Matapos mapuno ang bathtub ay pumasok na si Alexa sa loob ng banyo. Sa tulong ni Noah ay nahubad niya ang kanyang damit at mabilis na lumublob sa bathtub. Itinaas niya ang nasugatan niyang kaliwang kamay upang hindi ito mabasa at pagkatapos ay nilingon si Noah na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin lumalabas mula doon. “Lumabas ka na at kaya ko ng maligo mag-isa.” sabi niya rito.Sa halip naman na lumabas ito ay inililis lamang nito ang manggas ng suot nitong long sleeve at kinuha niya ang pink bath towel na nakasabit sa dingding at pagkatapos ay nilingon siya nito. “Tutulungan kitang kuskusin ang likod mo dahil hindi ka nakaligo ng maayos nitong mga nakaraan at ang katawan mo ay baka naipunan na ng libag.” sabi nito sa kaniya.Sasabihin pa lang sana niya rito na huwag ay agad na niyang naramdaman na kinuskos na ni Noah ang kanyang likod. Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita. “Tingnan mo nga, ang daming libag ng likod mo.” sabi nito sa kaniya.Bigla namang nahiya si Alex
Ang kamay ni Noah ay dumausdos pababa sa kanyang likod at pagkatapos ay ibinalot sa kaniya at hinagod ng baba nito ang kanyang buhok at pagkatapos ay nagsalita. “Sa katapusan ay birthday na ng aking ina.” sabi nito sa kaniya. “Hindi ka pa naman makakapasok sa trabaho mo dahil sa kamay mo kaya kailangan mong maglibang muna. Masyado kang tahimik at hindi man lang marunong makisalamuha sa iba.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Medyo parang tinusok naman ang puso niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Masyadong tahimik at sobrang boring?” malamig na tanong niya rito.Mabilis naman na sumagot si Noah. “hindi, wala naman akong ibig sabihin na ganun. Para hindi ka tumanda ng maaga at palaging nakasimangot.” sabi nito sa kaniya.Bigla namang tumalim ang mga mata ni ALexa dahil sa sinabi nito. “Ah ganun?” tanong niya rito at nag-umpisang suntukin ang dibdib nito.Ngumiti lang naman si Noah at hinawakan ang kamay nito upang pigilan. “Ang ibig ko lang sabihin ay napakabata mo pa, kailangan mon
Pagkatapos maligo ni Noah ay humiga siya sa tabi ni Alexa. Hinawakan nito ang mukha nito at tinitigan habang mahimbing ang pagkakatulog nito. Ilang sandali pa nga ay hinalikan nya ang noo nito at pagkatapos ay bumulong. “Kapag tinawag mo pa sa panaginip mo ang Nio na iyon ay magagalit na talaga ako.” bulong niya kahit na alam niya na hindi naman siya nito maririnig dahil napakahimbing ng tulog nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at niyakap ito pagkatapos ay natulog.Kinabukasan, nang magising si Noah ay umaga na. Dahan-dahan siyang bumangon para hindi magising si Alexa at lumabas ng silid. Nang magising naman si Alexa ay wala na siyang katabi at mag-isa na lamang niya sa kama. Dahil nga wala siyang saplot ng mga oras na iyon ay nagbihis muna siya at nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush na rin. Nagsuklay na rin siya dahil gulo-gulo ang buhok niya nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin.Pagkatapos niyang maayos ang itsura niya ay bumaba na siya. Naabutan
Napangisi ito at pagkatapos ay tinanong siyang muli. “Card yan ni Noah hindi ba? Kaya ayaw mo siya iwan dahil sa marami niyang pera.” sabi nito sa kaniya.Wala sana siyang pakialam sa sinabi nito ngunit ayaw niyang mapahiya sa harap ng mga staff ng store kaya tiningnan niya ang cashier. “Pakisabi nga sa babaeng ito kung kanino ang card na yan.” sabi niya.Ngumiti naman agad ang cashier at sinulyapan si Lily. “Alexa Acosta po ang account name na nakalagay sa card.” sabi nito rito,Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Alexa at pagkatapos ay tinanong din ang cashier ulit. “Magkano ang laman ng card?” tanong niya rito.“Wait lang po at ichecheck ko.” sagot naman nito at hindi nagtagal ay nagsalita ito. “Ma’am ang balance ninyo ay 156 million pesos.” sabi nito.Nang marinig ito ni Lily ay agad siyang namutla at hindi nakapagsalita sa labis na gulat. Sinulyapan siya ni Alexa na may ngiti sa mga labi. Sa totoo lang ay hindi siya mayabang na tao ngunit ito na ang tamang oras para magyaban
Akala ni Lily ay hindi siya marunong manamit at pakiramdam nito kaya ito ay nakabihis at nagsuot ng alahad ay mukha na itong atista kaagad. Ang mga mata ni Amanda ay nagtaas baba kay Lily at pagkatapos ay mahinahong sumagot. “Ang aking manugang ay hindi mahilig sa mga materyal na bagay at lalong-lalo na sa magagandang damit dahil ang mas importante sa kaniya ay ang panloob na kagandahan at hindi ang panlabas.” sabi nito rito.Nang marinig ito ni Lily ay hindi siya nakapagsalita at napakagat-labi na lamang siya.Tila naman hinaplos ang puso ni Alexa ng mga oras na iyon dahil sa mga salita ng biyenan niya. Ang bawat salita nito ay pagtatanggol sa kaniya at sumasampal naman sa mukha ni Lily. ilang sandali pa ay nagturo na ang kanyang biyenan ng bag at ipinalabas sa staff ng store at ibinigay sa kaniya.Kinuha ito ni Amanda at pagkatapos ay inabot sa kaniya. “Ito, kunin mo ang bag na ito. Huwag mo palaging isipin ang pagbili ng bag para sa amin ng hipag mo kundi dapat ay bumili ka rin ng
Nang tingnan niya ito ay nakita niya na si Noah ang tumatawag. Ilang sandali pa nga ay agad niyang sinagot ang tawag nito at inilagay sa kanyang tenga. “May problema ba?” tanong niya kaagad rito.“Nasaan ka?” tanong nito sa kaniya.“Nagkakape. Kasama ko ang Mommy mo.” sagot niya rito.“What?” gulat na gulat naman na tanong nito mula sa kabilang linya. “Saan cafe? Sabihin mo sa akin at pupuntahan kita kaagad.” sabi nito sa kaniya na may halong pagkabalisa ang tinig.Napakunot naman ang noo ni Alexa at nagsalubong ang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano ka ba, busy ka hindi ba? Hindi mo na kailangan pang pumunta rito.” sagot niya naman kaagad rito.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay nagsalita. “Gusto ko siyang makausap. Ibigay mo ang cellphone sa kaniya.” sabi nito sa kaniya at dahil doon ay mabilis niyang inabot rito ang kanyang cellphone sa biyenan niyang nasa harapan niya at nakamasid lang sa kaniya.Agad naman nitong kinuha ang cellphone nang iabot niya rito iyo
Dumating na nga araw ng birthday ng kanyang biyenan. Isinuot niya ang bigay nitong dress sa kaniya at pagkatapos ay naglagay lang ng light make up sa kanyang mukha at pagkatapos ay nagpahatid na siya sa mansiyon kung saan idadaos ang birthday party nito.Nang dumating siya doon at pumasok sa loob ay bumungad sa kaniya ang maliwanag na entrance ng mansiyon na napapalamutian at puno ng mga marangyang upuan at mga mesa. Punong puno din ang mesa ng mga ibat-ibang mga high end buffet dish and delicacies. Ibat-ibang uri din ng alak at mga dessert ang naroon.Ang mga lalaking panauhin ay nakasuot ng suit at kurbata, habang ang mga babaeng panauhin ay nakasuot ng mga evening dresses. Ilang sandali pa ay sabay-sabay na ang mga itong kumakain at umiinom. Mukhang nag-umpisa na yata ang party at huli na siya. Ang kanyang biyenan ay umiikot at nakikipag-usap sa mga bisita nito at nakikipag-kwentuhan. Simula nang makasal siya sa pamilya ng mga ito ay iyon pa lang ang unang beses na nagkaroon ang in
Naglakad din naman palapit ito na may hawak na isang baso sa kamay nito na may lamang red wine at nakasuot ito ng mataas na takong at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Tsk. narito pala ang babaeng desperada na pinakasalan ang aking pamangkin. Isang babaeng mukha pera na gustong makapasok sa pamilya.” nakataas ang isang sulok ng labing sabi nito sa kaniya.Saglit naman na natigilan si Alexa at pinilit ang sarili na panatilihin kalmado sa kabila ng mga sinabi nito sa kaniya. Tiningnan niya ito ng puno ng pagpapakumbaba. “Napakabuti po ni Noah ngunit mali po kayo ng tingin sa akin. Hindi po ganun ang intensiyon ko.” sabi niya rito.“Talaga?” nakataas ang kilay nitong tanong sa kaniya. “Paano naman ako maniniwala e ni wala ka pa nga sa talampakan ng pamilya.” sabi nito at pagkatapos ay uminom sa hawak nitong baso at nakatingin sa kaniya na punong-puno ng anghahamak ang kanyang mga mata.Sa kabila ng mga sinabi nito ay tiniis pa rin ni Alexa ang mga salitang ibinato sa kaniya
DAHIL NA NGA RIN sa sinabi ni Dexter sa kaniya ay hindi na siya nag-abala na pumunta sa silid ni Lily. kaagad na rin siyang tumalikod at bumalik sa kanyang sasakyan. Sa kotse ay agad niyang tinawagan ang kanyang assistant.“Gusto kong hanapin mo kung sino ang naghagis ng balde kahapon sa construction site at gusto ko na huwag mong ipaalam sa kahit sino na nag-iimbestiga ka.” sabi niya rito. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumugon. “Okay po sir.” sagot nito.Hindi nagtagal ay tuluyan na niyang ibinaba ang tawag at binalingan ang kanyang driver. “Bumalik na tayo sa kumpanya.” sabi niya rito kung saan ay agad din naman nitong pinaandar ang sasakyan. Wala pang halos sampung minuto na umaandar ang sasakyan ay bigla na lang nagring ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya na ang Mommy iyon ni Lily. wala siyang nagawa kundi ang sagutin na lang ito. “Noah, ang sabi ng Daddy mo ay pupunta ka rito sa ospital? Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa?” bun
DAHIL SA SINABI NI DEXTER ay biglang napasulyap si Noah sa kama kung saan ay nakahiga si Lily. “ganun ba. Sige, babalik na lang ako bukas.” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay naging madilim ang mga mata ng ina ni Lily.Nagtagis ang mga bagang nito at tumingin kay Noah. “hindi ba at dahil sayo kaya siya nagkaganyan? Pagkatapos ay iiwan mo siya rito?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Noah.Hindi naman sumagot si Noah at pinagdikit lang ang kanyang mga labi. Ilang sandali pa ay naglabas lang naman si Dexter ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at inabot ito sa kaniya. “Tara muna sa labas para naman makahinga tayo ng sariwang hangin kahit papano.” sabi nito sa kaniya.Hindi naman na siya nag-atubili pa na abutin ang sigarilyo na inaabot nito at pagkatapos ay lumabas siya kasama ito. Naglakad sila hanggang sa makarating sila sa pinaka-veranda ng ospital na iyon. Agad niyang sinindihan ang sigarilyo at humithit pagkatapos ay nagbuga ng usok kasabay ng malalim na bunto
UMUWI SI ALEXA, naligo at kumain siya pagkatapos ay humiga habang naghihintay sa pag-uwi ni Noah hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakaidlip na pala siya sa sobrang antok niya. Nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi at binuksan ang kanyang mga mata ay nakita niya na wala pa rin sa tabi niya si Noah kaya hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay nakita niya na mag-aalas tres na pala ng madaling araw ngunit hindi pa rin umuuwi si Noah. dahil dito ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone na nasa bedside table at tinawagan na niya ito ngunit hindi niya ito matawagan.Mas lalo pang kumabog ang kanyang puso dahil sa pag-aalala. Kahit na niniwala siya kay Noah at may tiwala siya rito ngunit wala siyang tiwala sa Daddy nito at sa ama ni Lily idagdag pa ang ina ni Lily. kilala niya ang mga ito na sobrang tuso kaya tiyak kapag nagsama-sama ang mga ito ay baka ang imposible ay magawa nilang posible.Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ay dali-dali siyan
ISANG NGITI NAMAN ANG GUMUHIT sa labi ng ama ni Lily pagkaraan ng ilang sandali. “Bakit namang kailangan pang iba ang utusan ko? Tutal naman ay magkababata kayo kaya tiyak na mas karapat-dapat siya na utusan ko hindi ba?” tanong nito.Ang gwapong mukha ni Noah ay napuno ng kalamigan kung saan ay kitang-kita din ang pagdidilim ng kanyang mga mata.Nakita naman ni Andrew ang pagdidilim ng mukha ng anak kung saan ay bigla na lang niyang sinulayapan si Alexa at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Noah at nagpaalala. “Nangako ka sa akin na hindi mo siya pababayaan hindi ba?” ulit na naman nito sa sinabi nito hikanina. “Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero ito na kaagad ang nangyari.” muli pang sabi nito.Sa isip-isip ni Alexa ay talagang napakatuso talaga nito kung saan ay hindi nga siya nito pinahiya ngunit paulit-ulit naman nitong ipinagdiinan ang pagpapabaya ni Noah kay Lily dahil lang sa nangyari. Idagdag pa na talagang gagawin nito ang lahat para mapaghiwalay sila.Marahan niya
PINIGILAN NAMAN NI ALEXA ang kanyang emosyon at nagtanong. “Bakit, hindi ba siya nakasuot ng safety helmet?” tanong niya rito.Napabuntong-hininga naman ito. “Nakasuot naman siya.” sagot nito.“Kamusta ang lagay niya?” tanong niya ulit.“Hindi ko pa alam sa ngayon at hanggang hindi pa lumalabas ang resulta ng eksaminasyon sa kaniya ay hindi pa malalaman.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos nitong sabihin iyon ay bigla na lang nitong itinaas ang kamay at tiningnan ang relo nito. “Malapit nang makarating dito sina Daddy at kung okay lang sayo ay pwede bang kumain ka na lang munang mag-isa?” tanong nito sa kaniya.Kahit na hindi nito sabihin ay alam niya na natatakot ito na baka kung ano na naman ang sabihin ng ama nito sa kaniya kapag naabutan siya nito doon. Hindi pa man siya nakakasagot ay muli na naman itong nagsalita. “Pasensya ka na talaga, Alexa.” dagdag pa nito at pagkatapos ay hinawakan ang magkabila niyang balikat.Tumango siya. “Sige.” sabi niya ngunit nang makita nito ang lun
MALAMIG NAMAN ANG mga mata ni Nico habang pinapanood ang dalawa sa harap niya na nagsusubuan ng pagkain. “Ganito niya ako kamahal. Talagang alagang-alaga niya ako.” biglang sabi ni Noah sa kaniya habang nakangiti ng abot hanggang tenga.Tumaas naman ang sulok ng kanyang mga labi at sinalubong ang kanyang mga mata. “Protektahan mo siyang maigi.” sabi niya rito.Hindi nagtagal ay tuluyan na nga ring natapos ang dinner na iyon. Nagpaalam na sila ni Noah kay Nico at pagkatapos ay sabay na silang dalawa na lumabas ng restaurant na iyon. Paglabas nila ay agad na napabuntung-hininga si Alexa. Kahit papano ay gumaan na rin ang pakiramdam nya hindi katulad kanina na napaka-intense ng atmosphere sa pagitan ng dalawa. Pakiramdam niya tuloy ay pagod na pagod siya.Panigurado na kung hindi niya isinama si Noah doon at nalaman nito ang tungkol sa dinner na iyon ay tiyak na magagalit ito sa kaniya. Ilang sandali pa ay sumakay na silang dalawa sa kotse. Nang maisara ang pinto ng kotse ay bigla na lan
KINABUKASAN ay bigla siyang nilapitan ni Alexa. “Mamayang gabi, libre ka ba? May dadaluhan kasi akong isang dinner party at gusto kong sumama ka sa akin.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang kilay ni Noah at pagkatapos ay dahan-dahang ngumiti. “Sino ba ang kasama mo sa dinner party na iyon?” tanong niya rito.“Si Nico Dela Vega.” mabilis na sagot nito.Bigla namang napatigil ng wala sa oras si Noah sa kanyang ginagawa at napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone kung saan ay halos madurog na ito sa kamay niya.Napansin naman kaagad ni Alexa ang galit sa mukha nito nang banggitin niya ang pangalan ni Nico at inaasahan na niyang magagalit ito kaya dali-dali siyang nagpaliwanag. “Ang painting kasi na ginawa ko ay binili niya at isinabit niya sa kanyang opisina kung saan ay binili naman kaagad ng isang customer nila sa halagang 13 milyon. Nagpadala siya sa akin ng karagdagang bayad at agad ko siyang tinawagan upang ibalik sa kaniya ang pera ngunit ayaw niyang tanggapin. Bil
KINABUKASAN, bigla na lamang nakatanggap si Alexa ng isang message mula sa kanyang bank account kung saan ay nakatanggap siya ng isang milyong piso. Galing iyon sa Dela Veag Auction House. Iyon ang auction house kung saan niya ibinenta ang painting.Agad niyang hinalungkat mula sa kanyang bag ang business card na ibinigay sa kaniya ni Nio at idinial niya ang numerong nakalagay doon. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ako ito si Alexa.” mabilis na sabi niya.“Alexa.” bulong nito sa pangalan niya at ang tinig nito ay napakababa. Hindi niya alam ngunit tuwing maririnig niya na binabanggit nito ang pangalan niya ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam niya na ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay tila puno ng pagmamahal. Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntung-hininga. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganung klaseng bagay.“Mr. Dela VEga, may pumasok na isang milyon ngayon sa aking account at mula iyon sa Auction House ninyo. Mukhang nagkamali ang empleyado mo
HABANG NAKASAKAY SI ALEXA SA kotse ni Noah ay bigla siyang napakunot ang noo nang mapansin niya na para bang iba ang daang tinatahak nila. Nilingon niya ito. “Hindi ito ang daan pauwi hindi ba?” tanong niya nang magkasalubong ang mga kilay niya.Tumango ito sa kaniya. “May pupuntahan tayo.” sagot nito nang hindi siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho.Mas lalo pang lumalim ang kunot noo niya. “Saan naman tayo pupunta?”“Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon. Basta maupo ka lang diyan.” sagot nitong muli sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo na lang at maghintay kung saan nga siya nito dadalhin.Makalipas lamang ang isang oras ay ipinarada na ni Noah ang kotse sa tabi ng ilog. Nang bumaba sila ay agad na sumalubong sa kaniya ang may kalakasang hangin. Ang ilog ay malakas ang agos at ang kapaligiran ay napapalibutan ng kagubatan.“Anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya.Hindi naman ito sumagot sa halip ay inabot lang nito sa kaniya ang susi n