Dahil sa pangba-blackmail ng tiyuhin ni Lilac ay pinakasalan niya ang binatang mayaman at 25 years old ngunit ang isip naman ay 15 years old teenager na si Fugo Clemente. Inapi-api niya si Fugo para kusang makipaghiwalay ito sa kanya. Nang hindi na makayanan ni Fugo ang ginagawa niya ay lumayas ito sa bahay nila at hindi na nagpakita pang muli sa kanya. Ngunit nang wala na ito ay saka naramdaman ni Lilac na nagkaroon na pala ng puwang sa kanyang puso ang kanyang asawa nang hindi niya namamalayan kaya hinanap niya ito ngunit hindi niya ito natagpuan. After three years, nakilala ni Lilac si Falcon na pinuno ng mafia sa Pilipinas at kamukhang-kamukha ito ng kanyang asawang si Fugo. Ngunit magkamukha man ang dalawa ay magkaiba naman sila ng pag-uugali. Aloof, rude at higit sa lahat ay wala itong pakialam sa kanyang nararamdaman. Malayong-malayo ito sa asawa niya na bagama't batang mag-isip ay sobrang mahal na mahal naman siya. Ngunit malakas ang kutob niya na si Fugo at Falcon ay iisa kaya gagawin niya ang lahat para maalala at ibigin siya nito. Magawa kaya niya itong paibigin kahit na may ibang babae nang nagmamay-ari sa puso nito? O kailangan pa bang malagay sa panganib ang buhay niya bago nito ma-realized na mahal pa rin siya nito?
view moreLilac's PovMasakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan dala ng hangover. Bumangon ako sa kama at naghilamos pagkatapos ay nag-toothbrush ng ngipin. Paglabas ko sa kuwarto ay nalanghap ko sa hangin ang masarap na amoy ng niluluto ni Celli. Alam kong siya ang nagluluto sa kusina dahil dalawa lang naman kami narito sa bahay kaya sino pa ang magluluto kundi siya? Wala naman na si Fugo na siyang tagaluto sa akin at gumigising sa akin tuwing umaga para mag-almusal.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot at pagbigat ng aking dibdib nang muling sumagi sa isip ko ang asawa kong isip-bata. Kumusta na kaya siya ngayon? Naaalala pa kaya niya ako? Ipinilig ko ang aking ulo para maalis ang mga katanungang pumasok sa aking isip. Natitiyak ko na hindi gugustuhin ni Fugo na maalala ako dahil puro pasakit lamang ang mga ibinigay ko sa kanya. At saka baka nga hinanapan na siya ngayon ng mga magulang niya ng bagong asawa. Iyong asawa na tatanggapin at mamahalin siya sa kabila ng kanyang karamd
Lilac's PovNagising ako na nakahiga sa clinic na nasa loob ng university namin habang binabantayan ng best friend kong si Celli na alalang-alala."Ano ang nangyari, Celli? Bakit ako narito sa ospital?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko. Nawala kasi sa isip ko na muntik na akong masagasaan ng isang sasakyan."Oh my God, Lilac! Don't tell me na nagkaroon ka ng amnesia? Hindi ka naman nabundol ng kotse kaya paano ka nagka-amnesia?" exaggerated ang boses at hitsura na tanong ni Celli sa akin. "Baliw! Hindi ako nagka-amnesia," nakairap na sabi ko sa kanya. Naalala ko na ang nangyari nang banggitin niya na muntik na akong masagasaan ng kotse. Iniisip ko kasi ang unang araw na nagkita kami ni Fugo. Iyon ay ang araw ng kasal namin."Hay salamat. Kinabahan ako sa'yo. Akala ko talaga ay nagkaroon ka ng amnesia," tila nakahingang wika ni Celli. "Mabuti na lang at nahila ka nang lalaking nagligtas sa'yo kaya hindi ka nasagasaan."Bigla kong naalala ang pamilyar na boses na nagbigay sa akin n
Lilac's Pov"I'm sorry talaga, Ms. Elizalde. Pero kahit anong gawin ko at kahit saan ako maghanap ay wala akong makalap na balita tungkol sa ipinapahanap mong tao. Wala na yata rito sa Pilipinas ang pangalan ng mga taong ipinapahanap mo o baka hindi ito ang totoo nilang pangalan kaya hindi ko sila mahanap," nahihiyang kausap sa akin ng detective na binayaran ko para hanapin si Fugo pati na rin ang kanyang mga magulang."Okay lang po iyon, Detective Samsom. Wala tayong magagawa kung ayaw talaga nilang magpahanap sa akin," malungkot ang tinig na sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na siya't umalis.Laglag ang mga balikat na lumabas ako sa coffee shop na malapit sa university namin. Pang-apat na detective na si Mr. Samson na binayaran ko para hanapin si Fugo ngunit lahat sila ay bigong mahanap ang asawa ko. It's been three years nang maglayas si Fugo sa bahay namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on. Gusto kong mahanap si Fugo p
Lilac's Pov"I'm sorry talaga, Ms. Elizalde. Pero kahit anong gawin ko at kahit saan ako maghanap ay wala akong makalap na balita tungkol sa ipinapahanap mong tao. Wala na yata rito sa Pilipinas ang pangalan ng mga taong ipinapahanap mo o baka hindi ito ang totoo nilang pangalan kaya hindi ko sila mahanap," nahihiyang kausap sa akin ng detective na binayaran ko para hanapin si Fugo pati na rin ang kanyang mga magulang."Okay lang po iyon, Detective Samsom. Wala tayong magagawa kung ayaw talaga nilang magpahanap sa akin," malungkot ang tinig na sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na siya't umalis.Laglag ang mga balikat na lumabas ako sa coffee shop na malapit sa university namin. Pang-apat na detective na si Mr. Samson na binayaran ko para hanapin si Fugo ngunit lahat sila ay bigong mahanap ang asawa ko. It's been three years nang maglayas si Fugo sa bahay namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on. Gusto kong mahanap si Fugo p...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments