Hindi magkandaugaga si Julienne sa pagbubuhat ng kaniyang mga gamit papasok sa napakalaking mansyon na iyon ng mga Salviejo. Nakita kasi niya kanina ang napakalaking pangalan ng mga ito habang papasok sila sa gate ng hacienda. Halos malula siya sa lawak ng lupain ng mga ito, maging ang loob ng bahay dahil triple ang laki niyon kumpara sa bahay nila.
Moderno ang napakalaking mansyon na iyon ng mga Salviejo. Doon nakatira ang pamilya ng in-law’s ng kapatid. Halatang renovated ang mansyon dahil bago na ang mga dingding niyon, habang nanatili sa orihinal ang mga pundasyon. Stylish with a touch of vintage ang disenyo ng bahay. Magaganda lahat ng mga kagamitan na halatang malaking pera ang halaga ng bawat isa. Marmol ang sahig niyon samantalang malamlam na krema ang floor to ceiling na dingding. May grand staircase iyon sa gitna, kanunog ng second floor. At nang tumingala siya, hindi niya mabilang kulang ilang silid mayroon sa itaas ng bahay. May pakiramdam siyang bibilang ng mga linggo bago niya masaulo ang buong kabahayan.
Pero bakit nga ba naroon siya?
“Simula ngayon, dito ka na titira. Dito ka na magtatrabaho,” anang kaniyang amain na sumagot mismo sa tanong niya sa isip.
“H-ho? Bakit ho? Paano ho sa bahay?”
“Huwag ka ng magtanong pa! Ito lang ang paraan mo para makabayad sa mga nagastos ko sa iyo at sa pagpapatuloy sa iyo sa bahay ko! Kaya lahat ng kikitain mo rito ay sa akin mapupunta, maliwanag ba?” paangil na wika nito.
Mabilis na tumango si Julienne. “P-pero. . . p’wede ko ho bang malaman kung ano ang magiging trabaho ko rito?” Kanina pa siya kinakabahan nang malaman niyang sa mga Salviejo sila pupunta. May palagay kasi siyang may hindi magandang mangyayari.
Umiling ito. “Hindi ko alam kung ano ang partikular na trabaho mo rito, pero gusto kong umayos ka. Bahay ito ng byenan ng kapatid mo. Huwag na huwag mong masabi-sabi sa kanila na anak ka ng iyong ina at ama-amahan mo ako. Nagkakaintindihan ba tayo, Julienne?”
Muli siyang tumango ngunit sa isip-isip ay huli na para doon. Nasabi na niya sa bayaw kung sino talaga siya. Dalangin na lang niya na sana ay hindi ito magsalita tungkol doon dahil malilintikan talaga siya sa amain.
“H-hindi niyo ho ba talaga alam ang magiging trabaho ko rito?” tanong ulit niya. Ang kaba niya ay mas lalo pang tumindi dahil sa banta ng amain.
Umismid ito. “Ang kulit mo! Ano pa ba’ng inaasahan mong trabaho? Malamang katulong nila! Iyon lang naman ang alam mong gawin, hindi ba?” inis na tugon nito.
Bahagya siyang nasaktan sa narinig. Kung pinapasok kasi siya nito ng kolehiyo, hindi sana pangangatulungan lang ang magagawa niya. Hindi sana siya nakakulong lang sa bahay nito at alila ng sariling pamilya. Kung nakapag-aral siya at natupad ang nais niyang maging isang nurse, baka iba-iba ang buhay niya. Baka sakaling wala siya sa bahay nito at hindi umaasa rito.
Pero inunahan agad siya noon ng amain. Sinabi na agad nitong hanggang high school na lang siya, kaya wala siyang nagawa kun’di ang mamuhay sa nais nito at ng kaniyang ina.
“Huwag kang gagawa ng kahit na anong ikapapahamak namin, Julienne. Ipakamahiya mo kami sa aking balae. Ayokong makaririnig ako ni isang reklamo sa kaniya dahil kung hindi, wala ka ng bahay na babalikan,” pananakot nito.
“O-oho.” Pero sa isip niya, mas mabuti na ang mangyari iyon. Dahil kahit papaano, makalalaya na siya sa buhay na ipinamulat ng mga ito sa kaniya.
“Naririto na pala kayo, balae,” anang may edad na babae na pababa ng hagdanan. Ito ang dumating sa bahay nila kanina. Para itong isang reyna na bumaba upang batiin ang nasasakupan nito. At kahit may-edad, hindi maitatanggi ang gandang tinataglay.
“Oo, balae. Hindi ko naman gustong ipagsawalang bahala ang hiling mo. Kaya kahit mahirap para sa amin na bitawan itong pamangkin kong si Julienne, ipinauubaya ko na siya sa iyo,” anang kaniyang amain.
Tiningnan siya ng babae. Mahigpit naman niyang kinapitan ang balabal na nakatakip sa kaniyang pisngi.
Ngumiti ito sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, hindi ko siya ituturing na iba sa pamamahay namin. Kung paano niyo siya tratuhin sa inyo, ganoon din ang magiging trato namin sa kaniya rito. Nakikita ko naman na isa siyang mabuti at masunuring bata,” anito.
Mabilis na tumango ang kaniyang amain. “Naku, oo! Napakabait na bata nitong si Julienne. Hinding-hindi niya ako ipahihiya sa iyo. Saka, tama ka. Hindi na iba ang turing namin sa kaniya dahil nga anak siya ng yumao kong kapatid. Kaya parang anak na rin ang turing ko sa kaniya.” Ngumiti nang malapad ang amain niya sa kaharap.
“Sige na, hija. Magpaalam ka na sa tiyo mo.” Siya naman ang binalingan ng ginang.
Tiningnan niya ang amain. “S-sige ho, t-tiyo. Ako na ho ang bahala sa sarili ko,” kinakabahang wika niya.
Tumango ito. “Tandaan mo ang mga bilin ko sa iyo, Julienne. Magpakabuti ka rito at huwag magpapabaya.”
Isang marahang tango lang ang isinagot niya rito, saka hinarap ang may-edad na babae.
“Sandali, tatawagin ko lang si Manang Santa.” Bumaling ito sa may bandang kusina. “Manang Santa! Manang Santa!”
“Po, Ma’am.” Lumapit sa kanila ang isa ring may-edad ng babae.
“Ituro mo kay Julienne ang magiging silid niya,” utos ng ginang.
“Sige po.” Binalingan siya ng katulong. “Halika, sumunod ka sa akin.” Tahimik naman siyang sumunod dito. Pero sa pagtataka niya, hindi siya sa likod ng bahay nito dinala— kung saan madalas ay naroroon ang tulugan ng mga katulong. Sa isang magandang silid siya nito pinapasok.
“N-nagkakamali po yata kayo. Hindi po ako bisita rito,” nauutal niyang wika nang igala ang mga mata sa paligid.
Napakaganda at napakalamig sa mata ng silid na iyon. Ang malaking sliding na pintuan sa kanluran ay nakabukas at pumapasok ang malamig na hangin sa loob. Bulaklakin ang kurtina niyon na pinaghalong puti at dilaw. Ang wallpaper naman ay dilaw rin. Kulay brown ang tiles ng sahig at may malaking kama sa gitna na nasisiguro niyang malambot. May isang bedside table iyon at lampshade. Mayroon ding sariling banyo at closet. Bukod sa mga iyon, may sarili rin iyong TV at isang pahabang sofa sa gilid.
“Hindi, hija. Ito talaga ang magiging silid mo para malapit ka kay Sir,” sagot nito saka ngumiti sa kaniya. “Ako nga pala si Manang Santa. Ano’ng pangalan mo?”
“A-ah. . . Julienne po,” kiming tugon niya.
“Sige na. Ayusin mo na ang mga gamit mo sa closet.” Tumalikod na ito pero mabilis niyang pinigilan.
“A-ano po’ng ibig ninyong sabihin na para malapit ako kay Sir? Sino po ang tinutukoy ninyo?” sunod-sunod niyang tanong.
“Ang tinutukoy ko ay si—”
“Santa, ako na rito,” ani Mrs. Fontanilla, kung hindi siya nagkakamali— na bigla na lang pumasok sa kinaroroonan nila. Iyon ang alam niyang apelyido ng napangasawa ni Cerella. Isa pa, mas kilala kasi sa lugar nila ang mga Salviejo. Sa laki ng hasyenda ng mga ito, halos sila na ang nagbibigay ng trabaho sa buong Tierra del Ricos.
“Sige po, Ma’am.” At iniwan na sila roon ni Manang Santa.
Pagkasara nito ng pintuan ay hinarap siya ni Mrs. Fontanilla. Ngumiti ito sa kaniya. “Kilala mo na ako hindi ba?”
Tumango siya. “O-opo, Ma’am,” nahihiyang tugon niya at nagyuko ng ulo. Hindi siya sanay na may ibang taong nakahaharap, lalo pa at parang hindi natatakot ang mga ito sa kaniya.
“It’s alright, hija. You don’t need to be shy,” anito.
Alanganin siyang muling nag-angat ng ulo at tiningnan ito.
Ngumiti itong muli. Ginantihan naman niya iyon ng kiming ngiti.
“Alam kong nagtataka ka kung bakit bigla-bigla na lang ay naririto ka sa aming bahay. Pero ngayon pa lang, guso ko na ikaw pasalamatan,” umpisa nito.
“P-po?” Mali yata ang narinig niya. Bakit siya pinasasalamatan nito? Ni wala pa nga siyang nauumpisahang trabaho.
“You, maybe the reason.”
Mas lalo siyang nalito. “Hindi ko po kayo nauunawaan.”
Umiling ito. “Mauunawaan mo rin ako pagdating ng panahon pero sa ngayon, ako na ang magsasabi sa iyo ng mga nararapat mong gawin.” Naglakad ito sa isang parte ng silid niya kung saan may isang pintuan. “Ito nga pala ang silid ng anak ko. Natutulog pa siya kaya hindi pa tayo maaaring pumasok sa loob. Bale, ikaw ngayon ang magiging personal assistant niya.”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “P-personal assistant ho?” Sino ba’ng anak ang tinutukoy nito?
Tumango ito. “Yes, hija. Ikaw ang a-attend sa lahat ng pangangailangan niya. Mula sa pagkain, pag-inom ng gamot, paliligo at kung ano pang mga kailangan niyang gawin. Mas maganda kung mailalabas mo siya sa kaniyang silid.”
“T-teka ho. P-paliligo ho? Sino ho ba ang tinutukoy ninyo?”
Ayon na naman ang kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Ang tumatakbo sa isip niya ay ang bayaw, pero malabo naman sigurong mangyari iyon. Imposible iyon. Baka naman nag-ampon ito ng baby si Mrs. Fontanilla. Narinig niya kasi noon sa ina at amain na may malaking foundation ito para sa mga bata. Baka isa sa mga iyon ang inampon nito.
“Ang anak ko. Ang napangasawa ni Cerella.”
“Ho?!” napakalas na bulalas niya kasabay ng mabilis na pagtutop sa bibig. Parang lahat yata ng dugo niya sa katawan ay nawala. Bigla siyang namutla. “P-pasensya na ho, pero bakit ho ako? Wala naman ho akong alam sa pagiging personal assistant.”
Ganoon pala ang tawag kapag mag-aalaga ka ng isang tao. Akala niya kasi yaya o kaya caregiver.
“Hindi ko rin alam, hija, kung bakit ikaw ang pinili ng anak ko,” pag-amin nito.
Mas lalo siyang nagtaka sa narinig. “S-siya ho mismo ang nagpasok sa akin dito?”
Tumango itong muli. “Oo, hija. Pero sa nakikita ko naman, mabait kang bata. Iyon siguro ang nagustuhan ng anak ko sa iyo. Magaling kasi siyang kumilatis ng tao.”
Napailing siya sa sarili. Hindi siya sang-ayon sa sinabi nito dahil hindi nalaman ng kaniyang bayaw kung anong klaseng tao ang napangasawa nito.
“Pasensya na, hija, kung nabigla kita.” Lumapit ito sa kaniya at hinila siya paupo sa kama. Huminga ito nang malalim. “I know this is very unusual to you, but I want to ask you a favor. Ikaw na lang kasi ang pag-asa ko.” Ang mga mata nito ay nakikiusap na nakatitig sa kaniya.
“A-ano po iyon?” Pakiramdam niya sa mga sandaling iyon, bigla na lang siyang bubulagta sa sahig. Para kasing lulukso na ang puso niya sa dibdib sa tindi ng kabang nadarama.
“Gusto kong gumaling ang anak ko. At gusto ko, ikaw ang gumawa niyon.”
“A-ako ho? Bakit ho ako?” hindi makapaniwalang tanong niya. Mas lalo lang siyang naguluhan sa mga nangyayari.
Nagkibit ito ng mga balikat. “I don’t know, but my son chose you. Ito ang unang beses na nangyari iyon sa loob ng dalawang taong pagkawala ni Cerella. Kaya umaasa akong dahil sa iyo, gagaling siya at mahihikayat mo siyang lumabas sa kaniyang silid. Kapag nagawa mo iyon, gagawin ko kahit na anong hilingin mo sa akin.”
Bigla siyang naging interesado sa narinig. “Kahit ano ho?”
Mabilis na tumango ang may-edad na babae. “Yes, hija. Kahit ano.”
Napalunok siya at sandaling nag-isip. “T-titingnan ko ho. Pero hindi ko ho maipapangako sa inyo.”
Ngumiti ito nang matamis sa kaniya. “Sapat na sa akin ang sagot mo. Pero ano ba ang kahilingan mo para maihanda ko na.”
Napayuko siya sa magkasag-op na mga palad. “Saka ko na lang ho sasabihin sa inyo kapag nagawa ko na ang gusto ninyong mangyari.”
Hinawakan nito ang kamay niya. Napatingin siya roon, pagkuwa’y dito.
“Salamat, hija.”
Ngumiti siya rito nang biglang mapaigtad. May bigla kasing tumunog sa loob ng silid na iyon.
Tumayo ang ginang. “Gising na siya. Come. . . I will introduce him to you.”
Nag-aalangang tumayo si Julienne at marahan ang mga hakbang na sumunod sa ginang. Halos hindi siya humihinga nang buksan nito ang pinto at bumulaga sa kanila ang madilim na silid.“Honey. . .” tawag ng ginang sa lalaki.“Yes, Mom. I’m here,” he answered in the sexiest bedroom voice she ever heard.Unang tinungo ng ginang ang sulok ng silid na iyon. Halatang sanay na ito sa ganoong tanawin doon.“I’ll open the window just a little bit,” anito. Kahit hindi pa sumasagot ang lalaki ay binuksan iyon ng ginang.Tumambad sa kaniya ang napakalaking silid. Very masculine ang interior niyon na magkahalong gray at black ang kulay. Bagay na bagay sa personalidad ng lalaki. May gasing laki ng bata na vase iyon sa isang sulok na may katabing pang-isahang upuan na yari sa ratan. May sariling banyo, closet, TV, sala set, ilang paintings, at ilang naka-frame na certificates na nakapatong sa isang shelf na nakakabit sa isang parte ng dingding. May mga libro din doon at CD’s.Nang lumingon siya sa gawin
“Narinig mo naman ako, hindi ba?” ani Brayden.Nataranta ito. “P-pero sabi ho ng mommy ninyo kaya niyo na raw ang sarili ninyo,” katwiran nito.Umiling siya. “Tatanggalin mo ba o pareho tayong mamamanghi rito?” Hindi niya alam kung bakit parang naaaliw siya sa pagkataranta ng babae. Nasisiguro niyang iyon ang unang beses na gagawin nito iyon.Atubiling tumayo ito sa harapan niya. Urong-sulong ang kamay nito na hawakan ang kaniyang suot na pajama.“Ano? Naiihi na ako!” may kalakasang reklamo niya na bahagya pang ikinaigtad ng babae.Lumunok ito at pikit-matang inililis pababa ang suot niya. Tinulungan naman niya ito habang marahang ikinikilos ang sarili.“Don’t go out. Just wait for me,” utos niya.He peed with her standing beside him. Kahit ayaw niyang mangiti, napangiti pa rin siya dahil mariing nakapikit ang babae, habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa magkabila nitong tenga. He knew right there and then that she’s a virgin. Obviously, kita naman sa mga reaksyon nito.When he fi
Napabalikwas ng bangon si Julienne nang biglang tumunog ang bell sa kaniyang tabi. Mabilis siyang tumayo at tuloy-tuloy na pumasok sa kabilang silid. Madilim doon pero sanay na rin ang mata niya. May isang linggo na rin kasi niyang pinagsisibilhan ang lalaki.“S-sir?” tawag niya rito na alam niyang nasa kama lang naman.“I need to pee,” paanas nitong wika.Lumapit siya sa kama nito at binuksan ang isang ilaw na dim lang ang dating. Alas-dos pa lang yata ng madaling araw pero ilang beses na siyang ginigising nito mula pa kaninang alas-diyes.Maingat niyang isinakay ang lalaki sa wheelchair nito saka ito dinala sa banyo. Kahit napakabigat ng lalaki ay hindi naman siya nagrereklamo. Mas maganda naman ang buhay niya sa mansyon ng mga Salviejo kaysa sa kanila. Saka, masarap pagmasdan ang maberdeng kapaligiran doon, dahil nasa isang malaking solar ang mansyon ng mga Salviejo sa gitna ng hasyenda ng mga ito na puno ng kung ano-anong puno.Hinubad niya ang pajama ng lalaki habang nakaiwas ang
Mahigit dalawang linggo na si Julienne na nagtatrabaho para kay Brayden, pero nahihiwagaan pa rin siya sa intensyon ng lalaki sa kaniya. Palaisipan din ang pabago-bagong ugali ng lalaki na hindi niya masakyan. Minsan para itong sweet na animo’y may relasyon sila kung umasta. Minsan naman para itong pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang kasungitan. At minsan, para siyang hindi nag-e-exist sa mudo kung itrato nito.Isa pa sa gumugulo sa kaniya ay ang halik na pinagsaluhan nila. Walang nababanggit ang lalaki tungkol doon mula nang mangyari iyon at hindi niya mapigilang mainis.Pero, sa isang banda ay kinakastigo niya ang sarili dahil wala naman talagang dahilan ang lalaki para magpaliwanag sa kaniya. Siya naman ang naunang lumapit dito. Para bang kung sa manok at palay, siya ang palay na lumapit sa manok at hindi naman siya nito tinanggihan. Binigyan pa nga nito nang katuparan ang itinatakbo ng isip niya noon.&l
Sa ikatlong pagkakataon ay natikmang muli ni Brayden ang naka-a-addict na mga labi ni Julienne. Gabi-gabing naglalaro sa kaniyang isipan ang tagpong iyon pagkatapos nilang mag-usap nito nang isang madaling araw. Pero nagkaroon lang siya ng pagkakataon na gawin ang nais nang ito mismo ang lumapit sa kaniya kanina. Akala ng babae ay tulog pa siya, pero ang hindi nito alam ay kumukuha lang talaga siya ng tyempo.At first, he just wanted to satisfy himself. Pero hindi nagtagal ay unti-unti na siyang nadadala ng ginagawa nila. Julienne never had her first kiss. Iyon ang sigurado niya. Kaya kahit hindi niya aminin sa sarili, nakadama siya ng kasiyahan sa kaalamang iyon. And it’s funny how for the first time, he taught a woman how to kiss properly. Ang mga babaeng dumadaan sa mga palad niya noon, kung hindi man marami ng karananasan ay hindi naman nagpapahuli para paluguran siya.But kissing Julienne is million times different c
Naghahanda ng pagkain ni Brayden si Julienne nang lapitan siya ni Mrs. Fontanilla.“Julienne, hija, puwede ba kitang makausap?” anito.Tumango siya. “Tungkol po saan?”Makahulugang tumingin ito sa kaniya. “About your aunt. Nagpunta siya rito kanina pero abala ka pa sa pag-iintindi kay Brayden.”Nagtaka siya sa narinig. Pero nang maalala kung sino ang tinutukoy nito, kinabahan siya. Ano naman kayang ipinunta roon ng kaniyang ina.“She asked me if you are fine here. Sinabi ko naman sa kaniya ang totoo,” sabi nito na parang nabasa ang laman ng isipan niya.“A-at. . . ano pa po?” nauutal niyang tanong. Alam niyang hindi lang iyon ang ipinunta ng ina roon.“She asked me for some— Brayden!” Nagulat ito nang makita ang lalaki sa kusina. Kahit siya ay nabigla rin.
Nalulula si Julienne habang iginagala ang mga mata sa loob ng napakalaking bahay na iyon. Pinaghalong sementado na may tiles, makakapal na bakal at bubog ang modernong bahay ni Brayden na nakatayo sa napakalaking lote sa loob ng magandang subdivision na iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay Green Sky Village ang nabasa niyang pangalan niyon sa labas na may naggagandahan at naglalakihang mga bahay.Moderno ang loob at labas ng bahay nito. Pili lang ang mga gamit na sadyang pinag-isipan pa nang husto kung aakma ba ang mga iyon doon. Kulay krema ang dingding niyon at may hagdanang kahoy sa isang tabi papunta sa ikalawang palapag. May apat na silid iyon sa itaas samantalang dalawa naman sa ibaba.Kanina, bago sila pumasok doon ay nakita niya rin ang alagang-alagang lawn ng lalaki. Maganda ang pagka-landscape niyon na alam niyang pinagkagastusan talaga. At hindi halatang hindi iyon tinirhan sa loob ng dalawang taon. May mga namumukadkad na iba&rsq
Present day . . .“Bakit ganiyan ang suot mo?” Salubong ang mga kilay na nakatingin sa kaniya si Brayden nang makita nito ang itsura niya. Hindi naman luma ang bestida niyang suot pero balot na balot ang buong katawan niya at halata ring mumurahin lang iyon.“I-ito lang ang maayos na damit na mayroon ako,” kiming tugon niya. Bigla siyang nakadama ng panliliit. Alam naman niyang hindi siya nababagay sa lalaki, pero kapag ganoong hantaran ang pamumuna nito, mas lalo siyang nawawalan ng kumpyansa sa sarili.Huminga ito nang malalim. “I ordered my mom to buy you clothes. Hindi ba dala mo naman ang lahat ng iyon?”Kagat ang labing tumango siya.“Then don’t say to me na iyan na ang pinakamaayos mong damit. I bought that for you kaya sa iyo na iyon. Pag-aari mo na.”“P-pero. . .”
“Bilisan niyo nga, mga bakla! Baka mamaya niyan mahuli pa tayo!” hindi magkaintindihang mando ni John sa glam team na nag-aayos kay Julienne.It’s her big day. Her and Brayden.Dalawang buwan makalipas ang birthday party niya, itinakda ang kasal nila. It was a grand wedding. Maraming reporters, mga writer ng iba’t ibang magazines ang gustong masaksihan ang araw na iyon. They wanted to feature the so-called Wedding of the Century. Hindi lang kasi mga kilalang personalidad sa lipunan ang imbitado, imbitado rin ang mga naggagwapuhang bachelor’s sa buong bansa. Young bachelors that every woman is wishing for.They were about to be wed at Manila Cathedral. Ang pinakasikat na orchestra sa buong bansa ang kakanta roon, habang may ilang sikat din na celebreties ang naghandog ng awitin para sa kanila ni Brayden.Everyone is excited. Everyone is eargerly anticipa
Everything was back into normal. Parang walang nangyari at muling sumigla ang paligid. Magkahawak ang mga kamay na inikot nila ni Brayden ang lahat ng bisita na naroon. Julienne was glad to see her brother.“Akala ko hindi ka na darating,” aniya rito.“That’s not gonna happen, my dear sister. This is an important event. Hindi pinalalagpas ang ganitong pagkakataon,” anito bago siya hinalikan sa pisngi.“Thank you, Kuya. I owed you a lot— we owed you a lot.”Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Basta tandaan mo, lagi lang akong narito sa tabi mo. Kapag nag-away kayo ng asawa mo, isumbong mo agad sa akin. Madali lang naman na ipasundo ka gamit ang aking eroplano,” may halong pagyayabang na wika nito.“That will never happen, Dimitri,” singit ni Brayden sa kanila. “I told you, hinding-hindi na masasaktan
“Welcome! Welcome!” Nakangiting sinasalubong nina Brayden at Cerenna ang mga bisita. It was Julienne’s twenty-fifth birthday; the big day they’ve been waiting for.The party’s theme was masquerade. Naisip niyang ibase iyon sa birthday noon ni Cerella kung saan niya unang nakilala ang napakagandang asawa niya. Bagay na bagay rin iyon sa mga plano niya sa gabing iyon.As usual, his wearing his favorite color; blue tuxedo. And to compliment to his suit, Cerenna was wearing yellow satin haltered gown. Labas na labas ang mayaman nitong dibdib at ang makinis nitong likod. Kaya naman hindi mapigilan ng kanilang mga panauhin na mainggit sa kaniya.“Mommy! Daddy!” Tumitiling sinalubong ni Cerenna ang mga magulang nito.Nang magkausap sila noon nina Theresa at Carlito, sinabi ng mga ito na anak na rin ang turing ng mga ito kay Julienne— na sinakyan naman nila ng
Maagang bumangon si Brayden. It was still dawn. Tulog na tulog pa si Cerenna, epekto ng ipinainom niya rito. Cerenna tried to seduce him last night. Pero dahil alam na niya ang balak nito, inunahan na niya ang babae. And now, she was like sleeping beauty with no man who wanted to kiss her and wake her up.Mabilis siyang nagpalit ng damit. Running shorts at T-shirt na asul ang isinuot niya. He also wore his white sneakers bago lumabas ng kanilang bahay. Dumeretso siya sa garahe at inilabas ang kotse roon. Tiyak ang pagmamanehong tinalunton niya ang daan patungo sa isa sa mga kapitbahay niya roon.Nang tumigil ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay ni Jacob, inilabas niya ang duplicate key na ipinahiram nito sa kaniya. Buong bahay nito ay mayroon siyang duplicate key. Kaya kung gugustuhin niyang gumanti sa loko-loko niyang kaibigan, kayang-kaya niyang gawin iyon.Magaan ang mga paang umakyat siya sa ikalawang palapag. Nil
Brayden and Cerenna got back to Manila after they had dinner with her parents. Maayos ang naging usapan nila— umaayon sa mga plano niya ang lahat.“Where is Loida?” she asked. Ugali na kasi ni Loida na salubungin sila kapag dumating sa bahay.“Oh, I forgot to tell you. Pinagbakasyon ko muna siya,” aniya.“So, ibig bang sabihin? Tayo lang dito sa bahay?” May pilyang ngiting sumilay sa mga labi nito. Idinikit pa nito ang katawan sa kaniya.Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Jacob ang nasa caller ID.“Excuse me. Sasagutin ko lang ito.” Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagsimangot nito. Lihim naman siyang napangiti.“Yes? Something wrong?” tanong agad niya. Sa tuwing tatawag ito sa kaniya, hindi talaga niya mapigilang hindi kabahan.&
“Where is she?” tanong ni Brayden sa inang si Eirhyn pagdating niya sa hacienda.“She went out. Mag-m-mall daw muna siya,” sagot nito na mabilis siyang nilapitan. “May I see him?” Nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Gustong mapatirik ng mga mata niya. Parang ngayon pa lang, alam na niya kung sino ang magiging number one nilang kaagaw kay Adan.Dinukot niya ang telepono sa bulsa. “Here . . .” Ipinakita niya sa ina ang mga larawan ni Adan na siya mismo ang kumuha.“Oh! How cute!” Tutop nito ang bibig habang nangingilid ang mga luha.“Seriously?” Tinaasan niya ng kilay ang ina.Isang malakas na hampas sa braso ang natamo niya mula rito. Inirapan pa siya nito.“He’s my grandson, ano’ng ini-expect mo?” mataray nitong tanong.
Hinintay na ni Brayden na maka-recover ng lakas nito si Julienne. He still pretending that he didn’t know anything at all when he was calling Cerenna back in the Philippines. Kung magaling itong artista, mas magaling siya at ang mga taong nakapalibot dito. Pero ayon sa mommy niya, mukha naman raw hindi nalulungkot doon ang babae. Enjoy na enjoy nga raw itong maglibot sa hacienda.Naipaliwanag na nila ni Dimitri nang maayos kay Julienne ang mga nangyari. Hindi niya rin iyon pinatagal dahil ayaw na niyang magsinungaling pa sa asawa. Bukod sa galit, nasaktan din ito. Hindi rin nito inaasahan na kaya iyong gawin dito ng sarili nitong ina at kapatid. Julienne was devastated. Hindi rin nito napigilang umiyak. Pero pagkatapos noon, nakumbinsi niya ito sa mga planong binuo niya. Kaya sa araw na iyon ay naglalakad na sila palabas ng NAIA, habang magkahawak ang kanilang mga kamay.Ipinagamit sa kanila ni Dimitri ang private plane nito kaya kompo
Nagsalubong ang mga kilay ni Dimitri habang titig na titig din ito kay Julienne. He even leaned forward para mas lalo pang makita ang sinasabi niya, saka siya binalingan.“There’s none,” anito.Tiningnan niyang muli ang asawa. Muli ay ngumiwi ito. “She did it again! She’s in pain!” he exclaimed.“A-ahh . . .” Mahinang-mahina lang iyon pero dinig na dinig niya at kitang-kita niya kung paano nito ibinuka ang bibig.“Call the doc—”Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin nang mabilis na pinindot ni Dimitri ang emergency button sa gilid ng kama ni Julienne. Wala pang sampung segundo ay naroon na ang ilang nurse at doctor nito.“What happened?” the woman dressed in doctor’s lab asked. Hinala niya ay ito ang OB ng kaniyang asawa.“She said something. I t
Texas, USA.Brayden’s pace was in a hurry. Nagmamadali siyang makita ang pakay niya sa lugar na iyon.“This way, Sir,” anang driver ng sasakyang sumundo sa kaniya sa airport kanina. Tauhan ito nang mismong pakay niya roon.“Thanks.” Ngumiti siya rito bago tinungo ang silid na itinuro nito. Matagal siyang nanatili sa labas niyon bago nakuhang pihitin ang seradura. Dahan-dahan niyang iniawang ang pinto. At habang ginagawa iyon, hindi siya halos humihinga.When he finally opened it wide, unang nag-landing ang mga mata niya sa kamang nasa gitna ng silid na iyon. Biglang naging mabuway ang kaniyang pagkakatayo. Napaluhod siya sa sahig kasabay ng pagyugyog ng kaniyang mga balikat.He’s crying. Sari-saring emosyon ang lumukob sa kaniya pero mas lamang doon ang matinding pangungulila. Ang matagal na panahon niyang pagtitikis para sa kaligtasan ng pinakamamahal niya.