Nagising si Alexa dahil sa haplos sa kanyang mga hita at halik sa kanyang leeg. Wala siyang nagawa kundi ang mapa*ngol. Ilang sandali pa ng ay tuluyan nang ipinasok ni Noah ang kanyang mga kamay sa kanyang pantulog at hinaplos ang kanyang pagkababae.
Naging mabilis ang pangyayari at sa isang iglap ay tuluyan na nga siyang walang saplot at sa sumunod na sandali ay tuluyan na nga itong pumatong sa kaniya at hinalikan siya ng mapusok sa kanyang mga labi. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na sinagot ang halik nito. Agad na gumapang ang init sa buong katawan niya hanggang sa bawat himaymay ng pagkatao niya. Hindi niya napigil ang mapadaing lalo na nang tuluyan na nga nitong ipasok sa kaniya ang matigas nitong sandata. Napayapos siya sa likod nito nang mag-umpisa itong umulos. Napuno ng daing at ungol niya ang buong silid hanggang sa tuluyan na silang matapos at naghahabol pareho ng hininga. Ibinagsak nito ang sarili sa kama sa kanyang tabi. Samantalang siya ay naka-side at ramdam na ramdam ang mga pawis na tumatagaktak mula sa kanyang noo. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na bigla na lamang siyang niyakap ni Noah mula sa kanyang likuran, isang yakap na napakahigpit at halos ayaw siyang makawala mula sa mga bisig nito. Nailibot niya ang kanyang paningin sa buong silid, maliwanag na ng mga oras na iyon. Bigla na lamang siyang kinabahan bigla dahil sa pagkakayakap nito sa kaniya ng mga oras na iyon. Sa tatlong taon nila bilang mag-asawa ay ito pa lamang ang unang beses na natatandaan niya na niyakap siya nito ng ganuon kahigpit. Bigla siyang nakaramdam ng matinding pagmamahal mula sa pagkakayakap nito sa kaniya. Sa mga oras na iyon ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya na tila ba may mga kabayong naghahabulan mula sa ibabaw nito. Mabilis siyang umikot upang magkaharap silang dalawa na may nakapaskil na napakatamis na ngiti sa kanyang mga labi at pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit pabalik. Ilang minuto ang itinigal nang pagyayakap nilang dalawa hanggang sa tuluyan na siyang binitawan ni Noah at pagkatapos ay mabilis itong nagbihis ng damit at umupo sa uluhan at sumandal sa headboard ng kama pagkatapos ay binuksan nito ang drawer na nasa tabi nito upang kunin ang kaha ng sigarilyo. Naglabas siya ng isang stick mula rito at dali-dali niya itong sinindihan pagkatapos ay nagbuha ng hangin. Napalingon siya rito. Dahil sa kapal ng usok na ibinuga nito ay halos hindi na niya makita pa ng malinaw ang mukha nito, maging ang ekspresyon nito at hindi niya rin alam kung ano ba ang iniisip nito ng mga oras na iyon. Dahil sa usok ay bigla na lamang siyang napaubo. “Hindi ba at matagal ka ng tumigil sa paninigarilyo?” umuubong tanong niya rito. Napatitig ito sa kaniya ng ilang sandali habang nakalagay ang sigarilyo nito sa kamay nito at nakaipit sa dalawang daliri. Halos mailang siya sa pagkakatitig nito sa kaniya at nakahanda na sana niyang ibuka ang kanyang mga labi upang magsalita nang bigla niyang marinig ang tinig nito. “Alexa, maghiwalay na tayo.” biglang sabi nito sa kaniya. Ang mga salitang binitawan nito ay tila ba isang kulog sa isang napaka-aliwalas na araw. Natigilan siya bigla at nanlamig ang puso niyang nag-aapoy lamang kanina, ngunit ngayon ay unti-unti ng binabalutang ng yelo. Tiitigan niya ito ng may maputlang mukha at nagtanong sa nanginginig na boses. “May, may nagawa ba akong mali?” mahinang taong niya rito. “Wala, wala naman.” sagot nito sa kaniya. “Kung ganuon ay bakit tayo maghihiwalay? Bakit mo ako hihiwalayan?” tanong niya rito na halos bulong na lamang. “Bumalik na si Lily, pasensiya na.” sagot nito sa kaniya. Si Lily ang dati nitong kasintahan na nang-iwan rito noong mga panahong kailangang-kailangan siya ni Noah. nang mga oras na iyon ay pakiramdam niya ang puso niya ay tila ba sinaksak ng napakatalim na kutsilyo. Tatlong taon na ang nakalipas at araw-gabi ay magkasama sila, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay babalik lang din naman pala ito sa buhay ni Noah. Akala niya ay mahal siya nito ngunit iyon ang napakaking pagkakamali niya. Akala lang pala niya. Dahil sa labis na pagkabigo at sakit na bumalot sa buong pagkatao niya ay napakagat-labi na lamang siya habang hindi makagalaw ang kanyang katawan sa higaan. Agad siyang bumangon sa kama at dinampot sa tabi niya ang hinubad niyang damit at pagkatapos ay isinuot ito. Pagkatapos niyang magbihis ay akmang bababa na sana siya sa kama nang bigla na lamang hinawakan ni Noah ang balikat niya at pinigilan siya bigla. “Saan ka pupunta?” tanong nito sa kaniya. Sinubukan ni Alexa ang kanyang lahat ng makakaya upang pigilan na pumatak ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata pagkatapos ay sumagot rito. “Ipaghahanda ka ng almusal.” sagot niya. “Huwag na. Matulog ka na lang muna dahil mukhang naistorbo ko yata nag tulog mo. magpapaluto na lamang ako kay Manang Fe.” sabi nito sa kaniya. Dahil nga nakatalikod siya rito ay hindi nito nakikita ang pait sa kanyang mukha ng mga oras na iyon at pagkatapos ay humugot ng malalim na hininga. “Okay.” malamig na sagot niya bago muling nahiga sa kama at hinila ang kumot hanggang sa dibdib niya kasabay ng pagpatak ng luha niya sa unan niya. Wala na itong sinabi pa pagkatapos at naramdaman na lamang niya na tuluyan na nga itong umalis sa kama at pagkatapos ay narinig niya ang mga yabag nito palabas. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay dali-dali siyang bumangon sa kama at tumakbo papasok ng banyo. Ang pilit niyang pinipigilan na mga luha kanina ay nag-unahang pumatak sa mga mata niya na tila ba isang gripo at kahit anong pigil niya ay hindi niya kayang pigilan ito. Hindi niya alam na ang pagmamahal na ibinuhos niya kay Noah nitong mga nakalipas na tatlong taon ay sakit at pighati lang pala ang igaganti nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay nagpira-piraso ang puso niya dahil sa sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Dahil sa pag-iyak ay halos mawalan siya ng lakas kaya napasandal siya sa dingdinh ng banyo at umiyak hanggang sa nanginginig na ang kanyang katawan at hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatayo doon at umiiyak hanggang sa tawagin na siya ni Noah upang bumama at kumain ng almusal. Sinabi na lamang niya rito na susunod na siya upang magkaraoon pa siya ng pagkakataon na ayusin ang sarili niya. Paulit-ulit siyang naghilamos at paulit-ulit niya ring binanlawan ang namumugto niyang mga mata, pero nang tingnan niya ang itsura niya sa salamin ay namumugto pa rin ang mga mata niya na bahagya pang namumula. Nagpunas lamang siya ng kanyang mukha at pagkatapos ay dali-dali nang nagbihis ng mas maayos na damit at bumaba sa kusina. Nang makababa siya ng hagdan ay nakita niya kaagad na si Noah na nag-aabang sa kanya sa pinto ng kusina at nakasuot na ito ng well-tailored couture suit. Nakatayo ito na tila isang matikas at may marangal na pag-uugali, sa madaling salita ay napaka-elegante ng dating nito. Tahimik niyang nilampasan ito at pagkatapos ay naupo at ganun din ito at pagkatapos ay nilingon siya at napatitig sa kanyang maamong mukha. “Bakit namumula ang mga mata mo? Umiyak ka ba?” tanong nito sa kaniya. Nilingon niya rin ito at pagkatapos ay nagpaskil ng isang pilit na ngiti sa kanyang mga labi. “Hindi. Kanina kasing naghihilamos ako ay hindi ko sinasadyang malagyan ng sabon ang mga mata ko kaya namumula. Mamaya lang ay mawawala din ito.” sagot niya rito. Tumango ito at pagkatapos ay nag-iwas na ng tingin mula sa kaniya. “Mag-ingat ka sa susunod. Kumain ka na.” sabi nito sa kaniya at nag-umpisa na itong sumandok ng mga pagkain at inilagay nito iyon sa plato nito. Iginala ni Alexa ang kanyang paningin sa hapag kainan at napakaraming nakahandang mga pagkain doon at pawang ang mga paborito niyang mga ulam. Napakabango rin ng mga ito ngunit halos ayaw gumalaw ng kanyang mga kamay upang magsandok. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya kumain na malungkot siya, pero ngayon ay mas higit pa sa malungkot ang nararamdaman niya. Pinilit niyang magsandok ng pagkain at inilagay sa plato niya ngunit halos lumipas ang kalahating oras ngunit hindi pa rin niya nagagalaw ang pagkain na kinuha niya. Dahil rito ay nagpasya na siyang tumango, ibinaba niya ang hawak niyang kubyertos sa mesa. “Mag-iimpake na ako ng aking mga gamit.” mahinang sabi niya rito. Samantala ay napahigpit naman ng hawak si Noah sa hawak niyang kutsara dahil sa kanyang narinig. “Hindi kita minamadali.” sagot niya rito.Mapait na ngumiti si Alexa, kung hindi pa siya aalis ay ngayon ay kailan pa? Hihintayin pa ba niya na ipagtulukan siya nito paalis doon? Sa halip na sumagot ay tumayo na lamang siya basta at tumalikdo doon upang magtungo sa kanilang silid. Agad niyang inilabas ang kanyang maleta at inipon doon lahat ng gamit niya at pagkatapos ay nagbihis siya at ibinaba ang maleta niya.Nang makita siyang pababa ni Noah ay agad siya nitong sinalubong upang kuhanin ang maleta niya. “Ako na ang magdadala niyan.” pagprepresinta nito sa kaniya na tinanggihan naman niya kaagad.“Hindi na kailangan. Ako na, kaya ko naman.” malamig na sagot niya at hinila ito hanggang sa labas. Habang naglalakad palabas ng gate ay nadaanan niya ang garden na may mga halaman at namumulaklak. Sa araw-araw ay palagi niyang dinidilig ang mga ito at habang humahakbang siya pakiramdam niya ay naaawa ang mga ito sa kaniya.Tatlong taon na ang lumipas at ang inakala niyang magiging forever niya ay natuludukan na nang araw na iyon.
Nang marinig ito ng kanyang ina ay agad na umahon ang galit sa dibdib nito. “Tatlong taon na ang nakalipas noong naaksidente si Noah at sinabi ng doktor na hinding-hindi na siya makakalakad pa at buong buhay na lang siyang mananatili sa wheelchair at sa ibat-ibang bansa pa siya nagpagamot at iniwan siya ng babaeng iyon at tumakas sa responsibilidad nitong alagaan siya!”“Inalagaan mo siya araw at gabi na parang isang katulong at ngayon ay nakakalakad na siya, nakakatalon at nakakatakbo na pagkatapos ay babalik ang babaeng iyon? At ang Noah na iyon? Napakawalang hiya niya naman na pagkatapos ng lahat ng pagsasakripisiyo mo sa kaniya ay nagawa ka pa rin niyang iwanan!” galit na galit na sabi ng kanyang ina na may kasama pang panggigigil.Napabuntung-hininga na lamang siya at pagkatapos ay yumuko upang kuhanin ang tseke na ibinigay sa kaniya ni Noah kanina at pagkatapos ay inilagay niya sa kamay nito iyon. “Bilang kapalit ng pag-aalaga ko sa kaniya sa nakalipas na tatlong taon ay ito ang
Ang dapat lang naman sana sa dalaga ay huwag magsalita ng hindi niya kayang mapanindigan. Okay lang sana kung ito lang ang mapapahiya ngunit maging siya, at ang buong shop niya. Ngunit sa halip ay nagmatigas pa ito.“Tatlong araw lang na tatapusin ko ito at kung sakaling ibenta mo man ito kapag naayos ay baka ilang daang milyon ang mapagbebentahan mo nito.” sabi niya rito.Pagkatapos nilang magkasundo sa presyo ay agad silang pumirma ng kontrata. Pagkaalis ng lalaki ay agad siyang nagsimula. Mabuti na lamang at noong bata pa siya ay kasama niya ang kanyang lolo na nagre-restore ng sinaunang mga paintings kaya natuto siya at masasabi niya na bihasa na talaga siya sa larangang iyon.Ang kanyang lolo at lola kasi ay mahilig din mangolekta ng mga antique na mga bagay at mga paintings. Sa dami ng paintings na ni-restore niya noon ay nagawa niya naman ng mabuti at maayos. Inubos niya doon ang kanyang oras at hindi niya namalayan na gabi na pala.Dahil sa pagiging abala niya ay pansamantala
Nang marinig ni Noah ang sinabi ng kanyang lola ay kaagad na napahigpit ang hawak niya sa kanyang hawak na kubyertos at pagkatapos ay madilim na napatitig sa pagkaing nasa harap niya.Samantala ay sinulyapan naman ng matandang babae si Alexa. “Matanda na si lola at isa lang ang hiling ko ngayon. Sana ay maging maayos ang magsasama niyo ni Noah at bigyan niyo sana ako ng malulusog na mga apo sa lalong madaling panahon.” humihingal na sabi nito sa kaniya.Agad naman na napasulyap si Alexa kay Noah ng mga oras na iyon at pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin. Mukhang hindi pa nito sinabi sa lola nito na naghiwalay na silang dalawa.“Hindi ko alam kung gaano pa katagal ang itatagal ko rito sa mundo at baka malay niyo, malapit na pala akong mamatay kaya gusto ko na bago man lang mangyari iyon ay makita ko muna ang mga magiging anak niyo para naman mapanatag ang kalooban ko.” mahinang usal nito sa kaniya.Bigla siyang napalunok nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay mabilis
Agad na pumasok si Alexa sa banyo at pagkatapos ay naghanap ng damit sa closet. Mabuti na lamang at maraming extrang damit doon na pwede niyang magamit. Kaagad siyang nagsipilyo at mabilis na naligo. Pagkatapos niya ay kaagad din siyang lumabas ng banyo kung saan ay sumunod naman na pumasok sa banyo.Paglabas niya ay agad siyang nahiga sa kama, hindi siya makatulog at nananatiling gising ang kanyang diwa nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Noah. ayaw niyang pakialaman ang personal na gamit nito kaya hinayaan na lamang niya itong tumunog, at dalawang beses itong tumunog at huminto.Hindi nagtagal ay hindi na nakatiis pa si Alexa na hindi tingnan ito dahil muli na namang itong tumunog. Agad niyang nakita at isang numero na patuloy sa pagtawag at ito ay hindi naka-save. Mabilis niyang dinampot ang cellphone at pagkatapos ay dali-daling sinagot ang tawag at inilagay niya sa kanyang tenga.“Hello…” mahinang sabi niya.Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahinang boses ng isang b
Pagkalipas lamang ng isang oras ay nakarating na sila sa ospital. Sumunod siya kay Noah hanggang sa makarating sila sa isang silid at pagkatapos ay pumasok. Nauuna ito sa kaniya at nakasunod lamang siya. Nakita niya ang isang payat na babae na nakahiga sa kama habang nakakumot pa at ang kanyang mukha ay sobrang putla at ang kanyang buhok ay bahagyang magulo.Gulat na gulat siya nang makita niya ang istura nito ng mga oras na iyon dahil para siyang nagsasalamin ng mga oras na iyon. Kung hindi siguro sila kilala ng lubusan ng mag tao ay mapagkakamalan siguro sila na iisang tao lamang. Kailangan mong titigan ng maigi ang mukha para makasiguro.Pero kung susumahin ay mas may class na version si Lily kaysa sa kaniya. Nang mga oras na iyon ay doon lang nalaman ni Alexa na isa lang pala talaga siyang panakip butas sa puso ni Noah. napangiti siya ng mapait, kaya pala tatlong taon na ang nakararaan ay sinulyapan lang siya nito at kaagad na pumayag na magpakasal sa kaniya.“Noah nandito ka na p
Ilang sandali pa nga ay kaagad na nakabawi si Lily at nagsalita. “Maganda si Alexa at napakabait pa. Mukhang mahal na mahal mo na siya.” komento nito sa kaniya.Samantala si Noah ay kaagad naman na dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa at nagta-type ng kanyang text para kay Alexa. Bahagya naman itong natigil sa ginagawa nang marinig nito ang sinabi ni Lily. nilingon niya ito. “Ano yung sinabi mo?” tanong niya rito.Napabuntung-hininga naman si Lily dahil sa sinabi ni Noah. “noah, mas mabuting sundan mo na si Alexa. Hindi safe para sa isang babae na lumabas sa kalagitnaan ng gabi.” sabi niya rito.Nang marinig naman ni Noah ang sinabi nito ay agad siyang tumayo at pagkatapos ay ibinulsa ang kanyang cellphone at nilingon si Lily. “ihahatid ko lang siya sandali at babalik din ako.” sabi nito.Agad namang tumango si Lily sa kaniya at bahagyang ngumiti. “Mag-ingat ka.” sabi niya rito at pagkatapos ay tumango sa kaniya si Noah at dali-daling lumabas ng silid.Habang nakatitig sa pagsara ng
Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay agad na nakita ni Alexa ang isang guwapong mukha na parang inukit ng isang iskulptor na tila ba nakatingin sa kanya na may mabibigat na kilay. Magkalapit lang silang dalawa kaya naririnig niya ang paghinga nito.At ang mainit na paghinga nito ay tumatama sa mga sulok ng kanyang noo at ang kanyang malalalim na mga mata ay nakatitig lamang rito. Siya ay nakayakap sa mga bisig nito at ang kanyang kamay naman ay mahigpit na nakabalot sa beywang nito. Naramdaman ni Alexa ang tila isang kuryente na gumapang sa kanyang katawan at tila ba napapasong tinanggal niya ang kanyang kamay sa beywang nito at pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin. Sa totoo lang ay inaantok pa siya kanina pero ngayon dahil sa kanyang gulat ay tuluyan na itong nawala. "Paano ako napunta sa tabi mo at nakayakap pa sayo?” takang-taka na tanong niya rito.Samantala ay napaisip naman si Noah nang makita niya ang reaksiyon ni Alexa n adali-daling lumayo sa kaniya nang makita nga
KINABUKASAN, bigla na lamang nakatanggap si Alexa ng isang message mula sa kanyang bank account kung saan ay nakatanggap siya ng isang milyong piso. Galing iyon sa Dela Veag Auction House. Iyon ang auction house kung saan niya ibinenta ang painting.Agad niyang hinalungkat mula sa kanyang bag ang business card na ibinigay sa kaniya ni Nio at idinial niya ang numerong nakalagay doon. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ako ito si Alexa.” mabilis na sabi niya.“Alexa.” bulong nito sa pangalan niya at ang tinig nito ay napakababa. Hindi niya alam ngunit tuwing maririnig niya na binabanggit nito ang pangalan niya ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam niya na ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay tila puno ng pagmamahal. Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntung-hininga. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganung klaseng bagay.“Mr. Dela VEga, may pumasok na isang milyon ngayon sa aking account at mula iyon sa Auction House ninyo. Mukhang nagkamali ang empleyado mo
HABANG NAKASAKAY SI ALEXA SA kotse ni Noah ay bigla siyang napakunot ang noo nang mapansin niya na para bang iba ang daang tinatahak nila. Nilingon niya ito. “Hindi ito ang daan pauwi hindi ba?” tanong niya nang magkasalubong ang mga kilay niya.Tumango ito sa kaniya. “May pupuntahan tayo.” sagot nito nang hindi siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho.Mas lalo pang lumalim ang kunot noo niya. “Saan naman tayo pupunta?”“Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon. Basta maupo ka lang diyan.” sagot nitong muli sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo na lang at maghintay kung saan nga siya nito dadalhin.Makalipas lamang ang isang oras ay ipinarada na ni Noah ang kotse sa tabi ng ilog. Nang bumaba sila ay agad na sumalubong sa kaniya ang may kalakasang hangin. Ang ilog ay malakas ang agos at ang kapaligiran ay napapalibutan ng kagubatan.“Anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya.Hindi naman ito sumagot sa halip ay inabot lang nito sa kaniya ang susi n
HABANG NAGLALAKAD PALABAS NG RESTAURANT ay nakahawak si Lily sa kanyang pisngi at sumunod kay DExter. Nang makalabas na sila ay nagsimula na siyang magreklamo. “Hindi mo ba nakita kung anong ginawa sa akin ng babaeng iyon? Paulit-ulit niya akong sinampal. Ni hindi mo man lang ako tinulungan na makamit ko ang katarungan sa ginawa niya, sa halip ay hinila mo pa ako paalis doon.” inis na inis na sabi niya rito habang nakasunod rito.Agad naman siyang nilingon nito upang tingnan ang kanyang mukha. Namumula ang kanyang mukha na may bakat pa ang kamay ni ALexa na sumampal rito. Agad na nanlamig ang mga mata nito. “Anong sinabi mo sa kaniya?”Nagalit naman kaagad si Lily nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano pa sana ang sasabihin ko sa kaniya? Sinabi ko lang naman na sinadya ng lola niya na mamatay na para mapigilan ang paghihiwalay nilang dalawa ni Noah. sobra na ba iyon?” may bahid ng pagkayamot na tanong nito. Sinabi niya lang naman iyon para magalit talaga ito lalo na at nakita nga niy
BIGLA NIYANG NAISIP na sa tuwing nababanggit niya si Nio ay malaki ang nagiging pagbabago ng mood ni ALexa. Samantala, hindi naman na nagsalita pa si Noah kaya tahimik na lamang niyang dinampot ang kutsilyo at pinutol ang isang piraso ng steak at inilagay sa plato nito iyon. “Kumain ka pa. Tinapos ko ang painting na tinatapos ko ng ilang araw na.” sabi niya rito. Sa isip-isip ni Alexa ay hindi na ito galit dahil tumahimik na ito at pagkatapos ay nagsimula na ring kumain. Habang kumakain siya ay nagbayad na si Alexa ng kinain nila at pagkatapos ay nagpaalam na pupunta siya ng banyo. Mula sa malayo ay isang pigura ang nakasunod kay Alexa na pumasok sa banyo. Nang lumabas sa isang cubicle si Alexa upang maghugas ng kanyang kamay nang isang pigura ng babae ay biglang yumuko upang buksan ang gripo sa tabi niya at naghugas. “Nandito ka rin pala para kumain.” sabi nito sa kaniya. Nasa hawakan na ang gripo ang kanyang kamay nang mapalingon siya rito. Agad niyang nakita si Lily. Agad na na
NAKITA NI ALEXA SI NOAH na nakatayo sa labas ng banyo at nakatingin sa kanilang dalawa. Doon niya napagtanto na kaya ibinulong iyon sa kaniya ni Lily para i-provoke siya na saktan ito dahil kanina pa lang ay nakita na nito si Noah na nakatayo doon.Tahimik na tiningnan ni Alexa si Noah at naghihintay ng reaksyon nito ngunit hindi ito nagsalita. Bigla niyang napagtanto na kailangan niyang ipaliwanag ang sarili niya sa harapan ni Noah at hindi niya papayagan na lasunin na naman ni Lily ang utak nito. Tiningnan niya si Lily ng malamig. “Ano sana ang magiging pakikitungo ko sa kaniya e asawa ko siya? Isa pa ay napakabait niya sa akin at sa pamilya ko kaya dapat lang na maging magiliw ako sa kaniya pero ikaw, paulit-ulit mo akong pino-provoke at idinamay mo pa talaga ang lola ko at gusto mo na maging mabait ako sayo? Ano ako dating baliw?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong rito.Samantala, hindi naman makapagsalita kaagad si Lily dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay tumingin kay Noah
Hindi naman nakapagsalita kaagad si Alexa nang marinig niya ang sinabi nito. Masaya siya at biglang ring natulala ang kanyang puso sa sinabi ni Noah sa kaniya. Sa isip-isip niya ay napabulong siya na gusto niya mapantayan ito para kahit na ang ama ni Noah ay ma-impress din sa kaniya at hindi na sila paglayuin pa.Tahimik naman si Noah na may pagmamahal na hawak ang kanyang kamay habang nakapatong ito sa mesa. “Isa pa, pasensiya na sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko.” sabi pa nitong muli.“Ano ka ba, okay lang.” sagot niya naman kaagad at dahil doon ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Dahil rito ay dali-daling inilabas ni Alexa ang kanyang cellphone sa kanyang bag upang sagutn ang tawag.Hindi sinasadyang mailabas ni Alexa ang business card nang ilabas niya ang kanyang cellphone nang hindi niya napapansin. At nasulyapan ito ni Noah. ang kanyang ina pala ang tumatawag. Agad niyang sinagot ito at pagkatapos ay dali-daling inilagay sa kanyang tenga. “Nay, bakit? May pro
Habang naglalakad sila ay ipinilig ni Betty ang ulo nito at pagkatapso ay nilingon si Alexa. “Bakit sa palagay ko ay tila ba may kakaiba sa pakikipag-usap mo sa lalaking iyon kahit na parang ito pa lang naman ang unang beses niyong magkita?” biglang tanong nito sa kaniya.Agad naman na inilagay ni Alexa ang kanyang kamay at pagkatapos ay napatitig ng blangko sa mga numero ng elevator, hindi niya tuloy maiwasan na mag-alala dahil may napansin din pala si Betty. Napabuntung-hininga na lamang siya. “Ang kanyang mga mata kasi ay parang maga mata ng taong kilala ko.” tapat na sagot niya rito.Bigla namang itong nag-isip sandali at muli na namang nagtanong. “Katulad ba ng kay Noah?” tanong nito ulit sa kaniya ngunit hindi siya sumagot rito. Ayaw niyang pag-usapan ang mga bagay na iyon ngayon. Ilang sandali pa nga ay bumukas na ang elevator kaya dali-dali na silang naglakad palabas kung saan nakaparada ang kotse nito. Agad siyang sumakay sa loob ng kotse. Ilang sandali pa ay nilingon niya si
Hindi nga nagtagal ay inabot na ni Serene ang painting sa lalaking nasa harap niya at pagkatapos ay napasulyap ito sa kanyang kamay na hanggang sa mga oras na iyon ay may bakas pa rin ng pagkakaipit sa kanyang pinto. Malamig ang mga mata nitong kinuha ang painting mula sa kaniya at tahimik na binuhat at inilapag sa isang pera at maingat na tiningnan ito at pagkatapos ay nagsalita. “Hmm, mukhang ito ang tunay na painting ng sikat na pangalawang reyna ng ingglatera. Magkano mo ito ibebenta?” tanong nito sa kaniya.Sa halip naman na siya ang sumagot ay si Betty ang sumagot para sa kaniya. “Nag-search ako sa internet kung magkano ang aabutin ng painting na yan at nakita ko kung gaano na kamahal yan sa paglipas ng taon. Aabot yan ng sampung milyong piso.” sabi nito ngunit hindi siya pinansin ng direktor at sa kaniya pa rin ito nakatingin.“Magkano mo ibebenta ito?” ulit nito sa tanong nito kanina.Agad naman na namutla ang kanyang mukha at halos hindi alam kung ano ang isasagot niya rito.
Hindi nagtagal ay agad din itong tumawag sa kaniya. “Nagtanong-tanong na ako sa mga auction house dito sa MAnila ay may turnoever rate daw sila na aabot sa 80%. Isa pa ang dalawang auction house na pinagtanungan ko ay sila ang pinakamaraming mga collection sa buong bansa na umaabot ng halos bilyon.” sabi nito sa kaniya.“E saan tayo pupunta?” tanong niya rito. “Yung mas malapit na lang sana.” dagdag pa niya.“Oo nga, sa Dela Vega Auction House na lang siguro. Susunduin kita.” sabi nito sa kaniya.Hindi nagtagal ay dumating na doon si Betty at sinundo na ng siya. Makalipas lamang ang isang oras ay dumating na nga sila sa Dela VEga Auction House. Pumasok ang dalawa sa loob habang patingin-tingin sa paligid at pagkatapos ay nakipila dahil may pila pala bago makapasok sa loob. Sa kanilang harapan ay may hindi bababa sa limampu o animnapung tao sa hatapn nila na mukhang dumating pa doon galing sa ibat-ibang panig ng bansa na may dala-dalang mga koleskyon para sa gagawing auction.Dahil n