Wysteriashin
Sa pagbabalik ni Keith sa Pilipinas, isang surpresa ang inihanda ng kaniyang lola kasabay ng kaniyang ika-dalawampu't walong kaarawan, ngunit ang masayang selebrasyon na ito ay susundan ng mga trahedya na maglalagay sa buhay ng binata sa matinding panganib.
Upang matiyak na may magmamana ng lahat ng yaman na mayroon ang kanilang pamilya, isang pasya ang naisip ni Keith—ang maghanap ng babae na walang kaugnayan sa kanilang pamilya upang maging ina ng kaniyang anak sa siyentipikong pamamaraan.
Si Merrill—minsang nagligtas sa kaniyang buhay ang naisip niyang alukin. Tinanggap ng dalaga ang magandang offer at kalaunan ay nagdalang-tao.
Habang nagkakagulo sa kompanya ng pamilya ng Lee, si Merrill ang naging pahinga ni Keith. Naging malapit sila sa isa't-isa, ngunit si Merrill ay may iba palang plano sa batang nasa kaniyang sinapupunan. Batid niyang sa pamamagitan nito, magagawa na niyang ipaghiganti ang kaniyang yumaong lolo.
Sino ba si Merrill? Mali ba si Keith ng pinagkatiwalaang tao?
Sino ang mga nais manakit sa binata at bakit nais ipahiganti ni Merill ang kaniyang lolo sa mga Lee?