at sumunod kay DExter. Nang makalabas na sila ay nagsimula na siyang magreklamo. “Hindi mo ba nakita kung anong ginawa sa akin ng babaeng iyon? Paulit-ulit niya akong sinampal. Ni hindi mo man lang ako tinulungan na makamit ko ang katarungan sa ginawa niya, sa halip ay hinila mo pa ako paalis doon.” inis na inis na sabi niya rito habang nakasunod rito.Agad naman siyang nilingon nito upang tingnan ang kanyang mukha. Namumula ang kanyang mukha na may bakat pa ang kamay ni ALexa na sumampal rito. Agad na nanlamig ang mga mata nito. “Anong sinabi mo sa kaniya?”Nagalit naman kaagad si Lily nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano pa sana ang sasabihin ko sa kaniya? Sinabi ko lang naman na sinadya ng lola niya na mamatay na para mapigilan ang paghihiwalay nilang dalawa ni Noah. sobra na ba iyon?” may bahid ng pagkayamot na tanong nito. Sinabi niya lang naman iyon para magalit talaga ito lalo na at nakita nga niy

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 27.3

    BIGLA NIYANG NAISIP na sa tuwing nababanggit niya si Nio ay malaki ang nagiging pagbabago ng mood ni ALexa. Samantala, hindi naman na nagsalita pa si Noah kaya tahimik na lamang niyang dinampot ang kutsilyo at pinutol ang isang piraso ng steak at inilagay sa plato nito iyon. “Kumain ka pa. Tinapos ko ang painting na tinatapos ko ng ilang araw na.” sabi niya rito. Sa isip-isip ni Alexa ay hindi na ito galit dahil tumahimik na ito at pagkatapos ay nagsimula na ring kumain. Habang kumakain siya ay nagbayad na si Alexa ng kinain nila at pagkatapos ay nagpaalam na pupunta siya ng banyo. Mula sa malayo ay isang pigura ang nakasunod kay Alexa na pumasok sa banyo. Nang lumabas sa isang cubicle si Alexa upang maghugas ng kanyang kamay nang isang pigura ng babae ay biglang yumuko upang buksan ang gripo sa tabi niya at naghugas. “Nandito ka rin pala para kumain.” sabi nito sa kaniya. Nasa hawakan na ang gripo ang kanyang kamay nang mapalingon siya rito. Agad niyang nakita si Lily. Agad na na

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 27.4

    NAKITA NI ALEXA SI NOAH na nakatayo sa labas ng banyo at nakatingin sa kanilang dalawa. Doon niya napagtanto na kaya ibinulong iyon sa kaniya ni Lily para i-provoke siya na saktan ito dahil kanina pa lang ay nakita na nito si Noah na nakatayo doon.Tahimik na tiningnan ni Alexa si Noah at naghihintay ng reaksyon nito ngunit hindi ito nagsalita. Bigla niyang napagtanto na kailangan niyang ipaliwanag ang sarili niya sa harapan ni Noah at hindi niya papayagan na lasunin na naman ni Lily ang utak nito. Tiningnan niya si Lily ng malamig. “Ano sana ang magiging pakikitungo ko sa kaniya e asawa ko siya? Isa pa ay napakabait niya sa akin at sa pamilya ko kaya dapat lang na maging magiliw ako sa kaniya pero ikaw, paulit-ulit mo akong pino-provoke at idinamay mo pa talaga ang lola ko at gusto mo na maging mabait ako sayo? Ano ako dating baliw?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong rito.Samantala, hindi naman makapagsalita kaagad si Lily dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay tumingin kay Noah

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 27.2

    Hindi naman nakapagsalita kaagad si Alexa nang marinig niya ang sinabi nito. Masaya siya at biglang ring natulala ang kanyang puso sa sinabi ni Noah sa kaniya. Sa isip-isip niya ay napabulong siya na gusto niya mapantayan ito para kahit na ang ama ni Noah ay ma-impress din sa kaniya at hindi na sila paglayuin pa.Tahimik naman si Noah na may pagmamahal na hawak ang kanyang kamay habang nakapatong ito sa mesa. “Isa pa, pasensiya na sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko.” sabi pa nitong muli.“Ano ka ba, okay lang.” sagot niya naman kaagad at dahil doon ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Dahil rito ay dali-daling inilabas ni Alexa ang kanyang cellphone sa kanyang bag upang sagutn ang tawag.Hindi sinasadyang mailabas ni Alexa ang business card nang ilabas niya ang kanyang cellphone nang hindi niya napapansin. At nasulyapan ito ni Noah. ang kanyang ina pala ang tumatawag. Agad niyang sinagot ito at pagkatapos ay dali-daling inilagay sa kanyang tenga. “Nay, bakit? May pro

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 27.1

    Habang naglalakad sila ay ipinilig ni Betty ang ulo nito at pagkatapso ay nilingon si Alexa. “Bakit sa palagay ko ay tila ba may kakaiba sa pakikipag-usap mo sa lalaking iyon kahit na parang ito pa lang naman ang unang beses niyong magkita?” biglang tanong nito sa kaniya.Agad naman na inilagay ni Alexa ang kanyang kamay at pagkatapos ay napatitig ng blangko sa mga numero ng elevator, hindi niya tuloy maiwasan na mag-alala dahil may napansin din pala si Betty. Napabuntung-hininga na lamang siya. “Ang kanyang mga mata kasi ay parang maga mata ng taong kilala ko.” tapat na sagot niya rito.Bigla namang itong nag-isip sandali at muli na namang nagtanong. “Katulad ba ng kay Noah?” tanong nito ulit sa kaniya ngunit hindi siya sumagot rito. Ayaw niyang pag-usapan ang mga bagay na iyon ngayon. Ilang sandali pa nga ay bumukas na ang elevator kaya dali-dali na silang naglakad palabas kung saan nakaparada ang kotse nito. Agad siyang sumakay sa loob ng kotse. Ilang sandali pa ay nilingon niya si

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 26.5

    Hindi nga nagtagal ay inabot na ni Serene ang painting sa lalaking nasa harap niya at pagkatapos ay napasulyap ito sa kanyang kamay na hanggang sa mga oras na iyon ay may bakas pa rin ng pagkakaipit sa kanyang pinto. Malamig ang mga mata nitong kinuha ang painting mula sa kaniya at tahimik na binuhat at inilapag sa isang pera at maingat na tiningnan ito at pagkatapos ay nagsalita. “Hmm, mukhang ito ang tunay na painting ng sikat na pangalawang reyna ng ingglatera. Magkano mo ito ibebenta?” tanong nito sa kaniya.Sa halip naman na siya ang sumagot ay si Betty ang sumagot para sa kaniya. “Nag-search ako sa internet kung magkano ang aabutin ng painting na yan at nakita ko kung gaano na kamahal yan sa paglipas ng taon. Aabot yan ng sampung milyong piso.” sabi nito ngunit hindi siya pinansin ng direktor at sa kaniya pa rin ito nakatingin.“Magkano mo ibebenta ito?” ulit nito sa tanong nito kanina.Agad naman na namutla ang kanyang mukha at halos hindi alam kung ano ang isasagot niya rito.

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 26.4

    Hindi nagtagal ay agad din itong tumawag sa kaniya. “Nagtanong-tanong na ako sa mga auction house dito sa MAnila ay may turnoever rate daw sila na aabot sa 80%. Isa pa ang dalawang auction house na pinagtanungan ko ay sila ang pinakamaraming mga collection sa buong bansa na umaabot ng halos bilyon.” sabi nito sa kaniya.“E saan tayo pupunta?” tanong niya rito. “Yung mas malapit na lang sana.” dagdag pa niya.“Oo nga, sa Dela Vega Auction House na lang siguro. Susunduin kita.” sabi nito sa kaniya.Hindi nagtagal ay dumating na doon si Betty at sinundo na ng siya. Makalipas lamang ang isang oras ay dumating na nga sila sa Dela VEga Auction House. Pumasok ang dalawa sa loob habang patingin-tingin sa paligid at pagkatapos ay nakipila dahil may pila pala bago makapasok sa loob. Sa kanilang harapan ay may hindi bababa sa limampu o animnapung tao sa hatapn nila na mukhang dumating pa doon galing sa ibat-ibang panig ng bansa na may dala-dalang mga koleskyon para sa gagawing auction.Dahil n

DMCA.com Protection Status