Agad naman itong napailing. “Pumunta lang ako rito para dalawin kayo.” sagot nito sa matanda.“Nakita mo na ako, pwede ka ng umalis.” malamig na sabi nito kay Lily.Agad naman na namutla ang mukha nito nang marinig niya ang pagtataboy ng matandang babae. “Lola, lumaki ako na malapit sa inyo pero bakit ganyan kayo sa akin? Noong araw ay mahal na mahal ninyo ako.” sabi nito na punong-puno ng hinanakit ang tinig.Hindi naman sumagot ang matanda at nanatiling tahimik lang. Ilang sandali pa ay muling nagsalita si Lily. “Noong maaksidente tatlong taon na ang nakakaraan si Noah ay nagpadala ang aking ina ng tauhan niya upang dalhin ako sa ibang bansa at nagtalaga siya ng isang taong magbabantay sa akin bente kwatro oras. Dahil doon ay naisip ko na tiyak na sobrang nalungkot si Noah dahil sa sapilitang paglayo ko sa kaniya at nang mabalitaan ko na nag-asawa na siya ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at halos ayaw ko ng mabuhay pa ng mga oras na iyon.” sabi nito. Nakatayo ito doon at
Bagamat hindi siya gaanong malapit sa mga ito ay narinig pa rin ni Alexa ang mga sinabi ni Lily. sa totoo lang ay first time niya lang na makakilala ng ganitong klaseng tao na kaya nitong magturo ng tao kahit na wala naman itong kaalam-alam kung totoo ba o hindi.Kaya pala ayon kay Vena ay napakagaling nitong magpaikot ng tao at kailangan niya ding mag-ingat dahil baka malingat lang daw siya ng kaunti ay baka mawala na ng tuluyan sa kaniya si Noah. tahimik na tumingin si Alexa kay Noah at gusto niyang marinig kung ano ang isasagot nito rito.Pagkatapos ng ilang sandali ay sumagot ng malakas si Noah. “hindi si Alexa ang may gawa niyan sa kamay mo. hindi niya magagawa yan, kilalang-kilala ko siya at napakabait niya.” sagot nito rito.Nang marinig ni Alexa ang sagot nito ay mabilis siyang tumalikod at umalis. Medyo gumaan ang pakiramdam niya sa kanyang narinig. Isa pa ay ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod pa nitong sasabihin sapat na ang narinig niya. Bumalik siya sa silid ng mat
Paglabas nila ay agad na napatingin si Noah sa kaniya at pagkatapos ay nagtanong. “Ano ang ipinangako mo kay Lola? At bakit ba namumula ka?” magkasunod na tanong nito sa kaniya.Napabuntung-hininga naman muna si Alexa bago sumagot rito. “Pinakiusapan niya kasi ako na bigyan ko na raw siya ng apo.” sagot niya rito.Agad namang napangiti sa kanya si Noah. “Gusto na kasi talaga ni lola na magkaapo sa tuhod. Noon ngang nakakatayo na ako ay sinabi niya sa akin na gusto na raw niya ng apo at noong pinatulog niya tayo doon sa mansyon. Ginawa niya iyon dahil nga gusto na daw niyang magkaanak na tayo.” sabi nito sa kaniya.Hindi na lamang sumagot si Alexa at ipinilig ang kanyang ulo. Mabilis silang sumakay sa elevator at bumaba. Agad silang dumiretso sa kotse nito at agad naman na pinaandar ng driver ang kotse. Nang nasa loob na sila ay mabilis na ibinaling ni Noah ang kanyang ulo at tiningnan si Alexa na may ngiti sa mga labi at pagkatapos ay nagniningning ang mga matang nagtanong rito. “Gus
Matapos mapuno ang bathtub ay pumasok na si Alexa sa loob ng banyo. Sa tulong ni Noah ay nahubad niya ang kanyang damit at mabilis na lumublob sa bathtub. Itinaas niya ang nasugatan niyang kaliwang kamay upang hindi ito mabasa at pagkatapos ay nilingon si Noah na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin lumalabas mula doon. “Lumabas ka na at kaya ko ng maligo mag-isa.” sabi niya rito.Sa halip naman na lumabas ito ay inililis lamang nito ang manggas ng suot nitong long sleeve at kinuha niya ang pink bath towel na nakasabit sa dingding at pagkatapos ay nilingon siya nito. “Tutulungan kitang kuskusin ang likod mo dahil hindi ka nakaligo ng maayos nitong mga nakaraan at ang katawan mo ay baka naipunan na ng libag.” sabi nito sa kaniya.Sasabihin pa lang sana niya rito na huwag ay agad na niyang naramdaman na kinuskos na ni Noah ang kanyang likod. Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita. “Tingnan mo nga, ang daming libag ng likod mo.” sabi nito sa kaniya.Bigla namang nahiya si Alex
Ang kamay ni Noah ay dumausdos pababa sa kanyang likod at pagkatapos ay ibinalot sa kaniya at hinagod ng baba nito ang kanyang buhok at pagkatapos ay nagsalita. “Sa katapusan ay birthday na ng aking ina.” sabi nito sa kaniya. “Hindi ka pa naman makakapasok sa trabaho mo dahil sa kamay mo kaya kailangan mong maglibang muna. Masyado kang tahimik at hindi man lang marunong makisalamuha sa iba.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Medyo parang tinusok naman ang puso niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Masyadong tahimik at sobrang boring?” malamig na tanong niya rito.Mabilis naman na sumagot si Noah. “hindi, wala naman akong ibig sabihin na ganun. Para hindi ka tumanda ng maaga at palaging nakasimangot.” sabi nito sa kaniya.Bigla namang tumalim ang mga mata ni ALexa dahil sa sinabi nito. “Ah ganun?” tanong niya rito at nag-umpisang suntukin ang dibdib nito.Ngumiti lang naman si Noah at hinawakan ang kamay nito upang pigilan. “Ang ibig ko lang sabihin ay napakabata mo pa, kailangan mon
Pagkatapos maligo ni Noah ay humiga siya sa tabi ni Alexa. Hinawakan nito ang mukha nito at tinitigan habang mahimbing ang pagkakatulog nito. Ilang sandali pa nga ay hinalikan nya ang noo nito at pagkatapos ay bumulong. “Kapag tinawag mo pa sa panaginip mo ang Nio na iyon ay magagalit na talaga ako.” bulong niya kahit na alam niya na hindi naman siya nito maririnig dahil napakahimbing ng tulog nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at niyakap ito pagkatapos ay natulog.Kinabukasan, nang magising si Noah ay umaga na. Dahan-dahan siyang bumangon para hindi magising si Alexa at lumabas ng silid. Nang magising naman si Alexa ay wala na siyang katabi at mag-isa na lamang niya sa kama. Dahil nga wala siyang saplot ng mga oras na iyon ay nagbihis muna siya at nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush na rin. Nagsuklay na rin siya dahil gulo-gulo ang buhok niya nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin.Pagkatapos niyang maayos ang itsura niya ay bumaba na siya. Naabutan
Napangisi ito at pagkatapos ay tinanong siyang muli. “Card yan ni Noah hindi ba? Kaya ayaw mo siya iwan dahil sa marami niyang pera.” sabi nito sa kaniya.Wala sana siyang pakialam sa sinabi nito ngunit ayaw niyang mapahiya sa harap ng mga staff ng store kaya tiningnan niya ang cashier. “Pakisabi nga sa babaeng ito kung kanino ang card na yan.” sabi niya.Ngumiti naman agad ang cashier at sinulyapan si Lily. “Alexa Acosta po ang account name na nakalagay sa card.” sabi nito rito,Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Alexa at pagkatapos ay tinanong din ang cashier ulit. “Magkano ang laman ng card?” tanong niya rito.“Wait lang po at ichecheck ko.” sagot naman nito at hindi nagtagal ay nagsalita ito. “Ma’am ang balance ninyo ay 156 million pesos.” sabi nito.Nang marinig ito ni Lily ay agad siyang namutla at hindi nakapagsalita sa labis na gulat. Sinulyapan siya ni Alexa na may ngiti sa mga labi. Sa totoo lang ay hindi siya mayabang na tao ngunit ito na ang tamang oras para magyaban
Akala ni Lily ay hindi siya marunong manamit at pakiramdam nito kaya ito ay nakabihis at nagsuot ng alahad ay mukha na itong atista kaagad. Ang mga mata ni Amanda ay nagtaas baba kay Lily at pagkatapos ay mahinahong sumagot. “Ang aking manugang ay hindi mahilig sa mga materyal na bagay at lalong-lalo na sa magagandang damit dahil ang mas importante sa kaniya ay ang panloob na kagandahan at hindi ang panlabas.” sabi nito rito.Nang marinig ito ni Lily ay hindi siya nakapagsalita at napakagat-labi na lamang siya.Tila naman hinaplos ang puso ni Alexa ng mga oras na iyon dahil sa mga salita ng biyenan niya. Ang bawat salita nito ay pagtatanggol sa kaniya at sumasampal naman sa mukha ni Lily. ilang sandali pa ay nagturo na ang kanyang biyenan ng bag at ipinalabas sa staff ng store at ibinigay sa kaniya.Kinuha ito ni Amanda at pagkatapos ay inabot sa kaniya. “Ito, kunin mo ang bag na ito. Huwag mo palaging isipin ang pagbili ng bag para sa amin ng hipag mo kundi dapat ay bumili ka rin ng