Napapikit ang mga mata ni Brayden nang batiin siya ng nakasisilaw na liwanag ng araw. Bukas na bukas ang bintana ng silid niya nang umagang iyon. Pumapasok ang mabining hangin sa loob kaya naman para na rin iyong naka-aircon.
Pero hindi niya gusto ang ganoon. Ni ang paglabas sa kaniyang silid ay madalang niyang ginagawa kaya kabilin-bilinan niya sa personal nurse ay huwag bubuksan ang bintana ng kaniyang silid.
“Cita! Cita!” malakas niyang tawag sa alalay.
Nagmamadali naman itong pumasok sa loob. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang bukas ang kaniyang bintana. Agad itong lumapit doon at isinara iyon.
“P-pasensya na, Sir. Hindi na ho mauulit,” nakayukong wika nito.
Marahas siyang napahagod sa mahabang buhok. Galit siya pero pinipigilan niya ang sarili na ibunton iyon sa alalay. Alam niya kung sino ang may gawa niyon.
“Pakitawag si Mommy,” mahinang sambit niya at muling ipinikit ang mga mata.
Narinig niya ang paglabas ni Cita sa kaniyang silid. Ilang saglit pa ay may narinig siyang mga yabag mula sa labas ng kaniyang pintuan. Bumukas iyon.
“What is it, honey? May kailangan ka ba?” malambing na tanong ng kaniyang ina at tuloy-tuloy na lumapit sa kinahihigaan niya.
“How many times did I tell you that I don’t want my window open?” Nakapikit pa rin siya. Hindi siya inaantok, pero ganoon naman siya palagi.
Well, hindi noong una-una. Hindi noong bago pa sila maaksidente ng asawa at mamatay ito.
“And how many times did I tell you that it’s too dark in here? Ni wala man lang kaliwa-liwanag. Patay rin ang mga ilaw,” katwiran ng ina niyang si Eirhyn.
“Because I want it that way. Hindi niyo ba ako naiintindihan?” may halong inis niyang sambit.
“But, honey. . .” Naramdaman niya ang pagdampi ng palad nito sa kaniyang may pisngi. “You’ve been here ever since you left the hospital. You don’t even go out to do your therapy.”
Huminga siya nang malalim saka nagmulat ng mga mata at tumingin sa kawalan. “Because it won’t work. Hindi na ako makalalakad pang muli.”
Sa ospital na siya nagkamalay noon pagkatapos ng aksidente. Ang sabi ng kaniyang mga doctor ay nagkaroon ng damage ang neurons niyang konektado sa ibabang parte ng kaniyang katawan, partikular sa mga hita niya pababa. Kaya kahit ang maliit na paggalaw niyon ay hindi niya magawa.
He’s a neurosurgeon. He’s one of the best, kung hindi man ay pinaka the best sa lahat ng neurosurgeon sa buong Pilipinas, kaya siya ang mas nakaaalam sa totoong kalagayan niya.
“Hindi ganoon ang sinabi ng doctor mo. At pareho nating alam na gagaling ka pa pero ikaw lang ang may aayaw. Please, Brayden. . . kung hindi para sa sarili mo, kahit para na lang sa akin. I don’t want to see you this way— na pinahihirapan ang sarili kahit hindi naman tama,” nakikiusap nitong wika.
“I am not punishing myself, Mom. I am just doing my part as the guilty human husband.” Tinitigan niya ito sa mga mata. “Hindi siya mamamatay kung hindi dahil sa akin.” Pero wala na ang conviction ng mga salitang iyon. Hindi na iyon ganoon katibay gaya ng dati. Dahil mula noong makilala niya ang kapatid ni Cerella, nagkaroon na siya ng pag-aalilangan.
Sana nga, mali siya.
Malungkot na napabuntonghininga ang kaniyang. “Alam mong mas nasasaktan ako kapag nakikita kang naghihirap ng ganito. Kaya nakikiusap ako sa iyo, patawarin mo na ang sarili mo.”
Umiling siya. “I can’t, Mom. I can’t. . .”
“Yes, you can, Brayden. Yes, you can,” determinadong wika nito.
Tumingin siya sa labas ng bintana. “Gusto ko ng mapag-isa. Iwanan niyo na ako rito.”
Naramdaman niya ang pagtayo ng ina, pero nananatili ito sa kaniyang tabi. Hindi niya sana gustong lingunin ito pero hindi niya ito makayang tiisin. Sumalubong sa kaniya ang nangingilid nitong mga mata.
“I want you to get better. Ikaw na lang at ang kapatid mo ang mayroon ako and I don’t want to lose you also. I don’t want that to happen again to me. So, please. . . please get better. Kahit na anong gusto mo, gagawin ko, gumaling ka lang at bumalik sa dati,” basag ang tinig na pakiusap nito.
“You’ll do anything for me?” nananantyang tanong niya.
Mabilis itong tumango. “Anything, honey. Anything.”
“Then, I want you to do something for me.” Pagkakataon na niya iyon kaya sasamantalahin na niya.
Napakunot-noo ang ina niya. “What do you mean?”
“I want you to find a particular person for me. I want her to be my personal assistant.”
Dumami ang gatla sa noo nito. “Did I hear it right? Her?”
Tumango siya. “Yes, Mom. Her. Just do anything to make her my personal assistant. Kung kinakailangang pagalawin ninyo ang pera natin, gawin ninyo. Basta gusto kong siya ang maging personal assistant ko. Cita could be an asset to our hospital. Hayaan niyo na siya roon.”
“Pero, bakit? Sino ba ang tinutukoy mo?” nalilito pa ring tanong ng kaniyang ina.
“Did you know that Monteza’s have another child bukod sa asawa ko?” sa halip na sagutin ang tanong nito ay sabi niya.
Alanganing napailing ang kaniyang ina. “I. . . don’t know. Ikaw ang dapat mas nakaaalam ng bagay na iyan dahil ikaw ang bigla na lang nagdesisyon na magpapakasal. Although, hindi ko naman iyon tinutulan dahil nakikita ko namang masaya ka.”
“Exactly, Mom. Pero hindi ko alam na may inililihim pala sila sa atin.”
“And how did you find out all of these?” tanong nitong muling naupo sa tabi niya.
“I met her.”
“Saan?”
“Sa simbahan.”
Napasinghap ang kaniyang ina. “Y-you went there?”
Muli siyang tumango. “Yes, Mom. I went there. Nagpa-drive ako kay Ben. Pero saglit lang ako roon. Ayokong makita ako ng mga taong naroon.”
Hinaplos nito ang braso niya. “That’s bravery, anak. Dahil kahit papaano, sumilip ka. Hindi magtatagal ay makukuha mo na ring lumabas-labas at makipagkita sa ibang tao, pati na sa mga kaibigan mo.”
Umiling siya. “I don’t know, Mom. But you have to find her.”
Nalilito man ang ina sa inaakto niya, tumango pa rin ito. “I’ll go to their house and see what I can do.”
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti siya rito. “Thanks, Mom.”
Naluha na ito nang tuluyan. Niyakap siya nito. “No. . . Ako dapat ang magpasalamat sa iyo.”
Hindi na siya umimik pa. Hinayaan niya na lang itong umiyak nang umiyak.
**
“Paano na ngayon, Carl? Ang laki ng nagastos natin bago pa man natin ipakasal si Cerella kay Brayden. Hindi na kinakaya ng bumabalik na pera sa bar ang lahat para mabayaran natin ang mga inutang natin sa bangko at kung kani-kanino,” narinig niyang wika ng ina niyang si Theresa.
“Bakit ba naman kasi sa dinami-rami pa ng gustong mangyari niyang si Cerenna ay sunod ka naman nang sunod? Sa Amerika mo pa pinag-aral ay p’wede naman dito. Mas lalo tuloy lumaki ang gastos natin,” sagot ng kaniyang ama-amahan.
“Ano’ng gusto mong gawin ko? Pigilan ang gusto ng anak natin? Eh, kahit naman ikaw hindi humindi noong sabihin niyang sa Amerika siya mag-aaral. At apat na taon na mula noong magsabi siya sa atin. Ni hindi makauwi dito ang anak natin dahil wala tayong sapat na pera para maipamasahe niya.”
“Sinabi mo iyan dapat kay Cerella, bago ninyo gawin ang bagay na iyon. Hindi sana nagkandaletse-letse ang buhay natin!”
“At ako pa ngayon ang sinisisi mo!” May kung anong nagpabagsakan sa sahig ng kwarto ng mga ito na ikinapitlag ni Julienne. Kanina pa siya sa labas ng silid ng mga ito dahil maglilinis sana siya roon. “Ginawa ko lang naman ang makapagpapaligaya sa kaniya— sa kanilang dalawa. Saka, nangako naman si Cerella na ibabalik lahat ng nagastos sa atin.”
“At nasaan ang pangako niya, ha? Hindi ba bangkay ang iniuwi sa atin ng kaniyang asawa!” sigaw ng kaniyang ama-amahan.
Narinig niya ang mabibigat na yabag nito kaya mabilis siyang tumakbo pababa. Nabitin ang kaniyang muling paghakbang pagdating niya sa sala nang bumungad sa kaniya ang isang may-edad pero magandang babae.
Napakunot ang noo niya. “Si—”
“Julienne!” malakas na sigaw ng kaniyang ama-amahan mula sa itaas. Napalingon sila roong pareho ng panauhin.
“Pumunta ka sa kusina at tapusin mo ang ginagawa mo roon,” utos nito na mariing nakatingin sa kaniya. Ang mga mata nito ay nagbabadya ng pagbabanta.
Madali siyang tumango at nagyuko ng ulo. “O-oho. . .” Nakalimutan niyang wala nga pala siyang suot na balabal sa loob ng bahay.
Agad siyang naglakad papunta sa kusina. Pero bago tuluyang mawala sa paningin niya ang bisita nila ay lumingon pa siya rito. Nakita niyang titig na titig ito sa kaniya.
“Kumare! Ano’ng ginagawa mo rito?”
Napabilis ang paglalakad niya nang marinig ang tinig ng amain. Hinihingal pa siya nang makarating sa kusina. Hindi niya kilala ang bisita nila pero parang pamilyar ito sa kaniya.
Huminga siya nang malalim at tumingin sa labas ng kanilang bahay. Marami talagang sekreto na itinatago ang kanilang pamilya at isa na siya roon. Ang akala nga ng mga nakakikilala sa kanila ay katulong talaga siya roon. Ang hindi alam ng mga ito ay anak din siya ni Theresa.
Kung may iba nga lang siguro siyang kamag-anak na kilala, doon na lang sana siya tumira. Walang problema kung alilain man siya roon. At least, hindi niya ramdam na sinasadyang kawawain siya ng kaniyang pamilya— lalo na ang kaniyang ina. Ni hindi nito magawang ipagtanggol siya noon kapag inaaway siya ng kambal na kapatid. Mabuti na nga lang ngayon at parehong wala roon ang mga kapatid.
Kung tutuusin, iisa na lang naman ang natitira dahil patay na ang isa. Pero kahit na ganoon, sobra-sobrang pahirap ang inabot niya sa mga ito. Abot hanggang langit kasi ang kasamaan ng mga ito— parang ang kaniyang amain. Noon, isang maliit na pagkakamali niya lang ay agad siyang pinagbubuhatan ng kamay nito. Pabaya naman ito ng kaniyang ina dahil ang turing nito sa kaniya ay isang pagkakamali.
Napabuntonghininga siya. Kahit ayaw niyang kinaaawaan ang sarili, hindi pa rin niya mapigilang makaramdam niyon.
Muli niyang hinarap ang naiwang gawain sa kusina kanina bago umakyat sa itaas. May mga hugasin pa siyang kaldero.
Binuksan niya ang gripo at sinumulang linisan ang mga iyon. May isang oras na siguro siyang naglilinis nang maramdamang may lumapit sa kaniya. Paglingon niya ay titig na titig sa kaniya ang amain.
Nakadama siya ng takot. “B-bakit ho?”
Hinaklit nito ang kaniyang braso. “Ano’ng ginawa mo?” matigas na tanong nito. Mahina lang iyon dahil ayaw siguro nitong marinig ng bisita nila ang sinasabi nito.
“H-hindi ko ho kayo naiintindihan.”
Mariin nitong pinisil ang braso niya. “Oras na malaman kong may kababalaghan kang ginawa, mananagot ka sa akin.” Isinalya siya nito. Tumama ang likuran niya sa gilid ng lababo. Napaigik siya sa sakit.
Umayos ito sa pagkakatayo. “Magbihis ka at mag-empake. Aalis tayo.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito.
Hindi niya alam ang nangyayari, pero bakit mas lalo yata siyang kinabahan. Ano bang nagawa niyang mali?
Hindi magkandaugaga si Julienne sa pagbubuhat ng kaniyang mga gamit papasok sa napakalaking mansyon na iyon ng mga Salviejo. Nakita kasi niya kanina ang napakalaking pangalan ng mga ito habang papasok sila sa gate ng hacienda. Halos malula siya sa lawak ng lupain ng mga ito, maging ang loob ng bahay dahil triple ang laki niyon kumpara sa bahay nila.Moderno ang napakalaking mansyon na iyon ng mga Salviejo. Doon nakatira ang pamilya ng in-law’s ng kapatid. Halatang renovated ang mansyon dahil bago na ang mga dingding niyon, habang nanatili sa orihinal ang mga pundasyon. Stylish with a touch of vintage ang disenyo ng bahay. Magaganda lahat ng mga kagamitan na halatang malaking pera ang halaga ng bawat isa. Marmol ang sahig niyon samantalang malamlam na krema ang floor to ceiling na dingding. May grand staircase iyon sa gitna, kanunog ng second floor. At nang tumingala siya, hindi niya mabilang kulang ilang silid mayroon sa itaas ng bahay. May pakiramdam siyang bibilang ng mga linggo bag
Nag-aalangang tumayo si Julienne at marahan ang mga hakbang na sumunod sa ginang. Halos hindi siya humihinga nang buksan nito ang pinto at bumulaga sa kanila ang madilim na silid.“Honey. . .” tawag ng ginang sa lalaki.“Yes, Mom. I’m here,” he answered in the sexiest bedroom voice she ever heard.Unang tinungo ng ginang ang sulok ng silid na iyon. Halatang sanay na ito sa ganoong tanawin doon.“I’ll open the window just a little bit,” anito. Kahit hindi pa sumasagot ang lalaki ay binuksan iyon ng ginang.Tumambad sa kaniya ang napakalaking silid. Very masculine ang interior niyon na magkahalong gray at black ang kulay. Bagay na bagay sa personalidad ng lalaki. May gasing laki ng bata na vase iyon sa isang sulok na may katabing pang-isahang upuan na yari sa ratan. May sariling banyo, closet, TV, sala set, ilang paintings, at ilang naka-frame na certificates na nakapatong sa isang shelf na nakakabit sa isang parte ng dingding. May mga libro din doon at CD’s.Nang lumingon siya sa gawin
“Narinig mo naman ako, hindi ba?” ani Brayden.Nataranta ito. “P-pero sabi ho ng mommy ninyo kaya niyo na raw ang sarili ninyo,” katwiran nito.Umiling siya. “Tatanggalin mo ba o pareho tayong mamamanghi rito?” Hindi niya alam kung bakit parang naaaliw siya sa pagkataranta ng babae. Nasisiguro niyang iyon ang unang beses na gagawin nito iyon.Atubiling tumayo ito sa harapan niya. Urong-sulong ang kamay nito na hawakan ang kaniyang suot na pajama.“Ano? Naiihi na ako!” may kalakasang reklamo niya na bahagya pang ikinaigtad ng babae.Lumunok ito at pikit-matang inililis pababa ang suot niya. Tinulungan naman niya ito habang marahang ikinikilos ang sarili.“Don’t go out. Just wait for me,” utos niya.He peed with her standing beside him. Kahit ayaw niyang mangiti, napangiti pa rin siya dahil mariing nakapikit ang babae, habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa magkabila nitong tenga. He knew right there and then that she’s a virgin. Obviously, kita naman sa mga reaksyon nito.When he fi
Napabalikwas ng bangon si Julienne nang biglang tumunog ang bell sa kaniyang tabi. Mabilis siyang tumayo at tuloy-tuloy na pumasok sa kabilang silid. Madilim doon pero sanay na rin ang mata niya. May isang linggo na rin kasi niyang pinagsisibilhan ang lalaki.“S-sir?” tawag niya rito na alam niyang nasa kama lang naman.“I need to pee,” paanas nitong wika.Lumapit siya sa kama nito at binuksan ang isang ilaw na dim lang ang dating. Alas-dos pa lang yata ng madaling araw pero ilang beses na siyang ginigising nito mula pa kaninang alas-diyes.Maingat niyang isinakay ang lalaki sa wheelchair nito saka ito dinala sa banyo. Kahit napakabigat ng lalaki ay hindi naman siya nagrereklamo. Mas maganda naman ang buhay niya sa mansyon ng mga Salviejo kaysa sa kanila. Saka, masarap pagmasdan ang maberdeng kapaligiran doon, dahil nasa isang malaking solar ang mansyon ng mga Salviejo sa gitna ng hasyenda ng mga ito na puno ng kung ano-anong puno.Hinubad niya ang pajama ng lalaki habang nakaiwas ang
Mahigit dalawang linggo na si Julienne na nagtatrabaho para kay Brayden, pero nahihiwagaan pa rin siya sa intensyon ng lalaki sa kaniya. Palaisipan din ang pabago-bagong ugali ng lalaki na hindi niya masakyan. Minsan para itong sweet na animo’y may relasyon sila kung umasta. Minsan naman para itong pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang kasungitan. At minsan, para siyang hindi nag-e-exist sa mudo kung itrato nito.Isa pa sa gumugulo sa kaniya ay ang halik na pinagsaluhan nila. Walang nababanggit ang lalaki tungkol doon mula nang mangyari iyon at hindi niya mapigilang mainis.Pero, sa isang banda ay kinakastigo niya ang sarili dahil wala naman talagang dahilan ang lalaki para magpaliwanag sa kaniya. Siya naman ang naunang lumapit dito. Para bang kung sa manok at palay, siya ang palay na lumapit sa manok at hindi naman siya nito tinanggihan. Binigyan pa nga nito nang katuparan ang itinatakbo ng isip niya noon.&l
Sa ikatlong pagkakataon ay natikmang muli ni Brayden ang naka-a-addict na mga labi ni Julienne. Gabi-gabing naglalaro sa kaniyang isipan ang tagpong iyon pagkatapos nilang mag-usap nito nang isang madaling araw. Pero nagkaroon lang siya ng pagkakataon na gawin ang nais nang ito mismo ang lumapit sa kaniya kanina. Akala ng babae ay tulog pa siya, pero ang hindi nito alam ay kumukuha lang talaga siya ng tyempo.At first, he just wanted to satisfy himself. Pero hindi nagtagal ay unti-unti na siyang nadadala ng ginagawa nila. Julienne never had her first kiss. Iyon ang sigurado niya. Kaya kahit hindi niya aminin sa sarili, nakadama siya ng kasiyahan sa kaalamang iyon. And it’s funny how for the first time, he taught a woman how to kiss properly. Ang mga babaeng dumadaan sa mga palad niya noon, kung hindi man marami ng karananasan ay hindi naman nagpapahuli para paluguran siya.But kissing Julienne is million times different c
Naghahanda ng pagkain ni Brayden si Julienne nang lapitan siya ni Mrs. Fontanilla.“Julienne, hija, puwede ba kitang makausap?” anito.Tumango siya. “Tungkol po saan?”Makahulugang tumingin ito sa kaniya. “About your aunt. Nagpunta siya rito kanina pero abala ka pa sa pag-iintindi kay Brayden.”Nagtaka siya sa narinig. Pero nang maalala kung sino ang tinutukoy nito, kinabahan siya. Ano naman kayang ipinunta roon ng kaniyang ina.“She asked me if you are fine here. Sinabi ko naman sa kaniya ang totoo,” sabi nito na parang nabasa ang laman ng isipan niya.“A-at. . . ano pa po?” nauutal niyang tanong. Alam niyang hindi lang iyon ang ipinunta ng ina roon.“She asked me for some— Brayden!” Nagulat ito nang makita ang lalaki sa kusina. Kahit siya ay nabigla rin.
Nalulula si Julienne habang iginagala ang mga mata sa loob ng napakalaking bahay na iyon. Pinaghalong sementado na may tiles, makakapal na bakal at bubog ang modernong bahay ni Brayden na nakatayo sa napakalaking lote sa loob ng magandang subdivision na iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay Green Sky Village ang nabasa niyang pangalan niyon sa labas na may naggagandahan at naglalakihang mga bahay.Moderno ang loob at labas ng bahay nito. Pili lang ang mga gamit na sadyang pinag-isipan pa nang husto kung aakma ba ang mga iyon doon. Kulay krema ang dingding niyon at may hagdanang kahoy sa isang tabi papunta sa ikalawang palapag. May apat na silid iyon sa itaas samantalang dalawa naman sa ibaba.Kanina, bago sila pumasok doon ay nakita niya rin ang alagang-alagang lawn ng lalaki. Maganda ang pagka-landscape niyon na alam niyang pinagkagastusan talaga. At hindi halatang hindi iyon tinirhan sa loob ng dalawang taon. May mga namumukadkad na iba&rsq
“Bilisan niyo nga, mga bakla! Baka mamaya niyan mahuli pa tayo!” hindi magkaintindihang mando ni John sa glam team na nag-aayos kay Julienne.It’s her big day. Her and Brayden.Dalawang buwan makalipas ang birthday party niya, itinakda ang kasal nila. It was a grand wedding. Maraming reporters, mga writer ng iba’t ibang magazines ang gustong masaksihan ang araw na iyon. They wanted to feature the so-called Wedding of the Century. Hindi lang kasi mga kilalang personalidad sa lipunan ang imbitado, imbitado rin ang mga naggagwapuhang bachelor’s sa buong bansa. Young bachelors that every woman is wishing for.They were about to be wed at Manila Cathedral. Ang pinakasikat na orchestra sa buong bansa ang kakanta roon, habang may ilang sikat din na celebreties ang naghandog ng awitin para sa kanila ni Brayden.Everyone is excited. Everyone is eargerly anticipa
Everything was back into normal. Parang walang nangyari at muling sumigla ang paligid. Magkahawak ang mga kamay na inikot nila ni Brayden ang lahat ng bisita na naroon. Julienne was glad to see her brother.“Akala ko hindi ka na darating,” aniya rito.“That’s not gonna happen, my dear sister. This is an important event. Hindi pinalalagpas ang ganitong pagkakataon,” anito bago siya hinalikan sa pisngi.“Thank you, Kuya. I owed you a lot— we owed you a lot.”Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Basta tandaan mo, lagi lang akong narito sa tabi mo. Kapag nag-away kayo ng asawa mo, isumbong mo agad sa akin. Madali lang naman na ipasundo ka gamit ang aking eroplano,” may halong pagyayabang na wika nito.“That will never happen, Dimitri,” singit ni Brayden sa kanila. “I told you, hinding-hindi na masasaktan
“Welcome! Welcome!” Nakangiting sinasalubong nina Brayden at Cerenna ang mga bisita. It was Julienne’s twenty-fifth birthday; the big day they’ve been waiting for.The party’s theme was masquerade. Naisip niyang ibase iyon sa birthday noon ni Cerella kung saan niya unang nakilala ang napakagandang asawa niya. Bagay na bagay rin iyon sa mga plano niya sa gabing iyon.As usual, his wearing his favorite color; blue tuxedo. And to compliment to his suit, Cerenna was wearing yellow satin haltered gown. Labas na labas ang mayaman nitong dibdib at ang makinis nitong likod. Kaya naman hindi mapigilan ng kanilang mga panauhin na mainggit sa kaniya.“Mommy! Daddy!” Tumitiling sinalubong ni Cerenna ang mga magulang nito.Nang magkausap sila noon nina Theresa at Carlito, sinabi ng mga ito na anak na rin ang turing ng mga ito kay Julienne— na sinakyan naman nila ng
Maagang bumangon si Brayden. It was still dawn. Tulog na tulog pa si Cerenna, epekto ng ipinainom niya rito. Cerenna tried to seduce him last night. Pero dahil alam na niya ang balak nito, inunahan na niya ang babae. And now, she was like sleeping beauty with no man who wanted to kiss her and wake her up.Mabilis siyang nagpalit ng damit. Running shorts at T-shirt na asul ang isinuot niya. He also wore his white sneakers bago lumabas ng kanilang bahay. Dumeretso siya sa garahe at inilabas ang kotse roon. Tiyak ang pagmamanehong tinalunton niya ang daan patungo sa isa sa mga kapitbahay niya roon.Nang tumigil ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay ni Jacob, inilabas niya ang duplicate key na ipinahiram nito sa kaniya. Buong bahay nito ay mayroon siyang duplicate key. Kaya kung gugustuhin niyang gumanti sa loko-loko niyang kaibigan, kayang-kaya niyang gawin iyon.Magaan ang mga paang umakyat siya sa ikalawang palapag. Nil
Brayden and Cerenna got back to Manila after they had dinner with her parents. Maayos ang naging usapan nila— umaayon sa mga plano niya ang lahat.“Where is Loida?” she asked. Ugali na kasi ni Loida na salubungin sila kapag dumating sa bahay.“Oh, I forgot to tell you. Pinagbakasyon ko muna siya,” aniya.“So, ibig bang sabihin? Tayo lang dito sa bahay?” May pilyang ngiting sumilay sa mga labi nito. Idinikit pa nito ang katawan sa kaniya.Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Jacob ang nasa caller ID.“Excuse me. Sasagutin ko lang ito.” Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagsimangot nito. Lihim naman siyang napangiti.“Yes? Something wrong?” tanong agad niya. Sa tuwing tatawag ito sa kaniya, hindi talaga niya mapigilang hindi kabahan.&
“Where is she?” tanong ni Brayden sa inang si Eirhyn pagdating niya sa hacienda.“She went out. Mag-m-mall daw muna siya,” sagot nito na mabilis siyang nilapitan. “May I see him?” Nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Gustong mapatirik ng mga mata niya. Parang ngayon pa lang, alam na niya kung sino ang magiging number one nilang kaagaw kay Adan.Dinukot niya ang telepono sa bulsa. “Here . . .” Ipinakita niya sa ina ang mga larawan ni Adan na siya mismo ang kumuha.“Oh! How cute!” Tutop nito ang bibig habang nangingilid ang mga luha.“Seriously?” Tinaasan niya ng kilay ang ina.Isang malakas na hampas sa braso ang natamo niya mula rito. Inirapan pa siya nito.“He’s my grandson, ano’ng ini-expect mo?” mataray nitong tanong.
Hinintay na ni Brayden na maka-recover ng lakas nito si Julienne. He still pretending that he didn’t know anything at all when he was calling Cerenna back in the Philippines. Kung magaling itong artista, mas magaling siya at ang mga taong nakapalibot dito. Pero ayon sa mommy niya, mukha naman raw hindi nalulungkot doon ang babae. Enjoy na enjoy nga raw itong maglibot sa hacienda.Naipaliwanag na nila ni Dimitri nang maayos kay Julienne ang mga nangyari. Hindi niya rin iyon pinatagal dahil ayaw na niyang magsinungaling pa sa asawa. Bukod sa galit, nasaktan din ito. Hindi rin nito inaasahan na kaya iyong gawin dito ng sarili nitong ina at kapatid. Julienne was devastated. Hindi rin nito napigilang umiyak. Pero pagkatapos noon, nakumbinsi niya ito sa mga planong binuo niya. Kaya sa araw na iyon ay naglalakad na sila palabas ng NAIA, habang magkahawak ang kanilang mga kamay.Ipinagamit sa kanila ni Dimitri ang private plane nito kaya kompo
Nagsalubong ang mga kilay ni Dimitri habang titig na titig din ito kay Julienne. He even leaned forward para mas lalo pang makita ang sinasabi niya, saka siya binalingan.“There’s none,” anito.Tiningnan niyang muli ang asawa. Muli ay ngumiwi ito. “She did it again! She’s in pain!” he exclaimed.“A-ahh . . .” Mahinang-mahina lang iyon pero dinig na dinig niya at kitang-kita niya kung paano nito ibinuka ang bibig.“Call the doc—”Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin nang mabilis na pinindot ni Dimitri ang emergency button sa gilid ng kama ni Julienne. Wala pang sampung segundo ay naroon na ang ilang nurse at doctor nito.“What happened?” the woman dressed in doctor’s lab asked. Hinala niya ay ito ang OB ng kaniyang asawa.“She said something. I t
Texas, USA.Brayden’s pace was in a hurry. Nagmamadali siyang makita ang pakay niya sa lugar na iyon.“This way, Sir,” anang driver ng sasakyang sumundo sa kaniya sa airport kanina. Tauhan ito nang mismong pakay niya roon.“Thanks.” Ngumiti siya rito bago tinungo ang silid na itinuro nito. Matagal siyang nanatili sa labas niyon bago nakuhang pihitin ang seradura. Dahan-dahan niyang iniawang ang pinto. At habang ginagawa iyon, hindi siya halos humihinga.When he finally opened it wide, unang nag-landing ang mga mata niya sa kamang nasa gitna ng silid na iyon. Biglang naging mabuway ang kaniyang pagkakatayo. Napaluhod siya sa sahig kasabay ng pagyugyog ng kaniyang mga balikat.He’s crying. Sari-saring emosyon ang lumukob sa kaniya pero mas lamang doon ang matinding pangungulila. Ang matagal na panahon niyang pagtitikis para sa kaligtasan ng pinakamamahal niya.