Agad siyang naglakad palayo rito at pagkatapos ay dinampot ang hair dryer sa may cabinet niya at hinila ito at pinaupo sa may harapan ng salamin at pagkatapos ay inumpisahan na niyang tuin nga ang buhok nito.Habang nakikinig sa buzzing sound ng hair dryer at naamoy niya ang mabangong amoy ng katawan nito. Bigla siyang napangiti ng malamig. Ginagawa lang nito ang lahat ng iyon dahil sa mabait siya rito pero hind dahil sa mahal siya nito. Kahit na pala anong gawin niya ay hindi niya pa rin mapapalitan sa puso nito ang Nio na iyon.Nang matuyo ang buhok ni Noah ay sabay na silang sumampa sa may kama. Sa pagkakataong iyon ay agad na nakatulog si ALexa pagkahiga pa lamang niya sa kama. Ilang oras ang nakalipas ay bigla na lamang siyang nagising dahil sa malakas na ingay na hindi niya alam kung saan nagmula.Napahimas siya sa kanyang mga mata at pagkatapos ay napahikab. Iminulat niya ang kanyang tingin at pagkatapos ay tiningnan ang katabi niya, ngunit wala doon si Noah. ang inaantok niya
…Makalipas ang isang linggo, matapos niyang mag-almusal kasama si Noah ay sumakay si Alexa sa kotse at nagpahatid sa driver sa ospital upang bisitahin ang kanyang lola. Pagbaba pa lamang niya ng kotse ay nakatanggap siya ng tawag sa isang hindi pamilya na numero nang sagutin niya ito ay narinig niya ang tinig ng isang tao na hindi pamilyar sa kaniya ang tinig ngunit sigurado na siya kaagad na tauhan ito ng Daddy ni Noah. “miss Alexa, gusto daw po kayong makausap ni chairman.” sabi nito.Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi nito kay Noah ng kaarawan ng biyenan niyang babae. Biglang bumigat ang pakiramdam ni Alexa. Gayunpaman, alam niyang napakahalaga ng oras nito isa pa ay wala siynag dahilan para tanggihang makipag-usap rito.Mga alas diyes ng umaga ay tumawid si Alexa sa kabilang bahagi ng ospital kung saan ay mayroong cafe. Mas maaga siya ng sampung minuto kaysa sa oras na pinag-usapan nila. Pagkatapos lang ng sampung minuto ay nakita na niya kaagad itong pumasok sa pinto kung s
Nang magsawa si Alexa na umupo sa may garden ay bumalik na siya sa silid ng kanyang lola. Pagkapasok pa lamang niya sa may pinto ay napansin na kaagad ng kanyang ina ang kanyang mukha kaya nag-aalala itong nagtanong sa kaniya. “Anong problema mo anak? Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong nito sa kaniya.Mabilis naman na napailing si Alexa at pagkatapos ay lumapit sa tabi ng kama ng kanyang lola at umupo doon pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito at ngumiti. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lamang hinawakan ng kaniiyang ina ang kanyang pulso at pagkatapos ay hinila siya palabas ng silid. “Sumama ka sa akin.” sabi nito.Nang makarating sila sa may hallway at napatitig ito sa kanyang mga mata. “Inaway ka na naman ba ni Noah? O inapi ka na naman niya?” tanong nito.Mabilis namna na napailing si Alexa dahil rito. “Hindi.” sagot niya rito.“Kung ganun ay sino ang gumawa niyan sayo, ako ang nanay mo at dapat mong sabihin sa akin ang mga bagay-bagay. Sino ang sinabi mo kanina na
Agad na inilagay ni Noah ang mga bagay na iyon sa cellphone nito at pagkatapos ay isinend nito sa cellphone niya. Bumalik silang dalawa sa silid ng kanyang lola.Nang mga oras na iyon ay chinecheck ni Axel ang lola ni Alexa. Tumabi rito at ina ni Alexa at ngumiti, pagkatapos ay nagtanong nang makita nitong paparating na sila Noah. sinadya niyang lakasan ang tinig niya upang marinig talaga ito ni Noah. “Dr.Axel may girlfriend ka na ba?” tanong nito rito.Sandali namang napasulyap si Axel sa paparating na sina Alexa at sumagot. “Wala pa po.” sagot nito.Dahil rito ay mas naging interesado pa lalo ang ina n ALexa. “Ano sa tingin mo ang anak ko? Ang batang yan ay nag-aral sa murang edad at graduate din iyan. Masipag siya, mabait at alam mo naman na siguro ang tungkol sa talento niya.” sabi nito rito.Nang marinig naman ito ni Axel ay agad na tumaas ang sulok ng labi nito at pagkatapos ay gumuhit ang isang ngiti. “Talaga namang napakahusay niya.” sagot niya rito.Mas lalo namang lumawak pa
Ibig matawa ni Alexa ng mga oras na iyon. Hindi niya inaasahan na mahuhulaan kaagad ni Noah ang nangyari. Naalala niya pa naman ang sinabi sa kaniya nito na huwag na huwag niyang ipaalam kay Noah ang pag-uusap nilang kanina dahil makakaapekto daw ito sa relasyon nilang mag-ama.Nagpanggap na lamang siyang walang alam sa sinasabi nito. “Matagal mo nang nabanggit ang tungkol sa paghihiwalay nating hindi ba? Isa pa, sabi mo nga ay gusto mo ng makasama si Lily.” sagot niya rito.Agad naman na lumambot ang ekspresyon ni Noah dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay hinaplos nito ang pisngi niya. “Nagsisinungaling ka, hindi mo ba napapansin na nitong mga nakaraan ay medyo dumidistansiya ako sa kaniya.” sagot ni Noah rito.Mabilis naman na tumaas ang sulok ng labi ni Alexa at pagkatapos ay pinilit na ngumiti, ang kanyang mga mata ay puno ng lungkot na tumingin kay Noah at nagsalita ng magaan. “Kayong dalawa ay magkakabata at childhood sweethearts, isa pa ay sobrang bagay na bagay kayo.” mas ngu
Sabado ng gabi ay magkasama sina ALexa at Noah upang pumunta sa mansyon ng mga Montemayor. Pagkapasok pa lamang nila sa may pinto ay agad na silang sinalubong ng matandang babae nang may ngiti sa labi. “Nandito ang mga apo ko!” masayang sabi nito.Mabilis naman siyang naglakad palapit rito at humalik sa pisngi nito. “Kamusta po lola.” sabi niya rito.Ngumiti ito sa kaniya at pagkatapos ay itinuro ang sofa. “Umupo ka muna hija.” sabi nito kaya umupo naman siya kaagad. Umupo din naman ito sa kanyang tabi at pagkatapos ay agad nitong hinawakan ang knaiyang kama at nakatitig sa kanyang tiyan at pagkatapos ay nagtanong sa kaniya. “Hija buntis ka ba?” tanong nito sa kaniya.Mabilis naman na umiling si Alexa at pagkatapos ay ngumiti ng alanganing ngiti. “Lola hindi po. Nagpunta po kami rito ni Noah para sabihin sa inyo na maghihiwalay na kaming dalawa. Pasensiya na po.” sabi niya rito.Nang marinig nito ang sinabi niya ay agad itong natigilan at pagkatapos ay naglaho ang ngiti sa mga labi ni
Marahan niyang itinulak ang kamay ni Noah palayo at pagkatapos ay tumayo siya. “Dad, hindi po sa ganun, mali ang nasa isip ninyo. Isa pa ay gusto ko kayong kausapin ng mag-isa.” sabi niya rito.Malamig naman siyang sinulyapan ni Arturo. “Sumunod ka sa akin sa study room.” sabi nito sa kaniya. Dahil doon ay bigla ring tumayo si Noah mula sa kanyang kinatatayuan at pagkatapos ay akmang susunod sa kanila ngunit nilingon niya ito at pagkatapos ay umiling rito.“Hindi mo na kailangan akong samahan.” sabi niya rito.Hinawakan naman ni Noah ang kanyang kamay at pagkatapos ay marahang pinisil ito. “Lumabas ka kapag hindi mo na kaya pang manatili doon ha? Hindi mo kailangang magtiis.” sabi nito sa kaniya kung saan ay tinanguan niya lang ito. Sumunod siya sa kanyang biyenan at pumasok sa study room.Naroon din sa loob ng silid ang lolo ni Noah na nagbabasa ng isang diyaryo. Nang makita siya nitong pumasok ay agad nitong ibinaba ang binabasa at ngumiti sa kaniya. “Hija, nandito ka pala.” sabi ni
Nang marinig ni Noah ang pagbukas ng pinto ay agad siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Sinalubong niya si Alexa at pagkatapos ay hinawakan niya kaagad ang isang bahagi ng balikat nito at tiningnan niya ang mukha nito pati ang mga mata nito bago siya nagtanong rito. “Okay ka lang ba?” tanong niya rito sa mahinahong tinig.Umiling naman si Alexa at pagkatapos ay ngumiti sa kaniya ng alanganin habang ang mga mata nito ng mga oras na iyon ay nag-uumpisa nang magtubig. Tumayo din mula sa sofa ang matandang babae at tiningnan si Alexa mula sa malayo, gusto niyang tumawa pero hindi niya magawa.Ilang sandali pa ay lumapit si ALexa sa kaniya at pagkatapos ay niyakap siya. Ilang minuto ang dumaan bago nagawang ibuka ni Alexa ang kanyang bibig. “Lola, kapag sumasakit ang mga binti mo ay lagi kang uminom ng gamot ha? Lagi kayong kumain ng masusustansiyang magkain para lagi kayong maging malusog.” sabi ni Alexa rito.Nang marinig naman ito ng matandang babae ay agad na niyang naunawaan ang