Nang marinig ito ng kanyang ina ay agad na umahon ang galit sa dibdib nito. “Tatlong taon na ang nakalipas noong naaksidente si Noah at sinabi ng doktor na hinding-hindi na siya makakalakad pa at buong buhay na lang siyang mananatili sa wheelchair at sa ibat-ibang bansa pa siya nagpagamot at iniwan siya ng babaeng iyon at tumakas sa responsibilidad nitong alagaan siya!”
“Inalagaan mo siya araw at gabi na parang isang katulong at ngayon ay nakakalakad na siya, nakakatalon at nakakatakbo na pagkatapos ay babalik ang babaeng iyon? At ang Noah na iyon? Napakawalang hiya niya naman na pagkatapos ng lahat ng pagsasakripisiyo mo sa kaniya ay nagawa ka pa rin niyang iwanan!” galit na galit na sabi ng kanyang ina na may kasama pang panggigigil. Napabuntung-hininga na lamang siya at pagkatapos ay yumuko upang kuhanin ang tseke na ibinigay sa kaniya ni Noah kanina at pagkatapos ay inilagay niya sa kamay nito iyon. “Bilang kapalit ng pag-aalaga ko sa kaniya sa nakalipas na tatlong taon ay ito ang kayaran.” sabi niya rito pagkatapos ay nilampasan ito at umupo siya sa sofa. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Bigla namang tinitigan ng kanyang ina ang tsekeng hawak-hawak nito ng mga oras na iyon. Partikular sa napahabang linya ng mga zero sa dulo nito at biglang nanlaki ang mga mata marahil sa gulat dahil sa halagang nakasulat sa tseke. Bahagyang lumambot ang ekspresyon nito at nilingon siya. “Hindi naman ito tungkol sa pera lang Alex. DAhil lang ba sa pera ang lahat kaya mo ginawa iyon? Kaya pumayag ka na makipaghiwalay sa kaniya?” malungkot na tanong nito sa kaniya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pagkatapos ay sumandal sa sofa. “Ilang mag-asawa na rin ang mga naghiwalay ay ang lalaki ay hindi nagbibigay ng pera sa asawa nila kahit na isang sentimo man lang at ang iba naman ay idine-despatya ang kanilang mga asawa para lang hindi mahati ang mga ari-arian nila kaya kung tutuusin ay okay na lang din ang ginawa ni Noah.” sagot niya rito. “Pero kaya mo ba talagang tanggapin ito? Ganun na lang ba iyon lahat sayo?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. “E anong gagawin ko kung hindi ko tatanggapin? Iiyak? Maglulupasay at magmamakaawa sa harap niya? O kaya ay magbigti ako? Hindi ko gagawin ang mga walang kwentang bagay na mga iyon. Wala sa akin ang puso niya at walang silbi kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa kaniya, ganun lang kasimple. Inaantok ako at gusto ko na munang magpahinga.” sabi niya at pagkatapos ay tumayo na. “Sige.” sagot na lamang ng kanyang ina sa kaniya at sinundan siya ng tingin pagkatapos ay napabuntung-hininga. … HALOS dalawang araw na nagkulong si Alexa sa kanyang silid at hindi lumabas doon. Palagi naman siyang kinakamusta ng kanyang ina at pilit na pinapakain ngunit wala talaga siyang ganang kumain. Ang gusto niya lamang ay matulog ng matulog para makapagpahinga siya dahil pakiwari niya ay pagod na pagod siya. Sa katunayan nga ay hindi naman siya nakakatulog talaga dahil paidlip-idlip lang siya at pagkatapos ay nakatitig lamang siya sa kawalan. Sa ikatlong araw ng kanyang pagmumukmok ay bumangon siya pagkatapos ay naligo na muna upang gumanda ang pakiramdam niya at pagkatapos ay kaagad niyang tinawagan si Noah. “Handa na ba lahat ng kailangan para sa divorce? Kailangan mo ito papipirmahan sa akin?” tanong niya rito. Hindi naman ito kaagad nakasagot sa kanyang dahil ganun kaagad ang bungad niya. “Nasa business trip pa kasi ako ngayon. Tyaka na lang natin yan pag-usapan kapag nakabalik na ako.” sabi nito sa kaniya. “Sige. sabihan mo na lang ako kapag pupunta ka na rito.” sabi niya kaagad at akmang papatayin na sana ang tawag nang bigla na lamang itong muling nagsalita. “Nasaan ka? Bakit parang napakaingay?” tanong nito sa kanya. “Nandito ako sa antique shop. Tinawag nila akong pumunta rito at para tumulong na muna.” sagot niya rito. “Huwag kang masyadong magpagod. Magsabi ka lang sa akin kung kailangan mo ng pera.” mahina at malumanay na sabi sa kanya nito. Hindi naman siya gahaman sa pera kaya hinding-hindi niya iyon gagawin. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso dahil sa sinabi nito at pagkatapos ay mahinang sumagot. “Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala, salamat na lang.” sabi niya rito at pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Pagkatapos nito ay kaagad na siyang umakyat sa pangalawang palapag ng shop upang kanyang makilala ang owner mismo ng tindahan. Sa taas ay kaagad niyang nakita na nakaupo sa harap ng isang mesa ang isang matanda na medyo mataba, nakasuot ng salamin at mahaba ang balbas. Nang makita siya nito ay kaagad na napataas ang kilay nito. “Ah, master ito na po ang bagong hired na magiging restorer nating rito sa shop. Siya si Alexa at Alexa, siya naman si Master Leon.” pagpapakilala nito sa may-ari ng shop. At bilang paggalang ay kaagad siyang lumapit rito at pagkatapos ay ngumiti at inihanda ang kanyang kamay upang makipagkamay. Samantala ay hindi naman makapaniwala ang may-ari habang sinusuyod siya ng tingin. Isang dalagang balingkinitan ang katawan at may makinis na balat. Sigurado ba ito sa pinasok nitong trabaho? Restorer ang hinahanap nila at hindi basta tao lamang kaya laking pagtataka niya at hindi siya sigurado sa dalaga. Iniwan na sila ni Berto at dalawa na lamang sila ng dalaga doon at hindi na siya nakapagpigil pa na magtanong rito. “Hija napakabata mo pa. Ilang taon ka na ba sa industriya?” tanong niya rito. Bahagya naman itong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay sumagot. “Halos sampung taon na po.” sagot naman nito sa kaniya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig, parang napakaimposible naman yata ng sinasabi nito. “Kung ganun ay ilang taon ka na ngayon?” “Dalawampu't lima po.” magalang na sagot nito sa kaniya. Naisip ni Leon ay mukhang masyadong nagmamalaki ito sa kaniya dahil napaka-imposibleng mangyari ito ngunit, naisip niya na tatanggapin na lamang niya ito dahil gusto niyang matuto ito sa kahangalan nito. Ang kanyang negosyo ay seryosong nangangailangan ng may tunay na kasanayan at hindi isang taong mayabang lamang. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umakyat ang isa niyang tauhan upang sunduin siya dahil mayroon daw silang customer sa baba. Nauna siyang bumaba at nakasunod ito sa kaniya. Pagbaba nila ay agad nilang nakita ang isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa early thirties na ito na may hawak na painting sa kamay nito. At pagkatapos ay kaagad na sinipat ni Leon ang hawak nitong painting ng malapitan. Nakita niya na hindi na ito matatawag pang painting dahil ito ay nangingitim, sira-sira at punong-puno na ng bukbok. Habang tinitingnan niya ito ay napailing na lamang siya. Tanging ang mga magagaling lamang na restorer sa bansa ang magkakaroon ng kumpiyansa na gawin ang painting na iyon dahil sa mga pinsala nito. Napatingin siya bigla sa dalaga at pagkatapos ay nagsalita. “Hija kaya mo bang gawin ang painting?” tanong niya rito. Agad namang lumapit si Alexa at pagkatapos ay tiningnan niya itong mabuti at pagkatapos ay sinabi sa lalaki. “Pwede pa itong ayusin.” Nang marinig naman ito ng lalaki ay kaagad na nagliwanag ang mukha nito. “Talaga? Sino ang mag-aayos nito at gaano katagal bago matapos?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. “Ako at tatapusin ko ito sa loob ng tatlong araw.” kumpiyansang sagot nito. “Ikaw?” tiningnan siya ng lalaking magpapagawa ng may pagdududa. “Ito ay isang antigong painting at nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.” sabi nito sa kaniya. Maging ang matanda ay tumingin sa kaniya na halos hindi makapaniwala. Tatlong araw? Mukhang nababaliw na yata ito. Wala siyang nagawa kundi ang mapahawak sa kanyang balbas. “Hija alam kong malakas ang loob mo pero kapag nagkataon na hindi mo natapos iyan sa loob ng araw ay tiyak na masisira ang reputasyon ng aking shop.” sabi niya rito. Kahit siguro pumunta doon ang isang pinakamagaling na restorer ay napakaimposible nitong matapos iyon sa loob lamang ng tatlong araw sa dami ng sira nito. Baka nga abutin pa ito ng ilang buwan o taon para matapos lamang iyon.Ang dapat lang naman sana sa dalaga ay huwag magsalita ng hindi niya kayang mapanindigan. Okay lang sana kung ito lang ang mapapahiya ngunit maging siya, at ang buong shop niya. Ngunit sa halip ay nagmatigas pa ito.“Tatlong araw lang na tatapusin ko ito at kung sakaling ibenta mo man ito kapag naayos ay baka ilang daang milyon ang mapagbebentahan mo nito.” sabi niya rito.Pagkatapos nilang magkasundo sa presyo ay agad silang pumirma ng kontrata. Pagkaalis ng lalaki ay agad siyang nagsimula. Mabuti na lamang at noong bata pa siya ay kasama niya ang kanyang lolo na nagre-restore ng sinaunang mga paintings kaya natuto siya at masasabi niya na bihasa na talaga siya sa larangang iyon.Ang kanyang lolo at lola kasi ay mahilig din mangolekta ng mga antique na mga bagay at mga paintings. Sa dami ng paintings na ni-restore niya noon ay nagawa niya naman ng mabuti at maayos. Inubos niya doon ang kanyang oras at hindi niya namalayan na gabi na pala.Dahil sa pagiging abala niya ay pansamantala
Nang marinig ni Noah ang sinabi ng kanyang lola ay kaagad na napahigpit ang hawak niya sa kanyang hawak na kubyertos at pagkatapos ay madilim na napatitig sa pagkaing nasa harap niya.Samantala ay sinulyapan naman ng matandang babae si Alexa. “Matanda na si lola at isa lang ang hiling ko ngayon. Sana ay maging maayos ang magsasama niyo ni Noah at bigyan niyo sana ako ng malulusog na mga apo sa lalong madaling panahon.” humihingal na sabi nito sa kaniya.Agad naman na napasulyap si Alexa kay Noah ng mga oras na iyon at pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin. Mukhang hindi pa nito sinabi sa lola nito na naghiwalay na silang dalawa.“Hindi ko alam kung gaano pa katagal ang itatagal ko rito sa mundo at baka malay niyo, malapit na pala akong mamatay kaya gusto ko na bago man lang mangyari iyon ay makita ko muna ang mga magiging anak niyo para naman mapanatag ang kalooban ko.” mahinang usal nito sa kaniya.Bigla siyang napalunok nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay mabilis
Agad na pumasok si Alexa sa banyo at pagkatapos ay naghanap ng damit sa closet. Mabuti na lamang at maraming extrang damit doon na pwede niyang magamit. Kaagad siyang nagsipilyo at mabilis na naligo. Pagkatapos niya ay kaagad din siyang lumabas ng banyo kung saan ay sumunod naman na pumasok sa banyo.Paglabas niya ay agad siyang nahiga sa kama, hindi siya makatulog at nananatiling gising ang kanyang diwa nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Noah. ayaw niyang pakialaman ang personal na gamit nito kaya hinayaan na lamang niya itong tumunog, at dalawang beses itong tumunog at huminto.Hindi nagtagal ay hindi na nakatiis pa si Alexa na hindi tingnan ito dahil muli na namang itong tumunog. Agad niyang nakita at isang numero na patuloy sa pagtawag at ito ay hindi naka-save. Mabilis niyang dinampot ang cellphone at pagkatapos ay dali-daling sinagot ang tawag at inilagay niya sa kanyang tenga.“Hello…” mahinang sabi niya.Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahinang boses ng isang b
Pagkalipas lamang ng isang oras ay nakarating na sila sa ospital. Sumunod siya kay Noah hanggang sa makarating sila sa isang silid at pagkatapos ay pumasok. Nauuna ito sa kaniya at nakasunod lamang siya. Nakita niya ang isang payat na babae na nakahiga sa kama habang nakakumot pa at ang kanyang mukha ay sobrang putla at ang kanyang buhok ay bahagyang magulo.Gulat na gulat siya nang makita niya ang istura nito ng mga oras na iyon dahil para siyang nagsasalamin ng mga oras na iyon. Kung hindi siguro sila kilala ng lubusan ng mag tao ay mapagkakamalan siguro sila na iisang tao lamang. Kailangan mong titigan ng maigi ang mukha para makasiguro.Pero kung susumahin ay mas may class na version si Lily kaysa sa kaniya. Nang mga oras na iyon ay doon lang nalaman ni Alexa na isa lang pala talaga siyang panakip butas sa puso ni Noah. napangiti siya ng mapait, kaya pala tatlong taon na ang nakararaan ay sinulyapan lang siya nito at kaagad na pumayag na magpakasal sa kaniya.“Noah nandito ka na p
Ilang sandali pa nga ay kaagad na nakabawi si Lily at nagsalita. “Maganda si Alexa at napakabait pa. Mukhang mahal na mahal mo na siya.” komento nito sa kaniya.Samantala si Noah ay kaagad naman na dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa at nagta-type ng kanyang text para kay Alexa. Bahagya naman itong natigil sa ginagawa nang marinig nito ang sinabi ni Lily. nilingon niya ito. “Ano yung sinabi mo?” tanong niya rito.Napabuntung-hininga naman si Lily dahil sa sinabi ni Noah. “noah, mas mabuting sundan mo na si Alexa. Hindi safe para sa isang babae na lumabas sa kalagitnaan ng gabi.” sabi niya rito.Nang marinig naman ni Noah ang sinabi nito ay agad siyang tumayo at pagkatapos ay ibinulsa ang kanyang cellphone at nilingon si Lily. “ihahatid ko lang siya sandali at babalik din ako.” sabi nito.Agad namang tumango si Lily sa kaniya at bahagyang ngumiti. “Mag-ingat ka.” sabi niya rito at pagkatapos ay tumango sa kaniya si Noah at dali-daling lumabas ng silid.Habang nakatitig sa pagsara ng
Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay agad na nakita ni Alexa ang isang guwapong mukha na parang inukit ng isang iskulptor na tila ba nakatingin sa kanya na may mabibigat na kilay. Magkalapit lang silang dalawa kaya naririnig niya ang paghinga nito.At ang mainit na paghinga nito ay tumatama sa mga sulok ng kanyang noo at ang kanyang malalalim na mga mata ay nakatitig lamang rito. Siya ay nakayakap sa mga bisig nito at ang kanyang kamay naman ay mahigpit na nakabalot sa beywang nito. Naramdaman ni Alexa ang tila isang kuryente na gumapang sa kanyang katawan at tila ba napapasong tinanggal niya ang kanyang kamay sa beywang nito at pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin. Sa totoo lang ay inaantok pa siya kanina pero ngayon dahil sa kanyang gulat ay tuluyan na itong nawala. "Paano ako napunta sa tabi mo at nakayakap pa sayo?” takang-taka na tanong niya rito.Samantala ay napaisip naman si Noah nang makita niya ang reaksiyon ni Alexa n adali-daling lumayo sa kaniya nang makita nga
Dali-daling pumasok ang isang kasama nito sa kotse at kaagad na pinaandar ito. Nang tumatakbo na ang sasakyan ay doon pa lamang siya binitawan ng lalaking tumakip sa kanyang bibig. Napahabol sya ng kanyang hininga ng wala sa oras dahil halos hindi siya nakahinga kanina ng maayos.Ilang sandali pa nga ay hinugot ng matangkad at payat na lalaki ang kanyang cellphone sa kanyang bag at sinabing, "Tawagan mo ang iyong pamilya at sabihin mong ilang araw kang lumalabas kasama ang iyong mga kaibigan upang hindi sila mag alala." sabi nito sa kaniya na halos ikinakunot ng kanyang noo.Instinctively gusto ni ALexa na tawagan sana si Noah pero matapos niyang isipin na pumunta ito sa ospital para samahan lang si Lily at alaagaan ito ay nagbago na kaagad ang isip niya. Ang naisip na lamang niyang tawagan ng mga oras na iyon ay ang kanyang ina.Hinayaan siya ng matangkad at payat na lalaki na hanapin ang numero ng kanyang ina at pagkatapos ay dali-daling tinawagan na ito. Pagkatapos lamang ng il
Bigla na lamang kumalam ang kanyang tiyan sa gutom, kaya pumili si Alexa ng isang pack ng instant noodles na nasa ref at dali-daling binuksan ito at nilagyan ng mainit na tubig pagkatapos ay hinintay niyang maluto bago niya ito kinain at pagkatapos ay uminom ng tubig. Naisip niya ring maghugas ng kanyang katawan at humiga sa kama. Mabuti na lamang at may mga damit sa cabinet na saktong-sakto talaga sa kaniya kaya may naisuot siya.Tahimik ang paligid pero hindi siya makatulog. Nanatili lamang siyang nakatitig sa kisame ng silid. Naisip niya na nawawala siya at napatanong siya sa kanyang isip kung mag-aalala ba si Noah sa kaniya?Agad niya ring namang sinagot ang kanyang sarili. Malamang hindi dahil tangin si Lily lang naman ang nakikita nito at siguro kasama pa rin niya ito sa ospital at iniisip pa rin ang pagpapakamatay ni Lily. nang maalala niya na sabik na sabik itong sumugod sa ospital, ay tila napuno ng bato ang puso ni Alexa at hindi niya maitatagong nasasaktan siya.Dahil sa ka
NAGING SOBRANG PANGIT ang mukha ni Andrew dahil sa kanyang narinig at sa sobrang hindi siya makapaniwala ay malamig niyang sinulyapan si Lily at pagkatapos ay ibinalik sa manggagawa ang tingin at matalim na nagtanong dito. “Totoo ba ang lahat ng iyon?”Sa punto namang iyon ay hindi nangahas ang manggagawa na itago ang katotohanan at pagkatapos ay marahang tumango. “Totoo po ang sinabi ni Sir Noah. may nakipag-usap po sa akin bago ang insidente at inutusan akong ibagsak ang balde sa ulo mismo ni sir kapag dumaan silang dalawa.” sabi nito at napakuyom ng kamay at napayuko dahil sa sobrang kahihiyan. “Hindi ako nag-isip at basta na lang pumayag kahit na alam ko pong mali.” sabi nito.Mahigpit na napakuyom ang mga kamay ni Andrew dahil sa labis na galit. Ngayon lang siya napahiya ng ganito. Ang mga matatalim na mga titig niya ay biglang napunta kay Lily. “anong klaseng palabas ito ha?!” galit na sigaw niya na hindi na niya napigilan pa ang kanyang galit.Agad naman na tumulo ang mga luha
KAHIT NA ABALA ang matandang babae sa pakikipagtalo sa kanyang anak ay agad niyang nakita sa sulok ng kanyang mga mata ang dalawa na nakangiti sa isat-isa kaya bigla niyang nilingon ang mga ito at ngumiti ng matamis. “Tingnan mo nga kung gaano sila ka-sweet na mag-asawa. Nakakainggit naman talaga.” sabi nito.Nang marinig ito ni Alexa ay alam niya na kaagad na sinadya iyong sabihin ng matanda para marinig ng ama ni Noah at para na rin kay Lily. dahil dito ay mas lalo pa naman niyang tinamisan ang kanyang ngiti at hinarap ito. “Mas nakakainggit nga po lola ng relasyon ninyo ni lolo na tumagal hanggang sa tumanda kayo.” sabi niya rito.Ngumiti naman kaagad ang matanda sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. “Basta walang gagawing kalokohan si Noah ay tiyak na magtatagal din kayong dalawa. Idagdag pa na ang katulad mong mabait at masipag ay mahirap hanapin bilang isang manugang.” sabi nito sa kaniya.Hindi niya alam pero hindi niya naiwasang mag-init an
AGAD NAMAN NAMUTLA ang mukha ni Lily nang mga sandaling iyon. Agad niyang ibinaba ang kanyang uo upang yumuko at napakagat labi na lamang siya. Sa gitna ng mga ito ay mukha siyang isang kaawa-awa.Nang sulyapan naman siya ni Andrew ay hindi niya maiwasan ang mapakuyom ang kanyang mga kamay lalo pa at parang wala ang ito sa mga kasama nila sa mesa. Dali-dali niyang kinuha ang mangkok na may lamang sinigang naman na baboy at pagkatapos ay inilagay sa harap nito. “Lily, tikman mo itong espesyal na sabaw na ito na pinakuluang—” ngunit hindi pa man nito natatapos ang sinasabi nito ay agad na nagsalita ang matandang babae na nakasimangot at nakatingin sa kanila.Binalingan nito ang kasambahay. “Kuhanin mo ang sabaw na iyon. Alam mo namang ipinaluto ko iyon para kay Alexa kaya sino ang nagsabi na pwedeng inumin ng babaeng iyan ang sabaw na iyon.” sabi nito kung saan ay agad din namang sumunod ang kasambahay.Awtomatiko namang napangiti si Alexa at bumaling sa direksyon ng matanda pagkatapos
PAGKAUPO NI LILY AY AGAD nitong kinuha ang lagayan ng pork chop at pagkatapos ay iniunat ang kamay upang maglagay ng isa sa plato ni Noah at nagsalita ng puno ng lambing at pagpapabebe. “Kumain ka ng marami. Alam kong napuyat ka noong gabing inalagaan mo ako sa ospital idagdag pa na napakarami mo pa ring trabaho.” sabi nito.Malamig naman na sinulyapan ni Noah ang inilagay nitong karne sa kanyang plato bago siya sinulyapan. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” walang emosyong tanong nito.Itinaas naman kaagad nito ang kamay upang hilutin ang kanyang sentido at nagsalita na para bang medyo nasasaktan pa. “Medyo masakit pa rin at may mga bagay na hindi ako matandaan.” sabi nito.Nakita niya naman ang pagtaas bigla ng kilay ni Noah nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay inilabas ang cellphone mula sa bulsa nito upang tawagan ang kanyang assistant. “Dalhin mo dito ang manggagawa sa mansyon.” sabi nito sa kabilang linya.Nang marinig naman ito ni Lily ay agad na namutla ang kanyang
BAHAGYANG NATIGILAN SI ALEXA sa isinagot sa kaniya ni Noah ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi magtanong pa. “E bukas? Aalis ka pa rin?” tanong niya ulit at pagkatapos ay tumingala rito.Nakita niya ang marahang pag-iling nito at pagkatapos ay hinalikan ang talukap ng kanyang mga mata. “Hindi rin ako aalis bukas.” bulong nito sa kaniya hanggang sa dumulas ang mga labi nito papunta sa kanyang pisngi at papunta sa kanyang leeg hanggang sa unti-unti itong gumapang patungo sa kanyang mga punong-tenga. “Mas mahalaga na samahan ko ang asawa ko kaysa sa iba.” bulong nito sa kaniya bago siya nito pangkuin at dalhin patungo sa silid nito.Sa kabila ng kanyang pamumula ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng saya dahil pakiramdam niya ay napakahalaga niya kay Noah. ibig lang sabihin sa kabila ng lahat ay mas pinipili pa rin siya nito kaysa kay Lily. sa kabila ng lahat ng kanyang agam-agam ay nakalimutan niya ang lahat ng iyon nang bigla na lang siya nitong halikan sa kanyang mga labi n
DAHIL NA NGA RIN sa sinabi ni Dexter sa kaniya ay hindi na siya nag-abala na pumunta sa silid ni Lily. kaagad na rin siyang tumalikod at bumalik sa kanyang sasakyan. Sa kotse ay agad niyang tinawagan ang kanyang assistant.“Gusto kong hanapin mo kung sino ang naghagis ng balde kahapon sa construction site at gusto ko na huwag mong ipaalam sa kahit sino na nag-iimbestiga ka.” sabi niya rito. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumugon. “Okay po sir.” sagot nito.Hindi nagtagal ay tuluyan na niyang ibinaba ang tawag at binalingan ang kanyang driver. “Bumalik na tayo sa kumpanya.” sabi niya rito kung saan ay agad din naman nitong pinaandar ang sasakyan. Wala pang halos sampung minuto na umaandar ang sasakyan ay bigla na lang nagring ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya na ang Mommy iyon ni Lily. wala siyang nagawa kundi ang sagutin na lang ito. “Noah, ang sabi ng Daddy mo ay pupunta ka rito sa ospital? Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa?” bun
DAHIL SA SINABI NI DEXTER ay biglang napasulyap si Noah sa kama kung saan ay nakahiga si Lily. “ganun ba. Sige, babalik na lang ako bukas.” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay naging madilim ang mga mata ng ina ni Lily.Nagtagis ang mga bagang nito at tumingin kay Noah. “hindi ba at dahil sayo kaya siya nagkaganyan? Pagkatapos ay iiwan mo siya rito?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Noah.Hindi naman sumagot si Noah at pinagdikit lang ang kanyang mga labi. Ilang sandali pa ay naglabas lang naman si Dexter ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at inabot ito sa kaniya. “Tara muna sa labas para naman makahinga tayo ng sariwang hangin kahit papano.” sabi nito sa kaniya.Hindi naman na siya nag-atubili pa na abutin ang sigarilyo na inaabot nito at pagkatapos ay lumabas siya kasama ito. Naglakad sila hanggang sa makarating sila sa pinaka-veranda ng ospital na iyon. Agad niyang sinindihan ang sigarilyo at humithit pagkatapos ay nagbuga ng usok kasabay ng malalim na bunto
UMUWI SI ALEXA, naligo at kumain siya pagkatapos ay humiga habang naghihintay sa pag-uwi ni Noah hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakaidlip na pala siya sa sobrang antok niya. Nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi at binuksan ang kanyang mga mata ay nakita niya na wala pa rin sa tabi niya si Noah kaya hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay nakita niya na mag-aalas tres na pala ng madaling araw ngunit hindi pa rin umuuwi si Noah. dahil dito ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone na nasa bedside table at tinawagan na niya ito ngunit hindi niya ito matawagan.Mas lalo pang kumabog ang kanyang puso dahil sa pag-aalala. Kahit na niniwala siya kay Noah at may tiwala siya rito ngunit wala siyang tiwala sa Daddy nito at sa ama ni Lily idagdag pa ang ina ni Lily. kilala niya ang mga ito na sobrang tuso kaya tiyak kapag nagsama-sama ang mga ito ay baka ang imposible ay magawa nilang posible.Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ay dali-dali siyan
ISANG NGITI NAMAN ANG GUMUHIT sa labi ng ama ni Lily pagkaraan ng ilang sandali. “Bakit namang kailangan pang iba ang utusan ko? Tutal naman ay magkababata kayo kaya tiyak na mas karapat-dapat siya na utusan ko hindi ba?” tanong nito.Ang gwapong mukha ni Noah ay napuno ng kalamigan kung saan ay kitang-kita din ang pagdidilim ng kanyang mga mata.Nakita naman ni Andrew ang pagdidilim ng mukha ng anak kung saan ay bigla na lang niyang sinulayapan si Alexa at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Noah at nagpaalala. “Nangako ka sa akin na hindi mo siya pababayaan hindi ba?” ulit na naman nito sa sinabi nito hikanina. “Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero ito na kaagad ang nangyari.” muli pang sabi nito.Sa isip-isip ni Alexa ay talagang napakatuso talaga nito kung saan ay hindi nga siya nito pinahiya ngunit paulit-ulit naman nitong ipinagdiinan ang pagpapabaya ni Noah kay Lily dahil lang sa nangyari. Idagdag pa na talagang gagawin nito ang lahat para mapaghiwalay sila.Marahan niya