Agad na pumasok si Alexa sa banyo at pagkatapos ay naghanap ng damit sa closet. Mabuti na lamang at maraming extrang damit doon na pwede niyang magamit. Kaagad siyang nagsipilyo at mabilis na naligo. Pagkatapos niya ay kaagad din siyang lumabas ng banyo kung saan ay sumunod naman na pumasok sa banyo.
Paglabas niya ay agad siyang nahiga sa kama, hindi siya makatulog at nananatiling gising ang kanyang diwa nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Noah. ayaw niyang pakialaman ang personal na gamit nito kaya hinayaan na lamang niya itong tumunog, at dalawang beses itong tumunog at huminto. Hindi nagtagal ay hindi na nakatiis pa si Alexa na hindi tingnan ito dahil muli na namang itong tumunog. Agad niyang nakita at isang numero na patuloy sa pagtawag at ito ay hindi naka-save. Mabilis niyang dinampot ang cellphone at pagkatapos ay dali-daling sinagot ang tawag at inilagay niya sa kanyang tenga. “Hello…” mahinang sabi niya. Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahinang boses ng isang babae. “Hello Alexa, kasama mo ba si Noah?” tanong nito kaagad. Agad naman na nagsalubong ang mga kilay niya ng marinig niya ang kanyang pangalan mula sa bibig nito. Kilala siya nito ngunit hindi niya naman ito kilala. “Sino ka?” iyon ang sumunod na mga salitang lumabas sa bibig niya dahil sa labis na pagtataka. Biglang natigilan ang babae sa kabilang linya at hindi kaagad nakasagot. “Kakilala niya ako.” sagot nito sa kaniya. Inakala ni Alexa na baka pinsan ito ni Noah kaya agad niyang sinagot ito. “Naliligo siya. Pagkalabas niya sa banyo ay sasabihin ko na lang sa kaniya na tawagan ka.” “Sige, salamat.” sabi nito at pagkatapos ay ibinaba ang tawag. Nakakunot ang noo niyang inilapag ang cellphone sa bedside table. Ilang sandali pa ay agad na palingon si Alexa sa pinto ng banyo nang bumukas ito. Si Noah ay hindi pa nakabihis nang lumabas ito ng banyo at nakatapis lamang ng towel sa ibabang bahagi ng katawan nito at ang isang towel naman ipinampupunas nito sa basa nitong buhok. Hindi niya tuloy naiwasan na hindi mapatitig sa mga abs nito ang maging ang dibdib nito na napakaperperkto na akala mo ay inukit ng isang iskulptor. Napakalakas talaga ng alindog nito. Ang puso ni Alexa ng mga oras na iyon ay agad na tumibok ng mabilis at ang kanyang tenga ay agad na nag-init at namula na tila sinunog ng apoy. Agad siyang nagbawi ng tingin mula rito at tumagilid upang iiwas ang kanyang mga mata sa hotness na nasa harap niya. “Katatawag lang ng pinsan mo. tawagan mo na lang siya ulit.” sabi niya rito. Agad naman na naglakad ito patungo sa bedside table at pagkatapos ay kinuha ang cellphone nito upang tingnang kung sino ang tumawag at pagkatapos ay nang makita iyon ay lumabas ito ng silid. Ilang minuto ito sa labas at nang muli itong pumasok ay ang mukha nito ay makulimlim pagkatapos ay mabilis na malamig na nagtanong sa kaniya. “Sinadya mo ba ito?” Natigilan naman si Alexa at nilingon ito. “Ano? Anong sinasabi mo?” naguguluhang tanong niya rito. “Nag-suicide si Lily. anong sinabi mo sa kaniya?” malamig na tanong nito sa kaniya. Paulit-ulit niyang narinig ang mga sinabi nito sa isip niya. Pagkataraan ng ilang segundo ay natagpuan niya rin sa wakas ang kanyang boses. “Hindi ko alam na siya si Lily. isa pa ay sinabi niya lang na kakilala ka niya at akala ko ay isa siya sa mga pinsan mo kaya sinabi kong naliligo ka.” sagot niya rito. Walang sinabi si Noah na may hindi maipintang mukha at may malamig na mga matang nakatingin sa kaniya at pagkatapos ay agad na naglagad upang pumunta sa closet at naglabas ng mga damit sa loob at nag-umpisang magbihis. Pagkatapos nitong magbihis ay dali-dali itong muling lumabas ng pinto. Samantala nang marinig naman ng matandang lalaki ang boses ni Noah mula sa kabilang silid ay dali-dali siyang lumabas at nasalubong niya nga si Noah sa hallway. “Gabi na, saan ka pa pupunta?” tanong nito rito. “May gagawin lang ako sandali sa labas.” sagot ni Noah sa malalim na boses. “Ano iyon?” Napabuntung-hininga si Noah at pagkatapos ay sumagot. “Isinugod sa ospital si Lily at pupuntahan ko siya.” sagot niya rito. Biglang nagsalubong ang mga kilay ng mantandang lalaki nang marinig niya ang sinabi ni Noah kaya sumigaw siya. “Alexa! Sumama ka kay Noah!” Nang marinig ito ni Alexa ay dali-dali siyang tumayo ng kama at lumabas ng silid. Dahil ayaw suwayin ni Alexa ang utos nito ay agad siyang pumayag sa utos nito. “Sige po, lolo.” magalang na sagot niya rito. Nagbihis lang din siya ng damit bago lumabas dahil nga nakapantulog na siya. Sumakay sila sa kotse. “Ibaba mo na lang ako sa intersection at mag-aabang na lang ako ng sasakyan.” sabi niya rito. Napahigpit ang hawak ni Noah sa manibela at pagkatapos ay nilingon siya. “Sabay na tayong pumunta doon at para makapagpaliwanag ka kay Lily.” sabi ito sa kaniya. Biglang kumirot ang puso niya ng mga oras na iyon dahil sa narinig. Palagi siyang kalmado kahit na anuman ang sitwasyon. Hindi naman niya kasalanan, wala siyang kasalanan pero bakit kailangan niyang magpaliwanag? Nang hindi siya sumagot ay agad na itinaas ni Noah ang kanyang kamay at pagkatapos ay hinaplos ang tuktok ng kanyang ulo. “May matinding depresyon kasi si Lily ngayon at pagbigyan mo na sana ang hiling ko.” masuyong sabi nito sa kaniya. Hindi na lamang siya sumagot rito.Pagkalipas lamang ng isang oras ay nakarating na sila sa ospital. Sumunod siya kay Noah hanggang sa makarating sila sa isang silid at pagkatapos ay pumasok. Nauuna ito sa kaniya at nakasunod lamang siya. Nakita niya ang isang payat na babae na nakahiga sa kama habang nakakumot pa at ang kanyang mukha ay sobrang putla at ang kanyang buhok ay bahagyang magulo.Gulat na gulat siya nang makita niya ang istura nito ng mga oras na iyon dahil para siyang nagsasalamin ng mga oras na iyon. Kung hindi siguro sila kilala ng lubusan ng mag tao ay mapagkakamalan siguro sila na iisang tao lamang. Kailangan mong titigan ng maigi ang mukha para makasiguro.Pero kung susumahin ay mas may class na version si Lily kaysa sa kaniya. Nang mga oras na iyon ay doon lang nalaman ni Alexa na isa lang pala talaga siyang panakip butas sa puso ni Noah. napangiti siya ng mapait, kaya pala tatlong taon na ang nakararaan ay sinulyapan lang siya nito at kaagad na pumayag na magpakasal sa kaniya.“Noah nandito ka na p
Ilang sandali pa nga ay kaagad na nakabawi si Lily at nagsalita. “Maganda si Alexa at napakabait pa. Mukhang mahal na mahal mo na siya.” komento nito sa kaniya.Samantala si Noah ay kaagad naman na dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa at nagta-type ng kanyang text para kay Alexa. Bahagya naman itong natigil sa ginagawa nang marinig nito ang sinabi ni Lily. nilingon niya ito. “Ano yung sinabi mo?” tanong niya rito.Napabuntung-hininga naman si Lily dahil sa sinabi ni Noah. “noah, mas mabuting sundan mo na si Alexa. Hindi safe para sa isang babae na lumabas sa kalagitnaan ng gabi.” sabi niya rito.Nang marinig naman ni Noah ang sinabi nito ay agad siyang tumayo at pagkatapos ay ibinulsa ang kanyang cellphone at nilingon si Lily. “ihahatid ko lang siya sandali at babalik din ako.” sabi nito.Agad namang tumango si Lily sa kaniya at bahagyang ngumiti. “Mag-ingat ka.” sabi niya rito at pagkatapos ay tumango sa kaniya si Noah at dali-daling lumabas ng silid.Habang nakatitig sa pagsara ng
Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay agad na nakita ni Alexa ang isang guwapong mukha na parang inukit ng isang iskulptor na tila ba nakatingin sa kanya na may mabibigat na kilay. Magkalapit lang silang dalawa kaya naririnig niya ang paghinga nito.At ang mainit na paghinga nito ay tumatama sa mga sulok ng kanyang noo at ang kanyang malalalim na mga mata ay nakatitig lamang rito. Siya ay nakayakap sa mga bisig nito at ang kanyang kamay naman ay mahigpit na nakabalot sa beywang nito. Naramdaman ni Alexa ang tila isang kuryente na gumapang sa kanyang katawan at tila ba napapasong tinanggal niya ang kanyang kamay sa beywang nito at pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin. Sa totoo lang ay inaantok pa siya kanina pero ngayon dahil sa kanyang gulat ay tuluyan na itong nawala. "Paano ako napunta sa tabi mo at nakayakap pa sayo?” takang-taka na tanong niya rito.Samantala ay napaisip naman si Noah nang makita niya ang reaksiyon ni Alexa n adali-daling lumayo sa kaniya nang makita nga
Dali-daling pumasok ang isang kasama nito sa kotse at kaagad na pinaandar ito. Nang tumatakbo na ang sasakyan ay doon pa lamang siya binitawan ng lalaking tumakip sa kanyang bibig. Napahabol sya ng kanyang hininga ng wala sa oras dahil halos hindi siya nakahinga kanina ng maayos.Ilang sandali pa nga ay hinugot ng matangkad at payat na lalaki ang kanyang cellphone sa kanyang bag at sinabing, "Tawagan mo ang iyong pamilya at sabihin mong ilang araw kang lumalabas kasama ang iyong mga kaibigan upang hindi sila mag alala." sabi nito sa kaniya na halos ikinakunot ng kanyang noo.Instinctively gusto ni ALexa na tawagan sana si Noah pero matapos niyang isipin na pumunta ito sa ospital para samahan lang si Lily at alaagaan ito ay nagbago na kaagad ang isip niya. Ang naisip na lamang niyang tawagan ng mga oras na iyon ay ang kanyang ina.Hinayaan siya ng matangkad at payat na lalaki na hanapin ang numero ng kanyang ina at pagkatapos ay dali-daling tinawagan na ito. Pagkatapos lamang ng il
Bigla na lamang kumalam ang kanyang tiyan sa gutom, kaya pumili si Alexa ng isang pack ng instant noodles na nasa ref at dali-daling binuksan ito at nilagyan ng mainit na tubig pagkatapos ay hinintay niyang maluto bago niya ito kinain at pagkatapos ay uminom ng tubig. Naisip niya ring maghugas ng kanyang katawan at humiga sa kama. Mabuti na lamang at may mga damit sa cabinet na saktong-sakto talaga sa kaniya kaya may naisuot siya.Tahimik ang paligid pero hindi siya makatulog. Nanatili lamang siyang nakatitig sa kisame ng silid. Naisip niya na nawawala siya at napatanong siya sa kanyang isip kung mag-aalala ba si Noah sa kaniya?Agad niya ring namang sinagot ang kanyang sarili. Malamang hindi dahil tangin si Lily lang naman ang nakikita nito at siguro kasama pa rin niya ito sa ospital at iniisip pa rin ang pagpapakamatay ni Lily. nang maalala niya na sabik na sabik itong sumugod sa ospital, ay tila napuno ng bato ang puso ni Alexa at hindi niya maitatagong nasasaktan siya.Dahil sa ka
Kinabukasan sinimulan na nga ni Alexa na ayusin ang painting. Matapos ang tatlong araw na pag-aayos ng painting ay nag-umpisa na siyang mag-alala dahil hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring sumasagip sa kaniya. Wala ba kayang nag-aalala sa kaniya?Isa pa ay hindi rin siya nakakatulog ng maayos sa gabi dahil naririnig niya ang mga yapak ng mga lalaking dumukot sa kaniya sa labas ng kanyang pinto nang ilang beses sa gabi.Sa ikaapat na gabi, papatulog na sana si Alexa nang bigla niyang narinig ang mga tahol ng aso mula sa labas. Agad siyang tumayo mula sa kanyang kinahihigaan.Ilang sandali pa nga ay bumukas ang pinto at pumasok ang matangkad at payat na lalaki at dali-dali siya nitong nilapitan at hinawakan ang pulso niya at hinila siya palabas. Samantala ang isa namang lalaki ay pumasok din sa loob ng silid at nagmamadaling kinuha ang painting.Pagkarating nila sa pinto, agad na may sumugod sa kanila na isang grupo ng mga lalaki mula sa hagdan.Ang lalaking nasa unahan ng mga
Ilang sandali pa na nakayakap si Alexa kay Noah nang marinig niya ang tinig nito. Magkahalong banayad at galit ang mababanaag sa tinig nito. "Bakit hindi mo ako agad tinawagan na may nangyari na pala sayo?” tanong nito at hindi pa siya nakakabuka ng kanyang bibig nang muli na naman itong magsalita. “Katatawag lang sa akin kahapon ni Mama, kahapon niya lang din napansin na parang may mali daw kaya tinawagan niya ako para sabihin sa akin.” dagdag nitong sabi sa kaniya.Ang baba nito ay nakabaon sa kanyang kaya hindi niya makita kung ano ang ekspresyon nito ng mga oras na iyon. Hindi pa rin siya sumasagot hanggang sa mga oras na iyon. "Paano na lang kung may nangyari na sa iyo…" bulong nito sa kanya.Bahagya namang natigilan si Alexa nang marinig niya ang sinabi nito. Sa mga sandaling iyon ay naramdaman niya na may pagmamalasakit pa rin ito sa kaniya taliwas ng inaakala niya. Naramdaman niya na inilipat nito ang kamay nito sa kanyang beywang at mas ibinaon pa ang mukha nito sa kanyang l
Lasing na lasing si Noah nang gabing iyon at katatapos lamang niyang makipag-meeting sa isa niyang investor. Mabuti na lamang at kasama niya ang driver niya kaya may nag-uwi sa kaniya sa bahay nila. Inalalayan siya nito hanggang sa silid niya at pagkatapos ay pinaupo na lamang muna sa sofa.Palabas na sana ang driver ngunit naisip niya na baka mas mainam na punasan niya muna ito at akmang maglalakad na siya upang kumuha ng tuwalya at plano niya sanang punasan sana ito nang marinig niya ang pagsigaw nito habang nakapikit. “Alexa, Alexa… pwede bang bigyan mo ako ng isang basong tubig.” sabi nito.Dalawang segundo siyang nag-atubili nang marinig niya ang pagtawag nito sa asawa nito at dali-daling inilabas ang kanyang cellphone para tawagan si Alexa. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na niyang tinawagan si Alexa at kaagad rin naman nito iyong sinagot. "Ma’am Alexa, sobrang lasing na lasing si sir at tinatawag niya ang pangalan mo." agad niyang sabi rito.Samantala ay nagsalubong naman ang
NAGING SOBRANG PANGIT ang mukha ni Andrew dahil sa kanyang narinig at sa sobrang hindi siya makapaniwala ay malamig niyang sinulyapan si Lily at pagkatapos ay ibinalik sa manggagawa ang tingin at matalim na nagtanong dito. “Totoo ba ang lahat ng iyon?”Sa punto namang iyon ay hindi nangahas ang manggagawa na itago ang katotohanan at pagkatapos ay marahang tumango. “Totoo po ang sinabi ni Sir Noah. may nakipag-usap po sa akin bago ang insidente at inutusan akong ibagsak ang balde sa ulo mismo ni sir kapag dumaan silang dalawa.” sabi nito at napakuyom ng kamay at napayuko dahil sa sobrang kahihiyan. “Hindi ako nag-isip at basta na lang pumayag kahit na alam ko pong mali.” sabi nito.Mahigpit na napakuyom ang mga kamay ni Andrew dahil sa labis na galit. Ngayon lang siya napahiya ng ganito. Ang mga matatalim na mga titig niya ay biglang napunta kay Lily. “anong klaseng palabas ito ha?!” galit na sigaw niya na hindi na niya napigilan pa ang kanyang galit.Agad naman na tumulo ang mga luha
KAHIT NA ABALA ang matandang babae sa pakikipagtalo sa kanyang anak ay agad niyang nakita sa sulok ng kanyang mga mata ang dalawa na nakangiti sa isat-isa kaya bigla niyang nilingon ang mga ito at ngumiti ng matamis. “Tingnan mo nga kung gaano sila ka-sweet na mag-asawa. Nakakainggit naman talaga.” sabi nito.Nang marinig ito ni Alexa ay alam niya na kaagad na sinadya iyong sabihin ng matanda para marinig ng ama ni Noah at para na rin kay Lily. dahil dito ay mas lalo pa naman niyang tinamisan ang kanyang ngiti at hinarap ito. “Mas nakakainggit nga po lola ng relasyon ninyo ni lolo na tumagal hanggang sa tumanda kayo.” sabi niya rito.Ngumiti naman kaagad ang matanda sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. “Basta walang gagawing kalokohan si Noah ay tiyak na magtatagal din kayong dalawa. Idagdag pa na ang katulad mong mabait at masipag ay mahirap hanapin bilang isang manugang.” sabi nito sa kaniya.Hindi niya alam pero hindi niya naiwasang mag-init an
AGAD NAMAN NAMUTLA ang mukha ni Lily nang mga sandaling iyon. Agad niyang ibinaba ang kanyang uo upang yumuko at napakagat labi na lamang siya. Sa gitna ng mga ito ay mukha siyang isang kaawa-awa.Nang sulyapan naman siya ni Andrew ay hindi niya maiwasan ang mapakuyom ang kanyang mga kamay lalo pa at parang wala ang ito sa mga kasama nila sa mesa. Dali-dali niyang kinuha ang mangkok na may lamang sinigang naman na baboy at pagkatapos ay inilagay sa harap nito. “Lily, tikman mo itong espesyal na sabaw na ito na pinakuluang—” ngunit hindi pa man nito natatapos ang sinasabi nito ay agad na nagsalita ang matandang babae na nakasimangot at nakatingin sa kanila.Binalingan nito ang kasambahay. “Kuhanin mo ang sabaw na iyon. Alam mo namang ipinaluto ko iyon para kay Alexa kaya sino ang nagsabi na pwedeng inumin ng babaeng iyan ang sabaw na iyon.” sabi nito kung saan ay agad din namang sumunod ang kasambahay.Awtomatiko namang napangiti si Alexa at bumaling sa direksyon ng matanda pagkatapos
PAGKAUPO NI LILY AY AGAD nitong kinuha ang lagayan ng pork chop at pagkatapos ay iniunat ang kamay upang maglagay ng isa sa plato ni Noah at nagsalita ng puno ng lambing at pagpapabebe. “Kumain ka ng marami. Alam kong napuyat ka noong gabing inalagaan mo ako sa ospital idagdag pa na napakarami mo pa ring trabaho.” sabi nito.Malamig naman na sinulyapan ni Noah ang inilagay nitong karne sa kanyang plato bago siya sinulyapan. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” walang emosyong tanong nito.Itinaas naman kaagad nito ang kamay upang hilutin ang kanyang sentido at nagsalita na para bang medyo nasasaktan pa. “Medyo masakit pa rin at may mga bagay na hindi ako matandaan.” sabi nito.Nakita niya naman ang pagtaas bigla ng kilay ni Noah nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay inilabas ang cellphone mula sa bulsa nito upang tawagan ang kanyang assistant. “Dalhin mo dito ang manggagawa sa mansyon.” sabi nito sa kabilang linya.Nang marinig naman ito ni Lily ay agad na namutla ang kanyang
BAHAGYANG NATIGILAN SI ALEXA sa isinagot sa kaniya ni Noah ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi magtanong pa. “E bukas? Aalis ka pa rin?” tanong niya ulit at pagkatapos ay tumingala rito.Nakita niya ang marahang pag-iling nito at pagkatapos ay hinalikan ang talukap ng kanyang mga mata. “Hindi rin ako aalis bukas.” bulong nito sa kaniya hanggang sa dumulas ang mga labi nito papunta sa kanyang pisngi at papunta sa kanyang leeg hanggang sa unti-unti itong gumapang patungo sa kanyang mga punong-tenga. “Mas mahalaga na samahan ko ang asawa ko kaysa sa iba.” bulong nito sa kaniya bago siya nito pangkuin at dalhin patungo sa silid nito.Sa kabila ng kanyang pamumula ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng saya dahil pakiramdam niya ay napakahalaga niya kay Noah. ibig lang sabihin sa kabila ng lahat ay mas pinipili pa rin siya nito kaysa kay Lily. sa kabila ng lahat ng kanyang agam-agam ay nakalimutan niya ang lahat ng iyon nang bigla na lang siya nitong halikan sa kanyang mga labi n
DAHIL NA NGA RIN sa sinabi ni Dexter sa kaniya ay hindi na siya nag-abala na pumunta sa silid ni Lily. kaagad na rin siyang tumalikod at bumalik sa kanyang sasakyan. Sa kotse ay agad niyang tinawagan ang kanyang assistant.“Gusto kong hanapin mo kung sino ang naghagis ng balde kahapon sa construction site at gusto ko na huwag mong ipaalam sa kahit sino na nag-iimbestiga ka.” sabi niya rito. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumugon. “Okay po sir.” sagot nito.Hindi nagtagal ay tuluyan na niyang ibinaba ang tawag at binalingan ang kanyang driver. “Bumalik na tayo sa kumpanya.” sabi niya rito kung saan ay agad din naman nitong pinaandar ang sasakyan. Wala pang halos sampung minuto na umaandar ang sasakyan ay bigla na lang nagring ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya na ang Mommy iyon ni Lily. wala siyang nagawa kundi ang sagutin na lang ito. “Noah, ang sabi ng Daddy mo ay pupunta ka rito sa ospital? Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa?” bun
DAHIL SA SINABI NI DEXTER ay biglang napasulyap si Noah sa kama kung saan ay nakahiga si Lily. “ganun ba. Sige, babalik na lang ako bukas.” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay naging madilim ang mga mata ng ina ni Lily.Nagtagis ang mga bagang nito at tumingin kay Noah. “hindi ba at dahil sayo kaya siya nagkaganyan? Pagkatapos ay iiwan mo siya rito?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Noah.Hindi naman sumagot si Noah at pinagdikit lang ang kanyang mga labi. Ilang sandali pa ay naglabas lang naman si Dexter ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at inabot ito sa kaniya. “Tara muna sa labas para naman makahinga tayo ng sariwang hangin kahit papano.” sabi nito sa kaniya.Hindi naman na siya nag-atubili pa na abutin ang sigarilyo na inaabot nito at pagkatapos ay lumabas siya kasama ito. Naglakad sila hanggang sa makarating sila sa pinaka-veranda ng ospital na iyon. Agad niyang sinindihan ang sigarilyo at humithit pagkatapos ay nagbuga ng usok kasabay ng malalim na bunto
UMUWI SI ALEXA, naligo at kumain siya pagkatapos ay humiga habang naghihintay sa pag-uwi ni Noah hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakaidlip na pala siya sa sobrang antok niya. Nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi at binuksan ang kanyang mga mata ay nakita niya na wala pa rin sa tabi niya si Noah kaya hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay nakita niya na mag-aalas tres na pala ng madaling araw ngunit hindi pa rin umuuwi si Noah. dahil dito ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone na nasa bedside table at tinawagan na niya ito ngunit hindi niya ito matawagan.Mas lalo pang kumabog ang kanyang puso dahil sa pag-aalala. Kahit na niniwala siya kay Noah at may tiwala siya rito ngunit wala siyang tiwala sa Daddy nito at sa ama ni Lily idagdag pa ang ina ni Lily. kilala niya ang mga ito na sobrang tuso kaya tiyak kapag nagsama-sama ang mga ito ay baka ang imposible ay magawa nilang posible.Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ay dali-dali siyan
ISANG NGITI NAMAN ANG GUMUHIT sa labi ng ama ni Lily pagkaraan ng ilang sandali. “Bakit namang kailangan pang iba ang utusan ko? Tutal naman ay magkababata kayo kaya tiyak na mas karapat-dapat siya na utusan ko hindi ba?” tanong nito.Ang gwapong mukha ni Noah ay napuno ng kalamigan kung saan ay kitang-kita din ang pagdidilim ng kanyang mga mata.Nakita naman ni Andrew ang pagdidilim ng mukha ng anak kung saan ay bigla na lang niyang sinulayapan si Alexa at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Noah at nagpaalala. “Nangako ka sa akin na hindi mo siya pababayaan hindi ba?” ulit na naman nito sa sinabi nito hikanina. “Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero ito na kaagad ang nangyari.” muli pang sabi nito.Sa isip-isip ni Alexa ay talagang napakatuso talaga nito kung saan ay hindi nga siya nito pinahiya ngunit paulit-ulit naman nitong ipinagdiinan ang pagpapabaya ni Noah kay Lily dahil lang sa nangyari. Idagdag pa na talagang gagawin nito ang lahat para mapaghiwalay sila.Marahan niya