Nang tingnan niya ito ay nakita niya na si Noah ang tumatawag. Ilang sandali pa nga ay agad niyang sinagot ang tawag nito at inilagay sa kanyang tenga. “May problema ba?” tanong niya kaagad rito.“Nasaan ka?” tanong nito sa kaniya.“Nagkakape. Kasama ko ang Mommy mo.” sagot niya rito.“What?” gulat na gulat naman na tanong nito mula sa kabilang linya. “Saan cafe? Sabihin mo sa akin at pupuntahan kita kaagad.” sabi nito sa kaniya na may halong pagkabalisa ang tinig.Napakunot naman ang noo ni Alexa at nagsalubong ang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano ka ba, busy ka hindi ba? Hindi mo na kailangan pang pumunta rito.” sagot niya naman kaagad rito.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay nagsalita. “Gusto ko siyang makausap. Ibigay mo ang cellphone sa kaniya.” sabi nito sa kaniya at dahil doon ay mabilis niyang inabot rito ang kanyang cellphone sa biyenan niyang nasa harapan niya at nakamasid lang sa kaniya.Agad naman nitong kinuha ang cellphone nang iabot niya rito iyo
Dumating na nga araw ng birthday ng kanyang biyenan. Isinuot niya ang bigay nitong dress sa kaniya at pagkatapos ay naglagay lang ng light make up sa kanyang mukha at pagkatapos ay nagpahatid na siya sa mansiyon kung saan idadaos ang birthday party nito.Nang dumating siya doon at pumasok sa loob ay bumungad sa kaniya ang maliwanag na entrance ng mansiyon na napapalamutian at puno ng mga marangyang upuan at mga mesa. Punong puno din ang mesa ng mga ibat-ibang mga high end buffet dish and delicacies. Ibat-ibang uri din ng alak at mga dessert ang naroon.Ang mga lalaking panauhin ay nakasuot ng suit at kurbata, habang ang mga babaeng panauhin ay nakasuot ng mga evening dresses. Ilang sandali pa ay sabay-sabay na ang mga itong kumakain at umiinom. Mukhang nag-umpisa na yata ang party at huli na siya. Ang kanyang biyenan ay umiikot at nakikipag-usap sa mga bisita nito at nakikipag-kwentuhan. Simula nang makasal siya sa pamilya ng mga ito ay iyon pa lang ang unang beses na nagkaroon ang in
Naglakad din naman palapit ito na may hawak na isang baso sa kamay nito na may lamang red wine at nakasuot ito ng mataas na takong at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Tsk. narito pala ang babaeng desperada na pinakasalan ang aking pamangkin. Isang babaeng mukha pera na gustong makapasok sa pamilya.” nakataas ang isang sulok ng labing sabi nito sa kaniya.Saglit naman na natigilan si Alexa at pinilit ang sarili na panatilihin kalmado sa kabila ng mga sinabi nito sa kaniya. Tiningnan niya ito ng puno ng pagpapakumbaba. “Napakabuti po ni Noah ngunit mali po kayo ng tingin sa akin. Hindi po ganun ang intensiyon ko.” sabi niya rito.“Talaga?” nakataas ang kilay nitong tanong sa kaniya. “Paano naman ako maniniwala e ni wala ka pa nga sa talampakan ng pamilya.” sabi nito at pagkatapos ay uminom sa hawak nitong baso at nakatingin sa kaniya na punong-puno ng anghahamak ang kanyang mga mata.Sa kabila ng mga sinabi nito ay tiniis pa rin ni Alexa ang mga salitang ibinato sa kaniya
Hindi na lamang nagsalita si Alexa at kumuha na lang ng pagkain at kumain para hindi niya kausapin si Lily. ayaw niyang abalahin ang sarili niya para lang pansinin si Lily. dahil doon ay napatingin naman ito kay Noah at pagkatapos nagsalita. “Mukhang hindi ako gustong makita ni Alexa.” sabi nito.Napatingin naman si Noah rito. “Doon ka na lang sa kabilang lamesa pumwesto.” sabi ni Noah rito.Ilang sandali namang natigilan si Lily ngunit sa huli ay wala na lang siyang nagawa kundi ang pumayag. “Okay.” sabi nito sa kaniya at naglakad patungo sa kabilang mesa. Nang makarating ito doon ay nakita niyang nakatitig pa rin ito kay Noah at ni hindi nito inalis ang tingin rito.Dumating kanina ang ama ni Noah na si Arturo, kasunod ito ni Lily. kaya pala nagkaroon kanina ng komusyon sa pinto. Nang matapos itong makipag-usap sa ibang bisita at nakita niyang naglakad ito patungo sa kanila kaya hindi pa man ito lubos na nakakalapit sa kanila ay mabilis na siyang tumayo upang batiin ito. Nagpaskil s
Nang makalayo si Alexa mula sa pinto ay doon naman ibinuka ni Noah ang kanyang bibig upang sumagot sa kanyang ama. “Pasensya na pero hindi ko magagawa ang gusto ninyo.” sagot nito rito. Sayang nga lang at hindi ito narinig ni Alexa dahil nakalayo na ito.Mabilis na nakababa si Alexa at lumiko sa isang sulok at pumasok siya sa banyo. Nang maisara niya ang pinto ay ini-lock niya ito at pagkatapos ay umupo siya sa toilet seat at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang kamay at pilit na pinigil ang kanyang emosyon at inilabas ang kanyang cellphone upang magpadala ng text message si kay Noah. “pinapababa ka na ni Mommy.” sabi niya rito at ilang sandali lang ay mabilis lang din naman itong nag-reply sa kaniya. Tumingala siya at ilang minutong nanatili doon at pilit na pinapabalik ang kanyang mga luha na pilit nang sumusungaw sa kanyang mga mata. Tumayo siya mula doon at lumapit sa lababo at binuksan ang gripo upang maghugas ng kanyang kamay. Nang mag-angat siya ng kanyang tingin ay na
Pagkatapos kumain ng cake ay nilapitan siya ni Noah. “ipapahatid na lang muna kita sa driver. May gagawin pa ako sandali.” sabi nito sa kaniya.Mabilis naman na ngumiti si Alexa rito at tumango. “Okay lang.” sabi niya rito. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin siya sa kanyang biyenan na babae at sumakay ng kotse at umalis sa lugar na iyon. Habang nasa daan siya ay nagpadaan siya sa isang botika para bumili ng mga contraceptives. Kagabi lang ay may nangyari sa pagitan nila ni Noah at wala silang ginamit na proteksiyon. Kung magdodoble siya ng inom ng pills ngayon ay maaagapan pa iyon siguro lalo pa at alam niya na nag-ovulate na siya dahil kalkulado niya ang araw ng pagreregla niya. Sa pagkakataon na tulad ng nasa ganuon silang sitwasyon ay hindi sila pwedeng magkaroon ng anak. Alam niya na darating ang araw na matutuloy ang paghihiwalay nila kaya magiging kawawa lang ang bata kapag nagkataon.Simula nang ipanganak siya ay ni hindi niya pa naranasan ang pagmamahal ng isang ama kaya alam
Dahil doon ay biglang napatingin si ALexa sa kanyang kamay. Gusto niyang malama kung may kinalaman ba si Lily sa injury nya sa kanyang kamay. Matapos niyang maghintay pa ng ilang sandali ay natapos na sa wakas si Noah na makipag-usap sa kausap nito. Muli siyang umikot at dinampot niya ang kahon ng gamot at lumapit rito. “Nahuli na ba ang Rigor na iyon?” tanong niya rito.Agad naman na napahigpit ang hawak ni Noah sa kanyang cellphone at pagkatapos ay nilingon siya nito. “Nawawala siya.” sagot nito sa kaniya.Agad naman na nagsalubong ang mga kilay ni Alexa. “Nawawala?” tanong niya ulit.“Ipinahanap ko siya sa bawat kamag-anak niya at nagtanong-tanong na rin ang mga ito ngunit iisa lang ang sagot ng mga ito, hindi nila ito nakita. Ibinilin ko na rin na kausapin ng mga pulis ang mga kaanak niya at nangako naman daw ang mga ito na kapag may balita sila ay agad silang magrereport sa presinto.” sabi nito sa kanya.“Ang pagkawala niya ay talagang tumutugma sa araw na iyon. Nang magpadala ak
Tinulungan niya rin itong maglagay ng toothpaste at tinulungan niya rin itong maligo. Nakasanayan na niya itong gawin sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ni Noah. pagkatapos nitong maligo ay pinunasan na niya ang katawan nito at nagbihis ng damit.Nagtulungan silang dalawa dahil nga may sugat ang kaliwang kamay niya at ang kanan naman nito kaya nagtulungan silang dalawa sa pagsusuot ng damit rito. Ilang sandali pa ay ngumiti ng bahagya si Noah dahil sa sitwasyon nilang dalawa. “Anong tawag sa ating dalawa?” tanong nito sa kaniya.Dahil sa tanong nito ay bigla namang napaisip si ALexa at pagaktapos ay tumingala rito. “Mutual affection?” tanong niya rito na may ngiti sa labi.Ilang sandali pa ay ibinaba niya ang kanyang ulo at tumitig sa mga mata nito habang nakakunot ang noo. “Kung wala ba akong pera tatlong taon na ang nakakalipas, pakakasalan mo ba ako?” tanong niya rito.Biglang nanikip ang puso ni Alexa nang marinig niya ang tanong nito. Ito ang sinabi ng ama nito kanina lan