Share

Chapter 3

Author: JMC
last update Huling Na-update: 2023-01-08 18:04:28

Lilac's Pov

Masakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan dala ng hangover. Bumangon ako sa kama at naghilamos pagkatapos ay nag-toothbrush ng ngipin. Paglabas ko sa kuwarto ay nalanghap ko sa hangin ang masarap na amoy ng niluluto ni Celli. Alam kong siya ang nagluluto sa kusina dahil dalawa lang naman kami narito sa bahay kaya sino pa ang magluluto kundi siya? Wala naman na si Fugo na siyang tagaluto sa akin at gumigising sa akin tuwing umaga para mag-almusal.

Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot at pagbigat ng aking dibdib nang muling sumagi sa isip ko ang asawa kong isip-bata. Kumusta na kaya siya ngayon? Naaalala pa kaya niya ako? Ipinilig ko ang aking ulo para maalis ang mga katanungang pumasok sa aking isip. Natitiyak ko na hindi gugustuhin ni Fugo na maalala ako dahil puro pasakit lamang ang mga ibinigay ko sa kanya. At saka baka nga hinanapan na siya ngayon ng mga magulang niya ng bagong asawa. Iyong asawa na tatanggapin at mamahalin siya sa kabila ng kanyang karamdaman.

Ayaw ko mang aminin ngunit tila nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at pagtusok ng tila maliliit na karayom sa aking dibdib sa isiping may ibang babae nang pinagsisilbihan si Fugo kagaya ng ginagawa niya sa akin noon. Wake up, Lilac! Huwag mong sabihin na nagseselos sa bagong asawa ni Fugo? Hindi ba't ito ang gusto mong mangyari? Ang iwan ka ni Fugo para muling maging malaya ka? Kaya mo siya palaging sinasaktan para makamit mo ang kalayaan mo kaya bakit nakakaramdam ka ng selos? Huwag mong sabihing umibig ka sa asawa mo kung kailan wala na siya?

"Hindi! Hindi totoo iyan!" malakas kong sagot sa munting tinig na kumakausap sa akin sa loob ng isip ko.

"Lilac, ano ang nangyayari sa'yo? May kausap ka ba? May kaaway ka ba?" magkakasunud-sunod na tanong sa akin ni Celli na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa harapan ko.

"Ha? W-Wala. Sarili ko lamang ang kinakausap ko," mabilis kong sagot sabay iling. Nagkibit ng balikat lamang ang kaibigan ko pagkatapos ay iginiya ako sa kusina at pinaupo sa harapan ng mesa.

"Kumain ka ng mainit na sopas at pagkatapos ay uminom ka ng aspirin para mawala iyang hangover mo," pinagsandok niya ako ng sopas na umuusok pa sa init at pagkatapos ay kumuha ng aspirin sa medicine kit at inilapag sa ibabaw ng mesa.

"Thank you, Celli. Saka pasensiya ka na kung nalasing ako kagabi," nahihiyang paumanhin ko sa kanya.

"Okay lang. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong mag-best friend lamang,"nakangiting sagot ni Celli pagkatapos ay biglang kumunot ang noo na tila may naalala. "Nga pala, Lilac. Bakit tila natataranta at takot na takit ka kagabi na para kang nakakita ng multo? Saan ka ba nagpunta at lumabas ka sa kotse mo? Paano kung may nakasalubong kang masamang tao at ginawan ka ng masama?"

Biglang nabitin sa ere ang kutsarang may laman na sopas at akmang isusubo ko na nang marinig ko ang sinabi ni Celli. Saka lamang bumalik sa isip ko ang krimen na nasaksihan ko kagabi. Ikinuwento ko sa kanya ang aking nakita at kung bakit ako takot na takot kagabi.

"Mabuti na nga lang at dumating ka kaya nakaalis agad tayo at hindi tayo naabutan ng mga lalaking iyon," sabi ko pa sa kanya matapos kong ikuwento ang buong pangyayari.

"My God, Lilac! Paano kung namukhaan ka ng mga lalajing iyon? Paano kung pagtangkaan nila ang buhay mo?" hindi maiwasang mag-alala na tanong sa akin ni Celli.

Nginitian ko siya para ipakita na hindi na ako takot at ayos lamang ako. "Huwag kang mag-alala, Celli. Kung namukhaan nila ako ay dapat sinundan nila tayo kagabi at pinasok dito sa bahay. Ngunit wala namang nangyari kaya hindi siguro nila nakita ang mukha ko at hindi rin nila nakita ang kotse kung saan ako pumasok. Kaya wala kang dapat na alalahanin."

"Nag-aalala lang ako sa'yo, Lilac. Mag-isa ka lamang kasi dito sa bahay mo. Ngunit sana nga ay totoo na hindi nila nakita ang mukha mo dahil ayokong malagay sa panganib ang buhay mo," concern na wika ni Celli. Nskangiting hinawakan ko ang isa niyang kamay.

"Huwag mo akong alalahanin. Celli. Hangga't hindi ko pa nahahanap at hindi pa ako nakakahingi ng yawad kay Fugo ay hindi pa ako maaaring mamatay."

"Bakit? Alam mo ba kung kailan ks matitigok?" nakairap na tanong niya sa akin. Napailing na lamang ako sa sinabi niya at hindi sumagot. Ngunit natutuwa ako na may kaibigan ako na tulad ni Celli. Nag-aalala sa akin at handang dumamay kung may problema ako.

NAGLILIGPIT ako ng aking mga gamit nang lapitan ako ni Celli para kausapin.

"Susunduin ako ng parents ko, Lilac. Next time na lang ako sasabay sa'yo sa pag-uwi," paalam sa akin ng kaibigan ko.

"Okay lang. Mabuti nga iyon para makatipid naman ako sa

gas," nakangiting biro ko sa kanya. Palagi kasing sabay kaming umuwi ni Celli dahil on the way naman ang bahay niya at nauuna sa bahay ko kaya isinasabay ko na siya.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho," parang nanay na bilin niya sa akin bago naunang lumabas sa classroom namin. Matapos kong mailigpit ang aking gamit ay lumabas na rin ako sa classroom namin para umuwi.

Pagkarating ko sa kinapaparadahan ng aking kotse ay agad akong pumasok at pinasibad palayo ang kotse ko. Isang Linggo na ang nakalilipas magmula nang masaksihan ko ang pagpatay sa lalaking nakabangga sa akin ngunit wala namang mga taong kahina-hinala na umaaligid sa paligid ko kaya tuluyan nang nawala ang pag-aalala sa aking dibdib. Sigurado na ako na hindi nga nakita ng mga taong iyon ang mukha ko. Malapit lang ang university namin sa bahay ko kaya ilang minuto lamang ay nasa tapat na ako ng bahay ko. Bahay pala ni Fugo dahil nakapangalan dito ang titulo ng bahay at lupa. Mga magulang naman niya kasi ang nagregalo ng bahay at lupa noong kasal naming dalawa. At kapag nahanap ko na siya ay ibabalik ko sa kanya ang bahay na ito. Dahil siya naman talaga ang tunay na may-ari ng bahay na ito ay hindi ako.

Huminga ako ng malalim bago umibis sa kotse ko. Eksaktong pagbaba ko sa kotse nang biglang may dalawang lalaki ang tumabi sa akin at tinutukan ako ng baril sa aking tagiliran.

"Kung ayaw mong butasan ko itong tagiliran mo ay huwag kang gagawa ng ingay at sumunod ka na lamang sa amin," mapanganib na babala sa akin ng lalaking matangkad na nasa kanan ko.

"Lakad," utos naman sa akin ng nasa kaliwa ko. Sa takot na baka totohanin nito ang banta sa akin ay walang kibo na sumunod na lamang ako sa gusto nilang mangyari. Isinakay nila ako sa isang puting van na nakaparada malapit sa bahay ko.

"Sino kayo? Ano ang kailangan ninyo sa akin?" kinakabahang tanong ko sa kanila kahit na may nabubuong hinala sa isip ko kung sino ang dalawang ito.

"Nasaan ang usb na ibinigay sa'yo ni Hector?" matigas ang boses na tanong sa akin ng lalaking katabi ko. Ang isang lalaki kasi na nasa kanan ko kanina ay naupo sa driver's seat ngunit hindi naman pinaandar ang kotse.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa, Ms. Lilac Elizalde. Alam namin na ibinigay sa'yo ni Hectir ang usb noong gabing pinatay namin siya," wika naman ng nasa driver's seat.

Kung ganoon ay tama ako ng hinala. Kasamahan nga sila ng mga taong pumatay sa lalaking nakabangga sa akin nang gabing iyon. Hindi muna nila ako pinuntahan dahil in-imbestigahan muna nila ang aking background at para rin isipin ko na hindi nila ako namukhaan. Nang sa gayon ay hindi ako maging wary sa kanila. Ngunit ano bang usb ang pinagsasabi nila? Wala namang ibinibigay sa akin na usb ang lalaking pinatay nila na Hector pala ang pangalan.

"Nagkakamali kayo ng naiisip. Walang ibinibigay sa akin na usb ang lalaking iyon. Ni hindi ko nga siya kilala, eh. Aksidente lamang na nabangga niya ako at tinutulungan niya akong makatayo nang mabaril ninyo siya," paliwanag ko sa kanila. Hindi naman ako nagsisinungaling dahil totoo namang iyon lamang ang nangyari.

"Alam mo ba kung ano ang laman ng usb na iyon, Ms. Lilac? Sobrang mahalaga iyon sa boss namin kaya ibigay mo na sa amin ngayundin at hindi ka na namin aabalahin pa," muling kausap sa akin ng lalaking nasa driver's seat.

"Gustuhin ko mang ibigay sa inyo ang hinihingi ninyo ngunit talagang wala sa akin ito. Kaya parang awa ninyo. Pakawalan niyo na ako," pagmamakaawa ko sa kanila. Kahit naman kasi anong piga nila sa akin ay wala silang makukuha dahil wala sa akin at hindi ko hawak ang usb na sinasabi nila.

"Matigas ang babaeng ito, Don. Ang mabuti pa ay iharap na lang natin kay boss para siya na ang magpaamin sa kanya at magbigay ng karampatang parusa," sabi ng lalaking katabi ko kasama nito.

"Mabuti pa nga," mabilis na sagot naman ng kausap nito at pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan palayo sa bahay ko.

"Wala nga sa akin ang hinahanap ninyo! Bakit ba ang kulit ninyo? Kung nasa akin ito ay ibibigay ko sa inyo dahil ano naman ang gagawin ko sa usb na iyan?" inis kong sabi sa dalawng lalaki. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila para maniwala sila na wala sa akin ang usb na hinahanap nila.

"Manahimik ka diyan kung ayaw mong lagyan ko ng busal iyang bibig mo,"banta sa akin ng lalaking katabi ko. Dahil ayojong lagyan ng busal ang bibig ko kaya nanahimik na lamang ako sa kinauupuan ko. Tinapunan ko ng tingin ang mukha ng dalawang lalaking kidnapper. Hindi sila mga mukhang kidnapper dahil ang totoo ay may mga hitsura sila at hindi mga mukhang goons sa pelikula. Hindi sila mukhang masasamang tao. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ako nakakaramdam ng malaking takot sa kanila. Kung masamang tao sila ay sinaktan na nila ako kanina pa habang pilit na pinaaamin sa akin kung nasaan ang usb. Ngunit puro pagbabanta lamang ang ginawa nila sa akin at hindi ako sinaktan.

Halos kalahating oras din ang ibiniyahe namin bago kami pumasok sa isang sikat na subdivision. Huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay na napapaligiran ng maraming mga pananim. Hindi mukhang hide out ang bahay kaya hindi rin nakakatakot pasukin.

Pagkababa namin sa van ay hinila ako ng lalaking Don ang pangalan papasok sa loob ng malaking bahay. Pagpasok namin sa loob ay nakita ko ang isang matangkad na lalaking nakatayo at nakatalikod sa amin.

"Boss, dinala na namin dito ang babaeng binigyan ni Hector ng usb. Kahit anong gawin namin kasi ay ayaw niyang umamin na nasa kanya ang usb," kausap ng lalaking katabi ko sa loob ng van sa boss nito. Tila slow motion na na dahan-dahang humarap sa amin ang lalaking tinatawag nilang boss. At ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata habang napaawang naman ang aking mga labi nang makita ko kung sino ang tinatawag na boss ng dalawang lalaking kumidnap sa akin. Biglang bumilis ang tahip ng aking dibdib nang makasalubong ng aking mga mata ang malalim at may pagka-singkit nitong mga mata.

"F-Fugo," ang tanging salita na nanulas sa aking bibig pagkakita ko sa kanya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mhiles Esguerra
nu ba yn putol na nman tsk. tsk tsk
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 1

    Lilac's Pov"I'm sorry talaga, Ms. Elizalde. Pero kahit anong gawin ko at kahit saan ako maghanap ay wala akong makalap na balita tungkol sa ipinapahanap mong tao. Wala na yata rito sa Pilipinas ang pangalan ng mga taong ipinapahanap mo o baka hindi ito ang totoo nilang pangalan kaya hindi ko sila mahanap," nahihiyang kausap sa akin ng detective na binayaran ko para hanapin si Fugo pati na rin ang kanyang mga magulang."Okay lang po iyon, Detective Samsom. Wala tayong magagawa kung ayaw talaga nilang magpahanap sa akin," malungkot ang tinig na sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na siya't umalis.Laglag ang mga balikat na lumabas ako sa coffee shop na malapit sa university namin. Pang-apat na detective na si Mr. Samson na binayaran ko para hanapin si Fugo ngunit lahat sila ay bigong mahanap ang asawa ko. It's been three years nang maglayas si Fugo sa bahay namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on. Gusto kong mahanap si Fugo p

    Huling Na-update : 2023-01-08
  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 2

    Lilac's PovNagising ako na nakahiga sa clinic na nasa loob ng university namin habang binabantayan ng best friend kong si Celli na alalang-alala."Ano ang nangyari, Celli? Bakit ako narito sa ospital?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko. Nawala kasi sa isip ko na muntik na akong masagasaan ng isang sasakyan."Oh my God, Lilac! Don't tell me na nagkaroon ka ng amnesia? Hindi ka naman nabundol ng kotse kaya paano ka nagka-amnesia?" exaggerated ang boses at hitsura na tanong ni Celli sa akin. "Baliw! Hindi ako nagka-amnesia," nakairap na sabi ko sa kanya. Naalala ko na ang nangyari nang banggitin niya na muntik na akong masagasaan ng kotse. Iniisip ko kasi ang unang araw na nagkita kami ni Fugo. Iyon ay ang araw ng kasal namin."Hay salamat. Kinabahan ako sa'yo. Akala ko talaga ay nagkaroon ka ng amnesia," tila nakahingang wika ni Celli. "Mabuti na lang at nahila ka nang lalaking nagligtas sa'yo kaya hindi ka nasagasaan."Bigla kong naalala ang pamilyar na boses na nagbigay sa akin n

    Huling Na-update : 2023-01-08

Pinakabagong kabanata

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 3

    Lilac's PovMasakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan dala ng hangover. Bumangon ako sa kama at naghilamos pagkatapos ay nag-toothbrush ng ngipin. Paglabas ko sa kuwarto ay nalanghap ko sa hangin ang masarap na amoy ng niluluto ni Celli. Alam kong siya ang nagluluto sa kusina dahil dalawa lang naman kami narito sa bahay kaya sino pa ang magluluto kundi siya? Wala naman na si Fugo na siyang tagaluto sa akin at gumigising sa akin tuwing umaga para mag-almusal.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot at pagbigat ng aking dibdib nang muling sumagi sa isip ko ang asawa kong isip-bata. Kumusta na kaya siya ngayon? Naaalala pa kaya niya ako? Ipinilig ko ang aking ulo para maalis ang mga katanungang pumasok sa aking isip. Natitiyak ko na hindi gugustuhin ni Fugo na maalala ako dahil puro pasakit lamang ang mga ibinigay ko sa kanya. At saka baka nga hinanapan na siya ngayon ng mga magulang niya ng bagong asawa. Iyong asawa na tatanggapin at mamahalin siya sa kabila ng kanyang karamd

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 2

    Lilac's PovNagising ako na nakahiga sa clinic na nasa loob ng university namin habang binabantayan ng best friend kong si Celli na alalang-alala."Ano ang nangyari, Celli? Bakit ako narito sa ospital?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko. Nawala kasi sa isip ko na muntik na akong masagasaan ng isang sasakyan."Oh my God, Lilac! Don't tell me na nagkaroon ka ng amnesia? Hindi ka naman nabundol ng kotse kaya paano ka nagka-amnesia?" exaggerated ang boses at hitsura na tanong ni Celli sa akin. "Baliw! Hindi ako nagka-amnesia," nakairap na sabi ko sa kanya. Naalala ko na ang nangyari nang banggitin niya na muntik na akong masagasaan ng kotse. Iniisip ko kasi ang unang araw na nagkita kami ni Fugo. Iyon ay ang araw ng kasal namin."Hay salamat. Kinabahan ako sa'yo. Akala ko talaga ay nagkaroon ka ng amnesia," tila nakahingang wika ni Celli. "Mabuti na lang at nahila ka nang lalaking nagligtas sa'yo kaya hindi ka nasagasaan."Bigla kong naalala ang pamilyar na boses na nagbigay sa akin n

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 1

    Lilac's Pov"I'm sorry talaga, Ms. Elizalde. Pero kahit anong gawin ko at kahit saan ako maghanap ay wala akong makalap na balita tungkol sa ipinapahanap mong tao. Wala na yata rito sa Pilipinas ang pangalan ng mga taong ipinapahanap mo o baka hindi ito ang totoo nilang pangalan kaya hindi ko sila mahanap," nahihiyang kausap sa akin ng detective na binayaran ko para hanapin si Fugo pati na rin ang kanyang mga magulang."Okay lang po iyon, Detective Samsom. Wala tayong magagawa kung ayaw talaga nilang magpahanap sa akin," malungkot ang tinig na sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na siya't umalis.Laglag ang mga balikat na lumabas ako sa coffee shop na malapit sa university namin. Pang-apat na detective na si Mr. Samson na binayaran ko para hanapin si Fugo ngunit lahat sila ay bigong mahanap ang asawa ko. It's been three years nang maglayas si Fugo sa bahay namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on. Gusto kong mahanap si Fugo p

DMCA.com Protection Status