Lahat ng Kabanata ng AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE : Kabanata 41 - Kabanata 50

111 Kabanata

Chapter 15.4

Nagmartsa naman pabalik si Vena sa tabi ng kama ni Alexa at galit na naupo sa tabi nito. Sinulyapan niya ito at hindi niya na napigilan pa ang sariling magtanong rito. “Ate, sabihin mo nga ang totoo. Muli na bang nagkakalapit si Kuya at ang Lily na iyon?” tanong niya rito.Bigla namang natigilan si ALexa sa kanyang narinig. Hindi siya agad na nakasagot sa tanong nito at dahil doon ay napabuntung-hininga si Vena. “ate, pumapayag ka ba na paikutin niyang muli si Kuya? Napaka-galing magpaikot ng babaeng iyon.” sabi nito sa kaniya na punong-puno ng pagka-disgusto ang pagmumukha.“Talaga?” tanong niya rito.“Oo. bata pa lang kami ay magaling na siya. Magkasosyo kasi ang pamilya nila at pamilya namin sa ibang negosyo at palagi niyang nilalapitan ang kuya ko kapag may mga okasyon. Nilalandi niya ang Kuya ko hanggang sa tuluyan na ngang mahulog ang loob ni Kuya sa kaniya at doon na niya sinimulang paikutin si Kuya. pinagbabalat pa niyan si Kuya ng hipon ang kapal ng mukha. Gustong kumain pero
last updateHuling Na-update : 2024-08-01
Magbasa pa

Chapter 16.1

Dahil doon ay mas lalo pang naging malungkot ang mukha ni Noah. Dahil nga hindi niya makontak si Alexa ay ang tinawagan niya ay ang mga bodyguards na inatasan niya na magbantay kay Alexa. Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang nitong sinagot iyon kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na magtanong rito. “Nasaan si Alexa?” tanong niya ng wala ng paligoy-ligoy pa.Mabilis naman itong sumagot kaagad sa kaniya. “Uh sir sinabi po sa amin ni Ms.Alexa na dahil ilang araw na kaming nagbabantay sa kaniya ay marahil ay pagod kami kaya binigyan niya kami ng dalawang araw para makapagpahinga at sinabi niya na ito raw po ang utos ninyo.” magalang na sagot nito sa kaniya.Bigla na lamang tumaas ang sulok ng kanyang mga labi at unti-unting lumitaw ang ngiti. Ang isang babaeng katulad nito na palaging masunurin at maayos ang pag-uugali ay gumawa ng isang pekeng utos at sinabi sa mga bodyguards nito.Dahil doon ay wala na siyang ibang magagawa pa. “Saan siya nagpunta?” malamig na tanong niya rito.
last updateHuling Na-update : 2024-08-01
Magbasa pa

Chapter 16.2

Nang makaalis siya doon ay pinangunahan ni Noah ang kanyang mga tao na hanapin si Alexa sa lahat ng lugar na pwede nitong puntahan ngunit inabot na sila ng gabi ay hindi pa rin nila ito natatagpuan. Sa kalagitnaan ng gabi ay nakahiga sa malaking kama sa kaniya silid. Hindi siya makatulog. Paikot-ikot lamang siya doon dahil wala siyang ibang maisip kung saan maaaring pumunta si Alexa. Ilang sandali pa ay bigla na lamang may isang lugar na pumasok sa isip niya.Dahil doon ay nagmamadali siyang bumango mula sa kanyang kinahihigaan at nagmadaling pumunta sa ancestral house ng pamilya ni Alexa. Natitiyak na baka doon ito nagpunta isa pa ay doon ito lumaki. Dahil nga malayo ang byahe patungo doon ay alas kwatro na ng madaling araw nang makarating sila doon. Bumaba si Noah sa kotse at balak na buksan na sana ang pinto ng bahay nang maisip niya na baka natutulog na si Alexa sa ganuong oras at ayaw niya naman itong istorbohin sa pagtulog kaya muli siyang bumalik sa kotse at nahiga doon pagkat
last updateHuling Na-update : 2024-08-01
Magbasa pa

Chapter 16.3

Ibinaba ni Noah ang kanyang mata at tiningnan ang puntod na nasa harapan nila. Ito ay isang ordinaryog puntod at mukhang matagal na ito. Sa harap nito ay may isang bungkos ng nalalantang mga bulaklak at sa tabi nito ay ang tunaw na kandila. Napakasimple ng puntod na ito at ni wala man lang itong lapida. Hindi niya tuloy masabi kung kanino iyon kung hindi niya pa malalaman kay Alexa. Unti-unti namang nakahinga ng maluwag si Noah at pagkatpaos ay unti-unting ibinuka ang bibig niya upang tanungin ito kung sino nga ba si Nio sa buhay nito ngunit umiwas lang si Alexa sa pagsagot.Sa katunayanan, noong unang beses niyang tinawag ito sa panaginip nito ay pina-imbestigahan na kaagad ni Noah kung sino iyon at ayon sa mga taong nakatira doon ay wala namang ganung tao na ganun ang pangalan na nakatira doon.Samantala, ginawa naman ang lahat ni ALexa para itago rito ang lahat. Nagsinungaling siya kay Noah dahil gusto niyang protektahan ang Kuya Nio niya.Dahil sa pananahimik ni Alexa ay nilingon
last updateHuling Na-update : 2024-08-02
Magbasa pa

Chapter 16.4

Matapos manahimik ng ilang sandali ay napatingin siya sa kamay niyang nasugatan at pagkatapos ay nagsalita. “Tatlong buwan akong hindi makakapagtrabaho kaya bumalik ka na doon, dito na muna ako at magpapagaling muna ako.” sabi niya rito.“Okay lang, tapos uuwi na lang ako rito sa gabi.” sabi naman nito sa kaniya. Sadyang iginiit nito ang salitang gabi na para bang sinasabi nito ay may pangangailangan ito sa gabi. Nagmamadali naman siyang sumagot rito.“Hindi na kailangan, Noah. Ang lugar na ito ay malayo sa lungsod at ilang oras din ang kailangan mo para makapunta rito. Doon pa lang ay sayan na ang oras mo, gamitin mo na lang para magpahinga.” sabi niya rito.Itinaas naman ni Noah ang kanyang kamay at pagkatapos ay pinisil ang ilong nito. “Ikaw e huwag ka ngang tumanggi ng tumanggi.” sabi ni Noah rito.Iniiwas naman ni Alexa ang kanyang mukha mula rito. “Huwag na nga.” sabi niya rito.“Pinsan mo ako, hindi ba normal na puntahan kita gabi-gabi?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay
last updateHuling Na-update : 2024-08-02
Magbasa pa

Chapter 16.5

Sumulyap sa kanya si Noah nang may malalim na mga mata at pagkatapos ay tuluyang pinindot ang answer button. “May problema ba?” tanong niya kaagad rito.“Noah nasaan ka?” ang nakakaawang tinig nito ang sumalubong sa kaniya sa kabilang linya. “Hinid ka nagpunta rito sa ospital para makita ako kahapon pa, pwede bang pumunta ka ngayon? Hindi kasi ako makakain kapag hindi kita nakikita dahil sa lungkot e.” sabi nito.Dahil nga naka-loudspeaker ang cellphone ni Noah ay narinig ni Alexa ang mga sinabi ni Lily at halos balutin ng pagkasuklam ang buong pagkatao niya. Dahil doon ay mabilis siyang naglakad patungo kay Noah at nagsalita. “Noah, nahubad ko na ang mga damit ko ano pa bang ginagawa mo?” malambing na sabi niya rito at dahil doon ay nakakamatay na katahimikan ang namayani mula sa kabilang linya.Mabilis naman siyang nilingon ni Noah at tiningnan siya nito nang may ngiti sa labi at kumikinang ang mga mata. Samantala, wala naman siyang ekspresyon na tumingin rito. Nagtitigan silang dal
last updateHuling Na-update : 2024-08-02
Magbasa pa

Chapter 17.1

Hanggang sa hindi na makita pa ni Alexa ang sasakyan ni Noah ay nanatili pa rin siyang nakatayo doon kung saan ay nawala ang kotse nito. Hindi niya masabi kung ano ang nararamdaman niya sa kanyang puso. Umihip ang hangin. Matapos tumayo doon ng ilang sandali at tuluyan na ngang tumalikod si ALexa at naglakad na pabalik sa bahay ng kanyang lolo.Nang makarating siya doon ay dinukot niyang susi at pumasok sa isang silid doon kung saan ay iyon noon ang nagsilbing restoration room ng lolo niya at iyon din ang lugar kung saan ay ginugol niya ang ilang taon ng buhay niya noong bata pa siya. Ang silid ay nanatiling ganuon pa rin sa dati na may dalawang kalahating tao na pulang solidong kahoy na mga mesa sa gitna kung saan inilagay ang mga kagamitan sa pag-aayos ng mga painting.Dahil nga sa katagalan na wala ng nagpupunta doon ay may manipis na layer ng alikabok nang haplusin niya ang mesa. Sa pag-iisip sa kanyang lolo na namatay dahil sa kanser sa tiyak ay bigla na lamang nag-init ang sulok
last updateHuling Na-update : 2024-08-03
Magbasa pa

Chapter 17.2

Ang babae ay napakaganda, may maliit itong mukha at mukhang laking mayaman talaga. Ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Lily. nang makita niya ito ay para bang tinusok ang puso niya dahil sa sakit. Para siyang itinulos mula sa kanyang kinatatayuan at hindi makagawa ng kahit na anumang hakbang.Nagmamadaling sumigaw si Ate Malou na nasa likod niya. “Sir, nandito na po si Ms.Alexa.” sabi nito kay Noah.Agad naman na hinawakan ni Noah ang mga kamay ni Lily na nakabalot sa beywang niya at pagkatapos ay naglakad palapit kay Alexa at mahinahong nagsalita. “Bakit hindi mo ako tinawagan na nandito ka na pala? E di sana ay sinundo kita sa baba.” sabi nito sa kaniya.Hindi naman nakapagsalita si ALexa at malamig na tumingin lang kay Noah. hindi niya ito pinansin at pagkatapos pinilit na gumalaw at maglakad papasok sa silid ng matanda. Pagkapasok niya sa loob ay naabutan niya na nakaupo ang matandang babae sa kama ng ospital habang humihigop ito ng sabaw. Nang makita siya nito ay agad na nagl
last updateHuling Na-update : 2024-08-03
Magbasa pa

Chapter 17.3

Agad naman itong napailing. “Pumunta lang ako rito para dalawin kayo.” sagot nito sa matanda.“Nakita mo na ako, pwede ka ng umalis.” malamig na sabi nito kay Lily.Agad naman na namutla ang mukha nito nang marinig niya ang pagtataboy ng matandang babae. “Lola, lumaki ako na malapit sa inyo pero bakit ganyan kayo sa akin? Noong araw ay mahal na mahal ninyo ako.” sabi nito na punong-puno ng hinanakit ang tinig.Hindi naman sumagot ang matanda at nanatiling tahimik lang. Ilang sandali pa ay muling nagsalita si Lily. “Noong maaksidente tatlong taon na ang nakakaraan si Noah ay nagpadala ang aking ina ng tauhan niya upang dalhin ako sa ibang bansa at nagtalaga siya ng isang taong magbabantay sa akin bente kwatro oras. Dahil doon ay naisip ko na tiyak na sobrang nalungkot si Noah dahil sa sapilitang paglayo ko sa kaniya at nang mabalitaan ko na nag-asawa na siya ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at halos ayaw ko ng mabuhay pa ng mga oras na iyon.” sabi nito. Nakatayo ito doon at
last updateHuling Na-update : 2024-08-03
Magbasa pa

Chapter 17.4

Bagamat hindi siya gaanong malapit sa mga ito ay narinig pa rin ni Alexa ang mga sinabi ni Lily. sa totoo lang ay first time niya lang na makakilala ng ganitong klaseng tao na kaya nitong magturo ng tao kahit na wala naman itong kaalam-alam kung totoo ba o hindi.Kaya pala ayon kay Vena ay napakagaling nitong magpaikot ng tao at kailangan niya ding mag-ingat dahil baka malingat lang daw siya ng kaunti ay baka mawala na ng tuluyan sa kaniya si Noah. tahimik na tumingin si Alexa kay Noah at gusto niyang marinig kung ano ang isasagot nito rito.Pagkatapos ng ilang sandali ay sumagot ng malakas si Noah. “hindi si Alexa ang may gawa niyan sa kamay mo. hindi niya magagawa yan, kilalang-kilala ko siya at napakabait niya.” sagot nito rito.Nang marinig ni Alexa ang sagot nito ay mabilis siyang tumalikod at umalis. Medyo gumaan ang pakiramdam niya sa kanyang narinig. Isa pa ay ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod pa nitong sasabihin sapat na ang narinig niya. Bumalik siya sa silid ng mat
last updateHuling Na-update : 2024-08-04
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
12
DMCA.com Protection Status