Ang kamay ni Noah ay dumausdos pababa sa kanyang likod at pagkatapos ay ibinalot sa kaniya at hinagod ng baba nito ang kanyang buhok at pagkatapos ay nagsalita. “Sa katapusan ay birthday na ng aking ina.” sabi nito sa kaniya. “Hindi ka pa naman makakapasok sa trabaho mo dahil sa kamay mo kaya kailangan mong maglibang muna. Masyado kang tahimik at hindi man lang marunong makisalamuha sa iba.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Medyo parang tinusok naman ang puso niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Masyadong tahimik at sobrang boring?” malamig na tanong niya rito.Mabilis naman na sumagot si Noah. “hindi, wala naman akong ibig sabihin na ganun. Para hindi ka tumanda ng maaga at palaging nakasimangot.” sabi nito sa kaniya.Bigla namang tumalim ang mga mata ni ALexa dahil sa sinabi nito. “Ah ganun?” tanong niya rito at nag-umpisang suntukin ang dibdib nito.Ngumiti lang naman si Noah at hinawakan ang kamay nito upang pigilan. “Ang ibig ko lang sabihin ay napakabata mo pa, kailangan mon
Pagkatapos maligo ni Noah ay humiga siya sa tabi ni Alexa. Hinawakan nito ang mukha nito at tinitigan habang mahimbing ang pagkakatulog nito. Ilang sandali pa nga ay hinalikan nya ang noo nito at pagkatapos ay bumulong. “Kapag tinawag mo pa sa panaginip mo ang Nio na iyon ay magagalit na talaga ako.” bulong niya kahit na alam niya na hindi naman siya nito maririnig dahil napakahimbing ng tulog nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at niyakap ito pagkatapos ay natulog.Kinabukasan, nang magising si Noah ay umaga na. Dahan-dahan siyang bumangon para hindi magising si Alexa at lumabas ng silid. Nang magising naman si Alexa ay wala na siyang katabi at mag-isa na lamang niya sa kama. Dahil nga wala siyang saplot ng mga oras na iyon ay nagbihis muna siya at nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush na rin. Nagsuklay na rin siya dahil gulo-gulo ang buhok niya nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin.Pagkatapos niyang maayos ang itsura niya ay bumaba na siya. Naabutan
Napangisi ito at pagkatapos ay tinanong siyang muli. “Card yan ni Noah hindi ba? Kaya ayaw mo siya iwan dahil sa marami niyang pera.” sabi nito sa kaniya.Wala sana siyang pakialam sa sinabi nito ngunit ayaw niyang mapahiya sa harap ng mga staff ng store kaya tiningnan niya ang cashier. “Pakisabi nga sa babaeng ito kung kanino ang card na yan.” sabi niya.Ngumiti naman agad ang cashier at sinulyapan si Lily. “Alexa Acosta po ang account name na nakalagay sa card.” sabi nito rito,Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Alexa at pagkatapos ay tinanong din ang cashier ulit. “Magkano ang laman ng card?” tanong niya rito.“Wait lang po at ichecheck ko.” sagot naman nito at hindi nagtagal ay nagsalita ito. “Ma’am ang balance ninyo ay 156 million pesos.” sabi nito.Nang marinig ito ni Lily ay agad siyang namutla at hindi nakapagsalita sa labis na gulat. Sinulyapan siya ni Alexa na may ngiti sa mga labi. Sa totoo lang ay hindi siya mayabang na tao ngunit ito na ang tamang oras para magyaban
Akala ni Lily ay hindi siya marunong manamit at pakiramdam nito kaya ito ay nakabihis at nagsuot ng alahad ay mukha na itong atista kaagad. Ang mga mata ni Amanda ay nagtaas baba kay Lily at pagkatapos ay mahinahong sumagot. “Ang aking manugang ay hindi mahilig sa mga materyal na bagay at lalong-lalo na sa magagandang damit dahil ang mas importante sa kaniya ay ang panloob na kagandahan at hindi ang panlabas.” sabi nito rito.Nang marinig ito ni Lily ay hindi siya nakapagsalita at napakagat-labi na lamang siya.Tila naman hinaplos ang puso ni Alexa ng mga oras na iyon dahil sa mga salita ng biyenan niya. Ang bawat salita nito ay pagtatanggol sa kaniya at sumasampal naman sa mukha ni Lily. ilang sandali pa ay nagturo na ang kanyang biyenan ng bag at ipinalabas sa staff ng store at ibinigay sa kaniya.Kinuha ito ni Amanda at pagkatapos ay inabot sa kaniya. “Ito, kunin mo ang bag na ito. Huwag mo palaging isipin ang pagbili ng bag para sa amin ng hipag mo kundi dapat ay bumili ka rin ng
Nang tingnan niya ito ay nakita niya na si Noah ang tumatawag. Ilang sandali pa nga ay agad niyang sinagot ang tawag nito at inilagay sa kanyang tenga. “May problema ba?” tanong niya kaagad rito.“Nasaan ka?” tanong nito sa kaniya.“Nagkakape. Kasama ko ang Mommy mo.” sagot niya rito.“What?” gulat na gulat naman na tanong nito mula sa kabilang linya. “Saan cafe? Sabihin mo sa akin at pupuntahan kita kaagad.” sabi nito sa kaniya na may halong pagkabalisa ang tinig.Napakunot naman ang noo ni Alexa at nagsalubong ang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano ka ba, busy ka hindi ba? Hindi mo na kailangan pang pumunta rito.” sagot niya naman kaagad rito.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay nagsalita. “Gusto ko siyang makausap. Ibigay mo ang cellphone sa kaniya.” sabi nito sa kaniya at dahil doon ay mabilis niyang inabot rito ang kanyang cellphone sa biyenan niyang nasa harapan niya at nakamasid lang sa kaniya.Agad naman nitong kinuha ang cellphone nang iabot niya rito iyo
Dumating na nga araw ng birthday ng kanyang biyenan. Isinuot niya ang bigay nitong dress sa kaniya at pagkatapos ay naglagay lang ng light make up sa kanyang mukha at pagkatapos ay nagpahatid na siya sa mansiyon kung saan idadaos ang birthday party nito.Nang dumating siya doon at pumasok sa loob ay bumungad sa kaniya ang maliwanag na entrance ng mansiyon na napapalamutian at puno ng mga marangyang upuan at mga mesa. Punong puno din ang mesa ng mga ibat-ibang mga high end buffet dish and delicacies. Ibat-ibang uri din ng alak at mga dessert ang naroon.Ang mga lalaking panauhin ay nakasuot ng suit at kurbata, habang ang mga babaeng panauhin ay nakasuot ng mga evening dresses. Ilang sandali pa ay sabay-sabay na ang mga itong kumakain at umiinom. Mukhang nag-umpisa na yata ang party at huli na siya. Ang kanyang biyenan ay umiikot at nakikipag-usap sa mga bisita nito at nakikipag-kwentuhan. Simula nang makasal siya sa pamilya ng mga ito ay iyon pa lang ang unang beses na nagkaroon ang in
Naglakad din naman palapit ito na may hawak na isang baso sa kamay nito na may lamang red wine at nakasuot ito ng mataas na takong at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Tsk. narito pala ang babaeng desperada na pinakasalan ang aking pamangkin. Isang babaeng mukha pera na gustong makapasok sa pamilya.” nakataas ang isang sulok ng labing sabi nito sa kaniya.Saglit naman na natigilan si Alexa at pinilit ang sarili na panatilihin kalmado sa kabila ng mga sinabi nito sa kaniya. Tiningnan niya ito ng puno ng pagpapakumbaba. “Napakabuti po ni Noah ngunit mali po kayo ng tingin sa akin. Hindi po ganun ang intensiyon ko.” sabi niya rito.“Talaga?” nakataas ang kilay nitong tanong sa kaniya. “Paano naman ako maniniwala e ni wala ka pa nga sa talampakan ng pamilya.” sabi nito at pagkatapos ay uminom sa hawak nitong baso at nakatingin sa kaniya na punong-puno ng anghahamak ang kanyang mga mata.Sa kabila ng mga sinabi nito ay tiniis pa rin ni Alexa ang mga salitang ibinato sa kaniya
Hindi na lamang nagsalita si Alexa at kumuha na lang ng pagkain at kumain para hindi niya kausapin si Lily. ayaw niyang abalahin ang sarili niya para lang pansinin si Lily. dahil doon ay napatingin naman ito kay Noah at pagkatapos nagsalita. “Mukhang hindi ako gustong makita ni Alexa.” sabi nito.Napatingin naman si Noah rito. “Doon ka na lang sa kabilang lamesa pumwesto.” sabi ni Noah rito.Ilang sandali namang natigilan si Lily ngunit sa huli ay wala na lang siyang nagawa kundi ang pumayag. “Okay.” sabi nito sa kaniya at naglakad patungo sa kabilang mesa. Nang makarating ito doon ay nakita niyang nakatitig pa rin ito kay Noah at ni hindi nito inalis ang tingin rito.Dumating kanina ang ama ni Noah na si Arturo, kasunod ito ni Lily. kaya pala nagkaroon kanina ng komusyon sa pinto. Nang matapos itong makipag-usap sa ibang bisita at nakita niyang naglakad ito patungo sa kanila kaya hindi pa man ito lubos na nakakalapit sa kanila ay mabilis na siyang tumayo upang batiin ito. Nagpaskil s