Share

Chapter 5.1

last update Huling Na-update: 2024-05-31 06:09:35

Nang marinig ni Noah ang sinabi ng kanyang lola ay kaagad na napahigpit ang hawak niya sa kanyang hawak na kubyertos at pagkatapos ay madilim na napatitig sa pagkaing nasa harap niya.

Samantala ay sinulyapan naman ng matandang babae si Alexa. “Matanda na si lola at isa lang ang hiling ko ngayon. Sana ay maging maayos ang magsasama niyo ni Noah at bigyan niyo sana ako ng malulusog na mga apo sa lalong madaling panahon.” humihingal na sabi nito sa kaniya.

Agad naman na napasulyap si Alexa kay Noah ng mga oras na iyon at pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin. Mukhang hindi pa nito sinabi sa lola nito na naghiwalay na silang dalawa.

“Hindi ko alam kung gaano pa katagal ang itatagal ko rito sa mundo at baka malay niyo, malapit na pala akong mamatay kaya gusto ko na bago man lang mangyari iyon ay makita ko muna ang mga magiging anak niyo para naman mapanatag ang kalooban ko.” mahinang usal nito sa kaniya.

Bigla siyang napalunok nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay mabilis na nagsalita. “Lola ano ba naman kayo, huwag ninyong sabihin iyna. Isa pa ay panigurado ako na matagal pa ang magiging buhay niyo.” sabi niya na pilit pinasigla ang kanyang tinig para kahit papano ay gumaan naman ang pakiramdam nito.

“Kilala ko ang katawan ko. Nasa 85 taong gulang na ako.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay napahawak sa dibdib nito habang humihingal. “Hihiga muna ako sandali.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.

Mabilis naman siyang tinulunga ni Alexa na magpunta sa kwarto nito. Habang akay-akay niya ito ay mabagal lamang ang ginawa nilang paghakbang hanggang sa palapit na sila ng palapit sa pinto ng silid nito nang bigla itong tumigil sa paglalakad at lumingon kay Noah. “pwede kayong magpalipas rito ng gabi ni Alexa.” sabi nito at pagkatapos ay nagpatuloy na muli sa paghakbang.

Ibubuka pa lamang sana ni Noah ang kanyang bibig upang sumagot rito ngunit nakita niya na nanginginig ito habang naglalakad kaya wala siyang nagawa kundi ang mapayuko na lamang at nag-iwas ng tingin. Maingat na inalalayan ni Alexa ito hanggang sa makarating ito sa mismong kama nito dahil sa takot na baka masaktan ito.

Pagkatapos niyang maihiga ito sa kama ay bigla na lamang hinawakan ng matandang babae ang kamay ni Alexa. “Alam ko ang tungkol sa pag-uwi mo sa bahay ninyo. Huwag kang mag-alala hija dahil habang buhay ako ay ang kasal ninyo ni Noah ay hindi pwedeng masira. Napaka-masunurin ni Noah pagdating sa akin at alam kong susunod siya sa kung ano man ang sabihin ko…” mahinang sabi nito sa kaniya.

“Pero lola—” hindi pa man niya nasasabi ang mga gusto niyang sabihin ay kaagad ng pinutol ng matanda ang kanyang mga salita.

“Huwag ka ng mag-alala pa. Ang Lily na iyon ay gusto lamang ng ginhawa ngunit hindi ng hirap. Ang katulad niyang walang malasakit at walang awa ay hindi karapat-dapat na papasukin sa pamilyang Montemayor.” mahinang sabi nitong muli sa kaniya.

Napatitig siya rito. “Lola gusto mo bang tumawag ako ng doktor para matingnan ka?” biglang tanong niya rito na hindi man lang sinasagot ang kahit na anumang sinabi nito sa kaniya.

“Hindi na kailangan. Matanda na ako at walang silbi ang doktor kahit na dumating pa ito. Bumalik ka na doon at nang makakain ka. Isara mo na lang ang pinto.” bilin nito sa kaniya.

Agad naman siyang tumango rito at pagkatapos ay bahagyang ngumiti. “Sige po lola, magpahinga na po kayo.” sabi niya bago tuluyang tumalikod rito.

Pagkalabas na pagkalabas ni Alexa ang matandang babae ay bigla na lamang umupo sa kama at malakas na malakas kumpara sa inakto nito kanina sa harap ng hapag at sa harap ng asawa ng kanyang apo.

Samantala ay bumalik naman si Alexa sa kusina at muling umupo sa harap ng hapag. Sa mesa ay kasama pa rin nila ang lolo ni Noah. kauupo pa lamang niya sa harap ng hapag nang bigla na lamang siyang abutan ng lolo ni Noah ng platong may nakalagay na mga hipon kung saan ay agad niya naman itong inabot.

“Tikman mo yan, hija. Masarap pagkakaluto.” sabi nito sa kaniya habang nakangiti.

“Salamat po, lolo.” iyon lamang ang naisagot niya rito.

Ilang sandali pa ay agad siyang kumuha ng hipon sa plato at nag-umpisa ng kumain. Samantala ay itinaas naman Noah ang kanyang ulo upang tumingin sa mga mata ng kasama nilang matanda doon. “Lolo, hindi ba at malakas pa si lola noong huling nagpunta nagkita kami? Bakit ngayon ay naging ganito na siya? Bakit humina na siya ng sobra?” nakakunot at sunod-sunod na tanong ni Noah rito.

Napabuntung-hininga naman ang matanda. “Ganyan talaga ang nangyayari kapag tumatanda na ang tao. Kumbaga sa libro ay nasa huling yugto na kami ng mga buhay namin at malapit na sa wakas, kaya kung pwede ay huwag niyo siyang bigyan ng bagay na ikakalungkot niya kahit na anuman ang mangyari.” sagot naman nito.

Dahil sa sagot ng matandang lalaki ay hindi na nakasagot pa si Noah. pagkatapos ng hapunan ay agad silang tumuloy sa guest room. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay agad na nagsalita si Alexa.

“Anong plano mo? Plano mo ba na manatili muna rito?” tanong niya kaagad rito.

Kaagad na nagsalubong ang mga kilay nito at pagkatapos ay napabuntung-hininga. Itinaas nito ang kamay upang luwagan ang suot nitong kurbata at pagkatapos ay sumagot. “Nakita mo naman ang kalagayan ni Lola ngayon at kailangan muna niyang lumakas. Dumito na muna tayo kahit na ilang araw at pagkatapos ay tyaka natin sabihin sa kaniya.”

Bigla namang napatingin si Alexa sa kama na nasa harap niya. “Pero paano tayo matutulog sa iisang kama?” tanong niya rito kaagad.

Bahagya namang kumunot ang noo ni Noah dahil sa tanong niya at dali-daling sumagot. “Matutulog ng nakapikit, ano pa nga ba.” pilosopong sagot nito sa kaniya.

Biglang nabalisa si Alexa dahil sa sagot nito. “Seryoso ako at hindi nagbibiro.”

Dahan-dahang tinanggal ni Noah ang relo sa kanyang kamay at pagkatapos ay inilapag iyon sa bedside table at nilingon siya. “Maligo ka na nga muna at maliligo din ako pagkatapos mo.” sabi nito sa kaniya.

Napabuntung hininga na lang si Alexa at pagkatapos ay napatango. “Sige.”

Kaugnay na kabanata

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 5.2

    Agad na pumasok si Alexa sa banyo at pagkatapos ay naghanap ng damit sa closet. Mabuti na lamang at maraming extrang damit doon na pwede niyang magamit. Kaagad siyang nagsipilyo at mabilis na naligo. Pagkatapos niya ay kaagad din siyang lumabas ng banyo kung saan ay sumunod naman na pumasok sa banyo.Paglabas niya ay agad siyang nahiga sa kama, hindi siya makatulog at nananatiling gising ang kanyang diwa nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Noah. ayaw niyang pakialaman ang personal na gamit nito kaya hinayaan na lamang niya itong tumunog, at dalawang beses itong tumunog at huminto.Hindi nagtagal ay hindi na nakatiis pa si Alexa na hindi tingnan ito dahil muli na namang itong tumunog. Agad niyang nakita at isang numero na patuloy sa pagtawag at ito ay hindi naka-save. Mabilis niyang dinampot ang cellphone at pagkatapos ay dali-daling sinagot ang tawag at inilagay niya sa kanyang tenga.“Hello…” mahinang sabi niya.Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahinang boses ng isang b

    Huling Na-update : 2024-05-31
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 6.1

    Pagkalipas lamang ng isang oras ay nakarating na sila sa ospital. Sumunod siya kay Noah hanggang sa makarating sila sa isang silid at pagkatapos ay pumasok. Nauuna ito sa kaniya at nakasunod lamang siya. Nakita niya ang isang payat na babae na nakahiga sa kama habang nakakumot pa at ang kanyang mukha ay sobrang putla at ang kanyang buhok ay bahagyang magulo.Gulat na gulat siya nang makita niya ang istura nito ng mga oras na iyon dahil para siyang nagsasalamin ng mga oras na iyon. Kung hindi siguro sila kilala ng lubusan ng mag tao ay mapagkakamalan siguro sila na iisang tao lamang. Kailangan mong titigan ng maigi ang mukha para makasiguro.Pero kung susumahin ay mas may class na version si Lily kaysa sa kaniya. Nang mga oras na iyon ay doon lang nalaman ni Alexa na isa lang pala talaga siyang panakip butas sa puso ni Noah. napangiti siya ng mapait, kaya pala tatlong taon na ang nakararaan ay sinulyapan lang siya nito at kaagad na pumayag na magpakasal sa kaniya.“Noah nandito ka na p

    Huling Na-update : 2024-05-31
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 6.2

    Ilang sandali pa nga ay kaagad na nakabawi si Lily at nagsalita. “Maganda si Alexa at napakabait pa. Mukhang mahal na mahal mo na siya.” komento nito sa kaniya.Samantala si Noah ay kaagad naman na dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa at nagta-type ng kanyang text para kay Alexa. Bahagya naman itong natigil sa ginagawa nang marinig nito ang sinabi ni Lily. nilingon niya ito. “Ano yung sinabi mo?” tanong niya rito.Napabuntung-hininga naman si Lily dahil sa sinabi ni Noah. “noah, mas mabuting sundan mo na si Alexa. Hindi safe para sa isang babae na lumabas sa kalagitnaan ng gabi.” sabi niya rito.Nang marinig naman ni Noah ang sinabi nito ay agad siyang tumayo at pagkatapos ay ibinulsa ang kanyang cellphone at nilingon si Lily. “ihahatid ko lang siya sandali at babalik din ako.” sabi nito.Agad namang tumango si Lily sa kaniya at bahagyang ngumiti. “Mag-ingat ka.” sabi niya rito at pagkatapos ay tumango sa kaniya si Noah at dali-daling lumabas ng silid.Habang nakatitig sa pagsara ng

    Huling Na-update : 2024-05-31
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 7.1

    Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay agad na nakita ni Alexa ang isang guwapong mukha na parang inukit ng isang iskulptor na tila ba nakatingin sa kanya na may mabibigat na kilay. Magkalapit lang silang dalawa kaya naririnig niya ang paghinga nito.At ang mainit na paghinga nito ay tumatama sa mga sulok ng kanyang noo at ang kanyang malalalim na mga mata ay nakatitig lamang rito. Siya ay nakayakap sa mga bisig nito at ang kanyang kamay naman ay mahigpit na nakabalot sa beywang nito. Naramdaman ni Alexa ang tila isang kuryente na gumapang sa kanyang katawan at tila ba napapasong tinanggal niya ang kanyang kamay sa beywang nito at pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin. Sa totoo lang ay inaantok pa siya kanina pero ngayon dahil sa kanyang gulat ay tuluyan na itong nawala. "Paano ako napunta sa tabi mo at nakayakap pa sayo?” takang-taka na tanong niya rito.Samantala ay napaisip naman si Noah nang makita niya ang reaksiyon ni Alexa n adali-daling lumayo sa kaniya nang makita nga

    Huling Na-update : 2024-06-07
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 7.2

    Dali-daling pumasok ang isang kasama nito sa kotse at kaagad na pinaandar ito. Nang tumatakbo na ang sasakyan ay doon pa lamang siya binitawan ng lalaking tumakip sa kanyang bibig. Napahabol sya ng kanyang hininga ng wala sa oras dahil halos hindi siya nakahinga kanina ng maayos.Ilang sandali pa nga ay hinugot ng matangkad at payat na lalaki ang kanyang cellphone sa kanyang bag at sinabing, "Tawagan mo ang iyong pamilya at sabihin mong ilang araw kang lumalabas kasama ang iyong mga kaibigan upang hindi sila mag alala." sabi nito sa kaniya na halos ikinakunot ng kanyang noo.Instinctively gusto ni ALexa na tawagan sana si Noah pero matapos niyang isipin na pumunta ito sa ospital para samahan lang si Lily at alaagaan ito ay nagbago na kaagad ang isip niya. Ang naisip na lamang niyang tawagan ng mga oras na iyon ay ang kanyang ina.Hinayaan siya ng matangkad at payat na lalaki na hanapin ang numero ng kanyang ina at pagkatapos ay dali-daling tinawagan na ito. Pagkatapos lamang ng il

    Huling Na-update : 2024-06-07
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 8.1

    Bigla na lamang kumalam ang kanyang tiyan sa gutom, kaya pumili si Alexa ng isang pack ng instant noodles na nasa ref at dali-daling binuksan ito at nilagyan ng mainit na tubig pagkatapos ay hinintay niyang maluto bago niya ito kinain at pagkatapos ay uminom ng tubig. Naisip niya ring maghugas ng kanyang katawan at humiga sa kama. Mabuti na lamang at may mga damit sa cabinet na saktong-sakto talaga sa kaniya kaya may naisuot siya.Tahimik ang paligid pero hindi siya makatulog. Nanatili lamang siyang nakatitig sa kisame ng silid. Naisip niya na nawawala siya at napatanong siya sa kanyang isip kung mag-aalala ba si Noah sa kaniya?Agad niya ring namang sinagot ang kanyang sarili. Malamang hindi dahil tangin si Lily lang naman ang nakikita nito at siguro kasama pa rin niya ito sa ospital at iniisip pa rin ang pagpapakamatay ni Lily. nang maalala niya na sabik na sabik itong sumugod sa ospital, ay tila napuno ng bato ang puso ni Alexa at hindi niya maitatagong nasasaktan siya.Dahil sa ka

    Huling Na-update : 2024-06-09
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 8.2

    Kinabukasan sinimulan na nga ni Alexa na ayusin ang painting. Matapos ang tatlong araw na pag-aayos ng painting ay nag-umpisa na siyang mag-alala dahil hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring sumasagip sa kaniya. Wala ba kayang nag-aalala sa kaniya?Isa pa ay hindi rin siya nakakatulog ng maayos sa gabi dahil naririnig niya ang mga yapak ng mga lalaking dumukot sa kaniya sa labas ng kanyang pinto nang ilang beses sa gabi.Sa ikaapat na gabi, papatulog na sana si Alexa nang bigla niyang narinig ang mga tahol ng aso mula sa labas. Agad siyang tumayo mula sa kanyang kinahihigaan.Ilang sandali pa nga ay bumukas ang pinto at pumasok ang matangkad at payat na lalaki at dali-dali siya nitong nilapitan at hinawakan ang pulso niya at hinila siya palabas. Samantala ang isa namang lalaki ay pumasok din sa loob ng silid at nagmamadaling kinuha ang painting.Pagkarating nila sa pinto, agad na may sumugod sa kanila na isang grupo ng mga lalaki mula sa hagdan.Ang lalaking nasa unahan ng mga

    Huling Na-update : 2024-06-17
  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 8.3

    Ilang sandali pa na nakayakap si Alexa kay Noah nang marinig niya ang tinig nito. Magkahalong banayad at galit ang mababanaag sa tinig nito. "Bakit hindi mo ako agad tinawagan na may nangyari na pala sayo?” tanong nito at hindi pa siya nakakabuka ng kanyang bibig nang muli na naman itong magsalita. “Katatawag lang sa akin kahapon ni Mama, kahapon niya lang din napansin na parang may mali daw kaya tinawagan niya ako para sabihin sa akin.” dagdag nitong sabi sa kaniya.Ang baba nito ay nakabaon sa kanyang kaya hindi niya makita kung ano ang ekspresyon nito ng mga oras na iyon. Hindi pa rin siya sumasagot hanggang sa mga oras na iyon. "Paano na lang kung may nangyari na sa iyo…" bulong nito sa kanya.Bahagya namang natigilan si Alexa nang marinig niya ang sinabi nito. Sa mga sandaling iyon ay naramdaman niya na may pagmamalasakit pa rin ito sa kaniya taliwas ng inaakala niya. Naramdaman niya na inilipat nito ang kamay nito sa kanyang beywang at mas ibinaon pa ang mukha nito sa kanyang l

    Huling Na-update : 2024-06-18

Pinakabagong kabanata

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 29.3

    DAHIL NA NGA RIN sa sinabi ni Dexter sa kaniya ay hindi na siya nag-abala na pumunta sa silid ni Lily. kaagad na rin siyang tumalikod at bumalik sa kanyang sasakyan. Sa kotse ay agad niyang tinawagan ang kanyang assistant.“Gusto kong hanapin mo kung sino ang naghagis ng balde kahapon sa construction site at gusto ko na huwag mong ipaalam sa kahit sino na nag-iimbestiga ka.” sabi niya rito. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumugon. “Okay po sir.” sagot nito.Hindi nagtagal ay tuluyan na niyang ibinaba ang tawag at binalingan ang kanyang driver. “Bumalik na tayo sa kumpanya.” sabi niya rito kung saan ay agad din naman nitong pinaandar ang sasakyan. Wala pang halos sampung minuto na umaandar ang sasakyan ay bigla na lang nagring ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya na ang Mommy iyon ni Lily. wala siyang nagawa kundi ang sagutin na lang ito. “Noah, ang sabi ng Daddy mo ay pupunta ka rito sa ospital? Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa?” bun

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 29.2

    DAHIL SA SINABI NI DEXTER ay biglang napasulyap si Noah sa kama kung saan ay nakahiga si Lily. “ganun ba. Sige, babalik na lang ako bukas.” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay naging madilim ang mga mata ng ina ni Lily.Nagtagis ang mga bagang nito at tumingin kay Noah. “hindi ba at dahil sayo kaya siya nagkaganyan? Pagkatapos ay iiwan mo siya rito?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Noah.Hindi naman sumagot si Noah at pinagdikit lang ang kanyang mga labi. Ilang sandali pa ay naglabas lang naman si Dexter ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at inabot ito sa kaniya. “Tara muna sa labas para naman makahinga tayo ng sariwang hangin kahit papano.” sabi nito sa kaniya.Hindi naman na siya nag-atubili pa na abutin ang sigarilyo na inaabot nito at pagkatapos ay lumabas siya kasama ito. Naglakad sila hanggang sa makarating sila sa pinaka-veranda ng ospital na iyon. Agad niyang sinindihan ang sigarilyo at humithit pagkatapos ay nagbuga ng usok kasabay ng malalim na bunto

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 28.1

    UMUWI SI ALEXA, naligo at kumain siya pagkatapos ay humiga habang naghihintay sa pag-uwi ni Noah hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakaidlip na pala siya sa sobrang antok niya. Nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi at binuksan ang kanyang mga mata ay nakita niya na wala pa rin sa tabi niya si Noah kaya hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay nakita niya na mag-aalas tres na pala ng madaling araw ngunit hindi pa rin umuuwi si Noah. dahil dito ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone na nasa bedside table at tinawagan na niya ito ngunit hindi niya ito matawagan.Mas lalo pang kumabog ang kanyang puso dahil sa pag-aalala. Kahit na niniwala siya kay Noah at may tiwala siya rito ngunit wala siyang tiwala sa Daddy nito at sa ama ni Lily idagdag pa ang ina ni Lily. kilala niya ang mga ito na sobrang tuso kaya tiyak kapag nagsama-sama ang mga ito ay baka ang imposible ay magawa nilang posible.Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ay dali-dali siyan

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 28.5

    ISANG NGITI NAMAN ANG GUMUHIT sa labi ng ama ni Lily pagkaraan ng ilang sandali. “Bakit namang kailangan pang iba ang utusan ko? Tutal naman ay magkababata kayo kaya tiyak na mas karapat-dapat siya na utusan ko hindi ba?” tanong nito.Ang gwapong mukha ni Noah ay napuno ng kalamigan kung saan ay kitang-kita din ang pagdidilim ng kanyang mga mata.Nakita naman ni Andrew ang pagdidilim ng mukha ng anak kung saan ay bigla na lang niyang sinulayapan si Alexa at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Noah at nagpaalala. “Nangako ka sa akin na hindi mo siya pababayaan hindi ba?” ulit na naman nito sa sinabi nito hikanina. “Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero ito na kaagad ang nangyari.” muli pang sabi nito.Sa isip-isip ni Alexa ay talagang napakatuso talaga nito kung saan ay hindi nga siya nito pinahiya ngunit paulit-ulit naman nitong ipinagdiinan ang pagpapabaya ni Noah kay Lily dahil lang sa nangyari. Idagdag pa na talagang gagawin nito ang lahat para mapaghiwalay sila.Marahan niya

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 28.4

    PINIGILAN NAMAN NI ALEXA ang kanyang emosyon at nagtanong. “Bakit, hindi ba siya nakasuot ng safety helmet?” tanong niya rito.Napabuntong-hininga naman ito. “Nakasuot naman siya.” sagot nito.“Kamusta ang lagay niya?” tanong niya ulit.“Hindi ko pa alam sa ngayon at hanggang hindi pa lumalabas ang resulta ng eksaminasyon sa kaniya ay hindi pa malalaman.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos nitong sabihin iyon ay bigla na lang nitong itinaas ang kamay at tiningnan ang relo nito. “Malapit nang makarating dito sina Daddy at kung okay lang sayo ay pwede bang kumain ka na lang munang mag-isa?” tanong nito sa kaniya.Kahit na hindi nito sabihin ay alam niya na natatakot ito na baka kung ano na naman ang sabihin ng ama nito sa kaniya kapag naabutan siya nito doon. Hindi pa man siya nakakasagot ay muli na naman itong nagsalita. “Pasensya ka na talaga, Alexa.” dagdag pa nito at pagkatapos ay hinawakan ang magkabila niyang balikat.Tumango siya. “Sige.” sabi niya ngunit nang makita nito ang lun

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 28.3

    MALAMIG NAMAN ANG mga mata ni Nico habang pinapanood ang dalawa sa harap niya na nagsusubuan ng pagkain. “Ganito niya ako kamahal. Talagang alagang-alaga niya ako.” biglang sabi ni Noah sa kaniya habang nakangiti ng abot hanggang tenga.Tumaas naman ang sulok ng kanyang mga labi at sinalubong ang kanyang mga mata. “Protektahan mo siyang maigi.” sabi niya rito.Hindi nagtagal ay tuluyan na nga ring natapos ang dinner na iyon. Nagpaalam na sila ni Noah kay Nico at pagkatapos ay sabay na silang dalawa na lumabas ng restaurant na iyon. Paglabas nila ay agad na napabuntung-hininga si Alexa. Kahit papano ay gumaan na rin ang pakiramdam nya hindi katulad kanina na napaka-intense ng atmosphere sa pagitan ng dalawa. Pakiramdam niya tuloy ay pagod na pagod siya.Panigurado na kung hindi niya isinama si Noah doon at nalaman nito ang tungkol sa dinner na iyon ay tiyak na magagalit ito sa kaniya. Ilang sandali pa ay sumakay na silang dalawa sa kotse. Nang maisara ang pinto ng kotse ay bigla na lan

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 28.2

    KINABUKASAN ay bigla siyang nilapitan ni Alexa. “Mamayang gabi, libre ka ba? May dadaluhan kasi akong isang dinner party at gusto kong sumama ka sa akin.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang kilay ni Noah at pagkatapos ay dahan-dahang ngumiti. “Sino ba ang kasama mo sa dinner party na iyon?” tanong niya rito.“Si Nico Dela Vega.” mabilis na sagot nito.Bigla namang napatigil ng wala sa oras si Noah sa kanyang ginagawa at napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone kung saan ay halos madurog na ito sa kamay niya.Napansin naman kaagad ni Alexa ang galit sa mukha nito nang banggitin niya ang pangalan ni Nico at inaasahan na niyang magagalit ito kaya dali-dali siyang nagpaliwanag. “Ang painting kasi na ginawa ko ay binili niya at isinabit niya sa kanyang opisina kung saan ay binili naman kaagad ng isang customer nila sa halagang 13 milyon. Nagpadala siya sa akin ng karagdagang bayad at agad ko siyang tinawagan upang ibalik sa kaniya ang pera ngunit ayaw niyang tanggapin. Bil

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 28.1

    KINABUKASAN, bigla na lamang nakatanggap si Alexa ng isang message mula sa kanyang bank account kung saan ay nakatanggap siya ng isang milyong piso. Galing iyon sa Dela Veag Auction House. Iyon ang auction house kung saan niya ibinenta ang painting.Agad niyang hinalungkat mula sa kanyang bag ang business card na ibinigay sa kaniya ni Nio at idinial niya ang numerong nakalagay doon. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ako ito si Alexa.” mabilis na sabi niya.“Alexa.” bulong nito sa pangalan niya at ang tinig nito ay napakababa. Hindi niya alam ngunit tuwing maririnig niya na binabanggit nito ang pangalan niya ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam niya na ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay tila puno ng pagmamahal. Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntung-hininga. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganung klaseng bagay.“Mr. Dela VEga, may pumasok na isang milyon ngayon sa aking account at mula iyon sa Auction House ninyo. Mukhang nagkamali ang empleyado mo

  • AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE    Chapter 27.6

    HABANG NAKASAKAY SI ALEXA SA kotse ni Noah ay bigla siyang napakunot ang noo nang mapansin niya na para bang iba ang daang tinatahak nila. Nilingon niya ito. “Hindi ito ang daan pauwi hindi ba?” tanong niya nang magkasalubong ang mga kilay niya.Tumango ito sa kaniya. “May pupuntahan tayo.” sagot nito nang hindi siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho.Mas lalo pang lumalim ang kunot noo niya. “Saan naman tayo pupunta?”“Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon. Basta maupo ka lang diyan.” sagot nitong muli sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo na lang at maghintay kung saan nga siya nito dadalhin.Makalipas lamang ang isang oras ay ipinarada na ni Noah ang kotse sa tabi ng ilog. Nang bumaba sila ay agad na sumalubong sa kaniya ang may kalakasang hangin. Ang ilog ay malakas ang agos at ang kapaligiran ay napapalibutan ng kagubatan.“Anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya.Hindi naman ito sumagot sa halip ay inabot lang nito sa kaniya ang susi n

DMCA.com Protection Status