Ang tauhan ni Noah ay mabilis na nag-ulat sa kaniya pagkapasok niya sa kotse. “Ilang tao rin sir ang kinailangan para mahanap ang lalaking iyon. Nang mahuli siya ay nakasakay siya sa kulay itim na taxi at pilit na tumatakas ngunit sa kabila ng lahat ay nahuli pa rin namin siya.” sabi nito sa kaniya.Nang mga oras na iyon ay napakalamig ng mga mata ni Noah habang nakatingin sa labas ng bintana at nagngangalit pa rin ang kanyang mga panga. “Sino ang lalaking iyon?” walang emosyong tanong niya rito kaagad.“Siya si Rigor Mendoza, kapatid niya si Alberto Mendoza na siyang kumidnap noon kay Miss Alexa. Napag-alalam din namin na sangkot siya sa ilang pagnanakaw. Sa pagtatanong-tanong namin ay nagpanggap daw itong isang food delivery rider habang nagmamatyag sa shop na pinapasukan ni Miss Alexa at hanggang sa sinundan daw siya nito sa restaurant upang gantihan siya.” dagdag pa nitong paliwanag sa kaniya.Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ni Noah ng mga oras na iyon at halos bumaon na an
Agad na ngumiti si Axel sa kaniya. “Nandito rin pala ang pinsan ni Alexa.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Alexa. “Kakalabas ko lang mula sa operating table at nabalitaan ko ang nangyari sa kamay ni Alexa kaya pumunta ako rito.” sabi nito sa kaniya.Ang mukha ni Noah ay nanatiling ganun pa rin at hindi nagbabago ngunit sa totoo lang ay naiinis na siya. “Hmm, mukhang napakarami mong pinagkaka-abalahan.” sabi niya rito sa malamig na tinig.Agad naman na ngumiti ito sa kaniya at mabilis na sumagot. “Ang trabaho ko talaga ay isang doktor at ang shop na pinapasukan ni Alexa ay pag-aari ng aking ama.” mabilis na sagot nito sa kaniya. Ilang sandali pa nga ay nilampasan siya nito at naglakad patungo kay Alexa pagkatapos ay umupo sa tabi nito.Inilapag ni Axel ang dala-dala niyang bulaklak sa bedside table at pagkatapos ay tiningnan ang kamay ni ALexa at mahinahong nagtanong rito. “Masakit pa ba ang mga daliri mo?” tanong nito kay Alexa.Tumango naman kaagad si Alexa kay Axel.
Kinabukasan ng gabi ay masakit pa rin ang mga daliri ni Alexa. Nakahiga siya sa kama at ilang beses na nagpaikot-ikot sa kama hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog. Humiga naman si Noah sa tabi nito at niyakap niya si Alexa nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa, sa takot na baka magising si Alexa at mabilis niyang pinindot ang mute at pagkatapos ay dahan-dahan niyang hinila ang kanyang braso na nakaunan rito, plano niya sanang lumabas upang sagutin ang kanyang cellphone.Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng paghila ng kanyang kamay ay bigla na lamang nagmulat ng mga mata si Alexa at namumungay ang mga mata na tumingin ito sa kaniya. “Anong problema?” tanong kaagad nito.Agad naman niyang itinaas ang kanyang cellphone at ipjnakita rito. “May tumatawag kasi.” sabi niya.Ilang sandali pa nga ay nagsalita si Alexa. “Sagutin mo na rito dahil malamig sa labas.” sabi nito sa kaniya.Sandali namang nag-isip si Noah at pagkatapos ay mabilis na tumango rito. Ilang
Ilang minuto nga lamang ang lumipas ay dumating na si Noah sa silid ni Lily. kalilipat lang nito mula sa operating room at nakahiga ito sa kama. Nakabalukton ang buong katawan nito dahil sa sakit at ang maputi nitong mukha ay namumula, namamaga rin ang mga mata nito at halos gulo-gulo ang buhok nito na tila ba nakipagsabunutan ito.Namamaga ang kamay nito habang nakabenda ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa nga ay napatakip sa mukha ang ina ito at hindi nito kayang pigilan ang pag-iyak. Nakatayo naman sa corridor ang ama ni Lily habang naninigarilyo.Nang makita siya ni DAisy ay agad siya nitong binati. “Noah pasensiya ka na talaga.” sabi nito sa kaniya.Bahagya namang ngumiti si Naoh rito. “Okay lang iyon ano ka ba.” sabi niya rito at pagkatapos ay banayad na naglakad siya patungo sa kama upang lapitan si Lily. nang makalapit siya rito ay mahina niyang tinawag ang pangalan nito. “Lily…” tawag niya ritoNakatalikod si Lily sa pinto ng mga oras n aiyon at nang marinig niya ang boses
Pagkasara pa lang ng pinto ay agad nang hinawakan ni Lily ang unan at itinapon sa sahig pagkatapos ay nag-umpisa na namang umiyak. Sa pagkakataong iyon ay mas malakas na ang kanyang pag-iyak kaysa kanina.Dahil sa matinding pag-iyak ay medyo nahirapan na rin siyang huminga at habol-habol niya ang kanyang paghinga. “Si Noah ang childhood sweetheart ko at ang aking boyfriend sa halos sampung taon. Bakit parang hindi man lang iyon mapantayan ng tatlong taong pagsasama nila ng babaeng iyon?” humihikbing tanong niya. “Galit ako sa kaniya!” sigaw niya at halos magpapadyak pa sa kanyang kama na parang isang bata ng mga oras na iyon.Agad namang pinulot ni Dexter ang unan na ibinato ni Lily at ibinalik ito sa kama. “Noong nakasama mo si Noah ay okay pa siya at malakas, wala siyang problema pero nang nakasama niya ang babaeng iyon ay sobrang hirap na hirap siya at halos mawalan na ng pag-asang makalakad pa. Tulad nga ng kasabihan ay kung sino ang kasama mo sa paghihirap ay iyon ang tunay na ma
Tanghali na nang makarinig si Alexa ng katok mula sa pinto. Ilang sandali pa nga ay pumasok mula sa pinto ang isa sa mga tauhan ni Noah. “Ma’am, nasa labas po ang ina ni Miss Lily at gusto ka daw po niyang bisitahin.” sabi nito sa kaniyia.Ilang segundo namang natahimik si Alexa bago siya nakapagsalita. “Sige, papasukin mo siya.” sabi niya rito. Mabilis naman itong tumango sa knaiya at muling isinara ang pinto at sa sumunod na sandali nga ay muling bumukas ang pinto. Pagbungad pa lamang nito ay nakita niya nang namamaga ang mata nito habang nakatingin sa kaniya habang nagtatagis ang mga bagang.“Ikaw iyon hindi ba?” bungad nito sa kaniya. Nang marinig naman ni Alexa ang sinabi nito ay bahagya siyang natigilan. “Anong sinasabi mo?” tanong niya rito nang nakakunot ang mga noo.“Ikaw ang nag-utos sa taong iyon na pukpukin ang kamay ni Lily hindi ba?” sabi nito sa kaniya.Agad naman na nagsalubong ang mga kilay ni Alexa nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay bahagya siyang n
Nagmamadali namang nagpaliwanag ang tauhan niya sa kaniya. “Kasi sir ay nakahiga lang naman sa kama si ma’am Alexa at nagbabasa ng libro nang bigla na lamang dumating si Mrs.Sebastian at ang sabi niya ay dadalawin niya daw si ma’am pero pagpasok niya ay kaagad niyang sinigawan si ma’am Alexa at halos gusto pa nitong bugbugin si ma’am pero hindi siya nakalapit dahil mabilis ko siyang pinigilan sir. Ilang minuto siyang nakinig sa mga masasakit na salitang pinagsasabi ni Mrs.Sebastian hanggang sa hindi na siya nakatiis at iyon na nga po.” mahabang paliwanag nito kay Noah.Dahil sa sinabi ng tauhan ni Noah ay bigla na lamang nanlamig ang kanyang mukha at mabilis na hinarap ang ina ni Lily. “humingi ka ng paumanhin kay Annie ngayon din.” sabi niya rito.Nang marinig naman nito ang sinabi ni Noah ay agad na lamang itong natulala sa kaniya at napaisip siya na baka mali lang ang narinig niyang sinabi nito. “Noah, malinaw na ako ang nasugatan sa aming dalawa at gusto mo na ako ang humingi ng
Ilang sandali pa nga ay narinig niya na tinanong ito ni Noah. “nahuli na ba ang gumawa nun sa kapatid mo?” tanong niya rito.Bahagya namang lumubog ang mukha ni Dexter at pagkatapos ay mabilis na sumagot. “Hindi pa.” sabi nito. “Magaling ang lalaking gumawa nun sa kamay ni Lily dahil halos wala kaming bakas na makuha sa pinangyarihan. Dahil na nga rin sa madilim ang lugar na pinangyarihan ay malabo ang mga kuha ng cctv kaya napakahirap manguha ng ebidensiya.” dagdag nitong sabi sa kaniya.Bigla namang napataas ang kilay ni Noah nang marinig niya ang sinabi nito. “May dala ka bang larawan ng lalaki? Tingnan ko nga.” sabi niya rito.Agad naman itong may dinukot sa bulsa nito at pagkatapos ay inilabas doon ang isang sobre at inabot nito sa kaniya. Agad niya naman iyong kinuha at inilabas ang laman. Tiningnan niya itong mabuti at doon nga ay makikita na malabo nga ang kuha, pero maaaninag na isa nga talaga itong lalaki maging ang tindig nito. Nakasuot ito ng jacket at ng baseball cap at n
KINABUKASAN, bigla na lamang nakatanggap si Alexa ng isang message mula sa kanyang bank account kung saan ay nakatanggap siya ng isang milyong piso. Galing iyon sa Dela Veag Auction House. Iyon ang auction house kung saan niya ibinenta ang painting.Agad niyang hinalungkat mula sa kanyang bag ang business card na ibinigay sa kaniya ni Nio at idinial niya ang numerong nakalagay doon. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ako ito si Alexa.” mabilis na sabi niya.“Alexa.” bulong nito sa pangalan niya at ang tinig nito ay napakababa. Hindi niya alam ngunit tuwing maririnig niya na binabanggit nito ang pangalan niya ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam niya na ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay tila puno ng pagmamahal. Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntung-hininga. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganung klaseng bagay.“Mr. Dela VEga, may pumasok na isang milyon ngayon sa aking account at mula iyon sa Auction House ninyo. Mukhang nagkamali ang empleyado mo
HABANG NAKASAKAY SI ALEXA SA kotse ni Noah ay bigla siyang napakunot ang noo nang mapansin niya na para bang iba ang daang tinatahak nila. Nilingon niya ito. “Hindi ito ang daan pauwi hindi ba?” tanong niya nang magkasalubong ang mga kilay niya.Tumango ito sa kaniya. “May pupuntahan tayo.” sagot nito nang hindi siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho.Mas lalo pang lumalim ang kunot noo niya. “Saan naman tayo pupunta?”“Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon. Basta maupo ka lang diyan.” sagot nitong muli sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo na lang at maghintay kung saan nga siya nito dadalhin.Makalipas lamang ang isang oras ay ipinarada na ni Noah ang kotse sa tabi ng ilog. Nang bumaba sila ay agad na sumalubong sa kaniya ang may kalakasang hangin. Ang ilog ay malakas ang agos at ang kapaligiran ay napapalibutan ng kagubatan.“Anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya.Hindi naman ito sumagot sa halip ay inabot lang nito sa kaniya ang susi n
HABANG NAGLALAKAD PALABAS NG RESTAURANT ay nakahawak si Lily sa kanyang pisngi at sumunod kay DExter. Nang makalabas na sila ay nagsimula na siyang magreklamo. “Hindi mo ba nakita kung anong ginawa sa akin ng babaeng iyon? Paulit-ulit niya akong sinampal. Ni hindi mo man lang ako tinulungan na makamit ko ang katarungan sa ginawa niya, sa halip ay hinila mo pa ako paalis doon.” inis na inis na sabi niya rito habang nakasunod rito.Agad naman siyang nilingon nito upang tingnan ang kanyang mukha. Namumula ang kanyang mukha na may bakat pa ang kamay ni ALexa na sumampal rito. Agad na nanlamig ang mga mata nito. “Anong sinabi mo sa kaniya?”Nagalit naman kaagad si Lily nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano pa sana ang sasabihin ko sa kaniya? Sinabi ko lang naman na sinadya ng lola niya na mamatay na para mapigilan ang paghihiwalay nilang dalawa ni Noah. sobra na ba iyon?” may bahid ng pagkayamot na tanong nito. Sinabi niya lang naman iyon para magalit talaga ito lalo na at nakita nga niy
BIGLA NIYANG NAISIP na sa tuwing nababanggit niya si Nio ay malaki ang nagiging pagbabago ng mood ni ALexa. Samantala, hindi naman na nagsalita pa si Noah kaya tahimik na lamang niyang dinampot ang kutsilyo at pinutol ang isang piraso ng steak at inilagay sa plato nito iyon. “Kumain ka pa. Tinapos ko ang painting na tinatapos ko ng ilang araw na.” sabi niya rito. Sa isip-isip ni Alexa ay hindi na ito galit dahil tumahimik na ito at pagkatapos ay nagsimula na ring kumain. Habang kumakain siya ay nagbayad na si Alexa ng kinain nila at pagkatapos ay nagpaalam na pupunta siya ng banyo. Mula sa malayo ay isang pigura ang nakasunod kay Alexa na pumasok sa banyo. Nang lumabas sa isang cubicle si Alexa upang maghugas ng kanyang kamay nang isang pigura ng babae ay biglang yumuko upang buksan ang gripo sa tabi niya at naghugas. “Nandito ka rin pala para kumain.” sabi nito sa kaniya. Nasa hawakan na ang gripo ang kanyang kamay nang mapalingon siya rito. Agad niyang nakita si Lily. Agad na na
NAKITA NI ALEXA SI NOAH na nakatayo sa labas ng banyo at nakatingin sa kanilang dalawa. Doon niya napagtanto na kaya ibinulong iyon sa kaniya ni Lily para i-provoke siya na saktan ito dahil kanina pa lang ay nakita na nito si Noah na nakatayo doon.Tahimik na tiningnan ni Alexa si Noah at naghihintay ng reaksyon nito ngunit hindi ito nagsalita. Bigla niyang napagtanto na kailangan niyang ipaliwanag ang sarili niya sa harapan ni Noah at hindi niya papayagan na lasunin na naman ni Lily ang utak nito. Tiningnan niya si Lily ng malamig. “Ano sana ang magiging pakikitungo ko sa kaniya e asawa ko siya? Isa pa ay napakabait niya sa akin at sa pamilya ko kaya dapat lang na maging magiliw ako sa kaniya pero ikaw, paulit-ulit mo akong pino-provoke at idinamay mo pa talaga ang lola ko at gusto mo na maging mabait ako sayo? Ano ako dating baliw?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong rito.Samantala, hindi naman makapagsalita kaagad si Lily dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay tumingin kay Noah
Hindi naman nakapagsalita kaagad si Alexa nang marinig niya ang sinabi nito. Masaya siya at biglang ring natulala ang kanyang puso sa sinabi ni Noah sa kaniya. Sa isip-isip niya ay napabulong siya na gusto niya mapantayan ito para kahit na ang ama ni Noah ay ma-impress din sa kaniya at hindi na sila paglayuin pa.Tahimik naman si Noah na may pagmamahal na hawak ang kanyang kamay habang nakapatong ito sa mesa. “Isa pa, pasensiya na sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko.” sabi pa nitong muli.“Ano ka ba, okay lang.” sagot niya naman kaagad at dahil doon ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Dahil rito ay dali-daling inilabas ni Alexa ang kanyang cellphone sa kanyang bag upang sagutn ang tawag.Hindi sinasadyang mailabas ni Alexa ang business card nang ilabas niya ang kanyang cellphone nang hindi niya napapansin. At nasulyapan ito ni Noah. ang kanyang ina pala ang tumatawag. Agad niyang sinagot ito at pagkatapos ay dali-daling inilagay sa kanyang tenga. “Nay, bakit? May pro
Habang naglalakad sila ay ipinilig ni Betty ang ulo nito at pagkatapso ay nilingon si Alexa. “Bakit sa palagay ko ay tila ba may kakaiba sa pakikipag-usap mo sa lalaking iyon kahit na parang ito pa lang naman ang unang beses niyong magkita?” biglang tanong nito sa kaniya.Agad naman na inilagay ni Alexa ang kanyang kamay at pagkatapos ay napatitig ng blangko sa mga numero ng elevator, hindi niya tuloy maiwasan na mag-alala dahil may napansin din pala si Betty. Napabuntung-hininga na lamang siya. “Ang kanyang mga mata kasi ay parang maga mata ng taong kilala ko.” tapat na sagot niya rito.Bigla namang itong nag-isip sandali at muli na namang nagtanong. “Katulad ba ng kay Noah?” tanong nito ulit sa kaniya ngunit hindi siya sumagot rito. Ayaw niyang pag-usapan ang mga bagay na iyon ngayon. Ilang sandali pa nga ay bumukas na ang elevator kaya dali-dali na silang naglakad palabas kung saan nakaparada ang kotse nito. Agad siyang sumakay sa loob ng kotse. Ilang sandali pa ay nilingon niya si
Hindi nga nagtagal ay inabot na ni Serene ang painting sa lalaking nasa harap niya at pagkatapos ay napasulyap ito sa kanyang kamay na hanggang sa mga oras na iyon ay may bakas pa rin ng pagkakaipit sa kanyang pinto. Malamig ang mga mata nitong kinuha ang painting mula sa kaniya at tahimik na binuhat at inilapag sa isang pera at maingat na tiningnan ito at pagkatapos ay nagsalita. “Hmm, mukhang ito ang tunay na painting ng sikat na pangalawang reyna ng ingglatera. Magkano mo ito ibebenta?” tanong nito sa kaniya.Sa halip naman na siya ang sumagot ay si Betty ang sumagot para sa kaniya. “Nag-search ako sa internet kung magkano ang aabutin ng painting na yan at nakita ko kung gaano na kamahal yan sa paglipas ng taon. Aabot yan ng sampung milyong piso.” sabi nito ngunit hindi siya pinansin ng direktor at sa kaniya pa rin ito nakatingin.“Magkano mo ibebenta ito?” ulit nito sa tanong nito kanina.Agad naman na namutla ang kanyang mukha at halos hindi alam kung ano ang isasagot niya rito.
Hindi nagtagal ay agad din itong tumawag sa kaniya. “Nagtanong-tanong na ako sa mga auction house dito sa MAnila ay may turnoever rate daw sila na aabot sa 80%. Isa pa ang dalawang auction house na pinagtanungan ko ay sila ang pinakamaraming mga collection sa buong bansa na umaabot ng halos bilyon.” sabi nito sa kaniya.“E saan tayo pupunta?” tanong niya rito. “Yung mas malapit na lang sana.” dagdag pa niya.“Oo nga, sa Dela Vega Auction House na lang siguro. Susunduin kita.” sabi nito sa kaniya.Hindi nagtagal ay dumating na doon si Betty at sinundo na ng siya. Makalipas lamang ang isang oras ay dumating na nga sila sa Dela VEga Auction House. Pumasok ang dalawa sa loob habang patingin-tingin sa paligid at pagkatapos ay nakipila dahil may pila pala bago makapasok sa loob. Sa kanilang harapan ay may hindi bababa sa limampu o animnapung tao sa hatapn nila na mukhang dumating pa doon galing sa ibat-ibang panig ng bansa na may dala-dalang mga koleskyon para sa gagawing auction.Dahil n