Share

Chapter 2

Author: JMC
last update Huling Na-update: 2023-01-08 18:03:47

Lilac's Pov

Nagising ako na nakahiga sa clinic na nasa loob ng university namin habang binabantayan ng best friend kong si Celli na alalang-alala.

"Ano ang nangyari, Celli? Bakit ako narito sa ospital?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko. Nawala kasi sa isip ko na muntik na akong masagasaan ng isang sasakyan.

"Oh my God, Lilac! Don't tell me na nagkaroon ka ng amnesia? Hindi ka naman nabundol ng kotse kaya paano ka nagka-amnesia?" exaggerated ang boses at hitsura na tanong ni Celli sa akin. 

"Baliw! Hindi ako nagka-amnesia," nakairap na sabi ko sa kanya. Naalala ko na ang nangyari nang banggitin niya na muntik na akong masagasaan ng kotse. Iniisip ko kasi ang unang araw na nagkita kami ni Fugo. Iyon ay ang araw ng kasal namin.

"Hay salamat. Kinabahan ako sa'yo. Akala ko talaga ay nagkaroon ka ng amnesia," tila nakahingang wika ni Celli. "Mabuti na lang at nahila ka nang lalaking nagligtas sa'yo kaya hindi ka nasagasaan."

Bigla kong naalala ang pamilyar na boses na nagbigay sa akin ng babala at ang malalakas na bisig na humila't yumakap sa katawan ko bago ako hinimatay. "Nasaan na nga pala ang taong nagligtas sa akin, Celli? Gusto ko siyang pasalamatan."

"Umalis na siya matapos kang dalhin dito sa clinic. Dito ka na lang niya dinala dahil hindi ka naman nasagasaan. Hinimatay ka lang naman dahil sa sobrang takot," sagot ni Celli.

"Hindi ba siya nagsabi ng pangalan niya o contact namin para makapagpasalamat ako sa kanya?" nanunuksong tiningnan ako ni Celli na ikinakunot ng aking noo. "Bakit naman ganyan ang pagkakatingin mo sa akin?"

"Nakita mo ba ang mukha ng lalaking nagligtas sa'yo?" tanong niya sa akin habang hindi nawawala ang nanunuksong mga tingin. Nang umiling ako ay saka pa lamang naglaho ang nanunukso nitong tingin at nagkibit na lamang ng balikat. "Kung nakita mo ang mukha niya ay iisipin kong excuse mo lamang ang pagpapasalamat sa kanya kaya nagtatanong ka sa kanyang pangalan at contact number. Ang guwapo kasi ng lalaking nagligtas sa'yo kaso ang suplado niya. Basta na lamang siyang umalis pagkatapos kang dalhin dito at hindi man lang nag-iwan ng pangalan at contact number para makapagpasalamat ka sa kanya."

Nakaramdam ako ng panghihinayang nang marinig ko ang sinabi ni Celli. Hindi na pala ako makakapagpasalamat sa kanya.

"Gising ka na pala, Ms. Elizalde. Kamusta na ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong sa akin ni Doctor Hermana. Siya ang doktor sa university namin.

"Okay na po ako, Dok. Nahimatay lang ako kanina dahil sa takot," mabilis kong sagot sabay bangon sa kamang hinihigaan ko at naupo na lamang sa gilid ng kama. Nilapitan ako ni Doktor Hermana at sinuri ang aking mga mata.

"Okay ka naman kaya puwede ka nang lumabas. Sa susunod ay may-iingat ka sa pagtawid para maiwasan ang aksidente," paalala sa akin ng mabait na doktor.

"Yes, Doc," mahinang sagot ko sa kanya. Akmang aalalayan ako ni Celli sa pagtayo ngunit itinaas ko ang isa kong kamay para sabihin sa kanya na okay lang ako. Bumalik na sa normal ang pakiramdam ko kaya hindi na niya kailangang alalayan pa. Kaya lang naman ako nahimatay kanina ay dahil sa sobrang takot.

"Sure ka na okay ka na," nag-aalala pa ring wika ni Celli habang sumasabay sa akin sa paglalakad.

"Yes, I'm sure," mabilis at sigurado kong sagot sa kanya. Hindi na sumagot si Celli at sumunod na lamang sa akin papunta sa room namin. Mabuti na lamang at kadarating pa lamang professor namin kaya nakahabol pa kami ng kaibigan ko. 

"SIGURADO ka ba na pupunta tayo sa party ni Arnee, Lilac?" muling tanong sa akin ni Celli habang naglalakad kami palabas sa campus namin. Magmula nang sabihin ko sa kanya na a-attend kami sa party ng kaklase namin ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tinanong ng kaibigan kung talagang pupunta ba kami sa party at ilang beses ko na rin siyang sinagot ng oo. 

"Oo nga. Kapag tinanong mo pa ako ng isang beses ay iiwanan na talaga kita," banta ko kay Celli. Alam ng kaibigan ko ang tungkol kay Fugo at ang pagpapahanap ko sa kanya ngunit hindi pa niya alam na muling nabigo ang detective na binayaran ko. Sa loob ng tatlong taon ay hindi ako tumigil sa pagpapahanap kay Fugo at kahit magsayang man ako ng pera na iniwan sa akin ng parents ko ay wala akong pakialam. Hindi kasi matahimik ang aking konsensiya dahil sa mga pananakit na ginawa ko kay Fugo. Inuusig ako ng aking konsensiya at matatahimik lamang ako kapag makita ko na siya at makahingi ako ng tawad sa kanya. 

Naging masama ako kay Fugo. At sa loob ng halos apat na buwan naming pagsasama sa iisang bahay ay ilang beses ko siyang sinaktan pisikal at emosyunal. Madalas ko siyang tinatadyakan kapag nakaharang siya daraanan ko at palagi ko siyang sinisinghalan kahit na wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Ipinapahiya ko rin siya sa mga kakilala ko na nagtatanong sa akin kung sino siya. Minsan kasi ay sinusundo niya ako kasama ang driver namin na ang mommy niya ang nagpapasahod. Sinasabi ko sa mga nagtatanong sa akin na kapitbahay ko lamang si Fugo at nagkakataon lamang na may pinuntahan sila malapit sa university namin kaya dinaanan na lamang ako para isabay sa pag-uwi. Minsan ay hindi ko siya pinapakain kapag naiinis ako sa kanya o di kaya ay pinagti-tripan ko siya. Ngunit sa kabila ng mga panget na pag-uugali na ipinakita ko kay Fugo ay hindi siya nagalit o nagtampo sa akin. Sa katunayan ay palagi niya akong ipinagluluto ng pagkain. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nagagalit sa akin at tinitiis lamang niya ang mga ginagawa ko sa kanya. Kahit galit ako sa kanya ay may katangian naman siya na gustung-gusto ko. Iyon ay ang galing nitong magluto na ewan kung kanino nito natutunan. Hindi naman kasi ako nagtatanong sa kanya ng mga bagay tungkol sa personal niyang buhay dahil wala akong alam tungkol sa personal niyang buhay dahil wala naman akong interes na malaman ito. Kapag sinusundo si Fugo ng mga magulang niya ay hindi maaaring wala akong pasalubong pag-uwi niya ng bahay. Inaalagaan din niya ako sa tuwing nagkakaroon ako ng sakit. Ngunit sa kabila ng mga kabutihang ginagawa niya ay hindi magandang pagtrato pa rin ang ipinapakita ko sa kanya.

Lahat ng mga kabutihang ginawa ni Fugo para sa akin ay hindi ko pansin noon. Dahil ang tanging nasa isip ko lamang ay naisahan ako ng aking tiyuhin. Ginawa akong pambayad sa kanyang pagkakautang sa mga magulang ni Fugo. Kaya puro galit at pag-iisip kung paano ako makakalaya sa sitwasyong kinasuungan ko ang tanging laman ng aking utak kaya hindi ko napapansin kung gaano kabuti sa akin ang aking asawa sa kabila ng panget na ipinapakita ko sa kanya. At ang huling pananakit na nagawa ko sa kanya ay noong binisita ako ng mga kaklase ko sa bahay namin. Napansin nila batang mag-isip si Fugo at hindi akma sa edad nito kaya wala akong choice kundi sabihin sa kanila na may karamdaman sa pag-iisip si Fugo ngunit temporary lamang. At sinabi ko rin sa kanila na kaya nasa bahay si Fugo dahil iniwan siya sa akin ng mga magulang niya pagkat may pinuntahang party ang mga ito. Ngunit sinabi ni Fugo na asawa ko siya at hindi pa siya nakuntento't kinuha pa niya ang aming wedding photo. Ipinakita niya ito sa mga kaklase ko bilang patunay na mag-asawa nga kaming dalawa. Pinagtawanan ako at ininsulto ng nga kaklase ko dahil nag-asawa raw ako ng abnormal. Kaya pag-alis ng mga kaklase ko ay kinompronta ko si Fugo at hindi ko napigilan ang aking sarili na sampalin nang ipilit niya na asawa ko naman talaga siya. Pinagsalitaan ko rin siya ng mga salitang below the belt. Hindi pa ako nakuntento't pinalabas ko siya sa bahay namin kahit na malakas ang buhos ng ulan. Hindi ko siya pinapasok kahit na umiiyak siya at nagmamakaawa sa akin na papasukin ko habang nanginginig sa lamig. 

Masyadong matigas ang puso ko noon at galit lamang ang aking pinairal kaya nagbingi-bingihan ako. Nakatulog ako at tuluyan kong nakalimutan na nasa labas pa pala si Fugo. Nang magising ako at lumipas na ang aking galit ay agad ko siyang tinakbo sa labas para papasukin ngunit hindi ko na siya nakita. Hinanap ko siya kinabukasan ngunit kahit saan ako maghanap ay hindi ko makita maski ang anino niya. Magmula noon ay hindi ko na siya nakitang muli at dinala ko sa aking dibdib ang guilt sa ginawa kong pananakit sa kanya magpa-hanggang ngayon.

"Okay. Hindi na ako magtatanong," nakalabing sagot ni Celli. 

Pagdating namin sa condo unit ni Arnee ay nag-uumpisa na ang party. Nilasing ko ang aking sarili sa alak dahil gusto kong makalimutan kahit saglit ang guilt na dala-dala ko sa aking dibdib. 

"Tama na iyan, Lilac. Lasing ka na masyado," puna sa akin ni Arnee nang makita niyang tinamaan na ako ng alak na ininom ko. "Ang mabuti pa ay iuwi ka na ni Celli," tinawag nito ang best friend kong nsg-e-enjoy sa pagkanta sa videoke at sinabihang iuwi na ako pagkat lasing na ako masyado. Agad naman akong inalalayan ni Celli at inilabas sa condo unit ni Arnee.

"Bakit ba kasi nagpakalasing ka, Lilac? Ano ba ang problema mo?" may halong pag-aalala sa akin na tanong ni Celli nang makarating na kami sa lobby ng condo.

"Ano ba ang problema ko kundi ang problema ko pa rin," natatawang sagot ko na halatadong lango na sa alak. Pa-ekis-ekis na ang paglalakad ko kaya naman mahigpit ang pagkakahawak ni Celli sa aking braso.

"Ano ba iyang sagot mo? Lasing ka na talaga," naiiling na wika ni Celli. Mayamaya ay biglang nanlaki ang mga mata nito na tila biglang may naalala. "Naku, nakalimutan ko ang bag mo, Lilac. Hindi ko pala nabitbit paglabas natin. Babalikan ko ang bag mo pero ihahatid muna kita hanggang sa loob ng kotse mo."

Inihatid nga ako ni Celli hanggang sa loob ng aking kotse at pagkatapos ay bumalik siya sa condo unit ni Arnee para kunin ang bag ko. Habang nakapikit ako at nakasandal ang aking ulo sa head rest ng upuan ay biglang humilab ang aking sikmura. Agad akong napalabas ng kotse at paekis-ekis na naghanap ng lugar kung saan maaari kong ilabas ang laman ng aking tiyan. Sa gilid na bahagi ng parking lot kung saan may mga damuhan ako humantong. Hinang-hina ang aking pakiramdam nang mailabas ko ang aking kinain at pati na rin ang alak na nainom ko. Medyo gumaan na rin ang aking pakiramdam. Akmang babalik na ako sa aking kotse nang bigla na lamang may lalaking bumangga sa akin. Nanghihina ang aking pakiramdam kaya bigla akong tumilapon. 

"I' sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," paumahin sa akin ng lalaking nakabangga sa akin habang tinutulungan niya akong makatayo. Akmang sasagot na ako sa lalaki para sabihin okay lang ako ngunit nabitin sa aking lalamunan ang sasabihin ko nang bigla na lamang natumba sa harapan ko ang lalaki at may tama ng bala sa likurang dibdib na tumagos hanggang sa harapan nito. 

Pakiramdam ko ay para akong pinainom ng isang katerbang tableta na pampawala ng kalasingan dahil tila biglang naglaho ang kalasingan ko sa aking nasaksihan. Nanginig ang aking buong katawan sa sobrang takot. Awtomatik na napatingin ako sa pinagmulan ng bala na tumama sa katawan ng lalaking nasa harapan ko. Biglang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang ilang kalalakihan na tumatakbo palapit sa akin habang may hawak na mga baril. Hindi ko na hinintay na makalapit pa sila sa akin at mabilis na akong tumakbo. Kapag naabutan nila ako ay tiyak na papatayin din nila ako dahil saksi ako sa ginawa nilang krimen. Tamang-tama namang pasakay si Celli sa kotse ko nang makarating ako sa tapat ng aking kotse.

"Tayo na, Celli! Bilis!" agad kong utos sa kaibigan ko nang makapasok na kaming pareho sa loob. Nagtataka man sa aking inasal ay hindi na nagtanong pa si Celli at agad nang pinaharurot palayo sa lugar n iyon ang kotse ko. Nakahinga ako ng maluwang nang makalayo na kami. Nahiling ko na sana ay hindi ako namukhaan ng mga taong pumatay sa lalaking nakabangga naman sa akin. Nag-aalala ako na baka bigla na lamang nila akong patayin. Hindi. Hindi pa ako maaaring mamatay hangga't hindi ko pa nahahanap si Fugo at hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya.

Kaugnay na kabanata

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 3

    Lilac's PovMasakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan dala ng hangover. Bumangon ako sa kama at naghilamos pagkatapos ay nag-toothbrush ng ngipin. Paglabas ko sa kuwarto ay nalanghap ko sa hangin ang masarap na amoy ng niluluto ni Celli. Alam kong siya ang nagluluto sa kusina dahil dalawa lang naman kami narito sa bahay kaya sino pa ang magluluto kundi siya? Wala naman na si Fugo na siyang tagaluto sa akin at gumigising sa akin tuwing umaga para mag-almusal.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot at pagbigat ng aking dibdib nang muling sumagi sa isip ko ang asawa kong isip-bata. Kumusta na kaya siya ngayon? Naaalala pa kaya niya ako? Ipinilig ko ang aking ulo para maalis ang mga katanungang pumasok sa aking isip. Natitiyak ko na hindi gugustuhin ni Fugo na maalala ako dahil puro pasakit lamang ang mga ibinigay ko sa kanya. At saka baka nga hinanapan na siya ngayon ng mga magulang niya ng bagong asawa. Iyong asawa na tatanggapin at mamahalin siya sa kabila ng kanyang karamd

    Huling Na-update : 2023-01-08
  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 1

    Lilac's Pov"I'm sorry talaga, Ms. Elizalde. Pero kahit anong gawin ko at kahit saan ako maghanap ay wala akong makalap na balita tungkol sa ipinapahanap mong tao. Wala na yata rito sa Pilipinas ang pangalan ng mga taong ipinapahanap mo o baka hindi ito ang totoo nilang pangalan kaya hindi ko sila mahanap," nahihiyang kausap sa akin ng detective na binayaran ko para hanapin si Fugo pati na rin ang kanyang mga magulang."Okay lang po iyon, Detective Samsom. Wala tayong magagawa kung ayaw talaga nilang magpahanap sa akin," malungkot ang tinig na sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na siya't umalis.Laglag ang mga balikat na lumabas ako sa coffee shop na malapit sa university namin. Pang-apat na detective na si Mr. Samson na binayaran ko para hanapin si Fugo ngunit lahat sila ay bigong mahanap ang asawa ko. It's been three years nang maglayas si Fugo sa bahay namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on. Gusto kong mahanap si Fugo p

    Huling Na-update : 2023-01-08

Pinakabagong kabanata

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 3

    Lilac's PovMasakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan dala ng hangover. Bumangon ako sa kama at naghilamos pagkatapos ay nag-toothbrush ng ngipin. Paglabas ko sa kuwarto ay nalanghap ko sa hangin ang masarap na amoy ng niluluto ni Celli. Alam kong siya ang nagluluto sa kusina dahil dalawa lang naman kami narito sa bahay kaya sino pa ang magluluto kundi siya? Wala naman na si Fugo na siyang tagaluto sa akin at gumigising sa akin tuwing umaga para mag-almusal.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot at pagbigat ng aking dibdib nang muling sumagi sa isip ko ang asawa kong isip-bata. Kumusta na kaya siya ngayon? Naaalala pa kaya niya ako? Ipinilig ko ang aking ulo para maalis ang mga katanungang pumasok sa aking isip. Natitiyak ko na hindi gugustuhin ni Fugo na maalala ako dahil puro pasakit lamang ang mga ibinigay ko sa kanya. At saka baka nga hinanapan na siya ngayon ng mga magulang niya ng bagong asawa. Iyong asawa na tatanggapin at mamahalin siya sa kabila ng kanyang karamd

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 2

    Lilac's PovNagising ako na nakahiga sa clinic na nasa loob ng university namin habang binabantayan ng best friend kong si Celli na alalang-alala."Ano ang nangyari, Celli? Bakit ako narito sa ospital?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko. Nawala kasi sa isip ko na muntik na akong masagasaan ng isang sasakyan."Oh my God, Lilac! Don't tell me na nagkaroon ka ng amnesia? Hindi ka naman nabundol ng kotse kaya paano ka nagka-amnesia?" exaggerated ang boses at hitsura na tanong ni Celli sa akin. "Baliw! Hindi ako nagka-amnesia," nakairap na sabi ko sa kanya. Naalala ko na ang nangyari nang banggitin niya na muntik na akong masagasaan ng kotse. Iniisip ko kasi ang unang araw na nagkita kami ni Fugo. Iyon ay ang araw ng kasal namin."Hay salamat. Kinabahan ako sa'yo. Akala ko talaga ay nagkaroon ka ng amnesia," tila nakahingang wika ni Celli. "Mabuti na lang at nahila ka nang lalaking nagligtas sa'yo kaya hindi ka nasagasaan."Bigla kong naalala ang pamilyar na boses na nagbigay sa akin n

  • A SECOND CHANCE TO LOVE   Chapter 1

    Lilac's Pov"I'm sorry talaga, Ms. Elizalde. Pero kahit anong gawin ko at kahit saan ako maghanap ay wala akong makalap na balita tungkol sa ipinapahanap mong tao. Wala na yata rito sa Pilipinas ang pangalan ng mga taong ipinapahanap mo o baka hindi ito ang totoo nilang pangalan kaya hindi ko sila mahanap," nahihiyang kausap sa akin ng detective na binayaran ko para hanapin si Fugo pati na rin ang kanyang mga magulang."Okay lang po iyon, Detective Samsom. Wala tayong magagawa kung ayaw talaga nilang magpahanap sa akin," malungkot ang tinig na sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na siya't umalis.Laglag ang mga balikat na lumabas ako sa coffee shop na malapit sa university namin. Pang-apat na detective na si Mr. Samson na binayaran ko para hanapin si Fugo ngunit lahat sila ay bigong mahanap ang asawa ko. It's been three years nang maglayas si Fugo sa bahay namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on. Gusto kong mahanap si Fugo p

DMCA.com Protection Status