“Now, I pronounced you husband and wife. You may now kiss your groom, Julienne,” ani Atty, Salviejo habang malapad na nakangiti sa kaniya.Napakabilis ng mga pangyayari. Noong isang linggo lang siya niyaya ni Brayden na magpakasal, at heto na sila. Mag-asawa na.Alanganing gumanti ng ngiti sa tiyuhin ni Brayden si Julienne. Siya naman nga kasi ang nakatatayo sa kanilang dalawa ni Brayden dahil lumpo ang lalaki, kaya siya ang dapat na pumantay rito para maselyuhan nang tuluyan ang kasal nila.Niyuko niya si Brayden. Mabilis lang na dumampi ang mga labi niya rito. Para nga lang iyong pinaraanan ng hangin.“Congratulations!” masayang wika ng mga nakapaligid sa kanila.Naroon ang asawa ni Attorney Ethan na si Mrs. Dayan Salviejo. Naroon din ang pinsan ni Brayden na si Elias na halatang nagulat pa nang malamang ikakasal ang lalaki sa araw na iyon. Wala ang kapatid ni Brayden dahil nasa Amerika ito. Ang mga pinsan nitong sina Dheyna, Rylan, at Khari ay naroon.Ngunit, taliwas sa halos buong
Last Updated : 2025-03-02 Read more