Share

A SECOND CHANCE TO LOVE
A SECOND CHANCE TO LOVE
Author: JMC

Chapter 1

Author: JMC
last update Huling Na-update: 2023-01-08 18:03:15

Lilac's Pov

"I'm sorry talaga, Ms. Elizalde. Pero kahit anong gawin ko at kahit saan ako maghanap ay wala akong makalap na balita tungkol sa ipinapahanap mong tao. Wala na yata rito sa Pilipinas ang pangalan ng mga taong ipinapahanap mo o baka hindi ito ang totoo nilang pangalan kaya hindi ko sila mahanap,"  nahihiyang kausap sa akin ng detective na binayaran ko para hanapin si Fugo pati na rin ang kanyang mga magulang.

"Okay lang po iyon, Detective Samsom. Wala tayong magagawa kung ayaw talaga nilang magpahanap sa akin," malungkot ang tinig na sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na siya't umalis.

Laglag ang mga balikat na lumabas ako sa coffee shop na malapit sa university namin. Pang-apat na detective na si Mr. Samson na binayaran ko para hanapin si Fugo ngunit lahat sila ay bigong mahanap ang asawa ko. It's been three years nang maglayas si Fugo sa bahay namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on. Gusto kong mahanap si Fugo para makahingi ako ng tawad sa kanya sa mga nagawa kong kasalanan ngunit bigo akong mahanap siya. Kahit ang mga magulang din nito ay hindi rin mahanap ng mga detective na inupahan ko. Cora, Felix at Fugo Clemente ang mga pangalan na ibinigay ko sa detective ngunit hindi sila matagpuan. Baka tama ang sinabi sa akin ng detective na ibang pangalan ang ibinigay nila sa akin nang araw na ikinasal kami ni Fugo. Si Tito Fred naman ay ayaw sabihin sa akin ang address ng bahay nina Fugo. At kahit anong gawin kong pakiusap ay nagbingi-bingihan lamang siya sa akin.

Habang naglalakad ako sa kalsada pabalik sa university ay hindi ko napigilan ang balikan sa aking isip ang araw na ikinasal kami ni Fugo...

Pabalibag na isinara ko ang pintuan ng kuwarto nang makapasok na kami sa loob kasama ang aking asawa na isang isang-bata. Well, hindi ko naman masasabi na talagang isip-bata siya. Pero sa kalagayan niya na twenty-five years old na ang edad ngunit ang pagkakaalam ay fifteen pa lamang siya ay masasabi kong isip-bata pa rin iyon. Kumukulo ang dugo ko sa isiping nakapag-asawa ako ng isang mayaman nga ngunit hindi naman normal ang pag-iisip. At lahat ng ito ay kasalanan nina Tita Fred at Tita Anita. Kung hindi lamang nila ako tinatakot na hinding-hindi ko na makikita pang muli ang nag-iisa kong nakababatang kapatid ay never akong magpapakasal sa isang lalaking maliban sa hindi ko pa nakikita ay may sakit pala sa pag-iisip. Ngunit kung titingnan ang panlabas na anyo ni Fugo ay mamang-mama ito kahit na may pagka-nerd itong manamit at gumalaw. Nakayuko ang ulo nito na tila ba hiyang-hiyang sa akin. Lagi pa itong nakadikit sa ina nito na para bang sasakalin ko siya kapag lumapit siya sa akin. Masyado itong mama's boy sa aking paningin. Kasalanan talaga ito nina Tito Fred at ng kanyang asawa.

Ten years ago ay magkasabay na namatay sa isang aksidente ang mga magulang namin ni Juni. Eight years old pa lamang ako noon samantalang five months pa lamang si Juni na naipapanganak ni Mommy nang maaksidente sila at mamatay. At bilang nag-iisang kapatid ni Daddy ay napunta ang pagiging guardian namin kay Tito Fred na nakatatandang kapatid ni Daddy. Wala namang ibang kukupkop sa amin dahil only child ang mommy ko. Lahat ng mga naiwan ari-arian sa amin ni Juni nang aming mga magulang ay napunta kay Tito Fred ang pamamahala bilang guardian namin at mapupunta lamang sa pangalan ko kapag sumapit na ako sa edad na twenty. Ngunit ewan kung paano nagawa ni tito ngunit napalabas niya na sa kanya iniwan ni Daddy ang kompanya nito. Ipinadala ako ni Tito sa isang boarding school at paminsan-minsan ko lamang nadadalaw si Juni. Ngunit nang mag-kinse na ako ay pinabalik niya ako sa bahay namin kung saan nakatira rin ang pamilya niya. Madalas ay binubully kaming magkapatid ng dalawang anak na babae ni tito ngunit wala akong magawa kundi ang magtiis na lamang dahil wala naman akong mapupuntahang iba kapag lumayas ako sa bahay namin. Ngunit sa araw ng aking ika-labinwalong kaarawan ay sinorpresa ako ng dating abogado ni Daddy. Napag-alaman ko na may malaking halaga pala na nakatago sa bangko at nakapangalan sa akin ang iniwan ni Daddy na nakahanda para sa aking eighteenth birthday.

Tinangka ni Tito Fred na kunin ang perang iniwan sa akin ni Daddy sa kadahilanang bata pa ako at baka malustay ko lang daw ang pera ngunit nagmatigas ako. Nasa hustong gulang ns ako kaya ko nang mag-desisyon para sa aking sarili kaya't hindi ko na kailangan ng guardian. Walang nagawa si Tito Fred at Tita Anita nang umalis ako sa bahay at lumipat ng ibang bahay. Nakaalis nga ako ngunit hindi ko naman nakuha si Juni dahil itinago nila sa akin ang kapatid ko. Sa tuwing bumabalik ako sa bahay namin ay hindi nila pinapaharap sa akin si Juni dahil busy raw sa pag-aaral. Ngunit nalaman ko na wala na pala sa bahay namin ang kapatid ko kundi inilipat nila sa ibang bahay na tanging silang mag-asawa lamang ang nakakaalam. At ginamit nga nila ang kapatid ko para mapasunod nila ako s kanilang kagustuhan. Ang pakasalan ang anak na lalaki ng taong pinagkakautangan ni Tito ng malaki. Nalulugi na kasi ang kompanya ni Daddy na pinamamahalaan ni tito kaya nakautang ito ng malaking halaga sa isang mayamang negosyante. Ngunit hindi na nakabawi ang kompanya ni Daddy at patuloy na bumubulusok sa pagkalugi.

Paano ba naman hindi malulugi ang kompanya, eh, lahat ng perang kinikita ay napupunta sa pagsusugal na siyang kinahihiligan ni Tito Fred noon pa man. Kaya nang singilin ito ng taong pinagkakautangan nito ng malaki ay wala itong naipambayad dito. At nang magpasya ang creditor nito na hindi na nito sisingilin ang malaking pagkakautang ni tito kapalit ng pagpapakasal ng anak nito sa nag-iisang anak na lalaki ng kanyang creditor ay pumayag si Tito. Ngunit hindi ang anak nito ang ipinakasal sa anak ng creditor nito kundi ako. At wala naman akong choice kundi ang pumayag dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang itinatago  sa akin ang kapatid ko. At kapag hindi raw ako pumayag na magpakasal ay dadlhin nila sa ibang bansa si Juni para tuluyan ko nang hindi makita ang kapatid ko. Mahal na mahal ko ang kapatid ko at hindi ko makakaya na hindi ko na siya makikita pang muli kaya wala akong choice kundi pumayag na magpakasal kay Fugo Clemente kahit pa hindi ko pa ito nakikita ng personal. Natatakot kasi ako na baka totohanin ni Tito Fred ang banta niya sa akin. Ayokong mangyari iyon. Wala na nga kaming mga magulang at dalawa lamang kaming magkapatid tapos magkakalayo pa kami.

Isang simpleng civil wedding lamang ang naganap at tanging mga magulang ni Fugo at pamilya ni Tito Fred ang saksi sa aming kasal. Sa araw ng aming kasal ay doon ko natuklasan na bagama't normal ang kilos ni Fugo ngunit hindi ang pag-iisip. Isa pala itong binata nginit ang iniisip ay teenager pa lang ito. Gustuhin ko mang umatras ay huli na. Pagkatapos ng kasal ay kumain lamang kami sa isang sikat na restaurant. Halos hindi ko malunok ang kinakain ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na hindi normal ang lalaking pinakasalan ko. Kaya pala ito ang ginawang pang-blackmail ng mag-asawang Clemente kay Tito Fred dahil kung hindi nila ito ginawa ay walang matinong babae ang papayag na magpakasal sa anak nilang binata ngunit ewan kung bakit ang iniisip ay teenager pa lamang siya. Hindi ko magawang magtanong sa mga magulang niya dahil nang sinubukan kong silang tanungin ay napansin ko na ayaw nilang pag-usapan ang tungkol sa kalagayan ng anak nila lalo pa at nasa harapan mismo ang anak nila.

Pagkatapos kumain ay nagkaroon ng inuman kaya gabi na kami inihatid ng mga magulang ni Fugo sa malaking bahay na binili nila para sa aming mag-asawa. Mabuti na lamang at hindi kami titira sa bahay ng mga magulang ni Fugo dahil kung nagkataong nangyari iyon ay hindi ko alam kung anong klaseng pakikisama ang gagawin ko sa kanilang pamilya. Hindi ko alam kung anong klaseng pakikisama ang gagawin ko sa asawa kong matanda sa akin ngunit iniisip namang mas matanda ako sa kanya.

"L-Lilac, ano ang g-gusto mong g-gawin natin?" nakangiting kausap sa akin ni Fugo habang nakaupo sa gilid ng kama. Medyo nabubulol pa ito at kahit nakangiti ay halatado namang naiilang siya sa akin at kinakabahan.

Tiningnan ko siya ng masama. Napansin ko na masyado siyang masunurin sa mga magulang niya lalong-lalo na sa mommy niya. At saka mahinhin siyang kumilos pati na rin ang magsalita. "Ano'ng gagawin ang sinasabi mo diyan? Wala tayong gagawin kundi ang matulog dahil pagod na ako at inaantok na rin! At huwag na huwag mo akong akong kausapin dahil hindi kita gustong kausap! Naiintindihan mo?" singhal ko sa kanya.

"B-Bakit galit ka sa akin, L-Lilac? N-Nagtatanong lang naman ako. At saka sabi ni Mommy ay mag-asawa na tayo kaya palagi na tayong mag-uusap," mangiyak-ngiyak at inosente ang mukha na sabi sa akin ni Fugo.

Naikuyom ko ang aking mga kamao at galit na nilapitan ko siya. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa kanyang magkabilang balikat at kinausap. "Tandaan mo ito, Fugo. Mag-asawa lamang tayo sa papel ngunit hindi sa totoong salita bilang mag-asawa. Dahil ko gugustuhin ang maging asawa ang isang abnormal na katulad mo."

"Bakit mo naman ako tinatawag na abnormal, Lilac? Hindi naman ako abnormal. Normal naman akong tao. Ganito lang talaga ako magsalita pero hindi ibig sabihin ay hindi na ako normal," sagot nito habang tila pinipigil ang sarili na huwag mapaluha. Tila nais kong maawa sa kanya nang makita kong nagpipigil siya sa.pag-iyak ngunit tinigasan ko ang aking puso. Huminga na lamang ako ng malalim at pagkatapos ay binitiwan ko siya. Hindi ko masabi sa kanya na kaya sinabihan ko siyang abnormal dahil twenty-five years old na siya ngunit ang iniisip niya ay fifteen years old lamang siya. Mahigpit kasing ipinagbilin sa akin ng mommy niya na huwag na huwag ko raw sasabihin kay Fugo ang totoo.

Umatras ako kay Fugo hanggang sa napasandal ako sa dingding ng kuwarto. Tinitigan ko siya at pinag-aralan ang kanyang hitsura. Malago ang dalawang kilay nito na tila sadyang iginuhit para bumagay sa mukha nitong hugis ng itlog. Parang bilog na medyo may pagka-oblong. Mahahaba at malalantik ang mga pilikmata nito na tila isang babae at bumagay sa mga mata na medyo may pagka-singkit. Hindi ko alam na bagay rin pala sa isang lalaki ang mahahaba at malalantik ang mga pilikmata. Akala ko ay magmumukha silang bakla kapag may ganoon sila pero hindi pala. Dahil bagay na bagay kay Fugo ang ganoon katangian. Matangos ang ilong nito at mapula ang manipis na mga labi. Bumaba sa katawan ni Fugo ang aking mga mata at ito naman ang aking pinag-aralan. Malapad ang mga balikat nito ngunit medyo payat ito kaya hindi mamasel ang dibdib. Matangkad ito at mahahaba ang biyas ng mga paa. Sa isang salita ay guwapo si Fugo. At kung hindi lamang ito may karamdaman sa pag-iisip ay malamang na pinag-aagawan na ito ng mga babae. Ngunit sa malas ay tila may sakit itong amnesia. Ngunit hindi iyong ordinary amnesia na makakalimutan mo ang lahat-lahat ng tungkol sa'yo kundi makakalimutan mo lamang ang ilang taong nakaraan ng buhay mo. May nabasa kasi akong aklat dati tungkol sa katulad ng kalagayan ni Fugo ngunit hindi ko lamang pinagtuunan iyon ng pansin. Kahit na hindi inborn at msy pag-asa pa itong gumaling ay hindi ko pa rin gusto na maging asawa siya. Bata pa ako at marami pa akong mga plano at pangarap na hindi ko pa natutupad.

"Makinig ka, Fugo. Hindi tayo matutulog sa iisang kama. Sa sahig ka matutulog at sa kama naman ako. Maliwanag?" inunahan ko na siya dahil baka isipin niya na magkatabi kaming matutulog sa iisang kama.

"Pero hindi ako sanay na matulog sa sahig, eh," reklamo niya sa akin.

"Ano ang gusto mo? Matutulog ka sa sahig o sa loob ng banyo ka matutulog?" nandidilat ang mga matang tanong ko sa kanya. Ngayon pa lang ay dapat kong ipakita sa kanya ako masusunod sa bahay na ito. Hindi sumagot si Fugo sa halip ay kinuha lamang nito ang stuff toy kong si Picachu at niyakap. Uutusan ko sana siyang bitiwan ang aking favorite stuff toy ngunit hinayaan ko na lamang siya. Nagmartsa na lamang ako papunta sa banyo at naligo. Pakiramdam ko kasi ay nanlalagkit na ang katawan ko dahil sa suot kong wedding dress.

Simpleng wedding dress lamang ang suot ko dahil civil wedding lang naman ang nangyari. Hinubad ko ang dress at nagbabad sa ilalim ng shower. Mag-iisang oras akong nasa loob ng banyo bago ko ipinasyang lumabas. Paglabas ko ay nasa sahig na si Fugo at nakapikit ang mga mata habang nakahiga at yakap ng mahigpit ang aking stuff toy. Ginawa nitong sapin sa sahig ang makapal na kumot. Napahugot na lamang ako ng malalim na buntong-hininga habang nakatingin sa mukha niya. Kapag nakuha ko ang kapatid ko ay lalayasan ko si Fugo. Kaya habang wala pa sa akin si Juni ay pagtitiisan ko muna ang makisama sa isang katulad ni Fugo. Kailangang mabawi ko na ang kapatid ko sa lalong madaling panahon.

"Bumangon ka diyan! Huwag kang humiga sa daraanan ko! Doon ka humiga sa sulok!" singhal ko kay Fugo sabay tadyak sa tagiliran niya. Walang kibong bumangon siya at tumitig sa akin.  "Ano ang tinitingin-tingin mo diyan?" inis kong singhal ulit sa kanya. Walang kibong tumayo si Fugo at lumipat sa sulok para doon mahiga. Napahugot na lamang ako ng malalim na buntong-hininga pagkatapos ay dumiretso na ako sa kama. Gagawin ko ang lahat para maging miserable ang buhay niya sa piling ko nang siya na ang makiusap sa mga magulang niya na maghiwalay na lang kaming dalawa.

"Watch out!" naudlot ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan nang marinig ko ang malakas na boses ng isang lalaki. Pamilyar sa akin ang boses niya ngunit hindi ko lang matandaan kung saan ko ito narinig.

Kasabay ng pagbabalik sa kasalukuyan ng aking isip ay ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko ang isang kotse na pasalubong sa akin. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na sa gitna na pala ako ng kalsada naglalakad. Sa sobrang takot ay biglang nagdilim ang aking paningin ngunit bago ako tuluyang nawalan ng malay ay naramdaman ko ang paghila at pagyakap sa akin ng malalakas na bisig.

Kaugnay na kabanata

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 2

    Lilac's PovNagising ako na nakahiga sa clinic na nasa loob ng university namin habang binabantayan ng best friend kong si Celli na alalang-alala."Ano ang nangyari, Celli? Bakit ako narito sa ospital?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko. Nawala kasi sa isip ko na muntik na akong masagasaan ng isang sasakyan."Oh my God, Lilac! Don't tell me na nagkaroon ka ng amnesia? Hindi ka naman nabundol ng kotse kaya paano ka nagka-amnesia?" exaggerated ang boses at hitsura na tanong ni Celli sa akin. "Baliw! Hindi ako nagka-amnesia," nakairap na sabi ko sa kanya. Naalala ko na ang nangyari nang banggitin niya na muntik na akong masagasaan ng kotse. Iniisip ko kasi ang unang araw na nagkita kami ni Fugo. Iyon ay ang araw ng kasal namin."Hay salamat. Kinabahan ako sa'yo. Akala ko talaga ay nagkaroon ka ng amnesia," tila nakahingang wika ni Celli. "Mabuti na lang at nahila ka nang lalaking nagligtas sa'yo kaya hindi ka nasagasaan."Bigla kong naalala ang pamilyar na boses na nagbigay sa akin n

    Huling Na-update : 2023-01-08
  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 3

    Lilac's PovMasakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan dala ng hangover. Bumangon ako sa kama at naghilamos pagkatapos ay nag-toothbrush ng ngipin. Paglabas ko sa kuwarto ay nalanghap ko sa hangin ang masarap na amoy ng niluluto ni Celli. Alam kong siya ang nagluluto sa kusina dahil dalawa lang naman kami narito sa bahay kaya sino pa ang magluluto kundi siya? Wala naman na si Fugo na siyang tagaluto sa akin at gumigising sa akin tuwing umaga para mag-almusal.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot at pagbigat ng aking dibdib nang muling sumagi sa isip ko ang asawa kong isip-bata. Kumusta na kaya siya ngayon? Naaalala pa kaya niya ako? Ipinilig ko ang aking ulo para maalis ang mga katanungang pumasok sa aking isip. Natitiyak ko na hindi gugustuhin ni Fugo na maalala ako dahil puro pasakit lamang ang mga ibinigay ko sa kanya. At saka baka nga hinanapan na siya ngayon ng mga magulang niya ng bagong asawa. Iyong asawa na tatanggapin at mamahalin siya sa kabila ng kanyang karamd

    Huling Na-update : 2023-01-08

Pinakabagong kabanata

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 3

    Lilac's PovMasakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan dala ng hangover. Bumangon ako sa kama at naghilamos pagkatapos ay nag-toothbrush ng ngipin. Paglabas ko sa kuwarto ay nalanghap ko sa hangin ang masarap na amoy ng niluluto ni Celli. Alam kong siya ang nagluluto sa kusina dahil dalawa lang naman kami narito sa bahay kaya sino pa ang magluluto kundi siya? Wala naman na si Fugo na siyang tagaluto sa akin at gumigising sa akin tuwing umaga para mag-almusal.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot at pagbigat ng aking dibdib nang muling sumagi sa isip ko ang asawa kong isip-bata. Kumusta na kaya siya ngayon? Naaalala pa kaya niya ako? Ipinilig ko ang aking ulo para maalis ang mga katanungang pumasok sa aking isip. Natitiyak ko na hindi gugustuhin ni Fugo na maalala ako dahil puro pasakit lamang ang mga ibinigay ko sa kanya. At saka baka nga hinanapan na siya ngayon ng mga magulang niya ng bagong asawa. Iyong asawa na tatanggapin at mamahalin siya sa kabila ng kanyang karamd

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 2

    Lilac's PovNagising ako na nakahiga sa clinic na nasa loob ng university namin habang binabantayan ng best friend kong si Celli na alalang-alala."Ano ang nangyari, Celli? Bakit ako narito sa ospital?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko. Nawala kasi sa isip ko na muntik na akong masagasaan ng isang sasakyan."Oh my God, Lilac! Don't tell me na nagkaroon ka ng amnesia? Hindi ka naman nabundol ng kotse kaya paano ka nagka-amnesia?" exaggerated ang boses at hitsura na tanong ni Celli sa akin. "Baliw! Hindi ako nagka-amnesia," nakairap na sabi ko sa kanya. Naalala ko na ang nangyari nang banggitin niya na muntik na akong masagasaan ng kotse. Iniisip ko kasi ang unang araw na nagkita kami ni Fugo. Iyon ay ang araw ng kasal namin."Hay salamat. Kinabahan ako sa'yo. Akala ko talaga ay nagkaroon ka ng amnesia," tila nakahingang wika ni Celli. "Mabuti na lang at nahila ka nang lalaking nagligtas sa'yo kaya hindi ka nasagasaan."Bigla kong naalala ang pamilyar na boses na nagbigay sa akin n

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 1

    Lilac's Pov"I'm sorry talaga, Ms. Elizalde. Pero kahit anong gawin ko at kahit saan ako maghanap ay wala akong makalap na balita tungkol sa ipinapahanap mong tao. Wala na yata rito sa Pilipinas ang pangalan ng mga taong ipinapahanap mo o baka hindi ito ang totoo nilang pangalan kaya hindi ko sila mahanap," nahihiyang kausap sa akin ng detective na binayaran ko para hanapin si Fugo pati na rin ang kanyang mga magulang."Okay lang po iyon, Detective Samsom. Wala tayong magagawa kung ayaw talaga nilang magpahanap sa akin," malungkot ang tinig na sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na siya't umalis.Laglag ang mga balikat na lumabas ako sa coffee shop na malapit sa university namin. Pang-apat na detective na si Mr. Samson na binayaran ko para hanapin si Fugo ngunit lahat sila ay bigong mahanap ang asawa ko. It's been three years nang maglayas si Fugo sa bahay namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on. Gusto kong mahanap si Fugo p

DMCA.com Protection Status