Mapait na ngumiti si Alexa, kung hindi pa siya aalis ay ngayon ay kailan pa? Hihintayin pa ba niya na ipagtulukan siya nito paalis doon? Sa halip na sumagot ay tumayo na lamang siya basta at tumalikdo doon upang magtungo sa kanilang silid. Agad niyang inilabas ang kanyang maleta at inipon doon lahat ng gamit niya at pagkatapos ay nagbihis siya at ibinaba ang maleta niya.Nang makita siyang pababa ni Noah ay agad siya nitong sinalubong upang kuhanin ang maleta niya. “Ako na ang magdadala niyan.” pagprepresinta nito sa kaniya na tinanggihan naman niya kaagad.“Hindi na kailangan. Ako na, kaya ko naman.” malamig na sagot niya at hinila ito hanggang sa labas. Habang naglalakad palabas ng gate ay nadaanan niya ang garden na may mga halaman at namumulaklak. Sa araw-araw ay palagi niyang dinidilig ang mga ito at habang humahakbang siya pakiramdam niya ay naaawa ang mga ito sa kaniya.Tatlong taon na ang lumipas at ang inakala niyang magiging forever niya ay natuludukan na nang araw na iyon.
Magbasa pa